Share

BOOK 2- MOOD SWING

Author: Mhiekyezha
last update Last Updated: 2025-05-13 10:09:42

Sa loob ng banyo halos hindi maipinta ang mukha ni Samarra habang tinitingnan ang sariling repleksyon sa salamin. Suot niya ang T-shirt ni Zachary na halos hindi man lang umabot sa gitna ng hita niya.

Mas maigsi ang T-shirt na suot niya ngayon kaysa sa pangkaraniwan na suot niyang damit nito. Kung iaangat nga niya ang dalawang kamay halos kita na ang lace panty na suot niya.

Hindi niya tuloy alam ang iisipin sa asawa. Sinadya kaya ng asawa niya na ito ang ipasuot sa kaniya dahil may gagawin ito sa kaniya? Ngayon na ba nila gagawin ang...

Oh, God!

Naipikit niya nang mariin ang mga mata.

Erase… Erase! God, Samarra! Kung ano-ano ang iniisip mo? Saway niya sa sarili at wala sa sarili na naipaypay niya ang isang kamay. Kinabahan tuloy siya bigla sa naisip.

Huminga siya nang malalim para kalmahin ang sarili bago niya binuksan ang pinto ng banyo.

Bumungad sa mga mata niya ang madilim na kwarto na pinagtakhan niya. Ang buong akala niya hinihintay siya ni Zachary sa loob ng kwarto dahil nag-aa
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • THB SERIES I LOVE YOU TILL THE END, MR. BUENAVISTA   BOOK 2- CUDDLE

    Nakatulog din siya habang nakayakap sa katawan ni Samarra. Bandang alas-sais ng umaga nang naramdaman niya na tila dinuduyan ang kama na kinahihigaan nila ni Samarra.Pinakiramdaman niya ang paligid pero ganun pa rin ang nararamdaman niya.Gising na ba si Samarra?Unti-unti niyang iminulat ang mga mata. Awtomatikong dumako ang mga mata niya sa babae na mahimbing pa rin natutulog sa tabi niya. Nakaunan ito sa isang braso niya at nakayakap sa katawan niya. Ang hita nito na nakadantay sa hita niya. Literal na ginawa siyang unan ni Samarra.Napangiti siya.Sa nakikita niya sa asawa ay komportableng-komportable na ito sa kaniya.Habang nakatitig sa maamong mukha ni Samarra. Hindi niya maiwasan na panikipan ng dibdib sa tuwa. The best part that had ever happened to him was sleeping and waking up with Samarra. Kung saan man niya utang ang lahat ay ipinagpapasalamat niya.Noon ginawa niya ang lahat para matupad ang mga plano niya sa buhay pero hindi ibinigay ng Diyos sa kaniya. Nang hindi nam

  • THB SERIES I LOVE YOU TILL THE END, MR. BUENAVISTA   BOOK-2 CONTENTMENT

    Mahimbing nang natutulog si Samarra pero si Zachary ay hindi dalawin ng antok kahit pa nakainom na siya nang marami. Halos tatlong beer in can na ang naubos niya kanina. At siya rin ang halos umubos ng wine habang nanonood sila ng movie ni Samarra. He has mixed emotions that he can't explain. Habang nanonood sila ni Samarra, kontento lang siya na hawak niya ang kamay nito. It's not fancy or expensive, but he can see in Samarra's eyes that she's having a good time. Doon pa lang natutunaw na ang puso niya dahil kahit simple lang ang ginawa niya, na-appreciate nito.Nakasandal siya sa dingding habang nakatingin sa likod ng asawa na nakatakip ng kumot.Kanina habang nagpapalit ng damit ang asawa sa banyo.Nakatanggap siya ng tawag mula kay Claudel. Ilang beses na itong tumatawag sa kaniya magmula nang maghiwalay sila. Pero ito ang unang beses na sinagot niya ang tawag nito.Hindi dahil sa gusto pa niyang kausapin ang dating nobya kung hindi para matigil na ang pagtawag-tawag nito sa kaniy

  • THB SERIES I LOVE YOU TILL THE END, MR. BUENAVISTA   BOOK 2- MOOD SWING

    Sa loob ng banyo halos hindi maipinta ang mukha ni Samarra habang tinitingnan ang sariling repleksyon sa salamin. Suot niya ang T-shirt ni Zachary na halos hindi man lang umabot sa gitna ng hita niya.Mas maigsi ang T-shirt na suot niya ngayon kaysa sa pangkaraniwan na suot niyang damit nito. Kung iaangat nga niya ang dalawang kamay halos kita na ang lace panty na suot niya.Hindi niya tuloy alam ang iisipin sa asawa. Sinadya kaya ng asawa niya na ito ang ipasuot sa kaniya dahil may gagawin ito sa kaniya? Ngayon na ba nila gagawin ang...Oh, God!Naipikit niya nang mariin ang mga mata.Erase… Erase! God, Samarra! Kung ano-ano ang iniisip mo? Saway niya sa sarili at wala sa sarili na naipaypay niya ang isang kamay. Kinabahan tuloy siya bigla sa naisip.Huminga siya nang malalim para kalmahin ang sarili bago niya binuksan ang pinto ng banyo.Bumungad sa mga mata niya ang madilim na kwarto na pinagtakhan niya. Ang buong akala niya hinihintay siya ni Zachary sa loob ng kwarto dahil nag-aa

  • THB SERIES I LOVE YOU TILL THE END, MR. BUENAVISTA   BOOK 2-SUBMISSIVE WIFE

    KANINA pa tapos maligo si Samarra at kanina pa rin siya kinakabahan. Palakas nang palakas ang kabog sa dibdib niya na para gusto na atang lumabas ng puso niya. Ilang malalalim pa na buntong-hininga ang ginawa niya para kalmahin ang sarili pero mas lalo siyang kinakabahan. Ang mga kamay niya nanlalamig. Hindi niya alam kung lalabas ba siya ng banyo o mananatili na lang muna sa loob at hintayin na lang na makatulog si Zachary. Hindi niya alam kung papaano haharapin ang asawa matapos matanggal ang init sa katawan niya. Kung maaari lang sa banyo siya magpalipas ng buong gabi niya, gagawin niya.Kung maaari lang sana na-i-undo ang pangyayaring iyon, gagawin niya. Hay! Isang buntong-hininga ang pinakawalan niya kapagkuwan ay itinali niyang mabuti ang suot niyang bathrobe. May T-shirt na gray na inabot sa kaniya ang asawa kanina na p’wede niyang suotin pero ang underwear ang problema niya dahil wala naman siyang nakita sa kama na nakalapag doon. Sinadya kaya iyon ng asawa niya na itago

  • THB SERIES I LOVE YOU TILL THE END, MR. BUENAVISTA   BOOK 2- THE FLASH

    "Since you want to court me, let's set some rules."Naisip niya ang rules na sinabi niya asawa kaya napigilan niya ang pagbuka ng bibig para sana salubungin ang halik ng asawa.Mariin niyang itinikom ang bibig kasabay ng pagkuyom ng mga palad niya. Alam niyang nilalandi siya ng asawa kaya kailangan niyang maraming pagtitimpi.Natigilan si Zachary sa ginawa niya kapagkuwan ay isang pilyong ngiti ang pinakawalan nito. Tila nalaman nito ang gagawin niya kaya ganoon ito ngumiti sa kaniya.Nagulat siya nang nilabas nito ang dila para dilaan ang buong bibig niya. Hindi siya makakilos para itulak ito dahil sa hagpit ng yakap nito sa kaniya.Ipinikit niya nang mariin ang mga mata at pilit na isinisiksik sa isip niya na huwag magpadala sa ginagawa ng bibig nito sa kaniya.Shitttt! Palirit niya sa kaniyang isipan.Dumuduldol ang basang dila nito sa gitna ng labi niya na parang pilit nitong ipinabubuka sa kaniya.Lumapat ang dalawang kamay niya sa dibdib nito at sinubukan niyang itulak kahit na

  • THB SERIES I LOVE YOU TILL THE END, MR. BUENAVISTA   BOOK 2- MYSTERIOUS

    Mga lagasgas ng tubig na nagmumula sa loob ng banyo at malakas na tibok ng puso niya ang tanging ang naririnig ni Samarra. Taas-baba ang dibdib niya habang pilit na kinakalma ang sistema. Hanggang ngayon nanginginig pa rin ang mga hita’t binti niya dahil sa ginawa nila kanina. Buti na lang nawala ang panlalagkit ng pakiramdam niya sa gitnang bahagi niya nang linisan iyon ni Zachary bago ito maligo. Inaya pa siya ng asawa na maligo para sabay na sila pero mariin ang ginawa niyang pagtanggi. Hindi naman porque na parang may nangyari na sa kanila ay aasta na sila na katulad ng mga “real couple” na magsasabay na maligo. Kahit papaano ay nahihiya pa rin siya sa asawa. Parang hindi niya kayang ibuyangyang ang hubad niyang katawan dito.Nakahiga lang siya sa kama habang ninanamnam pa niya ang masarap na nagdaang minuto. Hindi man tuluyang hinubad ni Zachary ang suot niyang bathrobe pero dahil nakabukas iyon at hindi pa niya naisusuot nang maayos. Ang kumot ang nakatakip sa katawan niya haban

  • THB SERIES I LOVE YOU TILL THE END, MR. BUENAVISTA   BOOK 2- UNDYING

    He was dying to kiss her. Hindi niya lang magawa dahil nakapangako siya sa asawa na hindi niya ito hahalikan sa labi na bagay na gusto niyang pagsisihan. Hindi niya alam kung papaano niya magagawang maging mapusok ng hindi sumasayad ang labi niya sa labi ng asawa.Kaya ang pananabik niya sa labi ng asawa ay sa punong-tainga nito niya pinuntirya. He tasted the earlobe as his for a long moment. Doon niya ibinuhos ang lahat ng gigil niya sa asawa. Binasa ng dila niya ang tainga nito paikot na ikinaungol nito nang mahina. Nasisiyahan siya sa nakikita niyang reaksyon ng asawa. Kahit puro pagtututol ang lumalabas sa bibig nito. Pero ang tono ng boses nito ang nagsasabi sa kaniya na ituloy ang balak niya. Wala siyang makapa na conviction sa boses nito kahit ang katawan nito iba rin ang sinasabi sa kaniya.Damn! Hindi na niya mabilang ang mga mura na pinakawalan niya. Init na init na siya pero pilit niyang pinagkakasya ang sarili sa ganitong paraan. Kung tutuusin nasa kaniya ang lahat ng kara

  • THB SERIES I LOVE YOU TILL THE END, MR. BUENAVISTA   BOOK 2- SURRENDER

    “Cadden!” Malakas na palirit niya nang ilapit ni Zachary ang mukha sa kaniya.“What?” natatawang wika pa nito na mas hinigpitan ang hawak sa dalawang kamay niya na nasa magkabilang gilid ng ulo niya. Mas itinaas pa nito ang mga kamay nila kaya lalong hindi siya makagalaw sa ilalim nito."Y-you promise not to kiss me, don't you?"Mahinang tawa ang pinakawalan ni Zachary at tinitigan pa siya sa mga mata. Taas-baba ang dibdib niya dahil sa kaba at sa takot kapag gumagalaw sa ibabaw niya si Zachary.“Promise? What promise? Did I promise to you?” maang-maangan na tanong nito sa kaniya.Naipikit niya ang mga mata sa inis. Hindi niya alam kung iniinis lang ba siya nito o talagang hindi nito susundin ang kasunduan nila.Huminga siya nang malalim at pilit na pinapakalma ang sarili."You promise me, right? You're not allowed to kiss me."“I don’t remember,” pagkakaila pa nito sa kaniya.She gritted her teeth sa sobrang inis. Ilang malalalim na paghinga pa ang ginawa niya para pakalmahin ang sar

  • THB SERIES I LOVE YOU TILL THE END, MR. BUENAVISTA   BOOK 2- COUPLE

    BOOK 2- COUPLESDali-daling tinawid patakbo ni Samarra ang banyo para kunin ang bathrobe na nakalagay sa gilid ng pinto pagkalabas ni Zachary. Pakiramdam niya parang tumigil sandali ang pagtibok ng puso niya nang makita niya kung papaano siya suriin ng asawa sa salamin na nasa tokador. Ultimo ata kaloob-looban niya parang tumatagos doon ang mata ng asawa. Hindi niya iyon napansin kaagad kung hindi lang parang nakaringgan niyang nagmura ang asawa at may pagmamadaling hinayon nito ang tokador para roon ipatong ang bitbit nitong tray.Jeez! Napasandal siya sa pinto ng banyo pagkatapos niyang isuot ang bathrobe. Taas-baba ang dibdib niya sa paghabol ng kaniyang paghinga habang pilit na pinapakalma ang sarili. Kaliligo lang niya pero pinagpawisan kaagad siya sa hindi malaman na dahilan.Napatingala siya sa kapagkuwan ay napapikit habang inaalala ang reaksyon ng mukha ng asawa niya kanina.Halos tawagin na ata niya ang lahat ng Santo para hilingin na bumuka ang sahig at bumagsak siya sa iba

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status