Share

Chapter 6

Nagsimula na ang kasal. Sila Mama at Papa ang naghatid sakin sa harap ng altar kung saan naghihintay ang mapapangasawa ng aking kakambal.

God...

Habang papalapit ako sa kanya ay hindi ko mapigilang mapaluha. Mali mang maramdaman pero na-miss ko ang lalaking ito. Halos mahigit dalawang linggo ko siyang hindi nakita. Napaka-gwapo niya sa suot niyang puting tuxedo. Siya na ata ang pinaka-gwapong groom na nakita ko. Napakaswerte ng aking kapatid. Maswerte siya to have Gerald.

"Anak, bakit ka umiiyak?" Si Papa. Bumitaw ako sa kanya at pinahid ang mga luha ko.

"Anak, naman huwag kang umiyak... Hindi naman Ikaw ang totoong ikakasal," subway ni Mama.

"Sorry po."

I have decided na habang ako muna ang asawa ni Gerald ay gagawin ko ng tungkulin ng isang tunay na asawa. Kahit pa sungitan niya ako. Ginagawa ko rin naman ito para sa kapatid ko. Para kung sakaling gumising na si Jessa ay maganda na ang pakikitungo sa kanya ng asawa niya. Na aalis ako sa mansyon na maayos ang relasyon nilang dalawa.

Maraming camera ang nakatutok sa akin ngayon. Bakit hindi? Mukhang mayayaman ang mga dumalo. Kahit garden wedding lang ito ay halatang bongga ang pagkakaayos. Pero wala akong ibang nakikita kung hindi ang lalaking ngayon ay nasa harapan ko na. He look so Handsome. Lutang na lutang ang kanyang ka-gwapuhan.

"Ingatan mo sana ang aking anak, Gerald..." Mariing utas ni Papa habang ibinibigay ang aking kamay kay Gerald.

"I will, Sir."

This is it. Isa lang naman ang role ko dito. Ang maging Substitute bride, yun lang at wala ng iba.

"Gerald, do you take Jessa to be your lawful wife, to have and to hold, from this day forward, for better, for worse, for richer, for poorer, in sickness and in health, until death do you part?"

"I do." Ni hindi man lang siya tumingin sakin!

"Jessa, do you take Gerald to be your lawful busband to have and to hold, from this day forward, for better, for worse, for richer, for poore, in sickness and in health, until death do you part?"

"I do, father..." Nakatingin pa ako sa kanya habang sinasabi ko yun.

"You may kiss the bride." Hindi ko alam kung haharap ba ako. Naiilang ako. Pero hinawakan ni Gerald ang magkabilang balikat ko. Akala ko sa cheeks lang pero... he kissed me on my lips!

Parang mauubusan na ko ng hininga. Buti na lang at nagpalakpakan yung mga bisita kaya naman naputol yung paghalik niya sa akin. Pero pagharap ko sa mga bisita, nakita ko si mama na naniningkit ang mga matang nakatitig sa akin?

Bakit? Galit ba siya? Dahil hinalikan ako ni Gerald?

Pero dapat alam niyang mangyayari ito, diba?

Nagpapanggap ako bilang si Jessa, at alam ng lahat na ako ngayon ang kakambal ko. Hindi ko na muna pinansin ang inakto ni mama. Nagsilapitan na kasi ang ilang bisita para sa picture taking, yung iba ay binati kami. Dahil dito sa mansion ni Donya Marita ginanap ang kasal, ay dito na rin ang reception. Abala na ang lahat ng mga bisita sa pagkain ng mapansin kong wala na si Gerald sa tabi ko.

Ganon na ba siya kagalit sa kapatid ko at kailangan iwan niya ako ditong nagiisa? Kakakasal lang namin pero heto...

Bigla akong nalungkot. Mabuti pang magpalit na ako ng damit.

Totoong hindi nagpakita ng dalawang linggo si Gerald sa dalaga. Naguguluhan siya, bakit bigla nalang lahat ng pagbabago nito? Bakit hindi na ito allergic sa hipon? Nagagamot ba yun? At bakit pakiramdam niya talaga ay ibang tao na ito? Pero ang labis niyang ipinagtataka ay kung bakit kakaiba ang pakiramdam niya ngayon, tuwing malapit ito sa kanya? Parang gusto niya ito laging halikan at yakapin, na dati naman ay halos isuka na nga niya ito sa sobrang paglapit nito sa kanya. Sinadya niyang hindi na magpakita dito, hanggang sa araw ng kasal nila.

Naguguluhan talaga ang binata. Bakit bigla nalang niya ito ngayong hinahanap-hanap? Bakit? Puro bakit ang nas isip niya ngayon na wala naman siyang makuhang matinong sagot.

Nung sinabi ng pari na 'You may now kiss the bride' ay sa pisngi niya lang ito dapat hahagkan, pero parang may sariling pagiisip ang mga labi niya, at aminin niya man o hindi ay namiss niya ang dalaga. Kanina ngang naglalakad ito palapit sa kanya ay halos lahat ng papuri ay nabigkas na niya, bakit kakaiba ito ngayon? Bakit nakikita na niya ngayon ang kagandaahan ng magiging asa wa niya?

Noon ay halos ayaw niya itong makita at makasama, idagdag pa ang kaalaman na kung sino sino na ang nakatabi niya sa kama. Pero ngayon bakit parang iba na lahat?

"Ahhh! Shit, shit!" Malakas na sigaw ko kay Gerald. 

Bakit siya n*******d? Nandito pala siya!

"Huwag kang sumigaw! Ano ba, mag-asawa naman tayo! At isa pa, may naligo bang nakadamit? And besides don't act na parang ngayon ka palang nakakita ng hubad na lalaki, Jessa!"

Totoo naman! Ngayon pa lang ako nakakita ng hubad na lalaki!

"Lalabas muna ako, magbihis ka na!" Pipihitin ko na sana yung door knob nang magsalita ulit siya.

"Cut the act! Hindi mo kailangan magpanggap, Jessa. llang beses mo na ba akong pinilit na makipag-sex ako sayo? Pero lagi ay tinatanggihan kita, pero ngayong asawa mo na ako? Ngayon ka pa talaga aakto ng ganyan?"

Shit. Ano ba 'to! Jessa naman, ganon ka pala ka-wild!

"Ano... Sandali lang! Tama, sandali lang baka hanapin ako ni Donya Marita kaya maiwan muna kita!" Aalis na sana ko pero hinila niya agad ako at hinalikan pero mabilis lang iyon dahil maging siya ay nagulat din sa ginawa niya.

Siraulo ba siya?

"Jessa... ano bang ginagawa mo sakin?"

"W-Wala! Wala akong alam sa sinasabi mo!"

"The last time ayoko sayo, you're a bitch, lahat ng makasalamuha mo sa bar na lalaki ay natikman ka! Maarte ka at spoiled, pero bakit ganito?! Bakit?!" Napahilamos siya sa mukha niya at napasabunot sa sariling buhok. "Lumabas kana!"

"Jessa? Jessa, anak? Gising ka pa ba?"

Si Mama!

N*******d si Gerald baka kung ano ang isipin ni Mama kapag nakita niya kami rito sa loob ng banyo.

"Ma, sandali!"

Dali-dali akong lumabas ng banyo at inayos ang sarili ko bago tinungo ang pintuan ng kwarto at humarap kay Mama.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status