Share

Chapter Four

        MATAPOS ang pag-uusap namin ni Stacey ay dumiretso kami sa isang  mall upang  bumili ng mga kagamitan na kakailanganin namin para makapag-disguise. Napagdesisyunan namin na sundan si dad nang sa gayo'n ay mabantayan namin ang mga kilos niya.

"Sure ka bang uubra 'tong plano natin?" pangungulit ko kay Stacey na abala sa paghahanap ng magandang wig.

"Gaga! Magtiwala ka lang sa'kin at paniguradong magiging successful ang plano." Nakairap niyang tugon.

"Oo na! Sandali nga at naiihi ako. Iwanan ko muna sa'yo 'tong pouch ko, huh." 

"Akin na! Bilisan mo lang para makapagsimula agad tayo ng plano!" habilin niya na kanina pa akong iniirapan.

Tinanguan ko lang ito at nagmamadali ko ng tinahak ang papuntang CR. Subalit hindi pa man ako tuluyan'g nakakarating doon ay may lalaki rin na nagmamadali at tila wala man lang pakialam sa kasalubong niya. Mabilis ang mga hakbang nito habang nakatuon ang buong atensiyon sa pag-aayos ng suot niyang  long sleeve.

Kaya naman sa sobrang kapayatan ko ay halos tumilapon ako matapos niya akong matamaan ng kanyang siko. Mabuti na lang at medyo makipot ang hallway na 'yon kaya't  bahagya lamang akong napaupo.

"Hey! Are you okay miss?" anang lalaki na ngayon ay nakalahad ang kamay upang alalayan ako sa pagtayo.

Hinablot ko ang kanyang kamay at dahan-dahan akong tumayo. " Ano ba? Hindi ka ba marunong tumingin sa dinadaanan mo?"singhal ko rito nang tuluyan na akong makatayo.

"So-sorry miss. Hindi kita napansin. Nagmamadali kasi ako dahil may meeting pa kami sa-"

"Wala akong pakialam sa meeting mo!" muling singhal ko rito. " Hindi lang ikaw ang tao sa mundo! Kaya sa susunod, huwag kang umasta na parang pagmamay-ari mo ang mall na ito pati na rin ang hallway na'to!"

"What if sabihin kong ako nga ang may-ari ng mall na 'to? Tatanggapin mo na ba ang sorry ko?" sarkastiko niyang sambit habang tiim bagang na nakatitig saakin.

"Ambisyoso!"tanging nasabi ko. Pilit kong nilabanan ang mga titig niya ngunit, bandang huli'y ako rin ang unang sumuko.

"Again, i'm sorry miss. Kung may masakit sa'yo or kung may kailangan ka pa sa'kin, pwede mong tawagan ang personal assistant ko nang sa gayo'n ay makapag set ka ng appointment at maisingit ka niya sa mga schedule ko." Maawtoridad na wika nito matapos ilagay sa palad ko ang isang calling card.

Kapagkuwa'y tinalikuran niya na  ako at marahan'g humakbang papalayo saakin. Balak ko sana'ng sigawan ulit ito ngunit hindi ko na naituloy 'yon dahil bigla na lang siyang huminto sa paglalakad. "By the way, I am Nicolo Sandoval." Pagpapakilala nito na sa tantiya ko ay mahigit isang dipa lamang ang pagitan namin sa isa't-isa. Nakatalikod pa rin ito saakin habang nakapamulsa ang parehong mga  kamay. " Chief Operating Officer ng isang sikat na kompanya sa Pilipinas." Dagdag pa nito, dahilan upang matawa ako.

"Hindi ako interesado sa kung ano man'g katungkulan mo dito sa mundong ibabaw!"asik ko kaya't nagkibit balikat na lamang ito bago muling ipinagpatuloy ang paglalakad.

Sa halip na dumiretso pa ako sa CR ay naiinis na binalikan ko na lamang si Stacey.

"Oh, bakit nanunulis 'yang nguso mo?" sita nito sa'kin nang tuluyan na akong makabalik.

"Naiinis ako Stacey!"

"Huh? Bakit na naman?"

"May aroganteng lalaki na bumangga sa'kin eh! Bwisit na 'yon! Ang kapal ng mukhang  ipagmalaki sa'kin na isa siyang COO. Tsk...As if naman'g matatakot niya ako!" Gigil kong pagkukuwento sa aking kaibigan.

"Kumalma ka nga! Alam mo 'yang kamalditahan mo eh palagi mo na lang ibinubuhos sa mga kalalakihan! Kaya walang nagkakamaling manligaw sa'yo eh, dahil ubod ka ng sungit!"

"Aray naman! Alam mo ikaw, konti na lang talaga eh malapit ko ng isipin na hindi talaga kita totoong kaibigan." Kunwari ay nagtatampo kong pahayag. "Mas kinakampihan mo pa ang mga bwisit na 'yan na mga lalaki kaysa sa'kin!"

"Gaga! Masyado ka kasi'ng bitter. Hmm...alam mo hindi naman lahat ng lalaki ay katulad ng dad mo kaya bawas-bawasan mo 'yang pagiging masungit mo sa kanila."

"Whatever!" napipikon kong sambit.

                  INABOT na kami ng tanghali sa pamimili. Kaya naman pagkatapos namin ay sumama na ako sa bahay nila Stacey. Tinatamad rin kasi akong umuwi sa bahay dahil puro kalungkutan at sama ng loob lang naman ang natatanggap ko sa aking mga magulang.

"Hoy, umayos ka nga! Nakasimangot ka pa rin eh. Ano, iniisip mo pa rin ba 'yong lalaking bumangga sa'yo?"

"Hindi ah!"maagap kong sagot. "Ba't ko naman iisipin 'yon eh hindi ko naman siya kaanu-ano."

"Sus, baka naman crush mo na si Mr. Arrogant." Panunudyo nito saakin.

"Tumigil ka nga!"

"Hmm...kawawa naman si doctor kung ipagpapalit mo siya sa isang COO." Patuloy na panunudyo sa'kin ni Stacey.

"Hay naku, tumigil ka na! Hindi na ako natutuwa sa mga biro mo!" reklamo kong muli.

"Sorry na Jela. Natutuwa lang kasi ako dahil nararamdaman kong malapit ka ng umibig." Nakangising sambit pa nito.

"Tsk...alam mo naman'g malabo na mangyari 'yon hangga't wala pa akong napapatunayan kay dad."

"Yeah, I know. Pero ang puso kahit anong  gawin mo, hindi mo 'yan mapipigilan'g tumibok lalo na kung para sa tamang tao." Seryosong pahayag ng kaibigan ko.

"Ang dami mong alam Stacey! Akala mo talaga ay expert ka na pagdating sa pag-ibig." Nakairap kong  pang-aasar sa kanya.

"Well, kahit hindi ako expert, atleast may alam ako sa larangan ng pag-ibig no'h. At saka may boyfriend ako. Hindi kagaya ng iba diyan. Hmm...marami daw boyfriend pero hindi naman mga nagi-exist."

Natatawang binato ko ng throw pillow si Stacey.

"Grabe ka talaga sa'kin!"

"Baki? Totoo naman di'ba? Puro fictional characters ang boyfriend mo." Aniya na humagalpak pa ng tawa.

"Uhm, friendship, bukas na lang kaya tayo magsimula ng plano. Balak ko sana'ng tapusin muna 'yong isang chapter na sinusulat ko no'ng isang araw eh." Pag-iiba ko ng usapan.

"Okay. Madali naman akong kausap eh. At saka alam ko naman na hindi mo talaga 'yan matatapos kung nandoon ka sainyo." 

"Thank you Stacey! The best ka talaga!" nakangiting wika ko. Tumayo pa ako at mahigpit ko siyang niyakap.

"You're always welcome Jela." Bulong niya saakin.

"Ang swerte ko-"

Hindi ko na naituloy pa ang aking kadramahan dahil biglang tumunog ang aking cellphone. Dali-dali kong hinalungkat iyon sa aking bag at nang makita kong unknown number ang tumatawag ay nagdalawang-isip akong sagutin 'yon.

Nagkatinginan kami ni Stacey.

"Sige na, sagutin mo na. Baka importante 'yan." Anang kaibigan ko. Alam niya kasi'ng babalewalain ko lang 'yon. Naging ugali ko na kasi ang mang-ignore ng tawag o mensahe kapag hindi ko kakilala ang isang contact number.

Maya-maya pa ay huminto na ito sa pagtunog kaya't ibinalik ko na lang ito saaking bag. Ngunit sadya nga'ng makulit ang caller. Muli itong tumawag, dahilan upang si Stacey na ang kumuha no'n at magalang na sinagot ang caller.

"Hello, Good afternoon."

Tahimik na pinagmasdan ko si Stacey habang kinakausap ang nasa kabilang linya. Ngunit laking gulat ko ng ibigay niya saakin ang aking cellphone at halos mabitawan niya pa 'yon dahil sa labis na panginginig ng kanyang kamay.

"W-what happen?" naguguluhan kong usisa.

"S-si Ti-Tita Le-Lena." Nauutal niyang sagot.

Kinuha ko ang cellphone sa kanyang kamay at kinakabahang kinausap ko ang nasa kabilang linya. Subalit gayo'n na lamang ang aking panlulumo nang mapag-alaman kong naaksidente ang aking ina.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status