LOGIN"No, ayaw ko ng ibang mama! Si Mama Charlene lang ang mother.ko at ayaw ko sa iyo!" Sigaw ni Jessy at tinulak ang kaharap.Galit na hinawakan ni Dalia ang braso ng bata at kamuntik na siyang matumba. "Salbahe ka, iyan ba ang tinuro sa iyo ni Charlene?" Umiyak na si Jessy at natakot sa babae. Umiling iling ito at pilit na kumawala sa hawak ni Dalia."Huwag mo ako iyakan at mag sorry ka!" Galit niyang utos sa bata."Sorry po!" Umiiyak pa rin na ani ng bata dahil sa takot.Ngumiti si Dalia at mabilis naman palang kausap ang anak. "Ok, tama na ang iyak at ayaw ko sa iyaking bata."Madiin na itinikom ni Jessy ang kga labi at pilit na pinigilan na ang pag iyak. Binitiwan na ni Dalia ang braso ng anak at namula ito pero hindi niya pinansin. "Mula ngayon ay ako na lang ang mama mo. Sasama ka sa akin pag uwi at si Tita Charlene mo ay susunod na lang doon, maliwanag?"Muling tumango ang hata kahit labag sa kalooban upang hindi na saktan muli ng babae. "Good boy, mapaganda ang buhay mo sa pil
"Dad." Bati ni Terence sa ama na bagong dating."Nagpunta agad ako dito nang mabalitaan ang nangyari sa nobya mo.""Salamat, dad. Hindi ko na po makontak ang numero ni Charlene upang e locate sana ang kinaroonan niya. Pero ang last update ay sa lugar na ito." Ipinakita ni Terence ang nasa cellphone."Hindi rin mahanap si Cynthia kaya malakas ang kutob ko na siya ang may kagagawan nito." Kumento ni Cyril at pinakilos na rin ang kaniyang tauhan. "Doon po tayo sa sasakyan." Napatiuna na si Terence sa pagpunta sa sasakyan. Ayaw niyang lumayo sa bahay ng dalaga. Hindi rin sila puwedeng mag usap sa loob ng bahah at tiyak na babantayan ni Dalia ang bawat kilod nila. Natawagan na rin niya di Jude at pinauwi nang maaga upang magbantay din sa bata."Sir, ito nakuha ko na ang footage ng cctv!" ani ng pulis saka iniharap abg screen ng cellphone sa binata.Halos walang kurap na pinanood ni Terence ang video. Kita doon ang pag lapit ni Dalia sa nobya hanggang sa sumakay ng kotse. Hindi kita ang mu
Kailangan niyang tawagan mamaya si Willy at utusang huwag munang pakawalan ang kapatid niya hangga't hindi siya nakakaalis sa lugar na ito. Maari nitong gamitin ang cellphone ng kapatid niya at magpadala ng message na ayaw na nito kay Terence. Kung kinakailangan e post ang larawan na may kasamang ibang lalaki ay gawin upang bitiwan na ito ng lalaki at hindi na rin siya pag bintangan na salarin sa pagkawala ni Charlene. Mahigpit na binilinan ni Terence ang tauan na huwag hiwalayan ng tingin si Dalia kahit saan pupunta. Kinuha niya rin ang isa nilang katulong upang makasama ni Jessy sa bahay bukod kay Dalia. "Daddy, bakit po hindi ka dito puwedeng matulog? Nasaan po si mama?" tanong ni Jessy habang mahigpit na hawak sa braso ang binata at takot na mapag isa.Hinaplos ni Terence ang buhok ng bata. Hindi niya maaring sabihin dito na nawawala ang ina at baka matakot. "Susunduin ko lang ang mama, huwag kang mag alala at kasama mo si manang."Kilala na ni Jessy ang katulong kaya hindi ito
"Sir, sorry pero habang wala ang iyong nobya ay sa kaniya mapupunta ang bata." Apologetic na ani ng taga DSWD at walang magawa sa batas kahit pa kilalang tao ang binata.Napatiim bagang si Terence at madilim ang aura na tumingin kay Dalia. Bakas sa mukha ng babae ang tagumpay at hindi natatakot sa ginawa nito. "Ok, hayaan kong sa kaniya mapunta sa ngayon ang bata pero hindi siya maaring makalayo sa lugar na ito at kailangan siyang imbistigahan sa pagkawala sa nobya ko.""What? No po, sir, huwag kayong maniwala sa lalaking iyan. Kung nawawala man ang kapatid ko ay siya dapat ang imbistigahan dahil ayon sa message ng kapatid ko ay siya ang makakasama sa lakad niya ngayon kaya ako ang narito upang sunduin ang bata!" Kausap ni Dalia sa pulis. Hindi siya maaring manatili sa lugar na ito. Alam naman niyang makabalik agad si Charlene kaya dapat na siyang makaalis kasama ang anak upang hindi mabawi sa kaniya."Sorry po, ma'am, pero masusunod dito si Mr. Terence at malabong siya ang maging sus
"Ano ang kailangan ninyo? Kung pigilan ninyo ako sa pagsundo sa bata ay huwag na kayong mag abala dahil may permisyon ni Charlene ang gagawin ko!" Pinakita na niya ang message ng kapatid sa tatlong lalaki upang hayaan siyang makuha si Jessy ngunit hindi siya pinakinggan."Kunin mo ang Senyorito at ako na ang bahala sa babaing ito." Utos ng lalaking kausap ni Terence sa phonesa isang kasama."No, hindi tama itong ginagawa ninyo at maari ko kayong edemanda! Huwag ninyo ilayo sa akin ang anak ko!" Nagwala na si Dalia at umaktong biktima upang kampihan ng naroon. Hindi maaring hindi niya makuha ang anak at last chance na niya ito."Pakakawalan ka lang kapag sinabi mo kung saan mo dinala si Charlene!"Biglang nanlamig si Dalia nang marinig ang tinig ng lalaking pumuprotekta sa kapatid at anak. Pero bakit ito narito? Di ba dapat ay wala ito dahil sa message na send niya rito kanina gamit ang cellphone ng kapatid niya? Saka bakit hinahanap nito sa kaniya si Charlene?"Alam kong may kinalaman
Pinigilan ni Willy ang mapangisi at umaktong professional kausap. "Huwag kang mag alala at pera lang ang habol ko at hindi ang katawan ng kapatid mo." Mukhang nairita pa anito.Huminga nang malalim si Dalia saka ibinalik na ang cellphone ng kapatid sa bag nito. Pumayag o nakipag savwatan siya kay Willy upang makuha ang bata. Nagkaroon din sila ng kasulatan ni Willy na wala na itong habol sa anak nila at pinaubaya na sa kaniya ang buong rights sa bata. "I'm sorry, sis, kasalanan mo kung bakit humantong pa tayo sa ganitong sitwasyon dahil ayaw mong ibalik sa akin ng kusa ang bata." Kausap ni Dalia sa kapatid."Sige na bumaba ka na at malapit na labasan mga bata, ewan mo na sa akin ang babaing iyan para pagka perahan ko." Naiinip na utos ni Willy sa babae.Mabuti na lang at nasa malapit lang si Dalia at nagkasundo agad sa plano niya. Pero ang alam lang nito ay larawan lang na magkatabi sila ni Charlene ang kailangan niya. Hindi nito alam na dadalhin niya ang kapatid nito sa taong gusto
Lihim na napangiti si Jaira nang makitang pumunta na ng kusina si Jessa. Alam niyang tatlo ang silid sa bahay ng binata, gusto niya sana sa silid nito pero kalabisan na iyon. May nabuong kapilyahan sa isipan niya. Ang sarap sa pakiramdam ang bawat haplos nito sa sakong niya. Napapikit pa siya at ni
"Bakit naglalakad ka na naman?" tanong ni Zandro sa dalaga."I want to take a rest." Pilit siyang ngumiti sa binata."So nasaan ang umagaw sa iyo kanina sa akin?" pabirong tanong ni Zandro saka nilapitan ang dalaga upang alalayan.Nagkibit balikat lang si Jaira. Ayaw niyang makaapikto sa kasiyahan
Hindi malaman ni Jaira kung ano ang dapat na maramdaman. Mahiya ba, kiligin o mainis dahil basta na siya binuhat at ang daming tao. Ang emcee ay mukhang natulala. Paano naman kasi, kanina lang ay kinikilig sa tandem ni Arthus at Jessa. At mukhang hindi pala tinapos ni Arthur ang nagsuot ng garter s
"Ate, sure ka na ok lang ang paa mo?" tanong ni Akira habang sinisilip ang paa ng pinsan."Ikuha mo na lang ako ng ice cube." Utos niya kay Akira at agad naman itong tumalima.Mabilis lang nakuha ni Akira ang hinihingi ng pinsan. "Ako na ang—""No, ako na at baka makahalata sina Mommy." Agaw ni Jai







