Share

CHAPTER 6

Pareho na kaming bumalik ng practice room. Sinenyasan ko pa siyang huwag masyadong magpahalata kay Wendy na kami ni Kenth ang dahilan ng pagkabadtrip niya. Ang lakas pa naman ng makiramdam ni Wendy. Mabibisto kami ng wala sa oras.

Natatawa na nadidismaya na lang ako sa sitwasyon namin ito. Kami itong legal na kasal pero parang kami pa itong may illegal na relasyon.

Totoo ngang napakahirap magtago ng sekreto. Hindi kasi pwedeng basta na lang naming ipaalam sa lahat ang totong estado namin ni Grantt dahil paniguradong magkakagulo lang, lalo na sa online world.

Ngayon pa nga lang na na-chi-chismis kami kung minsan kahit wala naman kaming ginagawa ay halos sugurin na ako ng GraWen fans eh. How about pa kapag nalaman nilang legal na asawa niya ako at hindi lang basta na manager? Baka i-cancel na nila ako sa mundong ito.

"Ma'am Yongsann, may appointment ba mamaya si Grantt?" untag na tanong sa akin ni Wendy.

Dahil sa lalim ng lipad ng aking isipan ay huli ko na namalayan na patapos na rin pala ang rehearsal nila. Napaayos ako ng upo bago sinagot ang tanong nito.

"Mamaya? Mga anong oras ba para ma-check ko kung meron," tugon ko naman at kinuha ang tablet na ginagawa kong scheduler ng lahat ng hawak kong artists. Sinuri ko ang schedule ni Grantt.

"Mamayang gabi. I-invite ko sana siya sa birthday ng best friend kong si Eunice."

Artista rin ang binanggit nitong pangalan at ang rinig ko pa isa sa problematic na artista si Eunice. Nasa karibal na company din ito.

Tuwing birthday ng babae ay palagi na lang may isyung lumalabas kinabukasan. May isang beses pa nga na nasangkot sila sa isang drug scandal.

Hindi ko tuloy maiwasang mag-alala. Hindi ganon kalakas ang tolerance ni Grantt sa alak kaya mabilis lang din siyang malasing. Baka paggising niya bukas ay sangkot na siya sa isang scandal.

Napatingin naman ako kay Grantt na tahimik sa isang gilid habang kumakaskas ng gitara. Nagpa-practise na pala ito para sa solo performance niya.

"Ah, wala naman siyang pupuntahang event mamayang gabi."

"Really?! So, pwede ko ba siyang maisama?"

Bakit ba sa akin nagpapaalam ang isang ito? Kapag wala namang gig si Grantt ay hindi ko na hawak ang buhay at oras niya. Tsaka himala yatang humihingi ito ng permisyon ko. Noong pagkatapos na pagkatapos nga ng anniversary concert ni Grantt ay sila naman ang magkasama. Walang paalam-alam sa akin.

"Pero maaga pa kasi ang gig ni Grantt bukas. Kailangan naming pumunta ng LC Island dahil maggi-guest siya sa gaganaping event doon," paliwanag ko naman.

Napansin ko kaagad ang pagsimangot nito. Hindi ko tuloy alam kong itutuloy ko pa bang magpaliwanag sa kanya o hindi na. Mukha naman kasing hindi siya willing sundi ang magiging desisyon ko.

"Anong oras ba ang biyahe ninyo?" usisa nito sa nababagot na tono.

Attitude din talaga ang isang ito eh.

"Mga 2:00 a.m ay paalis na kami papuntang LC Island since 2 hours din ang biyahe. Mga 1:30 a.m ay nasa port na dapat kami. 4:00 a.m kasi ang wedding proposal nong client eh."

"Bakit? Anong meron doon?"

Bakit ba kailangan kong magpaliwanag ng detalyado sa kanya? Bakit hindi na lang si Grantt ang tanungin niya, diba?

Gusto kasi ng client naming lalaki na maabutan nila ang pagsikat ng araw sa isla. Iyon ang pinaka-high light sa proposal niyang magaganap. Fan din ni Grantt ang babae kaya siya ang piniling kumanta.

Isipin ko palang din na ganon ka-romantic ang mangyayari ay excited na rin akong masaksihan iyon.

"Wedding proposal," tipid kong sabi.

"Makakapagpahinga pa kaya si Grantt niyan?" kaswal kong tanong at muling inilapag ang tablet sa bakanteng upuan.

"Uuwi din kami kaagad. Mga 10 p.m ay tapos na rin naman ang party."

"Ah, 10:00 p.m," simpleng sabi ko.

Pinigilan ko rin ang aking sarili na taasan siya ng kilay. Halata naman kasing ayaw kong pumayag bilang manager ni Grantt dahil nga may maaga kaming lakad pero heto at namimilit talaga.

Eh humingi pa siya ng permisyon sa akin kung siya rin naman ang masusunod, diba?

"Ah, I see. Si Grantt na lang ang kausapin mo, Wendy. Siya ang makakapag-desisyon niyan," tugon ko na lang. Bahala na silang mag-usap at magdiskusyon.

Sila naman ang pupunta ng party at hindi ako eh. Si Grantt din naman ang mangangarag bukas at hindi ako.

"Ang sabi ni Grantt ay ikaw daw ang tanungin tapos ngayon ay siya na naman? Sino ba talaga ang dapat na tanungin ko?" natatawa nitong sabi kahit na bakas naman ang iritasyon sa kanyang boses.

Ay? Bakit parang nadamay pa ako sa gimik nila?

"Ayos lang sa akin, Wendy," mahinahon kong tugon. "Wala namang problema. Kung kaya naman ni Grantt na pumunta, eh di okay. Kayo na bahalang mag-usap. Personal na lakad niyo naman 'yan eh," pagtatapos ko sa usapan namin.

Ngumiti ako at tumayo. Naalala ko kasi bigla na may kailangan pa kaming pag-usapan ni Judie. Lumabas muna ako ng rehearsal room at hinanap ang kapwa ko manager.

Nahagilap ko ito sa cafe ng studio. Kasama rin nito ang isa pang manager na si Lou. Um-order na rin muna ako ng iced coffee bago pumanhik sa mesa na pinagpupwestuhan nila.

"Ano na? Napapayag mo na ba si Xaira na maging choreographer ni Venice?" usisa ko kaagad sa isa.

Siya kasi itong may kontak sa kay Xaira at minsan na ring nagkatrabaho ng isa sa alaga niya.

Mga prominenteng tao ang tinatarget ko ngayon para mas lalong makahatak ng atensiyon ang comeback song ni Venice. Part iyon ng marketing strategy ko.

"Oo, dzai. Mag-usap daw kayo sa lunes. Pupunta sila dito para makipag-meeting sayo."

"Noted. Thanks, dzai," tugon ko naman.

"Rinig namin ay nagkagulo kanina sa rehearsal room ninyo? Bakit?" agad na iba sa usapan namin ni Lou. Napasimsim pa muna ako ng kape bago sumagot. In born na chismosa talaga ang isang ito.

"Ahh, that. Yeah. May misunderstanding lang sina Grantt at Wendy kanina."

"Eh nakasalubong ko kanina si Grantt. First time kong makita ang mukha niyang para bang lulunok ng taong buhay. Misunderstanding lang ba talaga 'yon? Para kasing selos na selos ang mukha ng alaga mo."

Muli akong napasimsim ng kape para kalmahin ang aking sarili. Kahit naman malapit ako sa dalawang ito ay hindi ko pa rin talaga kayang ipaalam sa kanila ang totoong relasyon namin ni Grantt. Hindi ko kayang sabihin na ako ang dahilan ng pagiging ganon ni Grantt kanina at hindi si Wendy.

Wait, bakit parang ang gaan sa pakiramdam na ako ang dahilan ng pagiging ganon ni Grantt?! Crazy.

"Okay naman na sila. Patapos na rin sa rehearsal," tipid kong sagot.

"Aish, ikaw nga magsabi ka ng totoo," deklara ni Judie. Bigla naman akong kinabahan sa posibleng sasabihin pa nito.

"Totoo?" usisa ko naman.

"Oo nga, gurl. Tayo-tayo lang naman ang makakaalam. Promise, wala kaming pagsasabihan," gatong din ni Lou na mas ikinakaba ko pa pala.

Ano bang totoo ang gusto nilang malaman? Huwag naman sana yong katotohanan na ilang taon na naming iniingatan ni Grantt.

"Si Wendy at Grantt na ba talaga? I mean, in a relationship na sila? For real?"

Nakahinga ako nang maluwag. Akala ko naman ay kung anong katotohanan na ang gusto nilang malaman.

Okay, Yongsann. Medyo naging defensive at praning tayo doon.

"Hindi ko rin alam sa kanila. Ano ba sa tingin ninyo?" balik ko sa kanilang tanong. Mas okay na maging safe ang sagot ko.

"Parang sila na eh. Flex na flex lagi ni Wendy si Grantt sa social media accounts niya. Eh babae rin naman tayo, diba? Bakit natin ilalagay sa highlight at mga stories natin ang isang tao o kung walang special relationship, diba?"

"Totoo pero kasi naisip ko lang din, uso naman ngayon ang mga flex nang flex kahit walang label ang relationship eh," pananalungat naman ni Lou kay Judie dahilan para pareho silang natahimik. Natawa at nailing na lang ako.

"Leave them alone. Malalaki na sila. Tsaka matagal na silang mag-love team kaya normal lang naman na i-flex nila ang isa't-isa eh," sabat ko rin.

"Kung sabagay. Eh how about you, Yongsann?"

Ayun na naman ang kaba na naramdaman ko dahil sa tanong na iyon. Bakit ba palagi akong nadadamay sa usapan na ito?

"Ano na naman?"

"Wala ka pa rin bang jowa?"

Natawa naman ako. "Kayo ba meron?"

"Meron," sabay na sagot nila. Nanliit naman ang aking mga mata sa kanila.

"Eh di good for the both of you. Stay strong sa relationship na napasok ninyo ha? Sana tumagal kayo."

"Pero feeling ko talaga nasa secret relationship ka eh," panunudyo pa ng kugtong na Judie.

"Oo nga, dzai. Feeling ko rin talaga ay nasa tabi-tabi lang din siya."

Sa kamalas-malasang pagkakataon ay nasamid pa sa iniinom kong kape.

"See?!" sabay pa talaga nilang sabi. Umayos naman ako ng upo at kinalma ang aking sarili.

"Nagulat lang ako sa sinabi ninyong nasa secret relationship. Grabi naman kayo."

Tumayo na ako para takasan sila at iwasan ang usapan namin. Baka mamaya ay madulas pa ako. Magaling pa namang manghuli ang dalawang ito.

"Yongsann!" malakas pa na tawag sa akin ni Judie. Naging mabilis naman ang mga hakbang ko papalayo ng cafe habang bitbit ang kape ko.

Dumiretso ako ng RR. Saktong pagpasok ko ay papalabas naman sina Wendy at Grantt. Hindi ko na tuloy naiiwas pa ang cup na bitbit ko papalayo sa babae kaya naibuhos ko talaga iyon sa kanya.

"Hala! Sorry, Wendy," gulat kong paumanhin sa kanya. Mabuti na lang at iced coffee ito at hindi hot.

"Aish," rinig kong asik nito. Halata ang iritasyon sa kanyang boses.

"Sorry," ulit kong paumahin. Pilit na ngiti ang ibinigay nito sa akin.

"Okay lang , Ma'am Yongsann."

Alanganin akong napangiti dahil bakat na bakat ang kanyang bra. Napakamot pa ako sa aking leeg habang nag-iisip ng pwedeng sabihin pa.

"Wear my hood," ani Grantt at kaagad na ibinigay iyon kay Wendy. Palihim ko siyang tinapunan ng tingin. Sa natatandaan ko ay ako ang bumili ng hood na ito.

Tsk, malamang sa malamang ay uunahin niya ang kapakanan ni Wendy kaysa sa ang isiping ikaw ang bumili ng hood niya, Yongsann. Kasalanan mo rin naman eh.

Kinuha naman kaagad iyon ni Wendy at isinuot. Mukhang good mood na rin siya dahil natural na ang kanyang ngiti sa akin.

"Okay lang talaga, Ma'am Yongsann. Hindi rin naman kita nakita eh."

Marahan na lang akong napatango at nilagpasan na sila. Hinayaan ko na lang din na makalabas sila sa rehearsal room.

Tsk. Kamusta kaya ang naging usapan nila? Sasama ba si Grantt mamaya? Ay, ewan.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status