LOGINNAGKAGULO SA ospital, nagtatakbuhan ang mga doktor at nurse dahil sa kalagayan ni Kelly ngunit si Camilla ay tila walang naririnig. Nakatutok ang mga mata niya sa walang malay na katawan ng anak habang ginagawa ng doktor ang makakaya ng mga ito upang isalba ang bata, may isang klase ng gamot na tinurok sa IV ni Kelly na nakatutulong daw upang pansamantalang mapalakas muli ang tibok ng puso ng bata.
Namumutla ang mukha ni Kelly sa likod ng nakalagay na oxygen mask, sa maliit na kamay ay nakatusok ang IV line. Naka-attach siya sa cardiac monitor at ang tunog ng beeping ay mabilis, hindi regular. Ang iregular noong tunog ay sumasabay sa bawat segundo ng kaba ni Camilla. Wala siyang ibang nakikita o naririnig. Nakatutok sa bata ang buong atensiyon niya. “Mrs. Limjoco, narinig po ba ninyo ako? Ma'am?” Napakurap si Camilla at nag-angat ng mukha, nasa tabi pala niya ang doktor ni Kelly. Naihilamos niya ang palad sa mukha. “Sorry, Doc. Ano nga po yun?” Tumango-tango ang doktor. “Ipinaliliwanag ko lang po ang sitwasyon ni Kelly. Kanina po, nawalan siya ng malay dahil hindi na kinaya ng puso niya ang stress. Sa ganitong stage, halos hindi na sapat ang tibok ng puso para magpadala ng dugo sa katawan.” Nanghina siya. “Doc… Kaya pa ba ng gamot?” “Ma'am, I'm gonna be honest with you, pero buhay siya ngayon dahil naka-inotropic support tayo. Ang mga gamot na binibigay natin kay Kelly ay tumutulong para mas lumakas ang tibok ng puso niya. Pero ito po ay pansamantala lang. It doesn't fix the problem. In one way or another, bibigay rin ang puso ni Kelly.” Nangilid ang kaniyang mga luha. “A-anong maisa-suggest ninyo, Doc? Ano po ang dapat gawin?” “As of now ay stable naman na ang kalagayan ni Kelly. Pero as we all know, isang buwan na lang ang...” Maging ang doktor ay tila hindi masabi ang alam namang kahihinatnan ng bata. Tumango na lang si Camilla at nagpasalamat. Bakit nga ba siya nagtatanong pa kung ano ang mainam na gawin gayong hinatulan na nga ng taning ang buhay ng kaniyang anak? Pero bilang ina ay nagbabaka sakali pa rin siya. Baka maaari pang madugtungan ang maigsing panahon ni Kelly sa lupa. Baka lang naman. Kahit iilang araw pa sana. Muling natuon ang kaniyang atensiyon sa mukha ng anak at nasapo niya ang noo bago pumikit upang pigilan ang pag-agos ng luha. Kasalanan niya ang lahat ng nangyayari kay Kelly. Kung bakit ba siya nagmahal ng maling lalaki. Kung sana ay nakita niya ang maitim na budhi ni Philip bago siya naakit sa mga ngiti nito ay hindi daranasin ni Kelly ang ganoong paghihirap. Kung sana ay hindi siya nalasing nang gabing iyon... Hinawakan niya ang maliit na kamay ng bata. ‘Anak, patawarin mo si Mama...’ Sa puntong iyon ay tumunog ang kaniyang cellphone, dali-dali niyang tiningnan iyon upang makita ang caller at nang hindi mabulabog si Kelly. Bumagsak ang kaniyang mga balikat nang makita ang pamilyar na numerong iyon. Hindi naka-save ang numero pero kilalang-kilala niya iyon. Lumabas siya at sinagot ang tawag, “Tiyo, anong—” “May pera ka ba riyan?” Wala man lang hello o pangungumusta, rekta agad sa pakay ang kapatid ng kaniyang ina. “Padalahan mo ako ng sisenta mil sa bank account ko, kailangan ko—” “Tiyo, kailangan ko rin ng pera ngayon. Mas kailangan ko ito para sa pagpapagamot ni Kelly—” “Ako, tigil-tigilan mo ako sa kadamutan mo, Camilla, ha. Milyonaryo ang asawa mo kaya tantanan mo ako sa kailangan-kailangan mo rin ng pera! Idadahilan mo pa ang bata! Padalahan mo ako ng pera!” “Hindi—” Napamaang na lamang siya dahil namatay na ang linya, ni hindi man lamang nagtanong ang kaniyang tiyuhin ukol sa kalagayan ni Kelly. Mayamaya ay muling tumunog ang kaniyang cellphone, pagtingin niya ay text message iyon na mula sa kausap niya. Account number at pangalan ng bangko lamang naman iyon. Natawa siya nang mapakla. Ni-reply-an niya ito. ‘Wala kayong makukuha sa akin, pasensiya na.’ Kasi-send lang niya ay tumunog muli ang cellphone, tumatawag na naman ang tiyuhin niya. S-in-ilent niya ang cellphone at binulsa. Wala siyang panahon para lumutas ng gambling problems ng taong sanhi ng hinagpis niya... SA KABILANG dako ay masayang magkapulupot sa kama ang mga katawan nina Philip at Shaira. Katatapos lamang ng mainit na tagpo sa pagitan nila at sa kasalukuyan ay nag-uusap na lamang sila ng kanilang mga plano sa hinaharap. Nang tumunog ang cellphone ni Philip. Ayaw sana niya iyong sagutin ngunit ayaw tumigil kung kaya't kaniya nang dinampot. Nangunot ang noo ng lalaki nang makitang unregistered number iyon. Gayunpaman ay sinagot pa rin niya. “Hello?” “Philip!” ang masiglang bati ng nasa kabilang linya. “Sino ‘to?” “Ako ‘to, si Tito Bobby ni—” Hindi na niya pinakinggan pa ang nagsasalita. Si Bobby pala. Ang sugarol na tiyuhin ni Camilla. Siguradong hihingi iyon ng pera sa kaniya. Ang kapal naman ng mukha. Tumawag muli si Bobby pero b-in-lock niya ang numero nito. “Sino ‘yon?” malambing na tanong ni Shaira. “Extortionist lang. Ayusin ko lang ‘to, Babe.” Agad niyang tinawagan si Rica. “Hello, Rica. I-feeeze mo nga ang account ni Camilla... Lahat yun. Namemeste na naman ang tiyuhin niya, e. Siguradong babawas siya sa allowance niya para ibigay roon. Wala akong planong mamahagi ng pera ng mga Limjoco para sa mga walang kwentang tao.” Kinindatan pa niya si Shaira pagkasabi noon. Kay tamis ng ngiti nito bilang tugon. “Ayusin mo na ngayon, a.” At pinatay niya ang tawag bago muling sinunggaban si Shaira na napatili naman... KUMUHA LAMANG ng kape si Camilla upang panatilihing alerto ang sarili, ngunit nang pabalik na siya sa ICU ay nakita niyang nagkakagulo na naman ang mga doktor. Sinalubong siya ng isang nurse upang sabihin na nag-seizure si Kelly at nasa mas kritikal nang kondisyon. “Mrs. Limjoco, kailangan na talaga niya ng agarang open-heart surgery,” agap ng doktor na sinalubong din siya. “Kung hindi natin ito gagawin sa lalong madaling panahon, kahit tuloy-tuloy ang gamot, maaaring bumigay ang puso niya sa loob lang ng ilang araw.” Lutang ang pakiramdam niya. “S-sige po... Gawin ninyo ang nararapat.” “Ma'am, hospital policy lang po, kailangan namin ng deposit ninyo para—” “Oo, oo. Sandali. Sandali.” Sa nanginginig na mga kamay ay binuksan ni Camilla ang banking app sa kaniyang cellphone para magdeposito ng pera ngunit tila sumabog ang ulo niya nang makitang zero balance siya. Tiningnan niya ang iba pa niyang bank accounts ngunit panay zero lamang din ang laman noon. “Paanong... Philip...” Si Philip lamang ang walang puso na gagawa ng ganoon sa kaniya. Pero bakit? Bakit ngayon pa?! “Ma'am?” “Oo. Oo! Sandali lang, m-may tatawagan lang ako. Magbabayad ako!” Panay ring ang cellphone ni Philip pero hindi nito iyon sinasagot. Bawat ring ay tila mapupugto ang hininga ni Camilla. “Philip, utang-na-loob... sagutin mo na...” Naglakad siya papasok sa ICU at minasdan ang anak na tila humuhulagpos na. Tinakbo niya ito at hinawakan sa kamay ngunit natabig lamang siya ng mga doktor at nurse na nag-aasikaso rito. Saglit na nagmulat ng mga mata si Kelly pagkatapos ay nginitian siya. Ang tunog ng makina ay biglang tumining at humuni nang isang buong diretso, kasabay noon ay may nagsalita sa kabilang linya ng cellphone. “The number you have dialled is either unattended or out of coverage area, please try your call later...”PAGKAKITA NI Davian kay Camilla ay otomatikong nagliwanag ang mukha ng lalaki. Nagpaalam ito sa mga kausap at patakbong lumapit sa kotse.“Hey!” anito. Ni hindi na nahintay na pagbuksan pa siya ng pinto ni Tucker at siya na mismo ang nagbukas ng pinto sa kaniyang side. Umusog na lang si Camilla para bigyan ng espasyo ang lalaki. “What are you doing here? Saan ka galing?”Nagkatinginan sila ni Tucker mula sa rearview mirror at nagngitian.“Ganito kasi...” At sinimulan na niya ang pagkukwento, sa haba ng salaysay niya ay nauwi sila sa opisina ni Davian dahil may kukunin daw ito. Hanggang doon ay tuloy-tuloy ang kwento niya na kung saan-saang panig na ng bangungot niyang relasyon kay Philip.“So, ano ang balak mo?” anito nang magsawa siya sa kara-rant.Nagkibit-balikat siya. “Ano pa? E di kunin ang nararapat sa amin ni Kelly. Maipagpagawa ko man lang ng mas maayos na musoleo ang anak ko.”Huminga nang malalim si Davian bago binuksan ang pinto na may kumakatok. Nanatiling nakatitig sa kaw
“KUNG INAAKALA MO na maisasalba mo pa ang kasal natin dahil sa pekeng papeles na iyan ay nagkakamali ka,” ani Philip kay Camilla. “At kung totoo man iyan—which I highly doubt—so what? Sa akala mo ay kaya mong patakbuhin ang kompanya on your own? Nagpapatawa ka talaga, baka akala mo ay hindi ko alam na saksakan ka ng b0b@!”Napangiti na lamang si Camilla. Talaga palang mas mababa pa sa putik ang tingin sa kaniya ni Philip. Ang akala siguro nito, porke't sa isang state university lamang siya nagtapos ng pagaaral at hindi sa isang kilalang pamantasan gaya ng St. Ithuriel University ay totoo na nga ang mga pinagsasasabi nito sa kaniya. Na siya ay b*b0.Hindi nito alam na sa kabila ng pagiging swimmer sa kanilang unibersidad ay nagawa niyang pagsabayin ang athletics at academics, nagtapos siya bilang magna cum laude sa kursong Bachelor of Science in Business Administration. Bukod sa natamo niyang latin awards ay may mga karagdagan pa siyang parangal na natanggap kaugnay sa nasabing kurso.
“A, OK.” SIMPLENG tugon ni Camilla nang matanggap ang tawag ni Rica. Gusto siyang papuntahin ni Philip sa ospital kung saan sinugod si Shaira, inatake raw ng anxiety ang babae nang dahil sa kaniya.Natawa na lamang siya. Talagang nakapag-drive pa nga ang babaeng ’yon hanggang Manila bago inatake ng kung anumang karamdaman nito. Ang galing naman. At siya raw ang may kasalanan.‘Mema,’ aniya sa isip bago muling nagsalita sa cellphone, “Since, ’yang amo mo ang may kailangan sa akin. I demand na sunduin ako rito ng company car o ng chopper. Malayu-layong biyahe rin ang Laguna to Manila, baka mamatay na lang si Shaira ay wala pa ako riyan,” sarkastikong wika niya.Hindi kaagad nakasagot si Rica, pero mayamaya ay... “Y-yes, Ma'am. I'll arrange the chopper ride for you. Makikipag-coordinate na rin po ako sa malapit na building sa inyo para sa landing pad.”“Good. Ipasundo mo na lang ako rito sa bahay.” In-end call na niya kahit hindi pa nakasasagot si Rica. Hindi naman sa pagiging bastos, ka
HINILA NI CAMILLA nang malakas ang buhok ni Shaira pagkatapos ay sinipa ito sa alak-alakan hanggang sa ito ay mapaluhod. Gamit ang kabilang kamay, tinulak niya ang batok ni Shaira pababa at pinisil iyon nang mariin. Halos humalik ito sa lupa.“Bitiwan mo ako! Baliw ka na! Sira-ulong taong-bundok!” sigaw pa rin nito habang pilit na kumakawala. “God! I don't know what Don Fausto saw unto you! Hindi ka deserving sa lahat ng kabutihan niya!” Halos mapaiyak na ito pero talakera pa rin.Dinukdok niya sa lupa ang ulo nito pero nang banggitin nito ang pangalan ni Don Fausto ay tila may kung anong kumalabit sa kaniyang alaala. Nawalan ng lakas ang mga braso niyang nagpapaluhod kay Shaira kaya ito nakawala. Itinaas nito ang kamay para gumanti, pero nasunggaban agad niya ang mga braso nito.“Akala mo ba, kapag nawala ako, magiging mayamang-mayamang Mrs. Limjoco ka?” mariin niyang wika matapos luminaw sa kaniyang alaala ang pamana ni Don Fausto. “Alam mo ba kung paano inayos ni Lolo ang mana nami
MATAPOS MARINIG ang mga kwento ni Philip ukol kay Camilla ay biglang tinubuan ng lakas ng loob si Shaira na komprontahin ang babae. Talagang nag-drive siyang mag-isa patungo ng Laguna para lang makita ito at lait-laitin.“Akala siguro niya, mas better na siya sa akin dahil lang dala niya ang apelyido ni Philip. Nakakatawang babae. Pinulot saglit sa putikan para lang ibalik at lalong maputikan.”Tawa siya nang tawa. Pakiramdam niya ay nakaganti na siya kay Camilla matapos nitong sirain ang ilusyon niya na maikakasal sila ni Philip. Limang taon din nilang tinago ni Philip ang kanilang relasyon para lang hindi masira ang imahe ng lalaki sa madla at sa lolo nito. Napabuga ng hangin si Shaira nang maalala si Don Fausto Limjoco—ang lolo ni Philip. Ito kasi ang promotor ng pagpapakasal ni Philip kay Camilla. Dapat daw ay panindigan ng apo nito ang batang dinadala ni Camilla upang hindi maging kahiya-hiya ang babaeng iyon. Kapag daw hindi pumayag si Philip ay tatanggalin nito sa last will an
ISANG MALUTONG na sampal ang pinadapo ni Camilla sa pisngi ni Philip. Sa labis na pagkabigla ng lalaki ay hindi ito nakapagsalita at hindi naibaling ang mukha pabalik sa kaniya. Nanlalaki ang mga mata nito habang dahan-dahang humaharap muli, pati ang kamay nitong ipangsasapo sa nasaktang pisngi ay nanginginig.“Y-you... Y-ou j-just slap—”“The fvck, I did,” gigil niyang agap. “At hindi lang ‘yan ang matatanggap mo oras na bastusin mo pa kaming muli ng anak ko.” Nanginginig na rin ang buong katawan niya at pakiramdam niya ay nag-iinit ang kaniyang anit. Isang hindi magandang salita pa ni Philip ay baka hindi na niya ito matantiya. Pero sa pagkabigla niya ay tumawa ito nang mahina.“Palaban ka na talaga ngayon, I like it.” Dinilaan pa nito ang mga labi habang tinititigan siya mula ulo hanggang paa. “Ano? Gusto mo bang gumawa muli ng—what the fvck?! Jesus! Ibaba mo ‘yan, Camilla!”Siya naman ang natawa nang halos magkandarapa sa pag-atras si Philip habang nakataas ang mga kamay. Tinutvka







