LOGINChapter 07
Agad akong nagpahatid sa bahay namin—ang lugar na minsang itinuring kong kanlungan pero ngayo'y puno ng sakit at galit. Hindi ko na napigilang balikan ang mga alaala ng hirap ko bilang OFW. Sa bawat araw na pinili kong magtiis, tiniis ko ang pangungulila sa pamilya, ang init ng araw, at ang malamig na gabi para lang maipadama sa kanila na mahalaga sila sa akin. Ngunit ang lahat ng iyon ay parang nawalan ng halaga. Pagbukas ko ng pinto, bumulaga sa akin ang mga mukha nila Mama at Papa, ngunit hindi ang mga mukhang inaasahan kong makita. Wala akong nakitang pagsisisi o kahit bahid ng pagkakahiya sa ginawa nila. Sa halip, malamig at matalim ang tingin nila sa akin. “Bakit ka nandito?” tanong ni Mama, ang boses niya’y puno ng pagkasuya. “Bumalik ako para kunin ang mga gamit ko,” sagot ko nang diretso, pilit pinipigil ang pamumuo ng luha sa mga mata ko. “Hindi na ako magtatagal dito.” “Kung aalis ka, mabuti,” sagot ni Papa. “Sa tingin mo ba, obligado pa kaming makinig sa mga reklamo mo? Lahat ng ginagawa namin ay para sa pamilya!” Napailing ako, hindi makapaniwala sa sinasabi nila. “Pamilya? Pamilya ba ang tawag sa ginagawa niyo? Alam niyo bang halos kaluluwa ko na ang ipagbili ko sa ibang bansa para sa inyo? Pero ano ang isinukli niyo sa akin? Ang bunso kong kapatid na magpabubuntis sa nobyo ko?!” Nakita ko ang panandaliang pagkagulat sa mukha ni Mama, pero agad itong napalitan ng galit. “Hindi kami perpekto, Merlyn! Lahat ng pamilya may pagkakamali. Ano ba ang gusto mong gawin namin? Sisihin ang kapatid mo habambuhay?” “Hindi,” sagot ko, pilit pinapakalma ang sarili. “Pero kahit isang salita ng pagsisisi o paliwanag, wala akong narinig sa inyo. Sa halip, parang ako pa ang masama dahil ginising ko kayo sa realidad!” Nananatili silang tahimik, pero ramdam ko ang tensyon sa paligid. Walang may gustong magpakumbaba. Sa gitna ng lahat ng ito, napatunayan ko na tama ang desisyon ko. Naglakad ako papunta sa kwarto ko at kinuha ang mga bagahe kong naiwan ko noon. Ang iba sa kanila’y hindi man lang ginalaw, parang hindi na nila ako inalala mula nang umalis ako. Habang iniimpake ko ang natitirang gamit, napansin ko ang litrato ng pamilya namin sa isang lumang frame. Tinitigan ko ito saglit bago ko itinabi. Pagkatapos kong kunin ang lahat, bumalik ako sa sala. Tiningnan ko sila sa huling pagkakataon. “Aalis na ako. Huwag niyo akong hanapin o hintayin pang bumalik. Sa araw na ito, tapos na ako sa lahat ng obligasyong iniatang niyo sa akin.” Hindi ko na hinintay ang sagot nila. Lumabas ako ng bahay at isinara ang pinto sa likod ko—isang simbolo ng pagtatapos ng kabanatang ito ng buhay ko. Habang nasa biyahe ako pabalik sa lugar kung saan ako nagpakasal kay Cris, pilit kong kinukumbinsi ang sarili ko na tama ang ginawa ko. Hindi nila alam na nag-asawa ako, at sa puntong ito, wala rin akong balak ipaalam sa kanila. Sa kabila ng sakit at lungkot, naramdaman ko ang bahagyang ginhawa. Sa wakas, napalaya ko na ang sarili ko sa responsibilidad na tila hindi nila kailanman pinahalagahan. Mula ngayon, magsisimula na akong bumuo ng bagong buhay—isang buhay kung saan ako ang may hawak ng aking tadhana. Pagdating ko sa simbahan, ramdam ko pa rin ang bigat ng damdamin at mga desisyon na ginawa ko sa nagdaang mga oras. Mula sa pagtakas sa bahay ng pamilya ko hanggang sa biglaang kasal na iyon, tila isang gulong na walang tigil ang umiikot sa buhay ko. Habang nakaupo ako sa loob ng kotse, pinag-iisipan ko ang susunod kong hakbang. Biglang tumunog ang telepono ko. Nang tingnan ko ang screen, nakita ko ang salitang “Overseas Call” at agad kong naalala si Mrs. Swan, ang aking amo sa Canada. Hindi ko alam kung bakit bigla siyang tatawag, pero alam kong mahalaga ito. Agad ko itong sinagot. “Hello, Mrs. Swan?” sagot ko, pilit na pinapakalma ang boses ko kahit nanginginig pa rin ako dahil sa lahat ng nangyari. “Merlyn, dear! How are you?” tanong niya, ang boses niya ay palakaibigan ngunit seryoso. “I’ve been trying to reach you for days. Is everything alright?” Napalunok ako. Hindi ko alam kung paano sasagutin iyon. “I… I’m okay, Mrs. Swan. I just had some… family issues.” “I understand,” sagot niya. “But I have good news. The contract I offered you is still open. If you want, you can come back and work for me again. I need someone I can trust, and you’re the only one I can think of.” Sa narinig kong iyon, biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Parang binigyan ako ng pagkakataon para muling magsimula—isang pagkakataong makalayo sa lahat ng gulo at sakit. “Really? The offer is still available?” tanong ko, pilit pinipigil ang emosyon sa boses ko. “Yes,” sagot niya. “But you need to decide soon. I can book your flight within the next few days if you’re ready to come back.” Napatingin ako sa paligid, sa simbahan kung saan kasalukuyang nagaganap ang seremonya ng kasal. Hindi ko maiwasang isipin si Cris, ang lalaking hindi ko lubos kilala pero ngayon ay asawa ko na sa mata ng batas. Sa kabila ng lahat ng nangyari, ang tanging alam ko lang ay gusto kong makaalis. “Mrs. Swan, thank you for this opportunity,” sagot ko sa kanya. “I’ll think about it, but I’m leaning towards accepting it.” “Good,” sagot niya. “Let me know as soon as possible. Take care, Merlyn.” Pagkatapos ng tawag, napasandal ako sa upuan ng kotse. Tila nabigyan ako ng sagot sa lahat ng tanong na umiikot sa isipan ko. Pero isang bagay ang malinaw—ito na ang pagkakataon ko para makatakas sa pagiging substitute bride, sa pamilya kong hindi pinahalagahan ang sakripisyo ko, at sa buhay na tila hindi ko kontrolado. Habang tinitingnan ko ang pintuan ng simbahan, napabuntong-hininga ako. Kakayanin ko bang iwan ang lahat ng ito nang walang paalam? Kakayanin ko bang harapin ang bagong hamon sa Canada? Sa kabila ng lahat, alam ko na kailangan kong gumawa ng desisyon—at ang desisyon na iyon ay magbabago sa lahat ng aspeto ng buhay ko.Chapter 0148Si Mrs. Montereal naman ay lumapit kay Mila, hawak-hawak ang balikat nito.“Anak, kalma lang… I know you, hindi mo ‘yan magagawa.”Ngunit ako, nanatili lang na nakatayo, hindi natinag. Tinitigan ko si Mila nang diretso, may bahid ng ngiti sa labi.“Mila… hindi mo ba naiisip? Kung kaya kong nakawin ang first kiss mo, mas kaya kong nakawin ang buong pagkatao mo.”Natahimik ang lahat. Napakuyom ang kamao ni Mr. Montereal, halatang gusto akong suntukin.“Get. Out. Of. My. House. Ngayon din!” mariin niyang utos.Pero hindi ako gumalaw. Sa halip, dahan-dahan kong dinampot ang kahon ng singsing mula sa mesa at inilapit muli kay Mila.“Think carefully, Mila. You can deny it all you want, but one day… mapapa-amin din kita.”At bago pa man makagalaw ang lahat, ngumisi ako, naglakad palabas ng mansyon na para bang ako pa ang panalo sa eksenang iyon.Paalis na sana ako ng mansyon nang biglang marinig ko ang boses ni Mrs. Montereal.“Iho, halika bumalik ka sa loob. At isa pa, iiwan mo
Chapter 0147 Clark POV Napailing lang ako nang makitang umalis siya sa opisina ko. Tumalikod siya na may apoy ng galit sa mga mata, ngunit sa likod ng galit na iyon… nakita ko rin ang takot, at higit sa lahat—ang pagkalito. Pagkawala niya ay dahan-dahan kong hinawakan ang aking labi. Mainit pa rin, parang nasusunog sa alaala ng kanyang halik. Ramdam ko pa rin ang lambot at tamis ng mga labi ni Mila—unang tikim, pero alam kong hindi iyon ang huli. “Mila…” bulong ko na puno ng determinasyon. “Mula ngayon… wala ka nang kawala sa akin. Akin ka lang. Walang ibang magmamay-ari sa’yo kundi ako.” Isang ngiting mapanganib ang sumilay sa aking mukha. Sa bawat segundo, mas lumalakas ang tibok ng puso ko, hindi dahil sa saya, kundi dahil sa pagnanasa at pag-aangkin. “Maghanda ka, Mila. Sapilitan man o kusa… magiging asawa kita.”Kinabukasan.Sabado ngayon kaya alam ko na kompleto ang pamilya Montereal. Walang makakatakas sa plano ko.Pagmulat ko pa lang ng mata ay agad kong kinuha ang
Chapter 0146Pagkatapos ng lecture, nagsimula nang magsiuwian ang mga estudyante. Ako naman ay inaya ng guro na bumalik muna sa faculty room, ngunit bago pa ako makalakad ay bigla akong hinarang ni Clark.“Miss Montereal,” aniya, malamig pero may laman ang tinig, “kanina habang nagle-lecture ka… may nabanggit kang tungkol sa pagtataksil. Interesante.”Naningkit ang mga mata ko. “Business world iyon, Mr. Anderson. Lahat ay posibleng mangyari.”Tumango siya, saka bahagyang yumuko palapit sa akin. “Kung gano’n… baka maging interesado kang malaman na ang taong nagtangkang pekein ang pirma mo—ay dating nag-aral dito, sa unibersidad ko.”Nanlaki ang mga mata ko at hindi ko maitago ang pagkabigla. “What?!” halos bulong pero may halong galit.Ngumiti si Clark ng tipid, isang ngiting parang nag-aanyaya. “At kung gusto mong malaman ang buong pangalan niya… kailangan mo munang makipag-usap sa akin. Nang pribado.”Saglit akong natigilan. Hindi ko alam kung ito ba’y bitag, o tunay na impormasyon n
Chapter 0145Hanggang dumating na ang oras kaya agad kaming tumayo at sinamahan ng isang guro papunta sa classroom ng kambal. Habang naglalakad sa pasilyo, ramdam ko ang mga matang nakatingin sa akin mula sa mga estudyanteng nadadaanan namin. Marahil ay narinig na nila ang tungkol sa akin bilang CEO, o baka dahil sa impresyon na dala ng pangalan kong Montereal.“Miss Montereal, narito na po tayo,” sabi ng guro habang itinuturo ang pinto ng silid.Pagbukas ng pinto, bumungad agad ang masayang sigawan ng mga estudyante, lalo na nang makita nila ako. Nakatayo sa unahan ang kambal, parehong nakangiti nang malaki na tila ipinagmamalaki ang presensya ko.“Ate!” sabay nilang sigaw, sabay turo sa akin.Hindi ko napigilang ngumiti. Dahan-dahan akong pumasok sa classroom, bawat hakbang ay may kasamang bulungan ng mga estudyante. Ngunit sa sulok ng silid, muling umagaw ng atensyon ko ang presensya ng lalaking nakita ko kanina sa may labasan ng faculty.Nakatayo siya roon, tila ba matagal nang na
Chapter 0144 "Sympre lagi akong andito sa tabi mo, secretary at bff mo kaya ako," ngiti niyang sabi sa akin. "Miss ko na Ang mga kaibigan nating iba," ani ko. “Same here,” sagot ni Celine sabay buntong-hininga. “Kung hindi lang busy sa iba’t ibang trabaho at pamilya, baka nagkikita pa rin tayo hanggang ngayon.” “Naalala mo si Jessa? Siya ’yung palaging late sa klase kasi laging inaantok.” Napatawa si Celine. “Oo! At kapag may quiz, bigla siyang nagiging alert, parang milagro.” “Tsaka si Marco,” dagdag ko. “’Yung mahilig mang-asar pero siya ang unang umiiyak kapag bagsak ang grade.” Nagkatinginan kami ni Celine at sabay kaming natawa. Ilang sandali, tumahimik kami at kapwa nagbalik-tanaw. “Ang bilis ng panahon, Mila,” mahina niyang wika. “Dati mga estudyante lang tayo na walang pakialam sa problema ng mundo. Ngayon, CEO ka na, at ako naman secretary mo. Parang panaginip.” Tinitigan ko siya at ngumiti. “Panaginip nga siguro. Pero maswerte ako na kasama ka pa rin dito hanggang n
Chapter 0143Tinawagan ko agad si Celine.“Celine, clear my schedule this afternoon,” malamig ngunit buo kong utos. “I want at least three hours free. Pupunta ako sa university ng kambal—ayaw kong biguin ang mga kapatid ko.”“Yes, Miss. Montereal. I’ll make the necessary adjustments. I’ll also inform the board that your pending reviews will be moved tomorrow morning,” mabilis na sagot niya sa kabilang linya.“Good. And make sure walang istorbo. Kapag nasa university ako, I’m not the CEO—I'm their Ate.”Nang matapos ang tawag, napahinga ako nang malalim. Kahit gaano kabigat ang problema sa kumpanya, hindi ko hahayaang maapektuhan ang relasyon ko sa kambal. Sila lang ang dahilan kung bakit nananatili akong matatag sa lahat ng laban.Mula sa malaking bintana ng aking opisina ay natanaw ko ang lungsod. Sa labas, abala ang lahat, pero sa loob ko ay nagbabaga pa rin ang galit sa traydor na nagtangkang pekein ang pirma ko. Hindi pa tapos ang laban… pero sa ngayon, unahin ko muna ang mga kapa







