LOGIN“Halika, hija, I will introduce you to your Tita Freya and Tita Remera.” Magiliw na saad ni Señora.Wala sa sarili siyang napatingin kay Aeros. Tila nakalimutan na itong pansinin ni Señora dahil excited masyado na ibida siya sa mga kasama.Iginiya siya ng matanda papunta sa nagkatitipon na kababaihan, samantalang naiwan si Aeros sa kinatatayuan nito dahil nakalimutan rin alukin ng ng Señora. Hindi ito pinansin ng matanda, parang nakalimutan nitong si Aeros ang apo at hindi siya.Nilingon niya ang lalaki. Nakita niyang napailing ito sa sarili bago sumunod sa kanila ng Señora.Tahimik siyang nagpasalamat, akala niya'y hahayaan na lamang ni Aeros na mag-isa siyang humarap sa mga tiyahin nito.Palapit sila sa sala, napansin niyang nakatutok ang lahat ng mga mata sa paglapit nila. Kuryuso ang tingin ni Freya sa kaniya, ang medyo singkit nitong mga mata ay humagod sa kabuuan niya. Samantalang seryoso ang ekspresyon ng mukha ni Remera, tila alam na kung sino siya.Napapalunok tuloy siya sa
“Good evening, Sir Aeros. Good evening, Ma’am Wenona.” Bati ng mga tauhan.May tatlong kasambahay na nakahilera sa may pintuan ng mansion. Kasama ng mga ito ang isang lalaki na lumapit agad para kunin ang susi ng sasakyan kay Aeros.“Ako na po ang mag-paparada sa sasakyan ninyo, Sir.” Saad nito.Tumango si Aeros at ibinigay sa lalaki ang susi.Nang makapasok sila sa mansion, hindi niya agad nahagilap ang ibang bisita. Tahimik ang nadaanan nilang dining room, ngunit napansin niyang nakaayos na iyon at may mga kubyertos na. Tahimik din ang ikalawang palapag ng bahay, ang hagdan sa may kanan ay hindi kakikitaan kahit ng isang anino man lang.Wala siyang marinig na ingay. Tila walang ibang tao sa bahay.Nanatiling nakahawak si Aeros sa kaniyang kamay at patuloy siya nitong iginigiya hanggang sa makarating sila sa malawak na sala. Halos mamangha pa siya dahil bagong ayos na naman ang living room. Hindi na ito kagaya sa huling pagbisita niya. Nakabukas ang sliding door papunta sa may balko
Pababa sa elevator ay nakatanggap na ng tawag si Aeros galing kay Señora Mercedes. Kahit hindi naka-loud speaker ang tawag, sapat pa rin ang distansya nila ni Aeros para marinig niya ang mga sinab ng kausap nito sa telepono. Naririnig niyang tinatanong ni Señora kung pupunta ba sila sa family dinner. Nag-aalala na pala ito dahil hanggang ngayon ay wala pa sila.Lumubog na ang araw, at dapat kanina pa sila nakaalis sa penthouse. Ngunit dahil nakatulog nga siya habang nagbababad sa bathtub ay hindi na niya namalayan ang oras.Kasalanan niya kung bakit late na sila.Nakaramdam tuloy siya ng kaunting pagsisisi. Ngunit mas pinili niyang tumahimik at nang na munang magsalita tungkol doon. “We’re on our way, ‘La.” Pasensyosong saad ni Aeros.Narinig niyang tumawa si Señora Mercedes sa kabilang linya, ngunit halatang kabado ito.“Good… Akala ko’y nagbago na ang isip mo. Kasi naman, narito na sila Rogan at kung ano-ano na naman ang sinasabi. Alam mo namang maloko ang pinsan mong ito, at… nani
Pinigilan niya ang sarili na mangiti. Hindi niya alam kung bakit tila mag-uukit sa kaniyang isip ang mga salitang binitawan ni Aeros. See, he’s somehow acting like a husband. Kahit paano, marunong din naman pala itong umakto bilang asawa. Ang mga salita nito'y tila pangako na hindi siya hahayaan na masaktan o pagmalupitan ng ibang tao. Kahit paano, may seguridad siya sa piling ni Aeros. Sandaling kumirot ang kaniyang puso nang bigla niyang maalala kung paano siya nangarap na magkaroon ng kakampi sa buhay. Naalala niya kung paano niya hiniling sa mga bituin noong bata pa siya na sana magkaroon siya ng taong matatakbuhan at mapagsusumbungan ng kaniyang hinanakit at sakit na nararanasan. Gusto niyang maranasan na may taong handang makinig sa kaniya at magparamdam na may kasama at kakampi siya. Akala niya noon, nahanap na niya iyon sa katauhan ni Dale. Dati sa tuwing may problema siya, kay Dale siya tumatakbo at nagsusumbong. Inaalu naman siya nito at sinusubukan nitong pagaanin ang
Nagising si Rory na buhat-buhat siya ni Aeros. Pagmulat niya ng mga mata, ang malapad na balikat agad ang kaniyang napansin. Nanuot din sa kaniyang ilong ang pamilyar na pabango ng lalaki. Kaya nang mag-angat siya ng tingin at makita ang seryoso nitong mukha, hindi na siya nagulat. Ihinilig niya ang kaniyang ulo sa balikat nito. Naramdaman ni Aeros na gising na siya kaya bahagyang sumulyap ito sa kaniya, ngunit nagpatuloy ito sa paglalakad. “Hindi ka dapat natutulog sa bathtub na puno ng tubig.” Seryoso nitong sabi. Ipinikit niya ang mga mata at sa isip-isip niya’y sumagot siya sa lalaki, “I didn't know I'm already sleeping.” Dala nang pagod sa pag-sho-shopping at stress sa nangyari kanina sa mall, hindi na niya halos namalayan na nakatulog na pala siya habang nahihiga sa bathtub. Sinusunod niya lang naman ang utos ni Aeros na maligo ng matagal para marelax kahit paano, ngunit sa sobrang pagkarelax ay nakatulog na pala siya. Kumunot ang kaniyang noo nang biglang may maalala. Hu
Sa tagal nang nagtratrabaho ni Karl sa mga Elizondo, alam na niya na halos lahat sila’y mapaghiganti. Offend one of the Elizondo, and you will offend all of them. Iyon ang palagi niyang paalala sa sarili. Kasi sa totoo lang, gaano man kakomplikado ang relasyon ng mga Elizondo sa isa’t isa ay palagi pa rin nilang pinipili na tumulong sa kung sino ang nangangailangan. Family matters more than anything. “And do a background check with Samantha.” Dagdag pa nito. Mataman siyang tumango. “Also…” Aeros trailed off. “You mentioned there were three friends helping this girl. Maliban sa Harry Aristobal na ‘yon, may dalawa pa.” Tumango siya ulit. Naalala niya pa ang mukha na dalawang babae na kasama ni Samantha. Para bang nakikita na niya noon sa tabloid ang dalawa. “They don’t actively participate in the fight, Sir. But they were there, pinapanood nilang sugurin ni Samantha si Ma’am.” Nagtagis ang bagang ni Aeros, nakita niyang gumalaw ang panga nito bago tumango. Nanatili ang madi
Kabanata 5Nagising si Rory na sobrang sakit ng katawan, lalo na ng kaniyang balikat na binalot na ng gauze. Sinubukan niyang bumangon, nahihilo siya at alam niyang ilang minuto na lang ay siguradong aakyat na ang asido sa kaniyang lalamunan. Nasapo niya ang kaniyang noo na mayroon din palang gauz
Agad na nagmarka sa kaliwang pisngi ni Samantha ang kaniyang palad. Hindi agad nakakilos ang babae sa pinaghalong gulat at pagkalito sa nangyari.Ngunit ilang sandali lang, napabaling ito ng tingin sa kaniya. Buong mukha nito ang agad na namula at ang mga mata nito’y napuno ng galit at poot.“Walan
Ilang beses nang naimagine ni Rory ang muli nilang pagkikita ni Samantha. Sa kaniyang imahinasyon at gawa-gawang senaryo, sa pagkikita nilang muli ni Samantha ay lalapit ito sa kaniya at hihingi ng tawad sa lahat ng nagawa nito sa kaniya. May luha pa sa mga mata ng babae habang inaamin nito ang lah
Ilang segundo na tinititigan lamang ni Rory ang mensahe ng kaniyang ina.Kaya siya lumayo at nagpokus sa pagbabasa ng mensahe nito dahil akala niya’y may nangyaring masama rito.Simula noong umalis siya ng Manila at piniling manirahan dito sa Cagayan de Oro ay hindi na sila gaanong nag-uusap ng kan







