LOGINPumalatak si Charlene habang pinapakinggan ang drama ni Cynthia at Lucy. Hinayaan na niya ang mga ito lalo na at paalis na rin naman siya sa kompanya soon. Kapag nagsalita kasi siya at nagsabi ng totoo ay baka maging masama pa siya. Sigurado kasing walang iba paniwalaan ang chairman kundi si Cynthia na maging manugang nito. Pero nagulat siya sa sunod na sinabi ng ginang."Ipagpalagay na nating nagkamali ka nga, pero hindi ba sila nahiya na ibang tao ang gumawa ng trabaho nila?"Napahiyang nagyuko muli ng ulo ang mga naroon at takot na gumawa ng ingay."Ang kakapal naman ng mukha ninyo at hinayaan lang na mag trabaho ay si Miss Charlene!" Angil ni Trisha sa mga naroon.Tita..." hinaplos haplos ni Cynthia ang likod ng ginang upang pakalmahin. "Tita, sorry sa nangyaring ito. Kasalanan ko at hindi nilinaw ang utos kay Lucy. Hayaan mo at hindi na maulit pa itong nangyari ngayon at bigyan sila ng disiplina."Napabuntong hininga si Trisha at lalong nadismaya sa pakitang tao na ipinapakita sa
"Baka sumuko na iyang babae kapag araw araw ay pinahihirapan siya?" tanong ni Cyril sa asawa saka itinabi na ang folder at ang usb ng footage."Kailangan kong mapigilan si Charlene sa pag alis na hindi nila nahahalata." Tumayo si Trisha.Hinayaan na ni Cyril ang asawa at alam niyang lagi itong gumagawa ng tama para sa anak nila. Nagpaiwan na lang siya sa opisina at sinimulan ang pag imbistiga. Inutusan niya rin ang isa sa tauhan na puntahan ang lugar kung saan nakatira si Charlene. Bumalik sa area ni Charlene si Trisha at nag matyag. Huling huli niyang nagkukuwentohan lang ang karamihan dahil walang ginagawa. Nang makita siya ay mukhang nagulat ang mga ito at nagkuwaring may ginagawa na sa harap ng computer. "Iisa lang ba ang empleyado dito?" Lalong nagyuko ng ulo ang mga naguling walang ginagawa at bakas sa mga mukha ang kaba na nadarama at pagkabahala.Pinukpok ni Trisha ang table ng isa bago nagtanong. "Nasaan ang tinatrabaho mo?"Napilitang magtaas ng mukha si Lucy at namumula
"Ma'am, alam ko na po kung sino ang nagtatambak ng trabaho kay Miss Charlene!" ani ng assistant ni Trisha at ipinakita ang laptop na dala. Ang folder ay naglalaman ng information ni Charlene. "Doon tayo sa office ko." Nagpatiuna na si Trisha sa paglalakad at nakasunod ang asawa na tahimik lamang nakikinig.Pagka upo ni Trisha ay agad niyang pinabuksan ang laptop upang mapanood ang ang footage ng cctv. Malayo ang kuha dahil malayo ang kuha at hindi rin naririnig ang audio pero sigurado na si Charlene ang nasa video. Nakilala niya rin si Cynthia na lumapit dito at ilang beses bumalik ang kasama nito na may dalang tambak na folder. Nagpaalam na ang assistant niya na lalabas at tinanguan niya lang ito habang nanatili ang tingin sa screen ng laptop."What kind of attitude is that?" Hindi natuwa si Cyril sa nakikitang ginawa ni Cynthia. Hindi niya akalaing may dalawang mukha ang dalaga at hindi niya gusto para sa anak niya.Dissapoint din si Trisha sa nakitang ginawa ni Cynthia. Pinaka ay
"Dati bang magkakilala sina Miss Charlene at Cynthia?" tanong ni Trisha sa anak habang mataman na pinagmamasdan ito.Nangunot ang noo ni Terence saka humarap sa ina. "Bakit mo po naitanong iyan, mom?""Just answer me." Pormal na sagot ni Trisha. Nang umiwas ng tingin ang anak ay mukhang tama ang hinala niya."Mom, wala akong time sa pag alam sa personal life ni Cynthia." Pahintamad na sagot niya sa ina.Tumikwas ang kilay ni Trisha at halatang umiiwas sa tanong niya ang anak. Pero hindi niya ito masisi kung walang deep interest sa buhay ni Cynthia. Parang pinagkasundo lang niya kasi ito sa dalaga at hindi naman nito tinutulan. Kung tutol ito ay hindi naman niya ipipilit. Ngayon niya napagtanto na may mali sa behaviour ng anak pagdating sa pakipag relasyon sa babae. Naging pihikan ito mula nang lumipat ng pag aaral sa ibang bansa, kabaliktaran sa nangyayari sa ibang kabataan. Ang mga kilala niya kasi ay lalong naging wild o babaero nang mapunta sa ibang bansa."May problema po ba sa k
"Here, ayaw ko na mag ingay ka pa tungkol sa pag alis mo dito sa kompanya. Huwag ka na rin magpa farewell party at not allowed iyan dito!" Mataray na ani Cynthia saka pahagis na ibinalik ang folder kay Charlene. Mabilis na binuklat ni Charlene ang folder saka hinanap ang resignation letter. Nasa last page pa rin iyom at may pirma na ng CEO. Ngumisi siya sa babae pagka tunghay. "Hindi na ako magpapasalamat. Don't worry, hindi ko ugaling magpabida para makuha ang atensyon ng isang tao. Hindi ako mahilig gumawa ng kasamaan upang ipahamak ang ibang tao." May kasamang pasaring na aniya."At alam mo rin kung ano ang kaya kong gawin upang mapatahimik ang tinik sa palamunan ko." Malahulugan ding ani Cynthia. "Bilog ang mundo, darating din ang araw na nasa ibaba ka at ang naapi ay nasa itaas." Pagkasabi niyon ay tinalikuran na niya si Cynthia. Matalim ang tingin ni Cynthia na nakasunod kay Charlene. Kung nakakamatay lang ang tingin ay tiyak na duguang bumagsak na si Charlene. Pagka balik
"Huwag kang mag alala, pagka pirma ng CEO ay inform agad kita. Alam mo naman siguro na may 15 days ka pang pasok bago ang effective ng resignation mo?" Tumango siya sa ginoo at naintindihan niya dahil nasa contracts iyon na pinirmahan niya noong nag a apply pa lang siya."Okay, makabalik ka na sa trabaho mo." Pagtataboy niya sa dalaga."Puwede po bang ako na lang ang magpa pirma niyan sa CEO?" Napatingin si Mr. Cruz sa dalaga saka sa resignation letter nito."Papunta rin po kasi ako doon sa opisina niya at papirmahan iyang papelis." Pagdadahilan niya at tinuro ang folder na totoong kailangan ng pirma ni Terence. Sa kaniya rin kasi iyon iuutos ng ginoo mamaya."Okay." Maiksing sagot ni Mr. Cruz saka hinayaan ng kunin ng dalaga ang folder saka ang resignation letter nito.Pagkakuha ang sa papelis ay nagamamadali nang lumabas ng opisina si Charlene. Baka kasi magbago pa ang isip ng ginoo. Pagkalabas ng pinto ay gumilid muna siya sa Hallway at inayos niya ang pagkasingit ng resignation







