Share

CHAPTER 7

REDLEE'S forehead was wrinkled when he noticed the suspicious direction of the oncoming car. He immediately suspected that he was going to hit while he was standing on the side of his own car.

"Hindi biro ito," bulong niya na inihanda ang sarili. Kung totoo man o hindi ang naisip niya ay dapat siyang maging handa. "Kailangan kong mag-ingat!"

Hindi siya nagkamali ng hinala. Siya talaga ang pakay ng kung sinong estrangharong nagmamaneho ng kotse. Tinumbok siya nito. Mabuti na lang at mabilis siyang tumakbo papunta sa harap ng kanyang sasakyan, kaya hindi siya nasagasaan.

"Shit!" usal niyang hinabol ng tingin ang sasakyang mabilis na tumalilis. "Anong problema ng taong iyon? Sagasaan ba ako?"

Mabilis siyang nilapitan ng security guard na naka-assign sa parking area. Nakita nito ang nangyari kaya inusisa siya. Naging prangka ito at sinabi ang sariling saloobin kaya bumuhay sa masama niyang hinala.

"Mag-ingat ka, sir Rivera," babala nito. "Halatang may masamang pakay sa iyo ang taong iyon at baka ulitin pa ang ginawa."

Pero sino naman ang taong iyon? Anong rason at ginawa niya sa akin ang bagay na ito?

"For what?" nagtataka niyang usal. "I have no enemy or sin against anyone to do me harm!"

"Sigurado kayo, sir?"

Napakunot-noo siya. Hindi sinasadyang bigla niyang naalala si Diane, na pinatay niya!

Isang malaking kasalanan ang nangyari na at hindi niya maitatanggi ang bagay na iyon. May atraso siya sa isang nilalang, kaya hindi niya puwedeng sabihin na wala siyang inagrabyado.

Pero patay na si Diane, sa isip-isip niya. Sinong tao ang mag-iisip na gantihan ako sa ginawa ko sa kanya?

Ah! Posible nga kayang may taong gustong maghiganti sa kanya dahil sa ginawa kay Diane at gusto rin siyang patayin?

"Hindi," nausal niya, "imposible!"

"Sir Rivera..?"

Nagtatanong ang mga mata ng security guard. Dahil naulinigan nito ang nausal niya ay naisip marahil na may naalala siyang bagay na posibleng dahilan kung bakit may taong gustong bumangga sa kanya.

"That's nothing," sabi niyang umiling at isinenyas pa ang kamay. "I just thought of something pero wala lang iyon. Hayaan mo na."

"Basta ingat lang kayo, sir," nakangiting sabi nito. "Dapat ay maging alerto kayo."

"Okay. Sige na, bumalik ka na sa trabaho mo. Salamat." 

Nang umalis ang security guard ay sumakay na siya sa kotse. Hindi nawala sa utak niya ang isipin. Ayaw sana niyang bigyan iyon ng pansin pero hindi niya naiwasan. Kaya hindi na muna niya pina-start ang makina ng sasakyan.

"G-gusto akong patayin ng kung sinong tao?" naibulong niya. Hindi niya naiwasang magbuga ng malalim na hininga mula sa dibdib. "Posible nga kaya ang bagay na iyon? Pero sino... at bakit?"

HINDI naiwasan ni Khian James na ikuwento kay Diane ang natuklasan niya. Hindi kasi niya akalaing makikita ang isang taong hindi inaasahang makita.

"Sa Baretto and Lee Corporation pala nagtatrabo si Redlee. Nakita ko siya kanina sa parking area at nagulat nga ako dahil hindi ko inaasahang makita siya roon."

"Oo, Khian James," tugon sa kanya ng babae habang nakaupo ito sa sofa sa salas at may hawak na cellphone. "Hindi ko pala iyon nasabi sa iyo. Galing ka pala roon?"

"Yaph. May pinuntahan kasi akong client sa malapit doon. Agad ko naman siyang namukhaan dahil na rin siguro sa mga picture niya na ipinakita mo sa akin mula sa f******k account niya."

"Ito ba ang nakita mo kanina?" tanong nito na iniharap sa kanya ang screen nang hawak na cellphone. "Baka naman nagkamali ka lang?"

Natatawa siyang umupo sa tabi nito. "Talaga naman..."

Tumaas ang isang kilay ni Diane habang nakatingin sa kanya. At alam na niya ang ibig sabihin niyon.

"Hindi ba?" aniya. "Huwag mong sabihing hindi mo nami-miss si Redlee? Kaya mo siya tinitingnan sa pictures dahil hindi mo nakikita ngayon sa personal."

"Tumigil ka, Khian!" tugon nitong inirapan siya. Inilagay na nito ang cellphone sa ibabaw ng center table. "Hindi porke tiningnan ko ang account niya ay nami-miss ko na. Nagkataon lang na inabutan mo ako..."

Lumabi siya. Sadyang gusto niyang ipakita kay Diane na hindi siya naniwala sa sinabi nito. Natawa naman ito at hinampas siya sa balikat.

"Sira! Totoo namang inabutan mo lang ako na tumitingin sa f******k at eksakto nga na sinabi mong nakita si Redlee. Kaya tinanong ko kung siya talaga ang nakita mo!"

"Sige na," sabi niya, "naniniwala na ako. At gusto ko ring sabihin na talagang si Redlee Rivera ang nakita ko kanina."

"Hayaan mo na siya, Khian. May araw din ang lalaking iyon."

"Alam mo ba, Diane..."

Sinadya niyang hindi muna ituloy ang sasabihin. Nag-isip kasi siya kung ipagtatapat kay Diane ang totoo. Hindi pa rin kasi siya nakatitiyak kung ikagagalit nito o hindi ang maririnig mula sa kanya.

"Ano iyon, Khian? May gusto ka bang sabihin? Sige na. Huwag ka ng magdalawang isip. Okay lang sa akin ang maririnig ko."

Tumikhim muna si Khian James. Inalis niya ang tila bara sa kanyang lalamunan.

"N-nang makita ko ang Redlee na iyon ay parang kumulo ang aking dugo. Gusto ko siyang sagasaan kanina."

"Huwag!" bulalas ni Diane. Halatang nabigla ito sa narinig. "Khian, huwag mo iyong gagawin. Ayaw kong gumawa ka ng hindi maganda..."

Dahil hindi niya inaasahan ay bigla siyang napatingin dito nang hawakan ang kanyang kamay. Nausal niya ang pangalan nito saka tuwid itong tinitigan sa nag-aalalang mukha.

"Huwag ka nang gumaya kay Redlee na naging masama. Hindi ka sana magpadala sa inis o sa galit na iyong nararamdaman."

Ngumiti siya. Nakaramdam siya ng tuwa dahil sa sinabi ni Diane. Nagmamalasakit ito sa kanya kaya hindi siya gustong maging masama.

"Don't worry," sabi niyang hinawakan din ang ibabaw ng kamay nito. Pinisil. "Hindi ko naman talaga gagawin iyon kay Redlee. Hindi iyon kaya ng kunsensiya ko."

"Sslamat. Hayaan mo na lang akong gumawa ng paraan para makaganti sa lalaking iyon. At least, hindi ako gagawa ng bagay na ikamamatay niya. Sasaktan ko man siya pero hindi physical kundi iyong damdamin niya. Ang puso niya."

"Bahala ka, Diane. Basta nasa likod mo lang ako." Tinapik-tapik niya ang kamay nito. "Ano man ang mangyari sa plano mo ay hindi kita iiwan. Mananatili ako sa tabi. Promise."

"Maraming salamat, Khian. Napaka-suwerte ko sa pagkakaroon ng kaibigang tulad mo."

MALUNGKOT si David nang dumating sa kanilang bahay. Apektado kasi siya ng hindi magandang usapan nila ni Redlee. Hindi man niya ito tuwirang pinagbintangan na masamang tao ay parang ganoon na rin ang nangyari. Gusto tuloy niyang magsisi sa ginawang pagkumpronta dito. Sabi nga niya sa sarili ay hindi na sana siya nag-usisa pa. Nanahimik na lamang sana siya at binalewala ang tungkol sa tuyong dugo sa living area sa dating apartment ng mga ito.

Pagkapasok palang niya sa unahang pintuan ay hindi nalihim ang emosyong iyon sa kanyang Ina, na tanging kasama niya sa buhay. 

"Good afternoon, mother," bati niya rito, na hinalikan ito sa pisngi. "Okay lang ho ba kayo?"

"Oo naman, anak. Okay lang ako. Pero... ikaw ang hindi okay. Halata ko, David. Anong problema?"

Hindi siya naglihim kay aling Juana. Sinabi niya ang problema at naunawaan naman siya nito. At gaya nang inaasahan niya ay pinayuan nito na kaakibat ang tunay na pagmamalasakit, na hindi naman nakapagtataka dahil sa pagmamahal sa kanya bilang anak.

Oo. Hindi maitatanggi ang isang daang porsiyentong pagmamahal nito sa kanya, sa kabila ng katotohanang anak lang siya sa pagkadalaga. Kaya naman sinuklian din niya ang pagmamahal na iyon. Halos ibinuhos na nga niya ang lahat ng atensiyon dito bilang mabait na anak. Dumating nga sa puntong hindi na siya nanligaw at naging matandang binata. Pero wala naman siyang pinagsisisihan dahil masaya siya at kuntento sa buhay.

Ganoon pa man ay umaasa pa rin si David na darating ang tamang panahon at makakatagpo siya ng babaing kapalaran. At hindi naman hadlang ang kanyang Ina, kung sakaling may magustuhan siyang babae. Ang totoo ay ipinagtutulakan pa nga siyang mag-asawa na. Kaya lang ay talagang wala pa siyang napupusuang babae at hindi pa siya nakakaramdam ng pagmamahal.

"Anak, hindi mo pa kasi ginagawa ang gusto kong mangyari," natatawang sabi ni aling Juana. "Mag-asawa ka na kasi!"

"Ho?" bulalas niyang nanlaki ang mga mata. Dahil tungkol kay Redlee ang usapan nila ay nagtaka siya kung bakit sinabi iyon ng Ina niya. "Out of our conversation naman ang sinabi mo, mother. Ano ho ba kayo?"

Mas lumakas pa ang pagtawa ni aling Juana. "Hindi naman, anak. May puntos nga ako sa sinabi ko. Kasi, kung may asawa ka na ay hindi mo na magiging problema ang problema ng boss mo..."

Napangiti siya habang tumatango. May puntos nga naman si aling Juana.

"Ang magiging atensiyon mo na lang kasi ay mauukol sa asawa mo at hindi sa kung ano-anong bagay. Kaya sana... may magustuhan ka ng babae, David."

Natatawa niya itong inakbayan. "Don't worry, mother. Sooner ay ipakikilala ko na rin sa iyo ang babaing kapalaran ko."

"Sana nga. Pero, anak... sana ay magawa mong humingi ng tawad sa boss mo para maging maayos na ang sitwasyon mo."

"Okay, mother. Asahan ho ninyo at gagawin ko ang bagay iyon!"

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status