CHAPTER 6 NAPANSIN kong dalawa na ang guard ng eskwelahan pagpasok ko kinabukasan.Narinig ko rin ang usap-usapan na hanggang alas-nuwebe ng gabi sila sa school. Request daw ng isang importanteng tao ng Sta. Elena.Posible bang si Rafael ang taong iyon? Pumasok na ako sa classroom at maghihintay sa pagtunog ng bell para sa flag ceremony."Tammy, may gagawin ka ba mamaya sa lunch break?" sinalubong kaagad ako ng tanong ni Jewel."Marami, Jewel. Bakit tutulungan mo ako?" pabiro kong sagot. "Nagyaya kasi sina Rafael ng lunch. Manglilibre daw siya pero dapat ay kasama ka." May nakabuntot pang ngiti ang kanyang turan.Puno ng pagtataka ko siyang tiningnan. Naalala ko na naman ang bilin ni mama kagabi.Gustuhin ko mang sumama bilang ganti na rin sa ginawa niyang pagligtas sa akin kahapon pero hindi puwede."Hindi puwede, Jewel," pagtanggi ko."Bakit? Hindi naman tayo magtatagal. Susunduin at ihahatid naman nila tayo kaya hindi tayo mali-late," kumbinse niya sa akin.Narinig ko na naman s
CHAPTER 7 KINAKABAHANG pumasok ako sa bahay at pinaghahandaan na ang maaaring sabihin ni mama. Hindi ako sigurado kung wala ba talagang nakakita sa paghatid ni Rafael hanggang sa kanto papasok sa subdivision na tinitirhan namin.Nagmano ako habang may tinutupi siyang damit."Tamara, maaga akong aalis bukas," paalam niya sa akin. Saka ko pa lang napansin ang isang maliit na maleta malapit sa kanya."Saan po ang punta niyo, Ma?" magalang kong tanong."May teachers seminar akong pupuntahan at ngayong taon sa municipality ng San Vicente gaganapin ang seminar. Mga isang linggo rin ako roon kaya pagbutihin mo ang pag-aaral," bilin niya."Opo, Ma. Ingat po kayo," tanging nasabi ko."Lock the door and windows properly. Pwede kang magpasama ng kaklase mo rito kapag gabi but no boys, Tamara," matapang ang hitsura niya habang sinasabi iyon."Opo, Ma," maikling sagot ko. Si Jewel na lang ang kakausapin ko para may kasama ako rito."Pagbalik ko ay mamimili na tayo ng susuotin mong damit para sa
CHAPTER 8PAGDATING ng Lunes ay usap-usapan sa buong eskwelahan ang nangyari sa bahay nina Rafael noong Sabado. Hindi na ako magtataka kung bakit. Sa kanyang kasikatan, kisig, at yaman siya ang pinapangarap ng halos lahat ng babae, sa loob o sa labas ng eskwelahan."Feel na feel naman niya. Akala mo kung sinong maganda," masungit na sabi ni Wela pagdaan ko malapit sa kanila.Hindi ko na lang pinatulan at hindi ako pwedeng makipag-away. May imahe akong pinuprotektahan samantalang siya ay wala kaya kahit saang anggulo tingnan ay lugi ako.Nagpatuloy ako sa paglalakad nang may biglang pumatid sa aking paa. Muntik pa akong mapasubsob sa semento mabuti na lang at nabawi ko pa ang aking balanse.Nilingon ko ang grupo nila at hinanap kung sino ang gumawa no'n. Nakataas ang kilay ng mga babae habang may nakakalokong ngiti ang ilang lalaki."Ano? Papalag ka? "matapang na tanong ni Wela.Naramdaman
CHAPTER 9HALOS hindi ako makapaniwala na ako ang babaeng nakaharap sa salamin pagkatapos ayusan ni mama. Ngayong alas-sais ng gabi ay magsisimula ang program kaya ala-singko y media pa lang ay tapos na akong magbihis.Suot ko na ang gown na napili niya at naka high pony-tail ang aking buhok na mas lalong naka-emphasize sa aking puting leeg at batok. Kinulot ang ilang hibla ng buhok sa gilid ng tainga at mukha at hindi na inipit pa."Nakikita mo ba ang sarili mo, Tamara?" tanong sa akin ni mama habang nakatayo sa aking likod.Ramdam ko ang mainit niyang palad na namahinga sa aking balikat. Nagkatitigan kami sa salamin at kahit hindi niya sabihin ay alam kong masaya siya sa kinalabasan ng kanyang pag-aayos sa 'kin."You're very beautiful that's why I always wanted the best for you," seryosong saad niya.Napalunok ako sa kanyang kaseryosohan."Kaya ayokong kung sinu-sinong lalaki lang diyan ang pu
CHAPTER 10"TAMARA, calm down," ang sagot sa akin ni Rafael sa kabilang linya.Malalim ang kanyang paghinga, siguro'y sinusubukang tansiyahin ang mga nangyayari."Raf, hindi sang-ayon si mama sa relasyon natin," sabi ko sa pagitan ng mabigat na pag-iyak."Tammy, nanay siya. Nagkataon pang babae ka kaya ganyan siya ka over protective sa'yo. Intindihin mo na lang muna siya, lilipas din iyan," malumanay ang kanyang boses habang nagpapaliwanag."Hindi, Raf, hindi niya maiintindihan dahil ang akala niya'y lahat ng lalaki ay katulad ng tatay ko. Para sa kanya ay iiwan mo rin ako," saad ko sa katotohanan.Bumuntong-hininga siya at hindi ko alam kung para saan iyon. Dahil ba sa sitwasyon ko o ang hindi pagtanggap ni mama sa kanya?"Tammy, magpahinga ka na muna. Mag-uusap tayo bukas. I know its been a long day. Kailangan mo ng pahinga kaya get some rest. Okay?" pilit niyang pinapasaya ang boses.
CHAPTER 11'JEWEL, saan kayo banda? Nandito na ako sa labas.' 'Sa dating puwesto. Come, hurry.'Bago pumasok ay pinasadahan ko muna ng tingin ang aking mukha sa salamin.Nang masiguradong walang nakaligtaan ay pumasok na ako sa loob ng bar.Sumalubong sa akin ang magkahalong amoy. Usok ng sigarilyo, alak at iba't ibang pabango ng mga taong nandito sa loob. Kagaya ng sabi ni Jewel ay pinuntahan ko ang palaging puwesto ng aming mga kasama.Dumaan ako sa gilid ng dance floor at napalingon ang iilang mga lalaki roon pero wala akong balak na pag-aksayahan sila ng oras.Akmang iinom na si Jewel mula sa basong hawak pero nakita niya ako kaya hindi na niya itinuloy. Tumayo siya upang salubungin ako."Akala ko'y gino-good time mo lang ako nang sinabi mong pupunta ka rito. Want to prove something?" nakangisi niyang sabi.Kinuha ko ang basong hawak niya at inisang tungga ang laman nito. Naramdaman ko ang pag-init ng sikmura saka ko lang naalalang hindi pa pala ako naghahapunan."Easy, Tammy, t
CHAPTER 12HINDI ako mapakali sa aking upoan lalo't katabi ko si Rafael na tahimik na nagmamaneho ng aking sasakyan.Hindi ko inaasahang magiging ganito ang aming muling pagkikita.Kailangan ko ba siyang batiin? 'Rafael, kumusta? Nakatutulog ka ba ng mahimbing kahit bigla mo na lang akong iniwan?' dapat ay ganoon ba ang aking pagbati?"So boys hunting huh." Bigla siyang nagsalita sa pagitan ng aking malalim na iniisip.Hindi ako umimik. Ayokong magpaliwanag at wala akong dapat ipaliwanag."Tingnan mo kung anong nangyari sa'yo? Kung wala ako roon, papaano na?" matutunugan doon ang pagkainis.Lumunok ako ng ilang beses at walang maisip na idahilan."Pero wala namang nangyari sa akin 'di ba?" pagmamaldita ko."Kasi nga nandoon ako. Paano kung wala? " naiinis pa rin siya.Hindi na lang ako nakipagtalo. Wala rin namang saysay kung gagawin ko pa 'yon."Wait, where are we going?" tarantang tanong ko dahil iba ang daan na tinatahak niya.Hindi siya ulit nagsalita hanggang sa mapansin kong
CHAPTER 13PAGOD kaming bumalik sa opisina ni Jewel pagkatapos manggaling sa resort ni Rafael."Jewel, kailangan bang sundan natin lagi si Rafael? Wala ba siyang opisina kung saan pwedeng tumanggap ng bisita niya?" tanong ko sa kanya habang bumabawi ng lakas."Naku, iwan ko, Tammy. Bakit hindi natin naitanong sa kanya kanina, kaharap na sana natin siya," sagot niya bago uminom ng tubig."Mas mabuti na ring hindi natin naitanong sa kanya kanina ang tungkol doon. Baka kasi puntahan pa siya ni Wela at piliting ma-interview kaya nga-nga tayo kapag nagkaganoon," sabi ko sa naiisip."Hindi maka-move on kanina," tukso niya.Inirapan ko na lang siya. Lahat na lang yata ng sasabihin ko ay may kahulugan sa kanya.Nang bumalik na sa pwesto niya si Jewel ay tinawagan ko si Mr. Perez para magtanong kung may tanggapan ba si Rafael."Sa ngayon, hija, ay wala pa talaga siyang pormal na opisina. Pero tumatanggap siya ng bisita sa mansiyon nila. Bakit hindi mo subukan at baka ay paunlakan ka niya." Hu