Share

Chapter Fifty Three

                         BAGO ako pumunta sa kompanya ay napagdesisyunan kong sadyain na lang sa bahay nila si Tita Beatrice. Kailangan ay personal akong humingi ng paumanhin sa kanya nang sa gayo'n ay hindi sumama ang loob niya sa'kin.

Eksaktong pagbaba ko ng kotse ay siya naman'g paglabas ni Tita. Ito na rin ang unang bumati sa'kin kaya't kahit pa'no ay nakaramdam ako ng kaunting kasiyahan sa aking dibdib.

"Hello, my handsome inaanak!" Maarteng bati nito sa'kin.

"Hi, tita!" Nakipagbeso pa ako rito at kapagkuwa'y niyaya niya akong pumasok sa loob.

Naabutan ko pa si Beberly na nakaupo sa silya habang nakapangalumbaba at nakatuon ang buong atensiyon sa tasa ng kape na naroon sa kanyang harapan.

Kaagad ko itong nilapitan at mariin kong ibinagsak ang aking kamay sa mesa para lang magising ang kanyang diwa.

Napatakip pa ito sa kanyang bibig habang gulat na gulat akong tinitingnan.<

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status