LOGINIsang itim na kotse ang sumalubong sa akin pagkalabas ko pa lang sa entrance ng building. Ni hindi ko napansin na hindi pala nakasunod si Riel. Kanina lang ay sinasabayan ako sa paglalakad. Saan naman siya nagpunta?
Habang nagpapalinga-linga ang mga mata ko sa paligid ay nakuha ng atensyon ko ang lalaking lumabas sa kotseng maghahatid daw sa akin. Nginitian ako na agad ko naman sinuklian ng matamis na ngiti. Kung hindi ako nagkakamali ay parang dalawang taon lang ang tanda niya sa akin. Makisig, matipuno at pormal ang suot. Isa pang hindi mapapa-sa'kin. Lumapit ako sa kotse at ganoon na lang ang pagkatulala ko roon nang mamukhaan ang uri nito. This wasn't just any car. It was a shiny, high-end vehicle, the kind that you only see in magazines or movies. Lumunok ako at mas lumapit pa roon. Pormal akong pinagbuksan no'ng driver. Grabe! Pati pagkilos niya ay praktisadong praktisado. "Miss Alina, please," he said, gesturing toward the back seat. Tahimik akong pumasok at naupo sa loob. The car smelled new and expensive, the scent of polished wood and fresh leather filling the air. Hindi na dapat ako magugulat kasi itsura pa lang nito sa labas ay makalaglag panty na, ano pa kaya ang sa loob? Muli akong nginitian no'ng englisherong driver bago niya tuluyang pinaandar ang kotse. Pagkatapos no'n ay nangibabaw na ang katahimikan sa pagitan namin. Dahil hindi naman kami close ay pinili ko na lang din na tumingin sa labas. Kalmado lang ang takbo ng kotse ngunit nagmistulang malabo ang mga nadadaanan naming mga gusali. Habang tumatagal ang byahe ay siyang palalim rin nang palalim ang naiisip ko. Matatayog na gusali, mga ilaw galing doon, at maiingay at mataong kalye, lahat ng ito'y naiiba sa probinsyang kinalakhan ko bago pa ako lumuwas at nakipagsapalaran dito sa Manila. Ito na talaga. Itong-ito na talaga ang simula ng malaking plot twist sa buhay ko. Alam kong hindi pa ako handa at hindi ko alam kung kailan ako magiging handa sa haharaping responsibilidad, pero sana, sa pagkakataong ito ay maging mabait na sa akin ang mundo. Sana sa mga susunod na araw, linggo, buwan o taon ay hindi kasing lupit nitong naranasan ko nakaraan. Alam kong hindi biro ang pinasok kong ito. Bilyonaryong tao ba naman ang kasasangkutan ko. Pero kahit na gano'n, naniniwala pa rin akong may dahilan ang lahat ng ito kaya ako napunta sa sitwasyong ito. Kung anuman iyon, masama man o maganda, hindi ko pa alam sa ngayon. Pero isa lang ang nasisiguro ko. Lalagpasan ko iyon at malalagpasan. Gan'yan ang tamang attitude, Alina. Isipin mo na lang na hindi ka na lugi sa deal na ito. Isang Riel Alcantara na ang magiging asawa mo, oh. Kahit peke pa 'yan na kasal-kasalan, isang Riel Alcantara pa rin ang makakasama mo. Ma-broken man kung sakali sa huli, at least 'di na lugi kahit pa-paano. Ang dapat mong isipin ay 'yong part ni Riel. Kumpara sa akin, siya itong catch. Tama! Sa ngayon, ang dapat kong gawin ay i-gaslight ang sarili. Iisipin ko na lang na walang mawawala sa akin kasi una sa lahat, wala naman meron ako ngayon. Walang trabaho, walang pera, at pinalayas pa sa munting apartment. Tanging cellphone lang ang meron ako ngayon na puwedeng mapakinabangan. And speaking of cellphone, dinampot ko ito at nagtipa sa search bar ng G****e. How to be an effective wife of hot and rich CEO/BILLIONAIRE guy. Alam kong peke lang ang magiging kasal namin pero mas mabuti na 'yong handa. Sabi nga sa deal, kailangan namin mapaniwala ang lahat na nagmamahalan kami. Kaso kung ang unang result pa lang na binigay ni G****e, e, bokya na ako, ano na lang ang gagawin ko? Sabi, be the epitome of elegance. Anong sabi ng personality kong burara, malakas ang boses, patay-gutom, sa pagiging elegance? Ang hirap kaya pekehin ang parte na ng katauhan mo. Oh, ito pa isa. Learn his world. Seryoso? Kaya ko ba 'yon? Dito pa nga lang sa kotse, hindi ko na kinakaya. Isama mo pa 'yong tower ng kompanya na halos nakakahilo 'pag tinitingala sa sobrang tayog. Doon pa lang, 'di ko na kayang i-handle, ano pa kaya ang iba niyang salapi at ari-arian? Para akong nahihilo sa mga lumabas na resulta. Kahit anong scroll ko, wala talaga, e. Wala ni isa doon ang nagsasabing nababagay ako bilang asawa ng isang Riel Alcantara. Sa kawalan ng pag-asa ay hindi ko na naiwasang mapalakas ang buntong-hininga. Dahil doon ay saglit na napalingon sa akin si Englisherong driver, saka nginitian. "Riel has a meeting," he suddenly explained out of nowhere, as if reading my thoughts. "He'll be joining you later at the house, Miss." Gusto ko sanang sabihin na hindi naman iyon ang iniisip ko kaya lang ay hindi ko na tinuloy. Mabuti na lang talaga at mabilis kong na-remind ang sarili na nandito nga pala ako kasi kunware nagmamahalan kami ng kaniyang boss. Kaya ang ginawa ko ay nginitian ko na lang siya. 'Yong ngiti na kunware e demure at elegante. Pagkatapos ay hindi na ako binalingan pa. The rest of the ride was silent, and I spent the time lost in my thoughts, trying to come to terms with the fact that my life had completely changed in just a few hours. Makaraan ang ilang minuto ay tumigil ang sasakyan sa harap ng isang napakalaki at napakalawak na bahay. Ang ibig kong sabihin ay sa harap ng isang mansyon. Napanganga ako nang mapagtantong ito na pala ang magiging tirahan ko pansamantala. As in, for real?Saktong pag-upo nya sa kanyang upuan nang dumating ang inutusan nyang katulong, may kasama na itong isa pang babae na katulong. May dala silang dalawang tray. Iyong isa ay naglalaman ng kanin, habang ang isa ay ulam. Nginitian sila pareho ni Renzo bilang pag-acknowledge matapos nilang ilapag ng dahan-dahan sa mesa ang dala. Lihim akong napangisi at napailing nang makita ang agarang pamumula ng pisngi nila. Halatang kinilig sa simpleng ngiti ng damuho.See? Kahit sino kaya nyang pahumalingin. Siguro naman sanay na ang mga katulong dito na makita sya since pinsan nga nya ang may-ari ng mansyon, pero ito at kinikilig pa rin sila. Paano pa kaya ako na hayok sa salapi at gwapong mukha?Tinalikuran na kami ng mga katulong. Sya naman ay nagsimula na naman sa paninilbihan sa akin. He began serving me, placing the rice and dishes on my plate as if I were some kind of royalty. Malapit na sa labasan ang mga katulong nang tawagin ko ulit sila. Sabay naman silang bumalik sa harapan namin. Sagli
“After what you did to me,” pagpapatuloy nya, sa harap pa rin ang tingin nya. “You gave me the right to be your older brother.”“Anong harass ang sinasabi mo?” halos magsalubong na ang kilay ko habang nakatingin sa kanya. Umismid sya nang lingunin ako. Hindi nya ako sinagot pero ang paraan ng pagtingin nya sa akin ay nagpahiwatig ng kasagutan sa aking tanong.Right.He was referring to what I did last, last night. Madrama akong suminghap bago nagsalita. “That’s exactly why I did it! Para ipakita sa’yo na hindi mo dapat ako ituring na parang bata!” I shot back, crossing my arms. “Hindi para maging kuya ka. Hindi ko kailangan ng isa pang kapatid! Sapat na sa'kin si Ate. Boyfriend kailangan ko, Renzo! Boyfriend!”Marahan nya akong tinawanan. Huli na rin bago ko mapagtanto ang huling sinabi. “I-I mean—”“You’re still young, Scarlet.”Bahagya akong napaatras sa inuupuan. Ang mga labi ko ay kusang nagdikit, at natahimik. Ito ata ang unang pagkakataon na marinig sa mismong bibig nya ang
Each stomp was dedicated to his infuriating smirk, his annoying comments, his whole damn existence.Saka lang ako tumigil nang makaramdam ako ng paghihingal. Napamura ako nang dumaan na naman sa ilong ko ang amoy ng suit jacket. Inis na inis akong napatakbo sa banyo nang mapagtantong dumikit na sa balat ko ang halimuyak ng lalaki. Sa determinasyon kong alisin ang kahit anong pwedeng magpaalala sa akin sa sumpain nyang mukha, halos kiskisin ko na lahat ng parte ng katawan ko. Nanuot sa akin ang kaginhawaan, na dulot ng tubig sa aking katawan, pero tuloy lang ako sa pagkuskos sa aking balat, lalo na ang parte kung saan nakayakap ang suit jacket kanina. Para akong bagong panganak nang lumabas ako sa banyo. Iyong feeling na walang kahit anong nagawang kasalanan sa mundo. I felt somewhat liberated, at least physically.Pagod akong humiga sa kama pagkatapos kong i-blow dry ang buhok. Handa na sana akong matulog nang tumunog ang aking cellphone sa tabi. Agad kong pinatay ang tawag nang m
Renzo directed me straight into the car like it was the most natural thing in the world. I barely had time to process it before I found myself slipping into the backseat, only to realize someone was already inside.Si Mama."Si Renzo na raw ang maghahatid sa atin," paliwanag ni Mama nang mapansin ang pangungunot ng noo ko. Of course, he was.Mahigpit na mahigpit ang pagkakahawak ko sa tela ng suit jacket ni Renzo. Pwede ko na itong hubarin, o ‘di kaya ay ibalik sa kanya. Hindi ko lang alam kung bakit hindi ko pa ginagawa. Siguro dahil masarap sa pakiramdam? Saktong lumamig ang gabi kaya naiibsan nito ang lamig na dumadapo sa akin.O baka naman dahil nag-i-enjoy pa ako sa bango nito—never mind. Nakatingin lang ako sa kanya nang pa-cool syang pumasok sa driver’s seat. Akala mo naman parang walang nangyari. Like he hadn’t just declared himself my ‘older brother’ a while ago."Ang bait mo talagang bata, Renzo. Napakagalang mo pa. Swerte ng pamilya mo sa'yo."Muntik na akong mapa-roll e
Hindi ko alam kung paano ko nagawang makatulog pagkatapos ng nangyari. Nagising na lang ako dahil sa katok ni Mama. Ngayon nga pala ang Pre-wedding Gala. Muntik ko ng makalimutan. Okay na rin na nakatulog ako kahit ilang oras lang. At least fresh na dadalo sa event. Nawala rin sa utak ko sandali ang tungkol kay Renzo nang bumungad sa umaga ko ay ang gulat na gulat na si Ate. She wasn't expecting us, and I could tell by the surprise on her face. Sinubukan ko hanapin sa buong mansyon si Renzo, pero sabi ng pinsan nyang si Riel ay wala raw dito. Umuwi na. Hindi ko tuloy maiwasan isipin kung nakatulog ba sya katulad ko pagkatapos ng nangyari. Ano kaya ngayon ang iniisip nya tungkol sa nangyari?Nakatayo ako ngayon sa harap ng full length mirror, tinitingnan ang kabuuan pagkatapos ayusan ng stylist na na-assign sa akin. I was dressed in a champagne-colored gown, its silky fabric gliding effortlessly over my legs. Umiba ako ng tayo at nag-side view sa salamin. I admired how the slit i
"Wait," I said, grabbing his wrist.Kitang kita ang pagsimangot nya nang lingunin nya ulit ako. He looked at me like I was an annoying kid asking for candy, and that irked me more. The thought made my eye twitch.Ewan ko na lang kung mapanatili pa nya ang ekspresyon na 'yan sa gagawin kong 'to. "Um..." Nagkunware akong nahihiya, may pakagat-kagat pa ako sa labi, kahit gustong gusto ko na humalakhak sa tuwa dahil nahihimigan ko na ang paparating na tagumpay. "Can you stop treating me... like a kid? Or at least stop calling me one?"Mas lalong nadipina ang pagkakasimangot nya. "Why wouldn't I? Unless... you'd rather I call you my little sister?" His voice was flat, serious. Gumuhit sa aking labi ang kanina ko pa pinipigilang ngisi. May paganiyan ka pang nalalaman, ha. Tumitig ako sa mata nya. Mayamaya ay lumapit pa lalo ako sa kanya, na hindi tinatanggal ang mata sa kanya. Suot ang nanatili kong ngisi, inabot ko ang isa nyang kamay at ipinatong ito sa mismong dibdib ko. Hindi lan







