Share

CHAPTER 6

CHAPTER 6

NAPANSIN kong dalawa na ang guard ng eskwelahan pagpasok ko kinabukasan.

Narinig ko rin ang usap-usapan na hanggang alas-nuwebe ng gabi sila sa school. Request daw ng isang importanteng tao ng Sta. Elena.

Posible bang si Rafael ang taong iyon?

Pumasok na ako sa classroom at maghihintay sa pagtunog ng bell para sa flag ceremony.

"Tammy, may gagawin ka ba mamaya sa lunch break?" sinalubong kaagad ako ng tanong ni Jewel.

"Marami, Jewel. Bakit tutulungan mo ako?" pabiro kong sagot.

"Nagyaya kasi sina Rafael ng lunch. Manglilibre daw siya pero dapat ay kasama ka." May nakabuntot pang ngiti ang kanyang turan.

Puno ng pagtataka ko siyang tiningnan. Naalala ko na naman ang bilin ni mama kagabi.

Gustuhin ko mang sumama bilang ganti na rin sa ginawa niyang pagligtas sa akin kahapon pero hindi puwede.

"Hindi puwede, Jewel," pagtanggi ko.

"Bakit? Hindi naman tayo magtatagal. Susunduin at ihahatid naman nila tayo kaya hindi tayo mali-late," kumbinse niya sa akin.

Narinig ko na naman s
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status