Share

Chapter 5

After akong ihatid ni Gerald sa bahay ay pumanik agad ako sa kwarto ni Jessa, agad kong hinanap si Mama pagkabihis ko. Marami akong gustong itanong tungkol sa kakambal ko.

"Mama pwede ba tayong mag-usap?"

"Oh, anak, nakauwi ka na pala? Hinatid ka ba ni Gerald?"

"Ma, totoo ba lahat ng sinabi ni Gerald?"

"Alin, anak?" Halatang parang natense si Mama dahil sa tanong ko.

"Ma, parang malandi ang pagkakilala niya kay Jessa!"

"Anak... Kasi si Jessa, ang kakambal mo ay totoong spoiled siya sakin. Laman siya ng bar gabi-gabi. Marami narin siyang nakasamang lalaki, alam lahat yun ni Gerald kaya ayaw niya sa kakambal mo. Pero si Jessa... mahal niya talaga si Gerald college days pa lang sila. Pero dahil kilala niya si Jessa bilang isang maarte, spoiled brat, at marami ng naging nobyo ay binalewala lang niya ang kapatid mo."

"Ma, naman! Bakit hindi niyo sinabi agad? Muntik na akong mabuko kanina!"

"Anak, natatakot kasi ako, baka umatras ka..."

"Bakit? Saan ba kayo natatakot, Ma? Na hindi matuloy ang kasal at hindi niyo makuha ang mukukuha niyong mana sa lola ni Gerald?"

Halatang nagulat si Mama na pati iyon ay alam ko na rin.

"Sinabi niya rin sayo?"

"Ma, nagpapanggap ako bilang si Jessa! Dapat alam ko ang lahat! Ano pa ba ang hindi ko alam?!"

"Anak, yung tungkol sa mana... gusto na ni Donya Marita na mag-asawa na si Gerald. Namayapa na ang mga magulang ni Gerald at si Gerald lang ang nag-iisang apo. Matanda na ang lola ni Gerald at natatakot ang mga itong maiwang nag-iisa si Gerald."

"Paano niyo nakilala ang pamilya nila?"

"Magkakilala kami noon pa ni Donya Marita, at gusto niyang ipakasal ang kapatid mo at si Gerald. Natuwa si Jessa dahil matagal na siyang may gusto kay Gerald, pero nagalit si Gerald. Takot lamang ito sa Lola niya kaya ito pumayag."

Napahilot sa sintido Jessica. Masyado palang komplikado itong pinasok niya. Sana lamang ay magising na agad si Jessa dahil hindi na niya kinakaya ang mga nalalaman. Pakiramdam niya ang sasabog na ang ulo niya.

"Wala na ba silang ibang kamag-anak?"

"May kapatid ang papa ni Gerald na hayok sa kayamanan at pinagbantaan niya si Gerald na ipamamana lahat ng ari-arian nito sa Uncle Melchior niya. Yun ang hindi mapapayagan ni Gerald kaya naman pumayag na siyang pakasalan ang kapatid mo. Palagi silang lumalabas pero dahil lang sa utos ni Donya Marita. Pero kahit ganun ay masaya pa rin ang kakambal mo. Ang akala kasi ni Gerald, kaya lang siya gusto ni Jessa ay dahil may nakapangakong mana sa amin si Donya Marita, at oras na makasal sila ay ililipat agad yun sa bank accounts ko."

Ngayon ay naintindihan ko na...

Lumipas ng matulin ang mga araw. After naming kumain sa restaurant, ay hindi na ulit nagpakita saakin si Gerald.

Ang totoo, ayaw ko mang maramdaman ito, ay talagang namimiss ko siya. Ang sabi ni Mama ay tumawag daw si Gerald at sinabing sa araw na lang daw kami ng kasal magkita—At bukas na ang araw na iyon. Bukas na ako ikakasal sa lalaking pinakamamahal ng kapatid ko.

Pero bakit ganon? Maling maramdaman ko ito... pero bakit pilit na nakakaramdam ako ng kakaibang damdamin sa magiging asawa ng kapatid ko?

Pilit kong isinasaksak sa isip ko na Substitute Bride lang ako... pero bakit may sariling pagiisip ang puso ko?

****

Ito na ang araw ng kasal...

"Anak ready ka na ba?" Tanong sakin ni Papa. Wala si Mama dahil dumaan muna siya kay Jessa, gusto ko din sanang dalawin muna ang kapatid ko bago ako ikasal sa magiging asawa niya pero pinigilan ako ni Mama.

"Papa, kinakabahan ako. Habang walang malay ang kakambal ko ay ako parin ang makikisama kay Gerald." At natatakot akong mas lumalalim ang nararamdaman kong ito para sa lalaking noon ko lang nakita at nakasama pero umukit ng malaking espasyo sa puso ko.

Natatakot akong baka mahalin ko rin ang lalaking minamahal ng kakambal ko.

"Anak, basta isa lang ang isipin mo, ginagawa mo ito para sa kapatid mo." Tama si Papa, pumayag ako dahil sa kapatid ko. Ginagawa ko ito para sa kakambal ko. 

Garden Wedding ang kasal ng kakambal ko. Dito ginanap sa mansion ang kasalan. Ang alam ko, ay after naming ikasal ay dito na rin ako titira sa kagustuhan ni Donya Marita.

Nilibot ko ang aking paningin sa ibaba, nandito kasi ako ngayon 2nd floor ng bahay. Ang totoo mukhang mga bigatin ang mga bisita. Sa kilos at pananamit pa lang ay mapupuna mo ng mayayaman sila.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Kilalang-kilala ko ang bulto ng lalaking nakatalikod sakin ngayon. Alam kong siya yon. Si Gerald.

Hindi ko alam... pero kahit na magaspang ang pakikitungo niya sakin ay gusto ko pa rin siyang makita. Ito ba ang dahilan ng kakambal ko at minahal niya ang lalaking ito? Na kahit kinamumuhian siya ay patuloy pa rin niya itong minamahal?

"Anak, tara na?" Nagising ako sa pagiisip ng ilahad ni papa ang mga kamay niya sa akin. Napangiti ako. Pakiramdam ko ay ako talaga ang ikakasal, na ako ang ihahatid niya sa altar. Pero alam naman naming lahat na si Jessa ang makikita ng lahat sa katauhan ko. "Anak napakaganda mo..."

"Salamat, Papa."

"Pakiramdam ko nga, ikaw talaga ang ikakasal at hindi ang kakambal mo." Napangiti ako. Ang totoo ay yun din ang inisip ko ngayon na ako talaga ikakasal kay Gerald.

"Papa, aalagaan niyo ang sarili niyo. Hanggat hindi pa gising ang kakambal ko ay sa mansion na ito muna ako titira, hindi ko kayo maaalagaan."

"Anak, huwag ako ang intindihin mo, matanda na ako... kaya ko na ang sarili ko. Mahal na mahal kita." Alam kong umiiyak si Papa, gumagaralgal ang boses niya.

"Mamimiss kita, Papa. Dalawin mo ako parati, ah?"

"Jessica, anak! Magandang balita, gumalaw na ang isang daliri ni Jessa! Mukhang malapit na siyang magising!"

"Ma... Talaga po?" Bakit bigla akong nalungkot? Di ba dapat ay masaya ako?

"Oo, kaya sige na. Magsisimula na ang kasal. Bumaba na kayo."

I'm sorry, Jessa. Masaya akong bumubuti ka na, pero hindi ko maiwasang hindi malungkot dahil alam kong paggaling mo ay kailangan ko ng kalimutan na ikinasal ako sa asawa mo.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status