MasukAZARIAH POV Isang linggo na kaming nananatili sa mansyon ng magulang ni Theron. Sa loob ng ilang araw na ‘yon, unti-unti kong napagtanto na hindi pala ganoon kabigat ang pakiramdam ko dito gaya ng una kong inaasahan. Sa halip, unti-unti rin akong tinanggap ng pamilya niya. Mainit silang tumanggap sa akin, lalo na ang mommy ni Theron na laging nakangiti at madalas akong kinakausap na para bang matagal na nila akong kilala. Ayon sa kanila, matagal na nilang gusto na magpakasal si Theron at magkaapo, pero dahil mailap ito at laging nakatutok sa negosyo, halos sumuko na sila. Kaya laking gulat daw nila nang bigla na lang malaman na may asawa na pala siya. Habang nasa mansyon ako, mas lalo kong napapansin ang isang bagay kay Theron na hindi niya sinasabi pero malinaw kong nararamdaman. Ang patagong pag-aalala niya sa akin. Hindi niya ito ipinapakita sa salita. Madalas pa rin siyang malamig magsalita, diretso, at tila walang emosyon. Pero sa mga simpleng kilos niya kung paano niya
AZARIAH POV Pagkasakay namin sa sasakyan na nakaparada sa harap ng mall, agad niyang hinawakan ang braso ko.Hindi iyon marahas, pero mahigpit parang sinusuri kung nandun pa ba ako, kung buo pa ba ako.Sunod niyang tiningnan ang aking mga kamay, hinaplos pa ang balat ko na para bang may hinahanap na sugat o pasa. Pagkatapos ay inangat niya ang tingin sa mukha ko.“Sinaktan ka ba nila?” malamig niyang tanong.Natigilan ako.Nakatingin lang ako sa kanya habang sinusuri ko siya pabalik.Wala ang malamig niyang aura na nakasanayan kong makita sa iba. Sa halip, may kung anong bigat sa mga mata niya… pag-aalala.At sa isang lalaking tulad niya isang tycoon na sinasabing walang awa, walang pakialam nakakagulat makita na nag-aalala siya sa akin.Bakit… parang bumibilis ang tibok ng puso ko?Umiling ako agad.“Wala. Hindi naman nila ako nahawakan,” sagot ko. “Si Sienna, akmang sasampalin niya ako pero sinalag ko lang.”Nanatili siyang nakatingin sa akin.Parang iniintindi ang bawat salita ko.
AZARIAH POV Makalipas ang isang buwan…Simula nang ikasal ako kay Theron, akala ko magiging magulo ang buhay ko. Akala ko mahihirapan ako, na baka pagsisihan ko ang biglaan kong desisyon.Pero kabaliktaran ang nangyari.Hindi ko naramdaman ang hirap na inaasahan ko. Oo, sinasabi ng iba na malamig siya, walang awa, at mahirap lapitan… pero sa akin, may mga pagkakataong nakikita ko ang kabaitan niya hindi man niya sinasabi, pero nararamdaman ko.Ngayon, nasa isang kilalang luxury brand store ako, abala sa pagtingin ng mga bag. Isa-isa kong sinusuri ang mga ito, hanggang sa may isang nagustuhan ako.“Kuhain ko ‘to,” sabi ko sa saleslady.Habang hawak ko ang bag, tinitingnan ko kung babagay ba ito sa akin.Ngunit bigla, isang pamilyar na boses ang gumulat sa akin.Isang boses na ayoko nang marinig pa.Dahan-dahan akong lumingon.At doon ko sila nakita.Si Sienna… kasama si Lucas.Magkasama, parang walang nangyari.“Anong ginagawa mo dito?” tanong ni Sienna na may halong pangmamata. “Akal
AZARIAH POV Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumama sa aking mukha. Dahan-dahan kong minulat ang aking mga mata, ramdam pa ang bigat ng katawan ko.Sa paglingon ko sa tabi ko, doon ko siya nakita.Ang lalaking pinakasalan ko nang biglaan.Hindi ko pa nga siya kilala noon, pero sa isang iglap… naging asawa ko siya. At ibinigay ko sa kanya ang bagay na dapat ay pinangangalagaan ko.Ang aking dangal.Napalunok ako at agad na sinubukang alisin ang braso niyang mahigpit na nakapulupot sa aking bewang. Akala ko ay makakawala na ako, ngunit bigla siyang gumalaw at lalo pa akong hinapit papalapit sa kanya.Mas mahigpit. Parang ayaw akong pakawalan.“What do you think you’re going?” malamig niyang tanong, kahit nakapikit pa siya.“Mag-banyo lang ako…” mahinang sagot ko.Ngunit hindi siya natinag. Nanatiling nakayakap, hindi inaalis ang braso niya sa akin.Napakagat labi ako.Sobrang possessive naman nito… kahit pag-alis ko lang ng kama, para bang may karapatan siyang hadlangan ako.Humi
AZARIAH POVPabagsak niya akong inihiga sa kama, at sa isang iglap ay ginupit niya ang suot kong wedding dress.Napasinghap ako sa ginawa niya.“Ang pangit ng wedding dress mo,” malamig niyang sabi, halos walang emosyon.Patuloy niyang pinunit ang tela na parang wala lang sa kanya, hanggang sa tuluyan niya itong itinapon sa sahig na parang basurang walang halaga.“I will give you money to buy a new wedding dress… or even have one customized,” dagdag pa niya habang nakatingin lang sa akin.Hindi ako nakakilos. Nakatingin lang din ako sa kanya pareho kaming tahimik, pero magkaibang mundo ang nararamdaman.Bigla siyang lumapit at siniil ako ng halik.Isang halik na walang lambing… walang pagmamahal… pero may kakaibang init at pag-iingat na hindi ko maintindihan.Sa una, nagpumiglas ako. Tinulak ko siya, pilit lumalayo.Pero kalaunan, para bang may kung anong humila sa akin pabalik sa kanya. Para akong nalunod sa halik na iyon dahan-dahan, hanggang sa hindi ko na alam kung tama pa bang lu







