Share

CHAPTER 5

"Shit, Grantt!" usal ko dahil sa mabilis na galaw niya sa ibabaw ko. Para bang nababaliw ako sa sensasyon na aking nararamdaman dahil sa ginagawa namin ngayon.

"Please," puno ng pakiusap ko nang bumagal ang kanyang galaw. Para bang pinaglalaruan pa ako.

"Please what, baby?" bulong niya pa sa akin sabay marahas na pumasok ngunit lumabas naman kaagad. Parang gusto ko siyang sambunutan dahil sa pangbibitin niya sa akin.

"Please baby, make it fast. Please, ugh!" naiusal ko na lang nang bumilis na naman siya.

Naririnig ko ang ragitnit ng kama namin. Halos hindi ko na rin ma-kontrol pa ang aking mga d***g hanggang sa pareho kaming mahina. Bumagsak siya sa akin ng pawisan. Sobrang nanginginig pa ang aking sistema.

Hinila niya ang kumot at tinabunan ang mga hubad naming katawan. Kinabig niya ako papalapit sa kanya at pinaunan siya kanyang braso. Sabay kaming natulog habang nakapalibot sa katawan ko ang kanyang kamay.

Tuloyan akong nakatulog at umaga na rin nagising. Isa lang ang sigurado ako. May nangyari sa amin kagabi ni Grantt. Sa sobrang bilis ng pangyayari ay nagising na lang ako ngayon na para bang sumailalim sa isang matinding military training. Maybe because it was my first and he is my first.

Sa ilang taon naming pagsasama ni Grantt bilang mag-asawa ay kagabi ko lang napagtanto kung sino at ano siya. He's the wildest beast in bed. Hindi naman sa marami akong nakasama sa kama kaya nasabi ko iyon. I was just amused of how energetic he was last night.

"That stare, breathe smell, taste, warmth, I know it's you, Yong. This bed is ours. Me and only you."

Dahil sa punyetang bed at bedsheet ay nangyari iyon sa amin. Dinamay ko pa man din si Wendy pero hindi ko pa rin siya naawat.

Tsaka anong ibig niyang sabihing hinintay niya ako? Na naubos niya ang pasensiya niya?

Ako ba'y pinagloloko niya?

Natigil ako sa pamumuni-muni nang maramdaman kong bumalik na siya rito galing sa labas. Maaga pa yatang bumangon at hindi ko alam kung bakit hindi pa ito umaalis. Nilalamon ng hiya ang sistema ko kaya feeling ko hindi ko siya kayang harapin ngayon.

Bakit ikaw pa ang mahihiyan, Yongsann? Siya dapat eh.

"Gising ka na ba?" Napapitlag ako dahil sa biglaang pagyakap niya sa akin mula sa likuran. Parang nanigas ang katawan ko dahil wala pa rin akong damit, tanging kumot lang ang ginamit kong pantapi.

"Umalis ka na," masungit kong saad. Narinig ko naman ang mahinang tawa niya. Nakahinga rin ako ng maluwag dahil lumayo na siya sa akin pero hindi pa rin ako tuluyang mapanatag dahil nakaupo pa rin siya sa kama namin.

"Bakit ka galit? Hindi ka ba nag-enjoy?" pilya niya pang tanong sabay halik sa naka-expose kong braso.

Naramdaman ko na naman ang pag-aalburuto ng sistema ko kaya pilit kong pinakalma ang aking sarili sa pamamagitan ng pagsusungit sa kanya.

"Shut up, Grantt. Puntahan mo na lang ang Wendy mo," asik ko pa at umiwas ng tingin.

Bigla akong nakaramdam ng matinding inis dahil sa ideyang ginagawa rin nila ni Wendy ang kung anumang ginawa namin kagabi. Curious tuloy ako kung palagi bang silang nag-e-enjoy sa isa't-isa kapag magkasama sila.

Aish, this jerk!

Bigla akong napabangon. Halatang nagulat siya sa ginawa ko kaya nagtatanong ang kanyang titig sa akin. Hinigpitan ko ang kapit ng kumot sa katawan ko para hindi kumalas. Alam ko naman ng wala na akong dapat na itago pa sa kanya dahil nakita niya na ang buong pagkatao ko pero mas lalo lang kasing nagdidirilyo ang dibdib ko lalo pa at napakalapit namin sa isa't-isa. Hindi ako sanay ganito kami.

"Sabihin mo nga sa akin kung ilang beses niyo na ring ginawa iyon?" tanong ko habang nakataas ang aking kilay.

Ayusin mo ang sagot mo, Gomez dahil kung hindi ay lilipad ka palabas ng planetang ito.

Bahagya namang umawang ang kanyang bibig. Tila ba hindi niya inaasahang itatanong ko iyon sa kanya. "Kailan ka pa nagkaroon ng pakialam sa amin? Akala ko ba ay hindi ka interesado sa kung anumang meron kami o ginagawa namin kapag kami lang?"

"Grantt," may diin kong asik. Tumaas naman ang sulok ng kanyang bibig.

At tuwang-tuwa pa talaga siya dahil naaasar ako sa pagmumukha niya ngayon ha?

Nagtagisan kami ng titig at sa huli ay siya ang bumuwag niyon. Napabuntong-hininga rin siya at nagsumiksik pa sa akin. Gano'n na lang din kahigpit ang hawak ko sa kumot para hindi dumulas sa katawan ko. Ang aga-aga ay mukhang stress na kaagad ako sa lalaking ito at sa kabit niya na siyang official public partner niya.

"Mag-asawa ba kami ni Wendy para gawin ang bagay na iyon?" inosente niyang saad. Walang masama sa naging sagot niya pero mas bumigat pa lalo ang pakiramdam ko.

Kilala ko ang aking sarili kaya sa pagkakataong ito ay hindi ko maipagkakailang nagseselos ako sa showbiz partner niya. Dahil sa nangyari sa amin ay na trigger yata lahat ng inggit at insecurities ko sa katawan kaya nagkakaganito ako. Siyempre, nakuha niya na ang pagkababae ko, wala na akong maipagmamalaki pa.

Huli na rin ng aking mamalayan na nagsilandas na pala ang mga luha ko. Nakita ko rin kung paano bumakas sa kanyang mga mata ang gulat.

"Hey, why are you crying?" nagpapanic niyang saad at tila ba hindi alam kung anong gagawin. "Yong, why? Tell, why?"

Napatungo ako at nayakap ang sarili kong mga tuhod. Halos hikbi ko lang ang maririnig sa kabuang kwarto namin. Ang daming  ideya na bumabagabag sa aking isipan sa ganito kaaga.

Ano bang nangyayari sa akin? Bakit nagkakaganito ako?

"Yong," rinig kong tawag niya sa akin. Mas mahinahon at kababakasan ng pag-aalala. Hinaplos-haplos niya pa ang likuran ko.

Ano ng mangyayari sa akin ngayon? Pagkatapos ng isang buwan ay maghihiwalay din naman kami. Ipinanganak lang ba ako para masaktan at mahirapan ng paulit-ulit?

Hindi pwede 'to, Yongsann. Don't be too weak. Malakas ka na, diba? Hahayaan mo lang bang mapunta sa wala ang lahat ng paghihirap mo sa loob ng ilang taon? Si Greel o itong si Grantt, hahayaan mo lang bang pareho ka nilang iwan?

Tuluyan kong nasamsam ang aking sarili dahil sa mga katanungang iyon. Napalingon ako sa kanya kaya nagtama ang paningin namin.

Hindi pa huli ang lahat para bakuran kita, Grantt Gomez. Ikaw ang gumawa ng paraan para hindi kita tuluyang pakawalan.

Kung saan nakumbinsi niya na akong pirmahan ang annulment paper namin ay tsaka naman ako binigyan ng mabigat na rason para hindi sundin iyon.

"Walang ganong nangyari sa amin ni Wendy, okay? Huwag ka ngang ano diyan. Bakit ka ba umiiyak ha?"

"Huwag mong ipapakita sa akin kung gaano mo kamahal si Wendy dahil baka masabi ko na lang sa kanya na asawa mo ako at hindi manager lang," seryoso kong saad at pilit na bumaba ng kama. Gusto niya pa akong alalayan pero hinawi ko ang kanyang kamay. "Don't touch me unless I asked you too. That's my first condition."

Nahihirapan man ay nagawa kong pumasok ng shower room at naligo. Nang matapos ako ay tila ba nabawasan ang bigat na aking nararamdaman. Hindi na rin ako masyadong hirap maglakad. Mamaya ay magiging okay din ako.

This is how exactly the first time feels like huh?

Hindi pwedeng hindi ako pumasok ngayon dahil marami pa akong aasikasohin para sa MV filming ni Venice. Ayokong maging iresponsableng manager.

Nang makapagbihis na ako ay lumabas ako ng kwarto at dumiretso sa kusina. Naabutan ko si Grantt na tahimik na naghahanda ng pagkain sa hapag-kainan.

"Kumain muna tayo bago umalis, sumabay ka na sa akin," suhestiyon niya pa.

"Hindi na, doon na lang ako kakain," tanggi ko naman at akmang lalabas na kusina nang pinidot niya ang remote control para i-lock ang pinto. "Grantt!"

"Nagluto ako para makakain ka bago umalis tapos hindi ka kakain? So, anong gagawin ko rito? Itatapon na lang ang mga 'to? Kaya tayo hindi nagkakasundo, Yongsann eh. Masyadong matigas yang ulo mo."

Inilapag ko naman sa upuan ang sling bag ko. "Ay, bakit? Malambot ba yang ulo mo?"

"Which head you're pertaining to?" nakangisi niyang sabi.

Kaagad ko namang naramdaman ang panginginit ng aking mukha nang maintindihan ang kanyang sinabi.

Aish, this jerk! Ginagawang polluted ang isip ko eh.

"Grantt," saad ko habang nambabanta ang aking boses. Ngumisi lang naman siya ulit at nagkibit-balikat.

"Hay, naku, Yong. Ang aga pa para maging dirty-minded ka diyan. Kaya kailangan mo talagang kumain muna bago magtrabaho."

Napatitig naman ako sa kanya. Ngayon ko lang din nakita na maliwanag ang mukha nito. Nagmumukha tuloy siyang si Greel.

"Anong klaseng tingin niyan?" usisa niya pa nang mahuli niya akong nakatingin sa kanya.

"You looks like Greel kapag ganyan ang awra mo," saad ko habang titig na titig pa rin sa kanya. Kahit saang anggulo tingnan ay magkamukha talaga sila. Hindi ko alam kung anong pagkakaiba nila dahil hindi ko naman sila nakita nang sabay.

Tumaas ng bahagya ang isang kilay niya, kasunod niyon ay ang pagguhit ng iritasyon sa kanyang mukha. Lihim naman akong natawa. Inaasahan ko naman na maaasar siya dahil sa sinabi ko. Pinakaayaw niya kasi sa lahat ay yong kinukumpara siya sa kanyang kapatid.

"Miss mo?" paasik niyang tanong sabay padarag na ibinagsak ang kutsarang hawak niya sa isang plato.

"Bawal?" nang-aasar ko ring tanong. Ngayon naman ay siya naman ang pagseselosin ko.

Selos? Siya? Asa ka pa Yongsann na magselos yan.

"I am not him and I am nth times better than him. Always remember that, Yong."

"Talaga? Well, kahit naman iniwan ako ni Greel at hindi na nagpakita pa ay masasabi kong mas sweet siya kaysa sayo."

Inaasahan kong mapikon siya pero hindi iyon nangyari. Gusto ko pa naman ng away ngayon, bakit tila ang haba ng pasensiya niya.

"Hindi na ako sasabay sayo papunta sa studio, ayaw ko ng isyu... Sasabay na pala ako," agad na bawi ko nang maalala ang plano kong bakuran siya.

Mag-iisip pa ako kung paano ko matatanggal si Wendy sa buhay niya. It's not like I will kill her. Babawiin ko lang ang kung anong sa akin.

Let's say, I can be an angel and I can be a bitch too.

"Sanay ako sa isyu at alam kong ganon ka rin. Wala ng bago doon. Makikipagkita nga pala ako mamaya kay Sir Rozen."

Si Sir Rozen ang isa sa magaling na music producer at composer. Madalas ay sila ni Direct. Hannah ang magkatrabaho.

"For?"

"Eh diba sabi mo ay kailangan na namin ulit maglabas ng bagong music ni Wendy? Kinukuyog ka kamo ng mga fan namin?"

"Kamo? Totoo ang sinabi kong iyon, Grantt tsaka valid naman ang rason nila. Huwag puro cover ang gawin ninyo. Maglabas kayo ng bagong kanta."

"Oo na nga po. Sasamahan mo ako mamaya."

Sumang-ayon na lang ako at naghila ng isang upuan. Visual pa lang ng kanyang mga niluto ay mukhang masarap na.

Pareho kaming tahimik habang kumakain. Pagkatapos ay siya rin ang nagligpit ng kalat sa kusina at ako naman ang naghugas ng pinagkainan namin.

Sa kauna-unahang pagkakataon ay sabay kaming lumabas ng bahay at ito rin ang unang pagkakataon na makakasabay ko siya papuntang trabaho.

"Seatbelt," paalala niya pa. Agad ko naman iyong ikinabit. Napasandal ako at napapikit.

"Ohh, ganito pala ang feeling ni Wendy kapag sumasakay sa kotse na ito tapos may gwapong driver," saad ko. Hindi ko naman makikita ang reaction niya kaya okay lang.

"Masyado ka talagang assumera. Alam mong may sariling sasakyan at driver si Wendy."

"Alam ko pero imposibleng hindi mo siya naisakay."

"Pero hindi sa sasakyang ito. Alam mo naman ding bihira ko lang ilabas ang paborito kong sasakyan eh."

Hindi na ako nakipagtalo pa. Mukha namang nagsasabi siya ng totoo eh.

"Also, stop provoking Mr. Allan Fuentes. That guy isn't a human and I know that you know that well," saad niya.

Napadilat tuloy ako. Paano niya nalamang may hindi kami napagkakasunduan ni Sir Allan? Wala naman akong binanggit sa kanya bukod sa sinabi kong kailangan ko si Direct. Hannah.

"Gusto ko lang namang maging maganda ang quality ng MV ni Venice, mali ba iyon? Ako ang manager ng bata kaya alam ko kung gaano karami ang supporters nito. Eh masyado niya naman kasing ina-underestimate ang kakayahan at fandom ni Venice," puno ng hinanakit kong saad.

"Full-out ninyo si Fuentes, ako ang magpo-produce ng album ni Venice."

Napaayos naman ako ng upo at pinakatitigan siya. "Are you serious?"

"Yeah, I am not kidding you, Yong. Pangarap ko ring maging song producer kaya pagbigyan mo na ako. Isa pa ay Junior ko rin si Venice at nakikita ko rin ang potential niya sa singing and dancing. Kukunin din natin si Director Hannah kung yan ang ikakatahimik ng kaluluwa mo."

Ramdam ako ang pagliwanag ng mukha ko. Sa yaman ng taong ito ay tiwala akong mas magiging bongga pa ang filming set kaysa sa gusto kong mangyari.

"Sure basta ba, gawin mo akong co-producer. Sawa na rin ako sa pagiging handler lang," may halong reklamo kong saad.

Magandang simula ito para tuluyang pasukin ang music industry bilang producer. Kailangan ko ng bagong career dahil sa ngayon ay nanganganib na ako lalo pa at may pagka-clingy na sa akin ang kugtong na ito. Kailangan ko na siyang bitiwan bilang alaga ko.

"Deal," sagot niya. Hindi ko pigilang mapangiti. Ngayon ay makakahinga na ako ng maluwag dahil nabawasan na ang alalahanin ko. Kailangan ko ring ipaalam ito kay Venice para mapanatag din ito.

Hanggang sa dumating kami sa studio ay good mood na good mood ako. Dahil ikalawang araw na ng rehearsal ay marami ng tao na labas-masok sa studio.

Nandito rin pala si Wendy dahil kailangan nilang magrehearse para sa song production nila ni Grantt.

Kasalukuyan kaming nasa rehearsal room. Dahil nakikipagchikahan pa ang babae sa kina Venice ay sinamantala kong maupo sa tabi ni Grantt. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na magtatabi kami rito sa room na ito. Palagi kasing malayo ang espirito namin sa isa't-isa.

Mula sa gilid ng aking mga mata ay nakita kong lumingon si Wendy sa kinaroroonan namin ni Grantt. Nagkunwari akong busy sa kung anumang kinakalikot ko sa cellphone habang si Grantt ay mukhang kinakabisa sa kanyang utak ang tono at lyrics ng kakantahin nila.

Minuto pa ang nakalipas at lumapit din ito sa amin pero wala itong choice kundi ang maupo sa bakanteng upuan na nasa harap ng pwesto namin.

"Look at this, Grantt. Ano sa tingin mo ang mas maganda?" untag ko sa lalaki.

Napatingin naman ito sa akin bago dumapo ang tingin sa cellphone ko. Halatang nagulat din ito dahil kinausap ko siya sa kaswal na tono bagay na hindi ko ginagawa kapag kaharap namin ang singing partner niya.

"Couches?"

"Hmmm, para sa bahay. Ilang taon na rin kasing hindi ko napalitan ang mga iyon," kaswal ko na namang saad. Hindi ko naman sinabing bahay namin kaya wala siyang ipag-alala.

"Uhm, how about this one? Looks cool," turo niya sa dark green. Napatango naman ako dahil iyon din ang gusto ko.

"Ohh, I like that too," nakangiti kong saad sa kanya. Halatang napatulala siya saglit.

"Ang swerte ng magiging asawa mo, Ma'am Yongsann," singit na saad ni Wendy. Pareho kaming napatingin dito.

"Eh? Bakit?" usisa ko naman.

"Kasi parang ready to settle ka na. I mean, naghahanda ka. Wala na masyadong poproblemahin ang magiging asawa mo."

Pinigilan ko namang tumaas ang aking kilay. Para na ring sinabi nito na pagsasamantalahan lang ako ng magiging asawa ko.

Akala niya ba papayag ako sa ganong set-up? Eh kung ngayon nga ay tanging bedsheet lang ang ambag ko sa bahay namin ni Grantt.

"Hindi rin siguro ganon, Wend. Hindi ako papayag na ako lang ang bubuo sa pamamahay namin. Kung ako ang nagpagawa ng kitchen, dapat siya ang bumili ng kitchen wares. Kapag ako ang bumili ng kama eh dapat siya ang sa unan at bedsheet. Dalawa kaming titira sa bahay at hindi ako lang," mahabang paliwanag ko.

Naramdaman ko ang kurot sa akin ni Grantt mula sa aking likuran. Mas lalo tuloy akong ginaganahang asarin sila ng girlfriend niya.

"Ikaw ba, Wend? Ready ka na bang mag-settle?" balik-tanong ko sa babae. Halata namang natigilan ito.

"A-hh, ewan ko po. Sa ngayon eh career muna," sagot nito. Para namang sinabi nitong hindi niya boyfriend si Grantt. Eh naghalikan na nga sila sa harap ko mismo, ngayon pa ba siya nahihiya?

Bago pa ulit ako makabanat ay bumukas ang pinto ng RR. Lahat kami ay napatingin. Si Kenth ang iniluwan niyon. Halata namang ako ang sadya nito.

Nang makita ako nito ay agad itong lumapit sa akin at sabay kurot ng pisngi ko.

"Aray! Bwiset ka talaga! Anong ginagawa mo rito?" asik ko naman. Tumawa lang ito at hinila ako patayo at siya ang umupo sa tabi ni Grantt.

"Pare," bati nito.

"Pare," ganti naman ni Grantt.

"Mas nagiging big time ang BHE dahil sa inyo eh. Oh, hi Wendy," baling nito sa babae na nakikiramdam lang din.

"Hello, Kuya Kenth..."

"Ano ka ba naman? Kenth na lang, magkasing-edad lang naman kayo ni Yongsann eh. Tingnan mo siya, walang galang sa akin."

"Ang kapal ng mukha mo, sino ba ang nagagalit kapag kinu-kuya?" sabat ko naman. Tumawa lang ako.

"Date tayo later, Yongsann," pabirong saad nito pero napatingin sa amin lahat ng nandidito. Dahil sikat ito ay hindi iyon magandang biro.

"Ang ganda ng joke mo."

"Eh bakit? Bawal bang mag-date as a friend? Huwag assuming." Nagsitawanan tuloy ang mga kasamahan namin maliban kay Grantt na seryoso ang mukha.

"Magrehearse na tayo, Wendy," deklara na saad ni Grantt at tumayo na. Sumunod naman ang babae at puwesto na sila.

"Hindi ka ba nagseselos diyan kay Wendy?" pangungutya naman sa akin ni Kenth. Umupo na ako sa bakanteng upuan katabi nito.

"Bakit naman ako magseselos. Sino ba ang mas maganda sa amin?"

"Ikaw, malamang. Ikaw ang kaibigan ko eh." Nahampas ko naman agad ito pero humagalpak lang ito ng tawa.

"Pero alam mo Yongsann, sa isang nobela madalas ang bida ay ang isang artista at kapwa artista nito. Wala pa masyadong kwento tungkol sa artista at manager nito na nagkatuluyan. Alam mo na ang kahahatungan nila, okay?"

"Ayaw mong tumigil?" puno ng banta kong saad. Kagaya ng nakasanayan namin ay nagtagisan kami ng tingin. Ang unang kumurap ay siyang unang lalabas ng room.

Pareho kaming napapitlag ni Kenth nang may bumagsak na microphone. Agad kaming napatingin sa pinanggalingan niyon at napagtanto kong mic iyon ni Grantt ang nahulog sa sahig. Napatayo naman ako para suriin sila.

"Are you okay?" tanong ko. Hindi ito umimik.

"Mauna na ako, Sann!" paalam ni Kenth.

"Layas!" ganti ko rin, tumawa lang ito at lumabas na. Muli ko namang hinarap ang dalawa.

"Anong problema?" ulit kong tanong. Sa halip na tingnan niya ako ay binalingan niya si Wendy.

"I-cancel na lang natin ang prod na ito. Wala ako sa kondisyong kumanta," aniya na ikinanganga namin ng babae.

"What? Seryoso ka ba Grantt? Wala rin naman ako sa mood kumanta kung minsan pero hindi ako nagba-back-out."

Hindi na nito pinakinggan pa ang sinasabi ng babae at basta na lang itong lumabas ng RR. Lumapit naman sa amin si Ate Pia na siyang manager ni Wendy.

"What happened? Bakit nagwalk-out si Grantt?"

"Ako na ang kakausap kay Grantt. Hintayin niyo na lang kami rito Ate Pia. Sinasaltik lang ang isang iyon. Huwag muna kayong umalis ni Wendy ha?" pakiusap ko pa.

"Okay, sige na."

Agad akong lumabas ng RR. Wala namang pinupuntahan ang kugtong na iyon kundi ang office namin dito kaya doon na rin ako dumiretso.

Tama nga ako dahil prente pa itong nakaupo sa couch na akala mo ay walang iniwang mga nilalang sa RR.

Ini-lock ko ang pinto para walang makarinig ng bangayan namin kung sakaling bwisetin na naman ako nito.

"Anong problema mo?" asik ko sa kanya. Hindi niya naman ako inimikan kaya mas lumapit pa ako sa kanya. "Grantt."

"Leave me alone. Wala ako sa mood na kausapin ka."

"Ako rin naman pero pinipilit kong maging professional, Grantt Gomez." Nakita kong nagtagis ang kanyang bagang.

"Oo na, hindi na ako professional. Huwag mo na akong pakialamanan. Bakit hindi ka mag-day off ngayon at makipag-date kay Kenth? Kung maglalandian kayo ay humanap kayo ng kwarto hindi iyong maraming tao ang nakakakita sa inyo. Tsaka kung wala kayong magawa eh di sana marunong kayong mag-adjust, diba? Hindi yong alam niyo namang maingay na sa RR dahil may nagre-rehearse ay dadagdagan niyo pa. Wala ba kayong pakiramdam or what? Kasi kami meron. Nakakawala kayong ganang magrehearse. Hindi naman tagarito ang kaibigan mo pero bakit nandito? Kung gusto niya palang yayain ka ng date eh dapat nagdala na rin siya ng banner."

Nakanganga lang habang pinapakinggan ang mahabang sermon niyang iyon. Ito yata ang kauna-unahang pagkakataon na may kahabaan ang sinabi niya sa akin.

Naitagilid ko ang aking ulo habang nakahalukipkip na pinakatitigan siya. Marami rin naman akong gustong sabihin sa kanya pero hindi ko masalansan ng maayos ang mga ideya sa aking isipan.

"Bakit nagagalit ka? Tsaka anong date ang pinagsasabi mo? Nagbibiro lang naman si Kenth."

"Sa tingin mo? Alam niya namang asawa kita ay bakit kailangan niyang sabihin iyon?"

Natawa naman ako at natutuwa siyang pinakatitigan. Alam kong magiging assumera na naman ako sa paningin niya kapag itinanong ko kung ano ang nasa isipan ko ngayon pero hindi ko malalaman ang sagot kapag hindi ko ito naitanong sa kanya.

"Nagseselos ka ba kay Kenth?" direktang saad ko. Seryoso iyon at walang halong pang-aasar. Masama naman ang kanyang tingin na ibinigay sa akin.

"At kung oo? Masama ba?"

"Kung? As in if? Hindi sigurado? Ang OA mo," asik ko sabay irap sa kanya.

"Nagseselos ako sa inyo, lalo na sa pahampas-hampas mo sa kanya at sa titigan ninyo," panlilinaw niya pa. Gusto kong marinig na nagseselos nga siya pero nang marinig ko naman ay wala na akong masabi pa. "Asawa kita kaya may karapatan akong magselos."

"Nagseselos din naman ako sa inyo ni Wendy pero hindi ako nagpadala sa bugso ng damdamin ko, Grantt. Nagseselos o tinutupak ka lang talaga ay hindi tama ang ginawa mo," panenermon ko sa kanya.

"Nagseselos ka pala pero hindi mo sinabi at hindi mo ipinaalam sa akin. Eh ako pinapaalam ko sayo."

"Kasalanan ko pa ngayon? Kaibigan ko lang si Kenth at alam niya ang tungkol sa atin. Eh si Wendy? Hindi niya alam na asawa mo ako at girlfriend mo pa siya. Sa ating dalawa ay ikaw ang cheater, Grantt." Pinigilan ko ang aking sarili na sigawan siya dahil maririnig na talaga kami sa labas kahit pa nakasara ang pinto.

"Nagchi-cheat ako kasi hinayaan mo lang ako," malamya niyang saad. Malinaw pa iyon sa tubig na aking narinig.

"Anong sabi mo?" pangungumpirma ko.

"Wala. Umalis ka na, hayaan mo na muna ako o kundi man ay si Wendy ang papuntahin mo rito. Hindi ka nakakagaan ng loob. Puro sama lang ng loob ang ambag mo sa buhay ko."

Literal na napanganga ako. Ang kapal lang talaga ng mukha ng lalaking ito eh. Eh siya nga ganon lang din naman ang ambag niya sa buhay ko.

"Kung hindi ka aalis ay ako na lang," deklara niya at tumayo na. Mabilis ko namang nahawakan siya sa braso para pigilan. Talagang seryoso ito sa pagba-back-out sa prod nila.

"Kapag lumabas ka ng pintong 'yan ay makikipag-date ako kay Kenth. Alam mong may gusto sa akin ang lalaking iyon," pananakot ko sa kanya. Hindi naman siya gumalaw sa kanyang kinatatayuan. Sa halip ay masamang tingin lang ang ipinupukol sa akin.

Do something Yongsann para magbago ang isip niya. Hindi pwedeng ikansela ang performance nila.

"Look, I'm sorry sa nangyari. Hindi na mauulit pa," mahinahon kong saad. Napabuntong-hininga naman siya. "Grantt," untag ko ulit sa kanya.

"Ano?" pagalit niyang sagot.

"Since you are dating Wendy, you want me to date Ken..."

"No and stop mentioning their names, will you?"

Ngumiti naman ako sa kanya at tumango. Bahagya ng lumiwanag ang kanyang mukha. Tumingkayad ako at ginawaran siya ng dagling halik sa labi.

"Do you want me to eat you later?" pabulong niyang saad habang pinipisil ang bewang ko. Dagling niyakap ko naman siya. Gustong-gusto ko talaga ang init ng kanyang katawan. Para bang kahit naka-full ang aircon dito sa loon ay kaya niyang tanggalin ang lamig na nararamdaman ko.

My goodness! Bakit ba ganito ang nasa isip? Bakit parang nadadala na talaga ako sa panglalandi sa akin ng lalaking ito?!

"Kung babalik ka sa RR, why not?" nang-aakit ko ring sagot. Narinig ko ang malalim at mabigat niyang hininga. Tila ba nagpipigil sa kanyang sarili. "I am willing to be eaten by you."

"Damn you, Yong. Magsisisi ka sa sinasabi mo ngayon."

"Let see," nanghahamon kong saad.

Tsk. Gusto mo ba talaga maging adik ako sayo, Grantt? Baka magsisisi ka kapag hindi na kita pinakawalan pa.

Vote. Comment. Follow.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status