Share

Chapter Five

     NANGANGATOG ang aking mga tuhod habang nilalapitan ko ang kabaong ng aking ina. Pagdating ko kasi kahapon sa hospital ay hindi ko na ito naabutan'g buhay.

Sinabi ng mga doctor na dead on arrival ang naganap kaya't kaagad ng inasikaso ng aking ama ang burol nito. Ngayon ay naririto na ito sa aming mansiyon at pinaglalamayan na ng ilan namin'g kamag-anak at kakilala.

Karamihan sa mga naroon ay mga kasamahan ni dad sa kompanya.

Simula pa kahapon ay walang humpay na ako sa pag-iyak. Mabuti na lang at nariyan pa rin si Stacey sa aking tabi. Kaninang umaga lang ito umalis upang maligo at makapagpalit ng damit.

Hindi rin ako makakain. Pakiwari ko ay tuluyan ng gumuho ang aking mundo.  Wala na rin kasi akong naiisip na dahilan para lumaban pa sa buhay. Wala na ang aking ina na siyang naniniwala at nagtitiwala saakin. Kaya't parang wala na rin'g silbi kung magpapatuloy pa ako.

Niyakap ko ang kabaong ng aking ina at doon ay mas lalo pang lumakas ang pag-iyak kom Subalit bahagya akong napahinto sa pag-iyak nang maulinigan ko ang boses ng isang babae.

"Are you okay hon? I'm sorry, may inasikaso lang kami sa kompanya kaya't hindi kami nakarating kaagad?" anang babae.

Dahan-dahan akong napalingon at hinanap ko kung sino ang nagmamay-ari ng boses na iyon.

Kahit hilam ng luha ang aking mga mata ay pilit ko silang inaninag. Pinalis ko ang mga luhang iyon, gamit ang likuran ng aking kamay, dahilan upang mapagsino ko ang lalaking nakatayo sa tabi ni dad.

Kahit nanlalabo ang aking paniningin, batid kong ang lalaki ngayon na naririto sa burol ng aking ina at ang lalaking bumangga saakin sa loob ng mall ay iisa.

Napadako ang tingin ko sa babaeng nakayakap kay dad.

Kahit nanghihina ay pilit kong inihakbang ang aking mga paa, papalapit sa kanila.

Malakas ang kutob ko na ina ng lalaking ito ang babaeng nakalingkis sa aking ama. At marahil ay ito nga ang kabit ni dad.

Nakakuyon ang aking mga palad at kanina pang tumatagis ang aking bagang.

Nang tuluyan na akong makalapit sa kanila ay buong tapang akong sumigaw, dahilan upang mapatingin saamin ang lahat ng taong naroon.

"Mga walanghiya! Hindi niyo na iginalang ang burol ng mommy ko! Ang lakas ng loob niyong maglandian dito! Wala kayo sa motel!" Halos maputol na ang mga ugat ko sa leeg dahil sa sobrang lakas ng pagsigaw ko.

Inawat ako ng aking demonyong ama. Samantala'ng ang mayabang na lalaki naman ay kaagad na kinomfort ang kabit ni dad.

"Ano bang ginagawa mo?"  mariing singhal ng aking ama. "Kahit kailan talaga ay puro na lang kahihiyan ang idinudulot mo sa pamilyang ito!"

"Ako pa talaga dad? Napakasama mong tao! Ano, nahihiya kang malaman nilang lahat na ang ama kong perfectionist ay may kerida!  At naririto ngayon sa burol ng aking ina!" Muli kong sigaw, dahilan upang  magbulong-bulungan ang mga tao sa paligid .

"Tumigil ka na Jela!" saway pa nito saakin. Kapagkuwa'y binalingan niya ang dalawa niyang bisita.

"Nicolo, ikaw na muna ang bahala sa'yong ina. Do'n na muna kayo mag-stay sa kuwarto ko." Utos niya sa mga ito at tama nga ang hinala ko.

"Yes dad."

Gusto kong masuka sa naging sagot ni Nicolo. Ang kapal ng mukha niyang tawagin na dad ang aking ama.

"Tigilan mo na ang ka-praningan mo Jela! Kung gusto mo pang manatili sa buhay ko ay umayos ka at huwag na huwag mo ng uulitin ang kalokohan'g ito." Pabulong, subalit mariin na pagbabanta ng aking ama. Kung wala kami roon, marahil ay sinaktan niya na naman ako.

           TATLONG araw na ang nakalipas simula ng mailibing si mom. Ngunit heto at wala pa rin akong gana sa lahat ng bagay. Sa totoo lang ay hindi ko na alam kung paano at saan ako magsisimula'ng muli ng aking buhay. Lalo pa ngayon na tuluyan na nga'ng ibinahay ni dad ang kanyang kabit at ang Nicolo na 'yon.

Natigil lamang ang pagmumuni-muni ko nang biglang tumunog ang aking cellphone.

Si Stacey iyon kaya't dinampot ko kaagad at sinagot ang tawag niya.

"Kumusta ka na friendship?" panimula nito sa kabilang linya.

"Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong isagot sa tanong mo." Gumagaralgal ang tinig na sagot ko sa kanya.

"Hays, pumunta ka rito ngayon sa bahay para naman makapag-isip ka ng matino at makapag-usap tayo ng maayos."

"Salamat, Stacey."

"Sige na, ayusin mo na ang sarili mo. Mag-iingat ka sa pagmamaneho ah. Hindi rin naman kasi kita pwedeng puntahan diyan. Bak mas lalo ka lang pagalitan ng dad mo."

"Okay lang. Kaya ko naman'g magmaneho papunta diyan." Malungkot kong tugon sa kanya.

Hindi ko na hinintay na sumagot pa si Stacey. Pinatay ko na ang tawag niya at nagmadali na akong magpalit ng damit.

Maya-maya pa ay lumabas na ako ng silid ngunit hindi ko inaasahan na ang mukha ng kerida ni dad ang una kong mabubungaran.

Lalampasan ko lang sana ito kaya lang ay bigla niya akong hinawakan sa braso.

"Where the hell are you going?"

Pagak akong natawa bago ko siya pabalang na sinagot. "Wow huh, hindi ko alam na kailangan ko pa 'lang ipaalam sa'yo ang bawat kilos ko." 

"Ipapaalala ko lang sa'yo Jela. Hindi ako ang mommy mo kaya't ayusin mo ang pagsagot saakin."

"Mrs. Anita Sandoval, mawalang galang na po pero, wala akong pakialam sa'yo. Kabit ka lang ng daddy ko. Kaya't wala kang karapatan na pakialaman ang buhay ko. Ikaw na nga ang nagsabi di'ba? Hindi kita mommy kaya huwag mo akong pakialaman sa kung ano man ang gusto kong gawin sa buhay." Mahabang pahayag ko, dahilan upang hindi agad siya makakibo.

Binaklas ko ang pagkakahawak niya sa braso ko at nagmadali na akong lumabas ng bahay. Hindi na rin ako nag-abalang lingunin pa siya.

Buong akala ko ay makakaalis na ako. Subalit pagdating ko sa parking lot ay nando'n din pala ang kanyang anak. At kagaya niya ay nag-usisa rin ito kung saan ako pupunta.

"Jela, maaari bang malaman kung saan ka pupunta?"

Bahagya akong nagulat sa tono ng pananalita niya. Napakapormal no'n at hindi 'yon kagaya sa pananalita niya no'ng una kaming magkita sa mall.

"Bakit mo naitanong?" walang ganang balik tanong ko sa kanya. 

"I-i'm just concerned to you. Alam kong wala kang maayos na tulog, kain at pahinga nitong mga nakaraang araw. Kaya't-"

"Stop acting like you care Mr. Sandoval!"

Hindi ko alam kung bakit bigla akong naghurumentado. Wala naman akong makitang mali sa mga sinabi niya.  Sadyang hindi ko lang maiwasan'g magalit sa kanya dahil mas itinuturing pa siyang anak ni dad kumpara saakin.

"Look, alam kong galit ka sa'kin lalo na kay mom. Pero Jela, nakikipag-usap ako sa'yo ngayon hindi para matanggap mo ako sa pamilya niyo kundi bilang isang tao lamang. Totoong nag-aalala ako para sa'yo. " Seryosong paliwanag nito ngunit hindi pa rin 'yon sapat na dahilan upang lumambot ang puso ko para sa kanya.

"Kung talaga'ng nag-aalala ka sa'kin, hindi mo hahayaan'g manatili rito ang iyong ina. At higit sa lahat, hindi mo dapat inagaw sa'kin si dad!"

"Jela, wala akong inaagaw sa'yo. Desisyon ng dad na gawin akong COO ng kompanya. At kung ang tungkol naman kina mom at dad, wala akong magagawa do'n. Mahal nila ang isa't-isa kaya kahit pigilan ko pa sila ay wala rin akong magagawa." Madamdamin niyang pahayag.

Napailing na lamang ako at walang imik na sumakay ako ng aking kotse.

"Hey, hindi pa tayo tapos mag-usap!" aniya habang kinakatok ang bintana ng aking kotse."

" Wala akong oras at panahon para makipag-usap sa'yo!" sigaw ko sa kanya bago ko pa man pinaharurot ang aking sasakyan.

"Mag-iingat ka Jela!" pahabol niyang sigaw ngunit binalewala ko na lamang iyon.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status