LOGINBinati sila ni Attorney Sabalza, ganoon din ng assistant at maging si Karl. Hindi siya makangiti kahit na ngiting-ngiti sa kanila ang mga taong kasama. Tila binabalot ng makapal na ulap ang kaniyang isipan pagkatapos siyang halikan ni Aeros kaya't wala pa rin siya sa kaniyang sarili.
Inilapag ng assistant sa ibabaw ng mesa ni Judge Quirino ang apat na kopya ng marriage certificate.“This is the last step, Mr. and Mrs. Elizondo…” nakangiting saad ng assistant. “Pirmahan niyoPababa sa elevator ay nakatanggap na ng tawag si Aeros galing kay Señora Mercedes. Kahit hindi naka-loud speaker ang tawag, sapat pa rin ang distansya nila ni Aeros para marinig niya ang mga sinab ng kausap nito sa telepono. Naririnig niyang tinatanong ni Señora kung pupunta ba sila sa family dinner. Nag-aalala na pala ito dahil hanggang ngayon ay wala pa sila.Lumubog na ang araw, at dapat kanina pa sila nakaalis sa penthouse. Ngunit dahil nakatulog nga siya habang nagbababad sa bathtub ay hindi na niya namalayan ang oras.Kasalanan niya kung bakit late na sila.Nakaramdam tuloy siya ng kaunting pagsisisi. Ngunit mas pinili niyang tumahimik at nang na munang magsalita tungkol doon. “We’re on our way, ‘La.” Pasensyosong saad ni Aeros.Narinig niyang tumawa si Señora Mercedes sa kabilang linya, ngunit halatang kabado ito.“Good… Akala ko’y nagbago na ang isip mo. Kasi naman, narito na sila Rogan at kung ano-ano na naman ang sinasabi. Alam mo namang maloko ang pinsan mong ito, at… nani
Pinigilan niya ang sarili na mangiti. Hindi niya alam kung bakit tila mag-uukit sa kaniyang isip ang mga salitang binitawan ni Aeros. See, he’s somehow acting like a husband. Kahit paano, marunong din naman pala itong umakto bilang asawa. Ang mga salita nito'y tila pangako na hindi siya hahayaan na masaktan o pagmalupitan ng ibang tao. Kahit paano, may seguridad siya sa piling ni Aeros. Sandaling kumirot ang kaniyang puso nang bigla niyang maalala kung paano siya nangarap na magkaroon ng kakampi sa buhay. Naalala niya kung paano niya hiniling sa mga bituin noong bata pa siya na sana magkaroon siya ng taong matatakbuhan at mapagsusumbungan ng kaniyang hinanakit at sakit na nararanasan. Gusto niyang maranasan na may taong handang makinig sa kaniya at magparamdam na may kasama at kakampi siya. Akala niya noon, nahanap na niya iyon sa katauhan ni Dale. Dati sa tuwing may problema siya, kay Dale siya tumatakbo at nagsusumbong. Inaalu naman siya nito at sinusubukan nitong pagaanin ang
Nagising si Rory na buhat-buhat siya ni Aeros. Pagmulat niya ng mga mata, ang malapad na balikat agad ang kaniyang napansin. Nanuot din sa kaniyang ilong ang pamilyar na pabango ng lalaki. Kaya nang mag-angat siya ng tingin at makita ang seryoso nitong mukha, hindi na siya nagulat. Ihinilig niya ang kaniyang ulo sa balikat nito. Naramdaman ni Aeros na gising na siya kaya bahagyang sumulyap ito sa kaniya, ngunit nagpatuloy ito sa paglalakad. “Hindi ka dapat natutulog sa bathtub na puno ng tubig.” Seryoso nitong sabi. Ipinikit niya ang mga mata at sa isip-isip niya’y sumagot siya sa lalaki, “I didn't know I'm already sleeping.” Dala nang pagod sa pag-sho-shopping at stress sa nangyari kanina sa mall, hindi na niya halos namalayan na nakatulog na pala siya habang nahihiga sa bathtub. Sinusunod niya lang naman ang utos ni Aeros na maligo ng matagal para marelax kahit paano, ngunit sa sobrang pagkarelax ay nakatulog na pala siya. Kumunot ang kaniyang noo nang biglang may maalala. Hu
Sa tagal nang nagtratrabaho ni Karl sa mga Elizondo, alam na niya na halos lahat sila’y mapaghiganti. Offend one of the Elizondo, and you will offend all of them. Iyon ang palagi niyang paalala sa sarili. Kasi sa totoo lang, gaano man kakomplikado ang relasyon ng mga Elizondo sa isa’t isa ay palagi pa rin nilang pinipili na tumulong sa kung sino ang nangangailangan. Family matters more than anything. “And do a background check with Samantha.” Dagdag pa nito. Mataman siyang tumango. “Also…” Aeros trailed off. “You mentioned there were three friends helping this girl. Maliban sa Harry Aristobal na ‘yon, may dalawa pa.” Tumango siya ulit. Naalala niya pa ang mukha na dalawang babae na kasama ni Samantha. Para bang nakikita na niya noon sa tabloid ang dalawa. “They don’t actively participate in the fight, Sir. But they were there, pinapanood nilang sugurin ni Samantha si Ma’am.” Nagtagis ang bagang ni Aeros, nakita niyang gumalaw ang panga nito bago tumango. Nanatili ang madi
Samantalang sa loob ng study ay kapwa tahimik si Aeros at Karl. Nakatayo ng matuwid ang huli, habang naghihintay na matapos ang amo sa pagbabasa ng summary ng meeting na pinadala niya sa email. “I need the hard copy of their proposal before I approve it.” Ani Aeros pagkaraan. Karl shifted on his feet. Nang makitang tapos na si Aeros sa pagbabasa ay napaayos ulit siya ng tayo. “It’ll be in your office tomorrow morning.” Tumango si Aeros. “Thank you.” “No problem, Sir.” Nanatiling nakatayo si Karl, hinihintay kung ano talaga ang sadya ng kaniyang amo. Alam niya sa sarili na hindi ang project proposal ng mga Gutierrez ang dahilan kung bakit siya pinatawag sa study nito. Kilala na niya si Aeros, sa tagal na niyang nagtratrabaho sa mga Elizondo, alam na niya kung ano ang ugali ng kaniyang amo. Hindi nito dinadala sa bahay ang trabaho, maliban lamang kung sobrang importante no'n. At sa siste ngayon, hindi naman importante masyado ang project proposal para sa study nila iyon
Kapwa sila tahimik sa sasakyan nang pauwi na. Nakasunod sa kanila ang sasakyan na minamaneho ni Karl. Nasa sasakyan ng assistant ang kaniyang mga shopping bag.Hindi niya alam kung bakit isasama pa nila sa penthouse si Karl. Akala niya na pagkatapos ng meeting nito sa mga Gutierrez ay uuwi na sila at ganoon din si Karl.Napapasulyap siya sa rearview mirror. Nakabuntot pa rin sa kanila ang itim na Subaru.Dahil sa nangyari kanina sa opisina, nagkaroon ng pader sa pagitan nila ni Aeros. Ayaw siyang kibuin ng lalaki, at siya nama’y hindi alam kung ano ang sasabihin. Ngunit hindi dahil nabuko siya ni Aeros na nagsisinungaling ay hahayaan niyang sabihin ni Karl sa lalaki ang nangyari sa parking lot kanina.Ngumuso siya. Paano niya ba mapipigilan si Karl?Siguradong ang katapatan nito’y na kay Aeros kaya kahit na pakiusapan niya ito ay hindi pa rin siya papakinggan ng lalaki.Isa pa, baka magsuspitya lang lalo si Karl kapag makiusap siya na huwag nang ipaalam kay Aeros ang nangyari. Magtat
Ilang segundo na tinititigan lamang ni Rory ang mensahe ng kaniyang ina.Kaya siya lumayo at nagpokus sa pagbabasa ng mensahe nito dahil akala niya’y may nangyaring masama rito.Simula noong umalis siya ng Manila at piniling manirahan dito sa Cagayan de Oro ay hindi na sila gaanong nag-uusap ng kan
Kabanata 5Nagising si Rory na sobrang sakit ng katawan, lalo na ng kaniyang balikat na binalot na ng gauze. Sinubukan niyang bumangon, nahihilo siya at alam niyang ilang minuto na lang ay siguradong aakyat na ang asido sa kaniyang lalamunan. Nasapo niya ang kaniyang noo na mayroon din palang gauz
Agad na nagmarka sa kaliwang pisngi ni Samantha ang kaniyang palad. Hindi agad nakakilos ang babae sa pinaghalong gulat at pagkalito sa nangyari.Ngunit ilang sandali lang, napabaling ito ng tingin sa kaniya. Buong mukha nito ang agad na namula at ang mga mata nito’y napuno ng galit at poot.“Walan
“Totoo ba na nakauwi na ng Cagayan ang kapatid mo, Dale?” Kuryusong tanong ng isang boses na sadyang nagpatigil kay Rory sa harap ng nakasiwang na pinto.“Hindi ka ba natatakot na baka magalit si Rory kung sakaling malaman niyang nakauwi na si Samantha?”Nanlamig agad ang sikmura ni Rory nang bangg







