Another day, another rejection.
Nakatitig lang ako sa screen ng laptop ko habang may bago na namang lumitaw na email notification. Hindi ko na ito kailangan buksan dahil alam na alam ko na kung ano ang laman. We regret to inform you... “Licensed Professional Teacher,” bulong ko sa sarili at hinaplos ang mukha gamit ang mga palad. “More like... Licensed Professional Tambay.” Tumayo ako at nag-inat. Sa totoo lang, habang tumatagal, hindi na siya masakit. Halos hindi ko na mabilang ang nakuha kong rejection sa taong ito. Dahil do'n, parang naging manhid na lang ako. Wala rin naman magbabago kung iiyak ko lang nang iiyak. ‘Buti sana kung magiging pera ang luha, baka sinagad ko na. As expected, my day was wasted again. Ilang beses na ba akong sumubok? Nagbakasakali? Nagpadala ng daan-daang resumé, ilang interview ang naranasan, at pati ang pag-aapply sa mga trabahong hindi naman pasok sa aking field hindi ko pa rin pinalagpas. But still, iisa lang ang naging resulta ng lahat. Failed, rejected, and not qualified. Licensed teacher nga, wala rin naman silbi. Prinint lang ata 'yon sa papel pampahaba lang ng pangalan ko, e. Pinaghirapan ko pa naman 'yon bago makuha. Tapos ang ending, wala rin pala ako napala. Gusto kong mag-marathon sa N*****x kaso kahit ata pang-f******k, e, hindi ko kaya ngayon. Failed na nga sa job applications, failed pa sa buhay. Naglakad ako papunta sa may counter. The sound of my stomach growling pulled me from my thoughts. Kahit gaano pa ka-problema ang isang tao, hindi dapat ito malipasan ng gutom. Kaso kung isang piraso lang din naman ng instant noodle ang makikita mo sa kusina ay mawawalan ka talaga ng gana kumain. The rest of the kitchen was as empty as my bank account. Bills piled up on the table, and my landlord’s not-so-friendly warning about overdue rent echoed in my head. “Perfect,” I sighed, filling my instant noodle with boiling water. “Dream life unlocked. Broke, jobless, and single. Triple threat.” Nakaupo lang ako habang titig na titig sa aking marangyang hapunan. Dahil sa kawalan ko ng gana ay hindi ko na tuloy maiwasan isipin ang naging buhay ko noong college. Those late nights studying, the countless lesson plans, the dreams I’d once had of shaping young minds. It all felt so far away now, pero nandito pa rin ako... walang trabaho at income. Natigil ako sa pagmumuni-muni nang maramdaman ko ang pag-vibrate ng cellphone ko. Nang tingnan ko ang message ay tuluyan na talaga akong nawalan ng gana kumain. Another bill reminder. Ang sarap talaga mabuhay. Tumayo na lang ako at iniwan ang kawawang noodle. Uuwi na lang ako sa amin. Doon, baka matulungan ko pa si Mama sa kaniyang sari-sari store. Pumasok ako sa kuwarto at kinuha na ang towel. Nang mapadaan ako sa kusina ay bahagya akong natigil nang makita ko ang iniwan ko doon na cellphone. Umilaw ito, hudyat na may pumasok na mensahe. I glanced at the screen, half-expecting another bill reminder. Good thing, it wasn't. Celine: “Girl, punta ka sa party mamaya. As in bigatin 'yong mga guest. Baka ando'n na 'yong future mo. Hehe!” I frowned, rereading the message. A party? Niloloko ba ako ng babaetang ‘to? Ni wala nga akong pera pangbili ng matinong groceries, damit pa kaya para sa party na ‘yan na alam kong puro mayayaman at sosyal ang invited? To Celine: Send money muna. Celine: Punta ka na. Madaming boylet doon na sumobra sa yaman. Baka nandoon ang magiging future mo. Napaisip ako sa kaniyang reply. Alam kong biro niya lang 'yon, pero what if nga pumunta ako doon, tapos may mabangga akong poging mayaman na CEO ng isang malaking kompanya? Tapos siya na pala ang mag-aahon sa akin sa putik? Syempre, walang gano’n, Alina! To Celine: Wala akong maisuot, gaga! Celine: Kahit ganda lang ambag mo, ayos na 'yon. I couldn't help but rolled my eyes. Totoo naman kasing maganda ako. Ang dami ko rin kayang binasted na manliligaw noong college ako. Puro rich kid pa at may sariling mga kotse. Kung alam ko lang talaga na ganito magiging buhay ko after college, e, ‘di sana sinagot ko na 'yong anak no'ng Mayor. Kaka-study first ko noon, ito ako ngayon. Wala na ngang pera't trabaho, mamamatay pa ata akong single. To Celine: Fine! Let’s go meet my future husband, or at least eat free food. Huling biro ko sa reply bago nagdesisyong tumuloy na sa banyo. The dress I chose was simple. A black, knee-length number na nabili ko pang naka-sale, dalawang taon na ang nakalipas. Nasuot ko na ‘to noong kasal ng pinsan ko. I paired it with heels that pinched my toes and a clutch bag I hadn’t used since graduation. Totoo nga’ng kahit pa gaano ka-cheap ang isang damit, kung marunong ka naman magdala ay magmumukha kang expensive tingnan. At ako ang patunay ng kasabihang iyon. “Just act confident,” I whispered to my reflection. “You’re not here to impress anyone. Just grab some hors d’oeuvres and go.” Pagdating ko sa party ay para akong pinagbagsakan ng langit at lupa. Hindi lang talaga ako makapaniwala na may nag-e-exist pa palang ganitong lugar sa tunay na buhay. The mansion was enormous, with sprawling gardens and a driveway lined with luxury cars. Everything about it screamed wealth and power na parang nakailang sampal sa akin ng katotohanang hindi ako nababagay dito kaya ano’ng ginagawa ng isang poorita dito? T-in-ext ko nang paulit-ulit si Celine pero hindi siya nagre-reply. Baka wala pa siya rito. Uso talaga 'yon. Mas nauuna ang inimbita kaysa nag-imbita. Gagang 'yon! Ang ending, pumasok na lang ako sa loob. Mabuti na lang talaga at hindi ako pinagkamalang naligaw na mamaw no'ng guard. Kasi kung nagkataon? Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. Hindi ako puwedeng umuwi na hindi nakikita si Celine. Magpapahatid ako sa kaniya mamaya pauwi. Tinotoo ko talagang ganda lang ang maiaambag ko rito kasi kahit ang pamasahe ko pauwi mamaya ay wala ako.Nakatitig lang ako sa kanya, kahit na noong tumahimik na sya at tapos ng kumain. Nakaalinsunod lang ang mata ko sa mga galaw nya. Nagsimula na rin syang magligpit sa mga pinagkainan namin.Sa pagkakataong ito, hindi ko na naiwasang magbigay ng katanungan kay Lord. What did I do in my past life to end up here, with a husband like him?Hindi nya ako pinapabayaan. Sya 'yung tipo ng asawa na paulit-ulit kong hihilingin sa buong buhay ko. Maging sa mga susunod ko pang buhay. Sa sobrang swerte ko sa kanya, at sa tuwa habang nakatitig sa kanya, parang pinipiga ang puso ko sa paulit-ulit na pagkakataon. Natatakot ako.Natatakot ako kapag naiisip ko na balang araw ay mawawala ang lahat ng meron kami ngayon. Ang mga simpleng ganito namin. Natatakot ako na balang araw, mag-isa na lang ako at nakatanaw sa kanya sa malayo. A question gnawed at the back of my mind.What would he do if he ever found out about my video?Would he be like those three? Mama, Scar, and Celine. The one who would be wil
Nakatitig lang sya sa akin. Mukhang pinoproseso pa ang sinabi ko. Sa wakas ay tuluyan ng kumalma ang katawan nya. "Tears of joy?"I nodded.Dahan-dahan syang napangiti. Sinakop ng mga kamay nya ang magkabila kong pisngi, saka ako hinalikan sa noo. "Good," bulong nya. Pinatong nya ang baba sa tuktok ng aking ulo. "Because that's the only kind of tears I want from you, baby."Napapikit ako sa ganda ng mga sinabi nya. Muli ko syang niyakap, pero this time, mas mahigpit at mas lalong diniin ang pagkakasubsob ng aking mukha sa kanyang leeg. For the first time that day, I felt at peace.Masaya namin pinagsaluhan ang cake. Each bite melted in my mouth, but it wasn't the sweetness of the dessert that made this moment special, it was the thought behind it.Binalingan ko ulit siya, na ngayon ay humiwa na naman ng panibago sa cake. Napangiwi ako nang ilagay nya ulit sa walang laman kong plato. Kauubos ko lang ng dalawang slice, ito na naman sya. "Baka magka-diabetes ako nito," reklamo ko na
"Happy birthday, baby..."Bigla syang kumanta na talagang nagpagulat sa buong katawan ko."Happy birthday, baby..."Palapit sya nang palapit sa akin. Hanggang sa lumuhod na sya sa harap ko, at inalay ang cake na may sindi na ng kandila."Happy birthday, happy birthday... Happy birthday, baby..."Nakaluhod lang sya. May ngiti na abot hanggang tainga. Ang kaninang medyo magulo nyang buhok bago lumabas ay nasa ayos na ito. Halatang nagpapogi pa kahit sobrang pogi naman nya sa paningin ko, dati pa. Kung sa ibang pagkakataon, baka tinawanan ko na sya dahil sa pagiging corny na naman nya. Ngayon, hindi ko magawa.Bagkus, mas lalo akong napatakip sa bibig, hindi dahil sa gulat. Kung hindi dahil sa bagong emosyon sa puso ko na pumalit sa kaninang bagsak na nararamdaman. Mas lalong nanikip ang dibdib ko, pero sa pagkakataong ito, alam ko na sa ibang dahilan na ang dulot nito. Today is November 19.It's my birthday.With everything that had happened, I had completely forgotten.Marahan akong
Tumayo si Riel sa tabi ko. Awtomatik na pumulupot ang braso nya sa aking baywang nang harapin nya ang dalawang pareho na rin nakatayo.Nagulat pa ako nang ngitian ako ni Penny. Lumapit sya sa akin at humalik sa pisngi ko."Nice seeing you again, Alina."Hindi ko alam kung tama ba ang pagkakaintindi ko pero naramdaman ko ang kaunting sinseridad sa boses nya. Sa gulat ay hindi ko na nagawang makasagot sa kanya. David, on the other hand, shook hands with Riel before stepping back. Nang nasa pintuan na sila ay nagkatinginan na naman kami ng hayop. Saglit lang talaga iyon, pero katulad ng mga nauna kanina, alam ko ang ibig nitong sabihin.Ang tatlong araw nyang palugid.And then, just as quickly, he smirked.I looked away. Mas inalala ko pa ang magiging reaksyon ni Riel. Mabuti na lang at mukhang wala naman syang napansin.Sabay kaming pumanhik sa kwarto. Ang kabigatan ng nangyari kanina ay dala-dala ko pa rin. Kahit na noong nasa loob na kami ng kwarto.Nauna na akong maglakad papunta s
I bit the inside of my cheek, willing myself not to react. Sunod na ginawa ni Riel ay pinakilala ako kay Penny bilang asawa nya, na marahang tinawanan ng babaeta.She leaned forward then rested her chin on her palm. "I know Alina," tugon nya sa pagpapakila sa akin ni Riel. Her voice was light but laced with something else.Sumiklab ang matinding kaba sa dibdib ko. Ito na ba 'yun? Sasabihin na ba nya? Marahas akong napalunok nang kunutan sya ng noo ni Riel, tila kuryuso at nagtatanong kung paano ako nakilala ng isang Penny. "You do?"Penny smiled at Riel. "Yeah. We were schoolmates in college."Mas lalong kumunot ang noo ng halimaw sa narinig. Binalingan nya ako na may pagtataka mata. His expression wasn't suspicious, but I could tell he was silently asking me if it was true.My throat tightened.Nasa akin ang mata ngayon ni Penny, tila naghihintay ng magiging sagot ko. Maging si David ay ganoon din. Napilitan akong tumango kay Riel. "Y-Yeah," I almost stammered, cursing myself fo
Her smirk widened as she winked at me. Alam ko nang-aasar na naman sya. At alam ko na kayang-kaya ko syang supalpalin katulad ng huli naming pagkikita, pero hindi ko magawa ngayon. Para akong natuko ng tuluyan sa kinatatayuan. Ang matagal ko ng sekreto... Bakit pakiramdam ko ay isisiwalat nila ngayon ni David kay Riel? Gusto ko syang tarayan at tanungin kung ano ang ginagawa ng isang tulad nya dito sa mansyon na ito, pero bago ko pa maibuka ang bibig, naglakad na sya paabante at nilagpasan ako. Dinaanan nya lang ako. Bahagya pa nyang binangga ang balikat sa akin, dahilan kung bakit napasunod ang mata ko sa kanya. Nang nasa loob na sya ay pumalakpak ito ng isang beses upang kuhanin ang atensyon ng dalawang lalaki sa sofa. Sabay na napalingon sa gawi namin si Riel at David. Ganoon din ang pagbagsak ng puso ko nang magtama ang mata namin ni Riel. "Alina's here," maarteng anunsyo ni Penny sa dalawa. Naglakad na sya palapit sa dalawang lalaki. Ako nama'y naiwan sa pintuan. Lumipa