Home / Romance / TAINTED LOVE / Chapter 3-Muling Pagkikita

Share

Chapter 3-Muling Pagkikita

Author: Yeiron Jee
last update publish date: 2026-05-06 20:49:33

"IKAW stay lang dito tabi ko, okay?"

"Yes, sir." May kasamang tango at ngumiti si Camela sa ginoo. Kung magsalita ito ay binarok dahil pinaghalo ang lengwaheng english at tagalog plus tonong Chinese pa.

Marunong magtagalog ang ginoo dahil ang dati nitong asawa ay pinay. May isang anak at hiwalay na sa asawa. Minsan ay napagkamalan siyang babae nito dahil kahit saan ito magpunta ay sinasama na siya. Ayos lang sa kaniya dahil extra income ang bawat pagsama niya sa matanda. Yes, matanda na ito sa edad na sixty pero mukha pa ring nasa late forty.

Naroon sila ngayon sa reception na dinalohan nilang kasal. Ginagawa pa siyang translator minsan ng kaniyang boss. Kasal ng anak ng kasosyo nito sa negosyo kaya sila naroon. Sa totoo lang ay ito ang suwerteng nakilala siya. Hindi lang trabaho sa kompanya kundi maging sa ganitong gathering. Wala siyang pakialam sa kung ano ang iisipin ng ibang tao tungkol sa tunay na relasyon niya sa matanda. Ang mahalaga sa kaniya ay kumikita.

"Kumpadre, thank you for coming!" bati ni Golf na siyang kasosyo ng boss ni Camela.

"Welcome, welcome! Happy ako para sa iyong daughter!" Nakipagkamay si Mr. Go sa kasosyo.

Ngumiti si Camela nang bumati rin sa kaniya si Golf. Magkakilala na sila noong nasa Japan pa sila at kilala siya nito bilang engineer na siyang hahawak sa project.

"Tamang-tama, narito ang CEO ng kompanya na prospect nating pagkuhanan ng materyales." Inakay ni Golf ang kaibigan at hindi na nag abalang magsalita ng english dahil alam naman nitong nakakaintindi ang ginoo.

Sumunod si Camela sa dalawa at nakaalalay lang ang bagal sa paghakbang upang masabayan ang kaniyang boss. Tulad nito ay kailangan niya ring nakangiti kahit hindi kilala ang mga nakakasalubong nila.

"Mr. De La Fuente," tawag ni Golf sa taong nakaupo sa VIP chairs.

Ang ngiti sa labi ni Camela ay unti unting nabura pagkarinig sa pangalan ng taong tinawag ni Mr. Golf. Pakiramdam niya ay natuod na siya sa kinatayuan at hindi niya magawang mag-angat ng mukha mula sa pagkayuko. Hindi pa man kumpirmado pero ramdam niya ang mainit at galit na titig ng mga mata ng isang taong may ganoong epikto sa kaniya. Kaya pala kakaiba ang nararamdaman niya kanina pa.

"Kapag minamalas nga naman oh!" naibulong ni Camela at pinakalma ang sarili. Wala siyang dapat ikatakot. Hindi rin siya dapat umiwas dahil part ito ng negosyo. Labas dito ang personal niyang buhay at kailangang maging propisyonal.

Nanatili ang tingin ni Rashed sa babaeng katabi ng matanda na ipinakilala sa kaniya ni Golf. Kanina niya pa ito nakita kaya hindi na nagulat nang magkaharap sila.

"And this is Camela, Mr. Go's—" hindi naituloy ni Golf ang pagpakilala kay Camela at nagsalita ang binata.

"Nice to meet you, Mr. Go!" Inilahad ni Rashed ang kanang palad sa ginoo.

"Camela?" gulat na naibulalas ni Edlyn nang humarap sa kanila ang babaeng kasama ng isang matanda. Kamuntik na niyang hindi ito nakilala dahil ang mala-porselana nitong kutis noon ay nag iba na.

"Magkakilala kayo?" Nagpalipat lipat ang tingin ni Golf sa dalawang babae.

Ngumiti si Camela sa kapatid at iniwas ang tingin sa matalim na titig ni Rashed. Wala sana siyang balak makipag plastikan sa mga ito pero wala siyang choice.

"Yes, tito at—" hindi rin natapos ni Edlyn ang pagsasalita dahil biglang tumunog ang cellphone ni Rashed.

Tiningnan lang ni Rashed kung sino ang caller saka muling ibinulsa iyon.

"Kinagagalak ko ikaw makilala, Mr. De La Fuente! Asahan ko magkasundo ikaw sa presyo." Masiglang bati ni Mr. Go sa binata.

Pumalatak sa isipan si Camela at gumana na naman ang pagiging advance sa business ng amo. Alam niya5ng mambabarat na naman ito at siya ang pahaharapin sa taong prospect nito. Tsk tsk, ito na yata ang pinaka mahirap na project ang hahawakan niya. Mas gustohin pa niyang magbilad sa initan at magbuhat ng mabibigay na bagay kung papipiliin lang siya.

"I will let my secretary set an appointment with you, Mr. Go, and then we can talk about that matter." Pormal na sagot ni Rashed sa ginoo pero ang tingin ay nanatili kay Camela na kung umakto ay parang hindi siya kilala personally.

"Sure, sure! Ako ay may lakad pa today kaya una na ako sa inyo." Kumukumpas pa ang kamay ng matanda at binalingan si Camel. " Ikaw pwede iwan dito and talk to your old friends."

Pinigilan ni Camela na umikot ang mga mata dahil sa gasgas na litanya ng amo. Ganito naman ito, iiwan siya kapag may magandang opportunity na nakita tulad ngayon. Ang akala nito ay dati na niyang kaibigan ang kanilang kaharap ngayon. Iwan siya roon upang makipag negotiate in advance.

Mabilis na nilapitan ni Golf ang ginoo at nagpaalam pansamantala kay Rashed upang ihatid si Mr. Go.

Mukhang may anghel na dumaan sa harapan ng tatlo nang sila na lang ang naiwan. Nabasag lamang ang katahimikan nang magsalita si Edlyn.

"Hindi ko akalaing papatol ka sa isang matandang dayuhan upang hindi maghirap." Hindi makapaniwalang naibulalas ni Edlyn sa kapatid.

Hindi na napigilan ni Camela ang pag ikot ng mga mata dahil sa narinig. Pagtingin niya kay Rashed ang madilim ang aura ng mukha nito.

"Paano mo naatim na maging kalaguyo ang matandang iyon? Kung pera ang dahilan ay mayroon naman ang pamilya natin." Naghalo ang lungkot at pag alala ni Edlyn dahil sa ginawa ng kapatid sa buhay nito.

"Tapos ka na ba?" tila naiinip na tanong ni Camela. Ayaw niyang tumagal sa harapan ng mga ito at nakakaagaw na sila ng atensyon ng ibang bisita na malapit sa kinaroonan nila.

Mabilis na kumapit si Edlyn sa braso ni Rashed nang tapunan ito ng tingin ni Camela. Blangko ang expression ng mukha ni Rashed habang nakatingin kay Camela na ikinatuwa niya. "Panlabas na anyo lang pala ang nagbago sa iyo." Batikos niyang muli rito.

"Hindi ko kailangan baguhin ang ugali ko upang magustohan ng mga taong may ayaw sa akin." Sarkastiko niyang sagot sa kapatid at binaliwala ang presensya ni Rashed.

"Stop arguing with her, you're just wasting your time." Malamig na saway ni Rashed kay Edlyn.

"Sorry!" ani Edlyn at isinandal ang ulo sa braso ni Rashed. Sa tangkad ng binata ay bahagya na siyang umabot sa balikat nito.

Muling umikot ang itim sa mga mata ni Camela at sobrang timid ng kapatid sa harapan ni Rashed. Gusto niyang batiin ang sarili at hindi siya naapiktohan sa sinabi ni Rashed. Kung noon siya sinabihan nito ng ganoon ay tiyak na tumulo agad ang kaniyang mga luha sa harapan nito.

"Kung may kailangan pa kayong pag uusapan, mauna na ako sa sasakyan." Hindi na hinintay ni Rashed ang sagot ni Edlyn.

Gustong ipadyak ni Edlyn ang mga paa nang iwan siya ng binata. Pagtingin sa kapatid ay tumikwas ang kilay niyang sadyang nakaangat na ang pagkaguhit. "Bumalik ka na kung saan ka man nagtago ng ilang taon kung ayaw mong masaktan muli."

Tumikwas ang isang sulok ng labi ni Camela at nang aasar ang tinging ipinukol sa kapatid. "Sorry my dear sister pero dapat mong sabihin iyan sa iyong sarili."

"Bitch, huwag mong ipagyabang ang matandang kalaguyo mo ngayon! Tingnan natin kung makapagtaray ka pa kapag nalaman ni Lola ang tungkol dito!"

Nagkibit balikat lang si Camela sa kapatid at walang salitang tinalikuran na ito. Wala na siyang trabaho doon kaya kailangan na niyang umalis kahit hindi pa naka-kain.

Sinundan ng tingin ni Rashed ang babaeng dumaan sa harapan ng kaniyang kotse. Napahigpit ang hawak niya sa manibela nang makita itong kalmado habang naglalakad. Nakita niya itong abala sa pagtitipa sa cellphone habang lumilinga sa paligid.

Gustong maiyak ni Edlyn nang matanggap ang mensahe mula kay Rashed. "I booked a taxi for you at hindi na kita mahintay dahil nagmamadali ako.

"Kasalanan mong babae ka ang lahat ng ito! Kahit kailan ay kamalasan sa buhay namin ang dala mo!" nangigil na bulong ni Edlyn sa sarili at ang tinutukoy ay ang kapatid.

Wala na nga siyang nagawa pa kundi ang magpaalam na sa kaibigang ikinasal. Nagdahilan na lang siya kung bakit nauna nang umalis si Rashed at hindi na nakapag paalam.

Pagkababa ni Camela sa taxi ay dumiritso na siya sa inuukupang silid. Pagod ang kaniyang pakiramdam gayong hindi naman siya nagbungkal ng lupa sa construction site. Agad na tinawagan ang mga anak habang naghahanda ng maka-kain.

"Mama, I miss you!" bungad na bati ni Lindon sa ina.

"I miss you too, baby L, where's kuya?"

Itinapat ni Lindon ang camera sa kapatid na abala sa pag-iimpake ng gamit nila. "Mama, we're ready!"

Napangiti si Camela nang marinig ang tinig ni Rafael. Halatang excited ang mga anak upang sumunod sa kinaroonan niya. Nakahanap na siya ng matirhan nila kahapon kaya mapaaga ang pagluwas ng kambal.

Hindi na ibinaba ni Camela ang tawagan. Ipinatong niya iyon sa bandang itaas upang makita pa rin siya ng kambal habang abala siya sa paghahanda ng kakainin. Ganoon ang scenario nilang tatlo kahit noong nasa Japan pa siya. Maging sa pagtulog ay naka on ang video call nila. Pero malayo ang cellphone sa dalawa kapag matutulog na ang mga ito. Hinayaan lang iyon hanggang sa pareho na silang makatulog at kusa na lang mamatay ang tawag.

"Mama, kailan po namin makilala si Papa?" tanong ni Lindon habang mataman na nakatitig sa camera ng cellphone.

Natigil si Camela sa paghugas ng gulay na gagawin niyang vegetable salad at tumingin sa cellphone. Ngumiti muna siya bago sumagot. "Soon, Baby L!"

Kahit na dissapoint ay ngumiti pa rin si Lindon sa ina. Sa tuwing magtanong silang magkapatid ay ganoon ang sagot ng ina.

"Lindon, huwag mo nang hanapin si Papa dahil ayaw niya sa atin."

Gustong tumulo ng luha ni Camela at naawa sa mga anak. Hindi sinasadyang narinig ni Rafael ang huling pag-uusap nila ni Jackson tungkol sa ama ng mga ito noon.

"Totoo po ba ang sinasabi ni Kuya R, mama?" naiiyak na tanong ni Lindon sa ina.

"Anak, pag usapan natin ang tungkol diyan kapag narito na kayo, okay?" paglalambing ni Camela sa anak at iniba na ang paksa. "Ipapasyal ko kayo sa Zoo pagdating niyo rito."

Sabay na sumigaw ang dalawang anak dahil sa tuwa. Napangiti na rin si Camela at gumana ang kaniyang naisip upang hindi na malungkot pa si Lindon. Kay Rafael ay wala siyang problema dahil mas matured na kung mag isip. Madali itong makaintindi at hindi matampuhin. Parang ang ama lang nito na heatless minsan.

"Tsk, huwag mo na ikumpara ang mga bata sa lalaking iyon." Kastigo ng kunsensya ni Camela sa sarili.

Naiiling at mabilis nang tinapos ni Camela sa paghuhugas ng gulay. Kaunti lang naman ang gagawin niya at para lang sa sarili.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • TAINTED LOVE   Book 2: Chapter 128

    "Kapag nakapag desisyon ka na ay alam niyo kung saan ako naka tira, mom." Bilin ni Darel habang inaayos ang damit sa malalaking maleta. Nagmamadaling nag empake na rin si Josephine at sasama sa anak. Hindi siya martir upang manatili pa doon at tiyak aapikhin lang siya ni Edlyn. Napangiti si Edlyn nang makitang kasama si Josephine na umalis ng bahay. Matalino nga ang mga ito at alam kung ano ang nakabubuti sa mga ito. Lumipas ang isang buwan ay napawalang bisa na ang kasal nila Rex at Grace. Kasunod niyon ay inihayag na ang engagement party nila Rex at Edlyn. Ang ama ni Rex ay nagkamalay na rin pero paralisado na ang katawan saka hirap mag salita. Mukhang mas masaya pa ito nang ibalita ni Rex na pinaalis na ang asawa nito sa mansion. At tulad sa ipinangako nila Darel ay hindi na nagpakita o nanggulo pa. "I'm so happy for you!" Mahigpit na niyakap ni Camela si Edlyn bago pa ito ayusan. "Thank you, ate. Naging bahagi ka ng jouney kong ito!" Naluluha na gumanti siya ng yakap sa kapat

  • TAINTED LOVE   Book 2: Chapter 127

    Mabilis na tumango si Grace habang tikom ang bibig. Cheque ang ibinigay sa kaniya ng binata with two million. Hindi na masama at may mapuhunan na siya sa negosyong itatayo. Pagkakuha ay umalis na siya upang kunin ang gamit at ayaw ni Rex na makita pa siya sa bahay nito mamaya."Good luck at hangad ko na mapabuti ang buhay mo."Tumigil sa pag hakbang si Grace at tumingin kay Edlyn. "Salamat at pasensya na sa gulong dulot ko sa iyo nitong mga nakaraang araw. Hangad ko rin ang kaligayajan ninyong dalawa." Sumusuko na ani Grace at tuwid na sinalubong ang tingin ng babae.Huminga nang malalim si Edlyn habang sinusundan ng tingin si Grace na palabas na ng opisina. Kahit papaano ay naawa rin siya rito. Sayang lang at nagpa gamit pa kina Josephine. Pagka uwi ni Grace ay ang galit na mukha ni Josephine ang sumalubong sa kaniya. "Bakit ka pumayag? May kasunduan kayo at contract!" Inis na tanong ni Josephine. "Ayaw ko na, tama si Edlyn. Sumuko na ako hangga't kaya ko pa at hindi nawawala ang

  • TAINTED LOVE   Book 2: Chapter 126

    "So, all this time ay nagakakalat ka behind my back?.Parang biglang nakalimutan ni Grace ang paghinga nang malingonan si Rex. Grabe ang lakas ng kabog ng dibdib niya. Base sa expression ng binata ay mukhang narinig nito ang bagay na hindi dapat malaman."Pinairal mo ang pagiging greedy." Dissapointed na ani Rex saka nilampasan ang dalaga.Nanghihinang napahawak si Grace sa braso ni Loida pero iwinaksi nito ang kamay niya kaya muntik na siya matumba. Hindi pa siya nakabawi ay dumaan naman si Edlyn."Sumunod la sa office." Pormal na ani Edlyn sa babae saka nilampasan na ito."Huwag mo sana kami idamay at isama sa pagka tanggal dito sa trabaho." May kasamang pakiusap na ani Loida.Hinid pinakinggan ni Grace ang kaibigan at nagmadali nang sumunod kay Edlyn. Kailangan niyang mag paliwanag kay Rex upang hindi pa siya hiwalayan. Pagka pasok niya sa loob ay muli siyang kinabahan lalo na at nakatingin agad sa kaniya ang binata. Si Edlyn ay naka upo malayo kay Rex na first time nangyari."Maup

  • TAINTED LOVE   Book 2: Chapter 125

    "Nagpasya ako na hindi na dapat ito patagalin upang makapamuhay ng malaya si Miss Grace kasama ang lalaking tunay nitong mahal at mamahalin rin siya." Pagpatuloy ni Rex at tumingin kay Grace.Mariing nakagat ni Grace ang loob ng ibabang labi upang pigilan ang mapaiyak. Pag sinabi ba niya na mahal niya ito ay magbago kaya ang isip ni Rex?"Ayaw ko na ring pag hintayin nang matagal ang babaing tunay kong maha. Gusto kong ialay sa kaniya ang pangalan ko at siya lang ang maging ina ng aking mga anak." Mangungusap ang mga mata ni Rex na nakatitig kay Edlyn.Tuluyan nang bumagsak ang pag asa ni Grace dahil sa mga sinabi ng binata. kung ganoon ay walang pag asa kahit aminin niya ang tunay na nadarama para rito. Kahit umiyak pa siya siguro ay malabong bawiin ng binata ang pasya nito. Mas nakabubuti na itago na lang o sarilinin ang damdamin para sa binata upang hindi lalo maging mukhang kawawa.Gustong maluha ni Edlyn dahil sa tuwa. Nakakataba ng puso na halod ipangalandakan ng nobya sa lahat

  • TAINTED LOVE   Book 2: Chapter 124

    "Sorry, Mr. Rex, mali ang balitang nakarating sa amin kaya nagkaroon kami ng doubt sa kakayahan mo." Mapagkumbaba na ani Lacosta.Huminga nang malalim si Rex at tumingin sa ginang. "Ugaliin po nating alamin kung totoo ang naririnig lalo na kung walang patunay."Napahiya si Lacosta sa binata at inamin ang pagkakamali. Matanda na siya pero nasahigan pa ng mas bata sa kaniya."Negosyante rin ako at hindi marating ang kinaroonan ng kompanya ko ngayon kung ang pagpili sa kososyo ay dahil sa pagkakaibigan lamang. I have a standard at mas mahalaga sa akin ang quality na ikabubuti ng lahat over family or friendship." Seryusong turan ni Rashed."At ipinagkatiwala ko ang aking anak sa kaniya hindi dahil sa kompanya o ano pa mang material na bagay, kundi dahil sa nakikita kong responsible si Rex. Alam ko na may isa siyang salita, may panindigan, magalang at may takot sa diyos. Hindi rin siya mapanlinlang at fair pag dating sa trabaho." Puri ni Darwin sa binata."Will vote for Mr. Rex to be an of

  • TAINTED LOVE   Book 2: Chapter 123

    "Misis, pangalawang offence niyo na ito kay Rex. Hindi ba kayo nanabahala na may balik itong mga ginagawa ninyo kapag napatunayang pawang panirang puri lang ang mga sjnasabi nijyo?"Sandaling napipilan si Josephine at napatingin sa anak na tahimik na dahil napahiya."First of all ay hindi pa kayo naka hingi ng apology kina Edlyn, sa ama niya at kay Mr. CEO." Dugtong pa ni Rashed. "At kayo lalo na ka Mrs. Lacosta." Tumingin si Rashed sa lahat ng nga naroon.Nahihiyang nag hingi ng sorry ang mga board members. Pero si Grace ay nanatili lang na tahimik."Sorry sa maling bintang pero hindi ninyo kami totally masisi dahil sinadya mong itago ang tunay na pagkatao ni Edlyn." "Sa mga may ayaw na ako ang mamuno ay hindi ko kayo pipiliting tanggapin ako."Mukhang nakahinga nang maluwag ang ilan sa narinig. Hindi sa ayaw nila sa anak ng Chairman. May punto kasi si Darel at ayaw nilang isugal ang kanilang share sa weak na mamuno sa kompanya. At dahil walang sapilitan na mamgyari, ang ibig sabihi

  • TAINTED LOVE   Chapter 7-Pagmamakaawa

    Habang tumatagal ay parang nanghihina ang pakiramdam ni Camela. Nanlulimo siyang pumasok sa dinning room at wala ang lola ni Rashed at ina lang ang naroon."Kailan mo hiwalayan ang anak ko?" Nang uuyam na tanong ni Clarisa sa dalaga at nagsimula nang kumain. Wala ang ina niya at nag bakasyon sa pin

  • TAINTED LOVE   Chapter 6-Masayang alaala

    "Rashed, a-ano ang gagawin mo?" Kinakabahang tanong niya rito bigla siyang itulak at nasa ibabaw na niya ito. Natakot siya sa isiping sakalin siya nito."I hate you but i can't resist your body!"Napamulagat si Camela at hindi na nagawang sumagot pa dahil sakop na ng labi ng asawa ang bibig niya. K

  • TAINTED LOVE   Chapter 5-Parte ng nakaraan

    Napabuntong hininga si Camela nang wala na sa harapan ang dalawa. Nang mapag isa ay napaisip siya kung bakit hindi pa rin siya nabubuntis gayong wala naman silang gamit na protection tuwing magniig ni Rashed. Hindi niya alam kung siya ba o si Rashed ang may problema kaya hindi makabuo. Upang makasi

  • TAINTED LOVE   Chapter 4-Pagbabalik-tanaw

    "TOTOO ba iyang mga sinasabi mo, hija?" hindi pa rin makapaniwalang tanong ni Clarisa kay Edlyn matapos marinig ang kuwento nito sa nangyari sa event."Yes po, tita!" Mangiyak-ngiyak na sumbong ni Edlyn sa ina ni Rashed. Doon na siya nagpahatid sa bahay ng binata pagkagaling sa kasalan ng kaibigan.

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status