Share

CHAPTER 3

Penulis: Xxrnaa
last update Tanggal publikasi: 2026-07-31 15:05:37

Tingin ko siya 'yung nakakatakot na lalaki kanina. Kung ganoon ay Sirius pala ang pangala niya.

Bagay-bagay sa kaniya ang pangalan niya dahil masiyado siyang siryus.

Corny, Ayaan Crescent.

Nabaling muli ang atensyon ko kay Nay Leyda nang magsalita ulit ito. "Tara na, hija? May bisita ka pa sa baba, sigurado akong matutuwa ka ro'n," bumalik ang ngiti niya.

Bisita?

"Bisita po? Sino naman po iyon?" Nagtatakhang tanong ko.

I don't even know anyone in this place. So how could I have a visitor?

"Basta bumaba nalang tayo para makita mo na siya."

Even though I was still confused, I just followed Nanay Leyda.

Hindi ko pa rin maitago ang pagkamangha sa bahay na ito. Hindi na nga bahay, sa sobrang laki nito ay mansion na ang tawag dito.

Nang makababa sa hagdan ay bumungad sa akin ang mga sosyalin na mga gamit. Umawang ang labi ko nang makilala ko ang TV na nakikita. It's Samsung 110-inch MicroLED TV. Mas umawang ang labi ko nang dumapo naman ang tingin ko sa mga couch. It's a B&B Italia Camaleonda Sofa. Mayroon ding malaki at magandang chandelier. Na sigurado akong milyon din ang halaga.

Grabe, nakakatakot gumalaw dito. Parang kung may mabasag ka ay kulang pa ang magtrabaho ka ng habambuhay mabayaran lang ang masisira mo dito.

"Hija?" natigil ang paglilibot ng tingin ko nang marinig ang boses ni Nay Leyda.

"P-pasensiya na po!" nagmamdali akong sumunod sa kaniya.

Bahagyan siyang tumawa. "Ayos lang, hija. Kahit sino naman ay mamamangha talaga sa mansion na ito," aniya. "Kahit ako na tatlong dekada nang nagta-trabaho dito ay hindi pa rin maalis sa akin ang pagkamangha sa dito."

"Tatlong dekada na po pala kayo dito. Sobrang tagal niyo na po." Mangha kong sabi.

She nodded. "Mabait kasi ang amo. Mataas din ang sweldo kaya hindi na ako umalis dito." Aniya. "At hindi ko na rin kayang umalis dito dahil lahat ng tao dito ay napalapit at napamahal na sa akin."

Habang nagk-kwento si Nay Leyda ay muli akong napatingala sa malaking chandelier at mamahaling mga gamit.

"Aray!" napahawak ako sa noo kong naumpog sa malaking glass wall.

"Ayos ka lang, hija?" nag-aalalang bumungad sa akin si Nanay Leyda pagmulat ng mata ko.

"O-okay lang po," kahit nananakit ang noo ay umayos na ako ng tayo.

Hindi ko nakitang may harang pala.

Kainis. Ang sakit.

"Sigurado ka?"

Tipid akong ngumiti at tumango. "Ayos lang po ako. Nagulat lang po."

"Kung gano'n ay tara na." Hinawakan niya na ako sa kamay at sabay na naglakad hanggang makarating kami sa dining area.

Umawang ang labi ko sa lawak no'n at ganda, nilibot ko ang tingin at mas lumaki ang awang ng labi ko sa gulat nang dumapo ang tingin ko sa taong sobrang sama ng tingin sa akin na nakaupo sa harap ng mahabang mesa.

"L-lola..." nauutal kong tawag sa gulat.

"Ayaan Crescent Guerrero!"

Ang galit na boses ni Lola ang umalingasaw sa loob ng dining area.

TULALA ako ngayon sa Lola kong halos umusok na ang ilong habang nakatingin sa akin. Hindi ko alam kung totoo ba talaga 'to o nag h-hallucinate lang ako dahil sa gutom at problemang kinakaharap.

"Ayaan Crescent, ano at tutulala ka nalang ba riyan?" halos mapatalon ako sa gulat nang magtaas ulit ng boses si Lola.

Nag-umpisa nang tumulo ang mga luha ko. Patakbo akong lumapit sa kaniya at lumuhod para yumakap.

"Lola ko..." humihikbi kong tawag.

"Huwag mo akong daanin sa iyak mo at malilintikan ka pa sa akin mamaya." Nahihimigan ko ang galit at pagtatampo sa boses niya.

Humiwalay ako sa yakap at nagpunas ng luha. Nagtatakhang tumingin sa kaniya.

"A-ano po'ng ibig niyong sabihin?"

Pero ano nga ba ang ginagawa ni Lola dito? Dinukot din ba siya ng lalaking may saltik na nagpadukot sa akin?

Diyos ko ang Lola ko...

Matapang akong tumayo at tumalikod mula kay Lola para harapin ang lalaking nagpadukot sa akin na nakaupo sa gitna ng hapagkainan na parang isang hari.

"Walang hiya ka, pati ang lola ko ay dinamay mo pa?!" Galit na sigaw ko sa kaniya.

Umangat ang tingin niya at seryoso akong tinitigan. Hinintay ko ang magiging sagot niya pero tinaasan lang ako nito ng isang kilay niya.

May saltik talaga.

Handa na akong pagsalitaan ulit siya nang makaramdam ako ng hapdi sa bewang ko.

"Aray ko po, Lola?!" gulat na ani ko nang masaktan sa kurot niya.

"Ikaw bata ka! Hindi kita pinalaking maging bastos, ha?! Respetuhin mo nga ang nobyo mo!"

Halos mabali ang leeg ko sa bilis ng lingon ko kay Lola dahil sa narinig.

"P-po? Ano po'ng sabi niyo?"

Nanlisik na naman ang mga mata niya sa akin. "Hindi mo man lang sinabi sa akin na matagal ka ng may nobyo. Wala ka na bang tiwala sa Lola mo, Ayaan Crescent?" Kita ko ang sakit sa mga mata ni Lola.

Ano ba'ng sinasabi ng Lola ko?

Nananaginip lang siguro ako.

Bumuntong hininga ako at tumingala. "Nananaginip ka lang Ayaan," tinapik ko ang dibdib at tumango tango. "Tama. Nananaginip lang ako." Pagkukumbinsi ko sa sarili.

Ngingiti na sana ako sa naiisip nang bigla akong mapayuko nang may bumatok sa akin. "Ikaw bata ka, nakukuha mo pa talagang magbiro?!" galit na galit na ang boses ng Lola ko.

May narinig akong mahinang tawanan kaya napabaling ang tingin ko sa tatlong lalaki na kaninang nasa kwartong pinanggalingan ko. Nang makitang nakatingin ako sa kanila ay bigla silang nagpigil ng tawa at yumuko.

Nanghihina akong napatingin sa Lola ko. "L-lola... totoo po ba kayo?"

"Dalawang araw kang hindi umuwi at ganiyan pa ang ibubungad mo sa akin? Ang paalam mo sa akin ay susunduin mo ang kaibigan mo pero kinabukasan ay ikaw din ang hinahanap niya sa akin." Aniya. "Hind mo man lang naalalang mag-text man lang sa amin kung nasaan ka para hindi kami mabaliw sa pag-aalala sa 'yo."

Umiling ako. "Sinundo ko po talaga si Janine, pero naunahan ako ni Bricks sa pagsundo po sa kaniya." I explained. "Pero Lola habang pauwi po ako ay bigla nalang may tumakip ng panyo sa ilong ko. Nawalan po ako ng malay. Lola, kinidnap po nila ako! " turo ko sa lalaking nanonood lang sa eksena namin.

" Tigilan mo muna 'yang pagbibiro mo Ayaan at pinaliwanag na sa akin lahat ni Sirius." Huminahon na ang boses ni Lola.

Ni Sirius?

Kung tama ang naaalaa ko ay Sirius din ang sabi ni Nay Leyda kanina.

Ibig bang sabihin nito ay kilala niya ang lalaking kumuha sa akin?

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • THE BILLIONAIRE'S OBSESSION    CHAPTER 9

    Ilang minuto lang ang biyahe namin nang huminto kami sa mataas na gusali. Malapit lang pala ang building ng lalaking iyon sa lugar namin kaya pala kanina ay nakitaan ko sila ng konting pag-aalinangan pero nang tumingin sila sa akin ay nawala rin iyon."Dito po ang kompanya ni Boss," si Caulum."Tinawagan ko na rin 'yung secretary niya at sinabing nasa opisina nga raw si Boss." Tumango ako sa kanila at bumaba na. Hindi ko na nagawang mag paalam pa sa kanila dahil si lola ang nasa isip ko ngayon. Nang papasok na ako sa loob ay bigla akong hinarang ng guard. "Ma'am—" hindi na niya natuloy ang sasabihin nang sumulpot sa likod ko ang tatlo. "Papasukin niyo po Kuya Jo. Girlfriend po 'yan ni Boss." Si Lando. Kita ko ang gulat sa mukha ng guard at awang ang labi ntong binigyan kami ng daan.Ko-kontrahin ko na sana ang sinabi ni Lando nang akbayan ako ni Caulum at tuloy-tuloy ang pagpasok namin sa loob hanggang elevator. Lahat ng mga nadadaanan naming empleyado ay binabati sila. Halos l

  • THE BILLIONAIRE'S OBSESSION    CHAPTER 8

    I rushed to my room to change my clothes. I wore black pants and a white blouse, paired with white flat doll shoes. I just put on some powder and lip tint and I left my wavy waist-length hair down.A few days ago, Nanay Leyda brought some of my things for me to use. They even moved me to a bigger room with complete furnishings. It had a window and a veranda where I could see the garden, making me feel more comfortable.Nang matapos mag-ayos ay bumaba na ako. Hindi na kami nagpaalam kay Nanay Leyda para kung sakali daw na mahuli kami ay hindi madadamay si Nanay Leyda. Sumakay kami sa puting SUV. Kami ni Elian ang nasa backseat. Si Lando naman ang nagda-drive at ang katabi niya ay si Caulum. Nakilala ko din ang sasakyan na 'to dahil ito ang nakita kong sasakyan noong kinuha nila ako. "Saan nga kayo nakatira, Ma'am Buwan?" "Sa Makati.""Ah, malapit lang pala," ani ni Lando. "Saglit lang po ay nando'n na po tayo," nakangiting aniya. Nagtataka ko namang tinignan ang dalawa nang bigla i

  • THE BILLIONAIRE'S OBSESSION    CHAPTER 7

    NAKAUPO ako sa upuan sa may counter habang pinapanood ang galaw niya.apakunot ang noo ko nang pumunta siya ref at buksan iyon. Kumuha siya ng baso at kumuha ng gatas bago magsalin doon. ang matapos ay lumapit ulit siya sa akin at nilapag ang isang basong gatas. A-ano 'yan?" nagtataka kong sabi. A milk?" Sarkastiko niyang sagot. Napasimangot nalang ako at kinuha iyon. Uminom ako at nang magustuhan ang lasa ay tinuloy-tuloy ko na. Nang maubos ko iyon ay nakangiti kong nilapag ang baso. "Salamat." Nawala ang ngiti ko sa labi nang makitang pinapanood niya ang galaw ko. I cleared my throat before speaking again. "A-ah... bakit pala gising ka pa?" Tanong ko. "Hindi rin ako makatulog." Tumango ako nang bahagya at napatingin sa baso na hawak ko."Anong dahilan?" Umangat ang isang kilay niya. "Bakit mo gustong malaman?"Napatingin ako sa kanya, bahagyang napatigil sa tanong niya. "Curious lang," simpleng sagot ko.Sandali siyang natahimik bago ibinalik ang tingin sa counter. "I

  • THE BILLIONAIRE'S OBSESSION    CHAPTER 6

    PAKIRAMDAM ko ay hindi ko na mabibilang ang magiging pasa ko sa ilang beses na kurot at hampas na nagawa sa akin ng Lola ko. "Dios ko kang bata ka, kung hindi pa sabihin sa akin ni Sirius ang tungkol sa relasyon niyo ay patuloy mong itatago ito sa akin! Siguradong magpapakasal ka nalang na hindi ko nalalaman!" galit na sabi niya. Nasa kuwarto kami na tinulugan ko. Pagtapos naming mag-usap nung Sirius na iyon ay si Lola naman ang gustong makipag-usap sa akin, kaya dinala ko siya rito sa kung saan walang makakarinig sa amin. Nakaupo ako sa kama at si Lola naman ay nakatayo sa harap ko habang nakapamaywang. "Ganiyan ba kita pinalaki Ayaan Crescent Guerrero?" aniya. "Hindi kita pinalaking sinungaling!" Natatakot akong nag-angat ng tingin sa kanya. "Lola, hindi naman po ako nagsinungaling—" Napa-aray na naman ako nang tumama na naman ang palad niya sa braso ko. "Tinago mo pa rin sa akin!" Napabuntong hininga ako at napapikit nalang ng mariin. Kasalanan 'to ng lalaking iyon, eh. "P

  • THE BILLIONAIRE'S OBSESSION    CHAPTER 5

    "What are we going to talk about?" nabalik ako sa ulirat nang marinig iyon.Tumikhim ako at umayos na humarap sa kaniya. "Gusto ko lang sana tanungin sa 'yo kung ano ba talaga'ng nangyayari?" I asked calmly."Una, pinadukot mo ako. Pangalawa, nagising nalang ako na nandito na and then you told me that I can't leave here. Pangatlo, pagbaba ko ay nakita ko ang Lola ko. I'm just wondering what I owe you, or what you're really planning?" naguguluhang tanong ko. "I don't know you, but my Lola says she knows you," I took a deep breath. "Sino ka ba talaga at ano ang kailangan mo?" "I'm Sirius." My lips parted. I laughed sarcastically because of his answer. Sa haba ng sinabi ko ay iyon lang ang isasagot niya sa akin?Na siya si Sirius?May saltik na ba talaga ang lalaking 'to?Bumuntong hininga ako ng malalim. Pilit na pinapakalma ang sarili. Masama ko siyang tinignan. "Mister Sirius? Or whatever your name is," inis na sabi ko. "Nagtatanong ako ng maayos, kaya 'wag mo sana akong pilosopohi

  • THE BILLIONAIRE'S OBSESSION    CHAPTER 4

    "Lola—" "Ayaan, tingin mo ba ay maganda ang ginagawa mong 'yan?" putol niya sa akin. "Hindi dahil nag-away kayo at gusto mo nang makipaghiwalay sa nobyo mo ay gagawa ka na ng kwentong ganiyan. Hindi kita tinuruan ng ganiyan, Ayaan Crescent." "L-lola, ano po ba ang nga pinagsasabi niyo?" naguguluhan ko nang tanong. "Love, that's enough. Lola is tired from—" "Damn you!" pasigaw na putol ko sa kaniya habang nakaduro sa kaniya. "Ano ba talagang binabalak at pinaggagawa mo?" "Ayaan!" narinig ko ang paggalaw ng upuan ni Lola. Bumabagsak ang mga luha kong tumingin kay Lola. "Lola, ako po ang apo niyo. M-mas naniniwala po ba kayo sa lalaki yan?" I sobbed. "Ni-hindi niyo nga po kilala 'yan at—" "Kilala ko siya Ayaan," putol ni Lola sa akin na nagpaawang ng labi ko. "Naniniwala ako sa kaniya dahil kilala ko siya." Pinunasan ko ang luha at tumingin sa lalaki bago muling tumingin kay Lola. "Kilala niyo po ang lalaking 'to?" turo ko sa lalaki.Kunot na ang noo ni Lola. Mukhang hindi niya n

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status