Let's say, hindi siya chismoso...
Pero gano'n ba talaga kahalata sa mukha ko ang pagiging dukha para masabi niya 'yon? "What do you mean... po?" Naguguluhan kong tanong. Iyan lang ang tanging naibuka ng bibig ko. Kailangan kong mag-ingat sa pagsasalita dahil baka ikasama ko pa kung hindi. "You need money..." he leaned forward, his gaze unwavering, "And I need a wife. You'll get everything you want in exchange for playing the role of my wife. It'll be a marriage of convenience. You'll live the life you've always dreamed of, and I'll have the perfect partner in the public eye." "Excuse me?" I asked, barely able to believe what I had just heard. He raised an eyebrow, seemingly puzzled by my reaction. "You heard me. Marriage. A business deal, if you will." Umalingawngaw ang katahimikan sa paligid, pilit kong pinapasok sa utak ko ang mga narinig. Hindi nagtagal ay hindi ko na naiwasang hindi humalaklak, hindi dahil nakakatawa talaga ang kaniyang sinabi. But because the situation was so absurd. "You can't be serious." But he was serious. Every line of his face, his cold gaze that seemed to see right through me, was proof of that. "Do I look like someone who jokes about things like this, Ms. Reyes?" sabi niya sa malamig na tono. Tinikom ko na lang ang bibig at hindi na nagsalita pa. Halata naman kasing hindi siya nag-jo-joke. Pero ano ba'ng nangyayari? Bakit may paganito bigla? Ano, nagandahan siya sa'kin? Bumuntong-hininga ako at pinakalma ang sarili, saka siya tiningnan sa mata. "Why... why me? I mean, out of all the women you could choose, why someone like me? I'm broke, jobless, and basically a nobody." Totoo naman kasi. Ang dami niyang puwedeng pagpilian. Kahit na sinong nababagay bilang asawa niya, kayang-kaya niyang mapa-oo. Posible kayang tama 'yong hinala ko na konektado ito sa party kagabi? Na ako talaga ang tinitingnan niya? "Don't you have... girlfriend?" halos pabulong ko nang tanong. "Nevermind. Huwag mo na pala sagutin," biglang bawi ko nang makita ang hindi maipaliwanag na reaksyon galing sa kaniya. "So, why me?" sunod kong tanong. He stayed silent for a moment before answering. "You're perfect for what I need. No attachments, no complications, and no ulterior motives. You won't demand anything more than what this arrangement offers." Hindi ko alam kung maiinis o dapat ko bang ikatuwa ang naging sagot niya kasi finally, after so many rejections, e, I am finally seen. "What exactly are you offering?" I crossed my arms. He leaned back in his chair, his expression unreadable. "Security, financial stability, and the chance to rebuild your life. In return, you'll be my wife for the sake of convenience and appearances." Convenience and appearances... Muntik ko nang maibato sa kaniya ang walang laman kong wallet. Pero syempre hindi ko 'yon puwedeng gawin. Sa estado ng buhay ko ngayon, just hearing the words financial stability felt like music to my ears. Pero seryoso... kasal? Wife? Alam kong wife material talaga ako, pero seryoso talaga? "Ano'ng kapalit?" I asked, trying to find a loophole. I knew it couldn't be this simple. Saglit siyang ngumiti, pero hindi 'yong ngiti na masaya. Iyon bang parang inaasahan na niya ang tanong ko. "No catch. Except that you'll need to play the role convincingly. And once the agreement ends, we'll go our separate ways. No strings attached." Kaya ko ba 'yon? Ang madikit na nga lang sa pangalan niya, e, nakakalula na. Ano pa kaya ang magpanggap bilang asawa niya? Si Riel Alcantara na 'yan, oh! Again, bilyonaryo, CEO, laging laman ng billboard, magazine at sa lahat ng media. Higit pa doon, e, hindi rin maitatanggi ang angking kaguwapuhan niya. At oo... ang hot din. Mas natatakot pa ako sa katotohanang baka sa huli, ako pa ang ma-fall at maiwan sa ere. Mas gugustuhin ko pang mamatay na lang sa gutom kaysa maging bruhang broken-hearted. "You don't have to decide now," he said calmly, as if reading my internal struggle. "But I expect an answer soon. Opportunities like this don't come twice, Ms. Reyes." I stared at him, a hundred questions running through my mind. But despite all of them, the only thing I could say was: "What's in it for you?" He smiled, and for the first time, there was a trace of mystery in his expression. "Let's just say I have my own reasons. And they're none of your concern." Sumandal ako sa aking inuupuan at pinagkrus ang mga braso. Seryoso talaga siya sa pinagsasabi. Ito na ata ang pinakamalaking plot twist na naranasan ko sa buong buhay ko. My life was in shambles, and yet here was Riel Alcantara, offering me a way out. Kaunting kumbinsi pa niya, e, baka um-oo na ako dito ng walang oras. "I need to think about it," I finally said, my voice quieter than I intended. "This is a lot to process." He nodded, his expression never changing. "Of course. Take your time. But like I said, I expect an answer soon." Tumayo ako na dala-dala ang mga salitang binitawan niya sa akin. Grabeng plot twist, hindi ko kinakaya. Kailangan kong pag-isipan nang mabuti ang lahat. Hindi puwedeng basta na lang ako ma-a-attempt sa kaniyang offer. "I think I have to go," paalam ko na hindi hinihintay ang kaniyang reaction. Mabilis kong inayos ang suot ko at naglakad papunta sa may pintuan, pero bago pa ako tuluyang makalabas ay naalala kong wala nga pala akong pamasahe pauwi. Kaya nahihiya man, e, napabalik ako sa harap niya. "Is there a problem regarding the deal?" malumanay ngunit kuryoso niyang tanong sa akin nang makita ulit ako sa harapan. "Uh..." bahagya akong yumuko upang itago ang nahihiyang mukha. "I know this is going to sound weird, but... do you have any spare change? I mean, barya o kahit ano? Wala kasi akong pamasahe pauwi." Nakapikit ang isa kong mata habang sinasabi ang pakay. Nakakahiya. "You don't have to be embarrassed, Ms. Reyes. It's not every day that someone like you asks me for money."Gusto ko siyang pahintuin at sabihing hindi pa ako handa o 'di kaya ay humingi ng kaunting palugit kahit isang araw lang, kaso huli na. Nasa tapat na kami ng pintuan. Talagang wala nang atrasan. "This is my room..." aniya at humarap sa akin. Ewan ko kung imahinasyon ko lang iyon pero parang may saglit na dumaan na nakakaasar na ngisi sa labi niya. Pinihit niya ang door knob at binuksan ito. "My office room, rather..."Para akong nanlumo sa tinatayuan at gusto na lang magpalamon sa lupa nang masilip ang loob. Office room nga!More like corporate office. My eyes widened in surprise nang mapagtantong ito ang ibig niyang sabihin na room kanina. Oh my God, Alina! Ano ba'ng pumasok sa utak mo para maisip na sa kuwarto nga niya kayo mag-uusap? At naisip mo pa talagang may mangyayari sa inyo, ha?!"Wait," I said, suddenly feeling like I had been fooled. "This is your room?"He just looked at me, a sly smile tugging at the corner of his lips. "Yes, and this is where we'll talk."I couldn
Isang simpleng kulay itim na t-shirt lang naman ang pang-itaas niya. Hapit na hapit ito sa malapad niyang balikat, at isang dark-gray na sweatpants. Sobrang simple lang pero kung paano niya ito dalhin ay parang siya na ang naging model nito sa isang sikat na magazine. Feeling ko naman okay lang ang suot kong Doraemon na pajama sa dinner na ito. Nang malapit na si Riel ay tumayo ako bilang pagbati kahit hindi ako sigurado kung iyon ba ang tamang gawin. Sinuklian naman niya ako ng simpleng tango at naupo na sa harap ko.Ang kaniyang presensya ay naging sapat para umalingawngaw ang katahimikan sa paligid kahit na tahimik naman talaga mula kanina. "Good evening, Alina," he casually greeted, his voice smooth, like it always was.Bago ko pa siya mabati pabalik ay mabilis nang nagsipagkilos ang mga tao niya. Nilagyan ng kung anu-anong 'di ko maintindihan na mga bagay ang harap namin. Basta mga pagkain na hindi pamilyar sa akin pero mukhang masasarap.The way his staff members move, placin
I opened my mouth to speak, but no words came out. Instead, I asked myself if I was really okay. Kung tama ba ang naging desisyon kong ito.Gusto kong sabihin sa kaniya lahat. Gusto kong sabihin na 'yong anak niya ay nagipit kaya kumapit sa patalim. Gusto kong sabihin kung gaano kahirap mamuhay sa syudad na walang trabaho, pero hindi ko kaya. "Ayos lang ho ako, 'Ma. Si Scar? Kamusta naman po siya? 'Yong pag-aaral niya?" "Ewan ko ba sa batang iyon, natuto nang magbarkada," natatawa niyang sambit. Ganiyan na talaga siya sa aming magkapatid. Kung 'yong ibang nanay ay halos kamuhian na ang anak kapag pasaway at matigas ang ulo, si Mama hindi. Lagi lang talaga siya kalmado at mapagpasensya. Iyan ang ugali niya na hindi namin namana ng kapatid ko.Hands down talaga ako sa pagpapalaki niya sa amin ni Scar. Ni hindi niya ipinakita na nahihirapan siya kahit mag-isa lang niya kami pinalaki. Sa buong buhay ko, isang beses ko lang siya nakitang umiyak at iyon ay noong g-um-raduate ako sa colle
The rest of the ride was silent, and I spent the time lost in my thoughts, trying to come to terms with the fact that my life had completely changed in just a few hours.Makaraan ang ilang minuto ay tumigil ang sasakyan sa harap ng isang napakalaki at napakalawak na bahay. Ang ibig kong sabihin ay sa harap ng isang mansyon.Napanganga ako nang mapagtantong ito na pala ang magiging tirahan ko pansamantala. As in, for real?"Here we are, Miss Alina," the driver said as he parked the car and stepped out to open the door for me.I took one last look at the car, then followed the driver as he led me to the entrance of the house. Grabe! Unang apak pa lang sa tinatayuan nitong lupa ay halos mangilabot na ako. Sa palabas ko lang nakikita 'yong ganito kagara na mansyon, e. Sinong mag-aakala na darating ang panahon na dadalhin ako rito ng aking mga paa para tumira at magpanggap na asawa no'ng may-ari. Wow!The mansion had high stone walls, tall, elegant columns, and windows so big that you co
Isang itim na kotse ang sumalubong sa akin pagkalabas ko pa lang sa entrance ng building. Ni hindi ko napansin na hindi pala nakasunod si Riel. Kanina lang ay sinasabayan ako sa paglalakad. Saan naman siya nagpunta?Habang nagpapalinga-linga ang mga mata ko sa paligid ay nakuha ng atensyon ko ang lalaking lumabas sa kotseng maghahatid daw sa akin. Nginitian ako na agad ko naman sinuklian ng matamis na ngiti. Kung hindi ako nagkakamali ay parang dalawang taon lang ang tanda niya sa akin. Makisig, matipuno at pormal ang suot. Isa pang hindi mapapa-sa'kin. Lumapit ako sa kotse at ganoon na lang ang pagkatulala ko roon nang mamukhaan ang uri nito. This wasn't just any car. It was a shiny, high-end vehicle, the kind that you only see in magazines or movies. Lumunok ako at mas lumapit pa roon. Pormal akong pinagbuksan no'ng driver. Grabe! Pati pagkilos niya ay praktisadong praktisado. "Miss Alina, please," he said, gesturing toward the back seat.Tahimik akong pumasok at naupo sa loob.
Inayos ko ang napulot na mga gamit at tinapon sa basurahan ang hindi ko na kayang bitbitin. Pinagkasya ko sa iisang maleta ang mga importante at puwede pang gamitin, saka ako nagsimulang maglakad paalis. Wala akong sisisihin. Hindi kasalanan ni Aling Julia kung bakit nasa ganitong sitwasyon ako, at mas lalong hindi rin kasalanan ng mga tao dahil kontrolado ko ang aking buhay. Kung sana mas hinusayan ko pa ang paghahanap ng trabaho ay wala ako sa sitwasyong ito. Huli na talaga ito! Hinding hindi ako papayag na mapunta ulit sa ganitong sitwasyon. Muli kong pinahid ang nagbabadya na namang luha at pumara na nang tricycle papunta sa kung saan ako galing kanina. The pristine hallway felt colder than it had earlier, and my heart was pounding so hard I thought it might burst. Ni hindi ko alam kung paano ulit ako nakarating dito. My legs just carried me while my mind was too clouded with desperation and shame to think clearly.This will be my last chance. My only chance.With a deep breat