LOGINIlang segundo na tinititigan lamang ni Rory ang mensahe ng kaniyang ina.
Kaya siya lumayo at nagpokus sa pagbabasa ng mensahe nito dahil akala niya’y may nangyaring masama rito. Simula noong umalis siya ng Manila at piniling manirahan dito sa Cagayan de Oro ay hindi na sila gaanong nag-uusap ng kaniyang ina. Alam niyang nagtatampo ito sa kaniyang pagrerebelde kaya’t mas pinipiling maging malamig sa kaniya. Muli niyang binasa ang mga naunang mensahe galing sa kaniyang ina. Nalulugi na ang kompanya ng kaniyang Tito Christian— ang bagong asawa ng kaniyang Mommy— at ang tanging paraan para maisalba ang kompanya sa mabilis nitong pagkakalugmok ay isang arrange-marriage sa mga Elizondo. Kapalit ng pagpapakasal ng anak ni Christian Rodrigo ay tutulong ang mga Elizondo na mabawi muli ang kompanya sa pagkalugi nito. Napakunot-noo siya. Hindi siya isang Rodrigo. Isa siyang Del Real, hindi niya pinabago ang kaniyang apelyido kahit noong nakiusap ang kaniyang ina na baguhin iyon noong pinakasalan nito si Christian Rodrigo. Hindi niya kailanman kalilimutan na isa siyang Del Real dahil ang kaniyang ama ay isang Del Real. Bakit siya ang pinapakiusapan ng kaniyang ina na pakasalan ang isang Elizondo kung hindi naman siya anak ni Christian Rodrigo? Bumaba ang kaniyang mga mata sa nahuhuling mga mensahe at saka lamang siya naliwanagan. Napaawang ang kaniyang labi at nahirapan siyang lumunok. Kagaya niya, lumayas din si Wenona sa kanilang tahanan. Umalis ito dahil ayaw magpakasal sa tagapagmana ng mga Elizondo. Si Wenona? Lumayas? Totoo ba ‘to? Unti-unting kumunot ang kaniyang noo. Paano nagawang lumayas ni Wenona sa tahanan ng mga Rodrigo? Hindi nito kayang mabuhay ng wala ang suporta at pera ng Daddy nito. Paano ito mabubuhay sa labas ng hindi na umaasa sa pera ng magulang? Napakagat-labi siya. Bigla’y naalala niya, siya rin naman ay nakadepende lang din noon sa allowance na ibinibigay sa kaniya ng kaniyang ina. Akala niya’y hindi siya mabubuhay kung wala ang suporta ng kaniyang Mommy. Pero simula nang magrebelde siya, napatunayan niyang mabubuhay siya nang wala ang tulong nito. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin. Sa nanginginig na kamay ay ibinalik niya sa bulsa ng kaniyang pants ang cellphone at mas piniling balewalain na muna ang problemang ito. Pabalik na siyang muli sa private room nila Dale nang natanaw niyang lumabas ang lalaki at sinalubong ang isang pamilyar na maliit at magandang babae na nakatayo sa harap ng pinto. Si Samantha. Hindi niya napansin na dumaan sa kaniyang likod si Samantha kanina. Masyado siyang abala sa pagbabasa ng mga mensahe. Hindi rin siya nito napansin dahil nakatalikod siya at halos sumiksik na sa gilid ng pasilyo para magbasa. Maingat na hinawakan ni Dale ang siko ng babae at hinila ito papasok ng silid. Napaawang ang bibig ni Rory sa gulat. Narinig niyang nakabalik na nga si Samantha ng Pilipinas, pero para makita ito mismo ng dalawa niyang mga mata ay sadyang… nakakapangilabot. Nang mawala sa kaniyang paningin ang dalawa, mabilis siyang naglakad at halos takbuhin ang distansya papunta sa harap ng pinto at maabutan si Dale at Samantha. Nakasarado na ang pinto, hindi kagaya kanina na may kaunting siwang pa iyon. Hinawakan niya ang seradura ng pinto at bahagya iyong pinihit, ngunit bago niya pa tuluyang maitulak ay narinig na niyang muli ang tawanan galing sa loob. Parang mas lalong nagkaroon ng enerhiya at lakas ang mga taong nasa loob. Nag-alangan siya noong una, pero nilakasan na lamang niya ang kaniyang loob. Hindi niya maunawaan kung bakit kailangan pang itago ni Dale sa kaniya ang pag-uwi ni Samantha. Kung alam nito na magagalit siya dahil sa pagbabalik ni Samantha, bakit pa nito pinabalik ang babae? Kung tutuusin, maaaring makulong si Samantha dahil sa ginawa nito sa kaniya, pero dahil sa pakiusap nito sa kaniya ay hindi niya itinuloy ang pagsampa ng kaso. Naniwala rin siya sa pangako nitong ilalayo si Samantha sa kaniya para hindi na siya masaktan ng babae, pero isang taon pa lang ang nakakalipas ay parang nakalimot na agad si Dale sa usapan nila. Bumukas ang pinto at sabay-sabay na napalingon sa kaniya ang mga taong naroon. Malaki ang private room ng club na kanilang pinuntahan. Madalas si Dale at ang mga kaibigan nito na dito mag-inuman kaya pamilyar na sa kaniya ang club at ang mga private room. Pitong tao ang nakaupo sa sofa. Dalawa ang nakatayo malapit sa liquor counter at dalawa naman ang nakatayo sa likod ng sofa, nag-uusap-usap silang lahat kanina pero dahil sa kaniyang pagpasok, napatigil ang lahat. “Rory.” Dumaan ang pag-aalala sa mga mata ni Dale. Nakita niyang napatingin ito sa kaniyang tainga, alam niyang tinitingnan nito kung may suot siyang hearing aid. Nang makita ni Dale na wala, agad na guminhawa ang ekspresyon nito. Tumayo ang lalaki at mabilis na sumenyas gamit ang mga kamay, “Ano’ng ginagawa mo rito?” Mabagal niyang inilibot ang tingin sa mga kasama ni Dale. Lahat ng narito ay kaibigan ng lalaki. Wala si Samantha. Hindi niya mahagilap sa kaunting liwanag ng silid. Ngunit sigurado siya sa kaniyang nakita, hinila papasok ni Dale si Samantha. Nakita niya iyon galing sa labas ng silid. Pinilit niyang ngumiti nang nginitian siya ng mga babaeng kasama ni Dale. “Rory.” Mas lalong lumapit si Dale at isinenyas ang mga kamay. “Kanina ka pa ba? Sinong kasama mo sa pagpunta rito?” “Ako lang.” Sumenyas siya pabalik. Kanina lamang, hindi siya mapakali. Gusto niyang sabihin agad ang magandang balita sa kaniyang nobyo. Gusto niyang malaman nito na nakakarinig na siya kaya hindi na nila kailangan na magsign-language pa. “Kadarating ko lang. Nabasa ko ang text mo,” patuloy niyang idinaan sa pag-se-senyales ang pakikipag-usap. “Kaya naisipan kong dumaan dito para batiin ang mga kaibigan mo.” Ngumiti si Dale. “Aalis si Ervin mamaya papuntang Australia para sa photoshoot niya kaya inanyayahan niya kaming mag-inuman.” Nakangiting senyas ni Dale sa kaniya. Muling inilibot ni Rory ang mga mata bago sumenyas. “Kayo-kayo lang ba?” Itinaas ni Dale ang mga kamay para sumenyas pabalik pero bago pa iyon magawa ng lalaki, nakarinig na siya ng mahinang tawa galing sa kaniyang likod. Nakita niyang natigilan saglit si Dale pero pinagpatuloy nito ang pagsenyas, “Kami lang.” Ngunit kasalungat ng sinabi ni Dale, alam niyang nasa likod na niya ngayon si Samantha. Patuloy ito sa paghagikhik. “Buti hindi ka nauubusan ng pasensya sa pakikipag-usap sa kagaya niya, Dale?” Mapanuksong tanong ni Samantha sa matamis na tinig.Dalawang taon na nanatili siya sa Cagayan de Oro at isang taon na halos dumepende na lamang siya kay Dale. Hindi niya kailanman naisip na posible pa lang iwanan niya ang lugar na ito at palakasin ang kaniyang loob gamit ang galit na nararamdaman para sa taong dati ay lubos niyang minamahal.Habang pinagmamasdan ang ulap na kanilang nadadaanan, may kakaibang kirot sa kaniyang puso. Alam niyang pagkatapos ng nangyari, hindi na niya kayang balikan si Dale. Alam niyang hindi kagaya noon, madadaanan sa simpleng paghingi ng tawad ang lahat. Alam niyang mas malalim ang sugat at pagkadismayang ibinigay sa kaniya ng magkapatid na Dale at Samantha.Nariyan ang kaunting panghihinayang sa likod ng kaniyang isip. Dalawang taon na silang magkasintahan ni Dale. Akala niya'y matutuloy na ang engagement nilang dalawa at unti-unti na silang makakapagsettle down ngayong maayos na siya. Ngunit hindi pala.Nakakapanghinayang man ang dalawang taon, hindi na niya gustong isipin pa iyon. Mayroong mas mahalag
Kabanata 6 Hawak-hawak na ni Rory ang kapirasong papel sa kaniyang kamay habang tinitingala ang flight board. Sampung minuto na lang ay sasakay na siya sa eroplano na magdadala sa kaniya sa Manila. Punong-puno ng mga tao ang Laguindingan Airport, may iilan na napapadaan sa harap niya at may iilan din na napapatigil para umupo sa mga katabing upuan malapit sa kaniya. May ilan na mag-isa sa pag-alis, may ilan naman na sinadyang samahan ng pamilya o kaibigan para maihatid man lang hanggang sa airport. Sobrang dami ng tao at hindi niya maiwasang hindi mapansin kung gaano kabilis tumakbo ang oras, ganoon din kung gaano kabagal ang pagpatak ng minuto. May kakaibang bigat sa kaniyang dibdib kahit na ilang araw na rin niyang pinag-iisipan ang kaniyang pag-alis. Sa mahigit dalawang taon niyang pananatili sa Cagayan de Oro, napamahal na siya sa lugar, sa mga tao, at sa kultura nito. Hindi lang naman si Dale ang dahilan kung bakit nakayanan niyang mabuhay ng malayo sa kaniyang pamilya. Ina
Kabanata 5Nagising si Rory na sobrang sakit ng katawan, lalo na ng kaniyang balikat na binalot na ng gauze. Sinubukan niyang bumangon, nahihilo siya at alam niyang ilang minuto na lang ay siguradong aakyat na ang asido sa kaniyang lalamunan. Nasapo niya ang kaniyang noo na mayroon din palang gauze. Inilibot niya ang tingin at nakitang walang ibang tao sa loob ng silid kung hindi siya lang. Noong una’y hindi niya pa alam kung nasaan siya, ngunit nang maalala ang huling pangyayari bago siya tuluyang mawalan ng malay ay saka niya napagtanto na posibleng nasa ospital siya at nakaconfine.Sinubukan niyang ibaba ang mga paa sa gilid ng higaan, ngunit bago pa tuluyang makatapak sa tiled floor ay narinig na niyang bumukas ang pinto. Wala sa sarili siyang napalingon at nang makita ang pamilyar na doktor ay napaawang ang bibig.Dr. Tuscano.“Where are you going?” Nagtaas ng kilay ang lalaking doktor nang makita siya sa gilid ng higaan.Ibinuka niya ang bibig, ngunit wala pa ring boses na lum
Agad na nagmarka sa kaliwang pisngi ni Samantha ang kaniyang palad. Hindi agad nakakilos ang babae sa pinaghalong gulat at pagkalito sa nangyari.Ngunit ilang sandali lang, napabaling ito ng tingin sa kaniya. Buong mukha nito ang agad na namula at ang mga mata nito’y napuno ng galit at poot.“Walanghiya ka!”Iniangat ni Samantha ang kanang kamay para gumanti ng sampal ngunit masyadong mabagal ang babae kaya mabilis niya iyong nahuli sa ere. Mahigpit niyang hinawakan ang pulsuhan nito na agad na nagpalukot ng mukha ni Samantha.Sinubukan nitong bawiin ang kamay, binitiwan niya naman iyon at muntik pa itong mawalan ng balanse. Ngunit bago tuluyang makabawi, muli niyang sinampal sa kabilang pisngi ang babae.Agad na bumaling sa kabilang direksyon ang mukha ni Samantha at ang mahaba at medyo makapal na kulot na buhok sa gilid ng mukha ay sumabog at tinakpan na ang buong mukha nito.Hindi makagalaw ang mga taong nanonood sa kanila. Lahat sila ay nagulat sa unang sampal ni Rory. Ngunit sa
Ilang beses nang naimagine ni Rory ang muli nilang pagkikita ni Samantha. Sa kaniyang imahinasyon at gawa-gawang senaryo, sa pagkikita nilang muli ni Samantha ay lalapit ito sa kaniya at hihingi ng tawad sa lahat ng nagawa nito sa kaniya. May luha pa sa mga mata ng babae habang inaamin nito ang lahat ng nga pagkakasala at hihingi ito ng tawad upang maging maayos na silang dalawa.Ayaw niya mang makitang muli si Samantha, alam niyang parte pa rin ng pamilya ni Dale ang babae. Ayaw niyang ipagdamot kay Dale ang karapatan nitong makasama ang kapatid kahit na malaki ang naging kasalanan nito sa kaniya.Ngunit sa mga sandaling ito, naunawaan niyang hindi pa rin pala talaga nagbabago si Samantha.Gusto niyang pumihit paharap sa babae, pero pinigilan niya ang sarili.Humakbang palapit si Dale sa kaniya at sinubukang hawakan ang kaniyang braso. Para bang gusto nitong ilayo siya kay Samantha. O baka gusto nitong ilayo si Samantha sa kaniya.“Samantha, you should go. Habang hindi ka pa napapans
Ilang segundo na tinititigan lamang ni Rory ang mensahe ng kaniyang ina.Kaya siya lumayo at nagpokus sa pagbabasa ng mensahe nito dahil akala niya’y may nangyaring masama rito.Simula noong umalis siya ng Manila at piniling manirahan dito sa Cagayan de Oro ay hindi na sila gaanong nag-uusap ng kaniyang ina. Alam niyang nagtatampo ito sa kaniyang pagrerebelde kaya’t mas pinipiling maging malamig sa kaniya.Muli niyang binasa ang mga naunang mensahe galing sa kaniyang ina.Nalulugi na ang kompanya ng kaniyang Tito Christian— ang bagong asawa ng kaniyang Mommy— at ang tanging paraan para maisalba ang kompanya sa mabilis nitong pagkakalugmok ay isang arrange-marriage sa mga Elizondo. Kapalit ng pagpapakasal ng anak ni Christian Rodrigo ay tutulong ang mga Elizondo na mabawi muli ang kompanya sa pagkalugi nito.Napakunot-noo siya. Hindi siya isang Rodrigo. Isa siyang Del Real, hindi niya pinabago ang kaniyang apelyido kahit noong nakiusap ang kaniyang ina na baguhin iyon noong pinakasala







