Share

C6 IT SHOULDN'T HURT LIKE THIS

Author: Miss Alii
last update Petsa ng paglalathala: 2026-04-29 08:00:23

AZARIAH POV

“Ahmm… papasok na muna ako sa loob. Hahayaan ko na muna kayong mag-usap,” mahinang sabi ko, pilit pinipigilan ang bigat sa dibdib ko.

Akmang aalis na sana ako nang bigla akong pigilan ni Theron.

Napatingin ako sa kanya.

Ang mga mata niya… hindi ko maipaliwanag, pero parang may sinasabi.

Huwag kang umalis.

Makinig ka.

Parang gusto niyang manatili ako. Parang ayaw niyang iwan ko siya… o baka ayaw niyang iwan ako sa sitwasyong ito.

Pero bago pa ako makapagdesisyon, sumabat na si Cassia.

“Mabuti naman at naisipan mong umalis,” ani niya, may halong panunuya sa boses.

Parang may kung anong kumurot sa dibdib ko.

“Cassia, stop. She’s my wife. Put some respect,” malamig ngunit mariing sabi ni Theron.

Saglit akong natigilan.

Ngunit si Cassia… tumawa lang.

“Over ka naman, Theron,” nakangisi niyang sagot. “Siya naman ang nag-insist na umalis para makapag-usap tayo, tapos ako pa ang walang respeto?”

Napakagat ako sa labi ko.

Hindi ko na alam kung saan ako lulugar.

“Ahh… sige na, Theron,” mahinang sabi ko, pilit pinipigilan ang emosyon sa boses ko. “Para na rin may privacy ang pag-uusap n’yo.”

Dahan-dahan kong tinanggal ang kamay niya sa braso ko.

Ramdam ko ang bahagyang paghigpit niya, pero hindi niya ako pinigilan nang tuluyan.

At sa sandaling iyon… parang may kung anong kumalas sa loob ko.

Hindi na ako nagsalita pa.

Tumalikod ako at nagsimulang maglakad papasok ng bahay.

Hindi ako lumingon.

Ayokong makita kung paano siya tumingin sa ibang babae.

Ayokong makita kung may natitira pa sa pagitan nila.

Habang papasok ako sa loob ng mansyon, pakiramdam ko bawat hakbang ko ay pabigat nang pabigat.

Hanggang sa tuluyan akong makapasok.

At doon… doon ko lang hinayaang bumigat ang dibdib ko.

Bakit ganito?

Bakit parang… nasasaktan ako?

Hindi ba’t wala naman dapat akong maramdaman?

Hindi ba’t isang buwan pa lang kaming kasal?

Hindi ba’t wala naman dapat itong kahulugan?

Pero bakit…

parang natatakot ako na baka sa isang iglap…

mawala siya sa akin?

Papasok na sana ako sa hagdan para umakyat sa kwarto namin ni Theron nang may biglang nagsalita sa gilid ko.

“Bakit ka umalis?”

Napalingon ako.

Ang mommy ni Theron iyon, may hawak na baso ng tubig at nakatingin sa akin na parang may alam na hindi ko pa nalalaman.

Lumapit siya at inabot sa akin ang baso.

Tinanggap ko iyon.

“Salamat po,” mahina kong sabi.

Humigop ako ng kaunti, pilit pinapakalma ang sarili ko.

“Hindi ka sana umalis,” dagdag niya habang pinagmamasdan ako. “Para narinig mo kung paano i-reject ng anak ko ang babaeng ‘yon.”

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.

“A-ano po?” gulat kong tanong, napatingin agad sa direksyon ng pinto.

Ni-reject niya?

“Bakit po?” tanong ko, halatang naguguluhan.

“Hindi po ba… may gusto pa sila sa isa’t isa? Diba po… naging sila?”

Ngumiti nang bahagya ang mommy ni Theron, pero parang may halong pagkaalam ang tingin niya.

“Oo, naging sila nga,” sagot niya. “Pero hindi na ‘yan mahal ng anak ko.”

Parang may kung anong gumaan sa dibdib ko… pero hindi ko agad iyon pinansin.

Sa halip, may isa pa akong tanong na hindi ko mapigilan.

“Ahmm… mommy,” mahina kong tawag, “hindi po ba kayo boto kay Cassia?”

Sandali siyang natahimik.

“dati?” tanong ko ulit, kinakabahan.

“Abay, boto naman ako,” diretso niyang sagot.

Parang may kung anong kumirot sa puso ko.

Napayuko ako nang bahagya.

So… gusto nila siya.

Pero bago pa ako tuluyang malunod sa iniisip ko, nagpatuloy siya sa pagsasalita.

“Pero dati na ‘yon,” dagdag niya agad. “Simula nung naghiwalay sila at nag-abroad ‘yang babaeng ‘yan… nawala na rin ang pagkagusto ko sa kanya.”

Napatingin ako ulit sa kanya.

“Alam mo ba kung bakit?” tanong niya.

Umiling ako.

“Dahil sa ugali,” sagot niya. “Ngayon nga lang bumalik, pumasok agad dito sa bahay na parang siya ang may-ari. Wala man lang galang.”

Bahagya siyang napasimangot.

“Ako ang nagbukas ng pinto para sa kanya, ha. Ni hindi man lang ako binati nang maayos,” dagdag pa niya, halatang hindi natuwa.

Hindi ko maiwasang mapaisip.

“Hindi lahat nadadaan sa ganda at yaman,” patuloy niya habang nakatingin sa akin. “Mas mahalaga pa rin ang respeto at ugali.”

Unti-unti akong napatingin sa kanya.

parang naramdaman kong hindi ako nag-iisa sa loob ng mansyon na ito.

“Mas gusto ko pa ang isang taong marunong rumespeto… kaysa sa isang babaeng sanay makuha ang gusto niya,” sabi niya, saka bahagyang ngumiti sa akin.

Hindi ko napigilan ang sarili ko.

Napangiti rin ako nang bahagya.

At sa loob-loob ko…

unti-unting nawawala ang kaba na kanina ko pa nararamdaman.

Pero kahit ganoon…

may isang tanong pa rin ang nananatili sa isip ko.

Kung talagang tapos na sila…

Bakit parang hindi pa tapos si Cassia?

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • Sudden Marriage To A Ruthless Billionaire Tycoon    C37 UNDERSTAND

    AZARIAH POVNanlaki ang mata ko habang paulit-ulit na nagva-vibrate ang cellphone ko sa kamay ko.THERON CALLING.Parang lalo akong kinabahan.Hindi ko alam kung sasagutin ko ba o hindi.Pero kapag sinagot ko…ano sasabihin ko?Na nasa Ashford ako?Na nag-aapply ako sa kumpanya niya nang hindi niya alam?Napakagat ako sa labi ko habang nakatitig sa screen.pinatay ko ang tawag.Huminga ako nang malalim pero hindi pa rin mawala yung kaba ko.“Sorry…” mahina kong bulong kahit wala naman siya doon.Mabilis akong tumayo mula sa inuupuan ko.Kailangan kong kumalma.Pakiramdam ko anumang oras ay bigla na lang susulpot si Theron sa harap ko.Naglakad ako nang mabilis sa hallway habang mahigpit ang hawak sa bag ko.Buti na lang may nadaanan akong CR sa dulo.Agad akong pumasok doon.Pagkapasok ko pa lang ay napasandal na agad a

  • Sudden Marriage To A Ruthless Billionaire Tycoon    C36 INTERVIEW

    AZARIAH POVMahigpit kong hawak ang cellphone ko habang nakatitig sa huling message ni Theron.Which company?Parang gusto kong magpanggap na hindi ko nakita.Pero bago pa ako makapag-isip ng maayos na dahilan.biglang may nagsalita sa harap.“Azariah Villareal?”Napapitlag ako.Agad akong napaangat ng ulo.Ako na.“P-Present,” mabilis kong sagot habang nagmamadaling tumayo.Pakiramdam ko biglang bumilis tibok ng puso ko.Mabilis kong isinilid ang cellphone ko sa bag bago ko inayos ang portfolio ko.“Please proceed inside,” sabi nung babae sa harap habang nakangiti nang bahagya.Huminga ako nang malalim.Kaya mo ‘to.Dahan-dahan akong naglakad papasok sa interview room.Pagpasok ko pa lang ay agad kong naramdaman ang lamig ng aircon at bigat ng atmosphere sa loob.Malawak yung opisina.Modern.Malinis.

  • Sudden Marriage To A Ruthless Billionaire Tycoon    C35 JOB APPLICATION

    AZARIAH POVNang makarating kami sa Ashford Corporation, agad kong napansin kung gaano karaming tao ang nasa lobby.Sobrang daming applicants may nakaupo, may nakatayo, may hawak na envelopes at portfolios, lahat halatang kinakabahan at umaasa.“Ngayon lang pala ang opening nila para mag-hire,” sabi ni Sofie habang umiikot ang tingin sa paligid.“Baka yung iba nag-online registration na kaya yung iba nauna na kahapon,” sagot ko habang pinagmamasdan ang pila.“Baka nga, kasi meron daw kahapon. Buti na lang hindi tayo pumunta,” dagdag niya.Tumango ako.Sa totoo lang, habang tumatagal, mas lalo akong kinakabahan.Maya-maya ay may lumapit sa amin na babae na naka-company uniform.Nakangiti siyang bumati.“Hello, I’m Maureen from Marketing Department. Lahat po ng nandito ay walk-in applicants. May I know kung saang department po kayo mag-aapply?” tanong niya sa amin.Napangiti na

  • Sudden Marriage To A Ruthless Billionaire Tycoon    C34 BREAKFAST

    AZARIAH POVTahimik na ang buong kwarto.Nakapatay na ang ilaw, tanging liwanag lang ng ilaw sa labas ang pumapasok sa bintana.Magkayakap kami ni Theron sa ilalim ng kumot.Hindi ko alam kung kailan kami napunta sa ganitong posisyon basta ang alam ko lang, hindi na ako umalis sa tabi niya.At siya rin… hindi ako binitawan.Ramdam ko ang paghinga niya sa ibabaw ng ulo ko, steady at kalmado.“Theron…” mahina kong bulong.“Hm?”“Hindi ka ba bibitaw?”Bahagya siyang gumalaw.“Why would I?”Napabuntong-hininga na lang ako.Wala na rin akong nasabi pa.Hanggang sa unti-unti akong nakatulog habang yakap niya ako.Kinabukasan…Napadilat ako.Tahimik.At malamig ang kama sa tabi ko.Napalingon ako.Wala na si Theron.“Ha…” bulong ko habang bumangon.Napansin ko agad ang maliit na note sa bedside

  • Sudden Marriage To A Ruthless Billionaire Tycoon    C33 COME WITH ME

    AZARIAH POVHabang nag-i-scroll ako sa phone ko ay bigla na lang tumunog yung cellphone ni Theron sa ibabaw ng bedside table.Napapitlag ako sa gulat.“Theron!” sigaw ko papunta sa banyo. “May tumatawag sa’yo!”Mula sa loob narinig ko ang boses niya.“Answer it.”Napakurap ako.“Ako?”“Yes.”Natigilan ako.Sandali akong napatingin sa phone niya.Parang biglang nagbalik sa isip ko si Lucas noon, kahit simpleng hawak lang sa cellphone niya ay ayaw na ayaw niya. Laging bawal. Laging may limitasyon.Pero si Theron…pinapahawak niya lang basta-basta?Dahan-dahan kong kinuha yung cellphone niya, parang hindi pa rin makapaniwala.Sandali lang, may sumagot agad sa kabilang linya.“Good morning, Sir Theron. This is from Ashford Corporation. We have several documents and urgent papers that need your signature regarding the postponed meeting and—”

  • Sudden Marriage To A Ruthless Billionaire Tycoon    C32 JEALOUS PART 3

    AZARIAH POVTahimik lang kaming nakaupo sa sala habang nakasandal ako sa sofa at yakap ang malaking teddy bear na napanalunan ni Theron para sa akin.Siya naman ay nakaupo sa tabi ko habang nakatingin lang sa akin.At habang tumatagal…mas lalo kong napapansin na parang ang hilig niya na akong titigan.“Ano nanaman?” natatawa kong tanong.Bahagya siyang umayos ng upo bago sumagot.“I’m thinking.”Napataas kilay ko.“Wow. Himala.”Tumaas din kilay niya.“Funny?”“Oo.”Mahina siyang natawa bago sumandal sa sofa.Tahimik muna siya sandali bago biglang nagsalita.“How many friends do you have?”Napakurap ako.“Hm?”“Your friends,” ulit niya. “Ilang lalaki at babae?”Napatingin ako sa kanya nang nagtataka.“Bakit?”“Just asking.”Napangisi ako nang bahagya.“Ano ‘to? Interview?”“

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status