เข้าสู่ระบบHindi bumagsak ang panga niya dahil sa gulat—bumagsak iyon sapagkat wala siyang ideya sa tinuran ni Thorne.
“IVF? A-Ano ‘yong IVF?” naguguluhan niyang tanong. Ngumisi ang lalaki bago bumalik sa pagkakaupo. “IVF stands for In Vitro Fertilization. In simple terms, it ay paraan ng pagpapabuntis kung saan pinagpapasama ang itlog ng babae at spērm ng lalaki sa laboratoryo imbes na sa loob ng katawan. Kapag nabuo na ang embryo, ililipat ito pabalik sa mātres ng babae para doon mag-develop ang pagbubuntis…” paliwanag nito. “May ganoon pala? Ang galing. Pero teka—a-ako? Seryoso ka ba, Sir. Thorne?” “Mukha ba akong nagbibiro, Sariyah? Look at my face, I'm dead serious. Gusto kong magka-anak, pero ayokong bumūntis ng babae. ‘Yan lang ang naiisip kong paraan ngayon. If you want more details, follow me.” Pagkatayo nito, naglakad na ito palayo. Walang nagawa si Sariyah kundi ang sumunod sa lalaki. Nang makalabas, nakita niyang nakatayo na ito sa tabi ng magara nitong sasakyan. “Kay Manong Oli ka sasakay,” wika ni Thorne bago sumakay sa sasakyan nito saka iyon pinaharurot palayo. Napailing siya bago binalingan ang matandang naghihintay. Bumuntong-hininga siya saka sumampa sa sasakyan na agad namang minaniobra ng matanda. “Kung hindi ko nalaman kay Juliet na ikaw ang magiging bagong kasambahay sa mansyon ni Sir. Thorne, siguro naisip kong nobya ka niya,” biglang sambit ni Manong Oli. Bahagyang natawa si Sariyah. “Sana nga po. Joke lang, Manong Oli. Pero halata naman sa mukha ni Sir. Thorne na wala siyang interes sa babae. Gusto niyang magka-anak pero—” Bigla siyang natigilan nang mapagtantong baka ayaw ipagsabi iyon ni Thorne. “Malakas ang kutob ko, baka lalaki ang nais niya.” “Imposible ‘yan, Sariyah,” natatawang tugon sa kaniya ng matanda. Napailing na lang siya nang sandaling iyon at hindi na umimik pa. Hindi nagtagal, natagpuan na lang ni Sariyah ang sarili sa harap ng isang malaki at pribadong ospital—ang Vermont Medical Center. Nang makita niyang naglalakad na si Thorne papasok sa loob, hinabol niya ito. Nakakahalata na siya. Parang ayaw madikitan ang lalaking iyon. Baka nga tama ang hinala niya—baka lalaki talaga ang nais nito. “Why are you laughing?” biglang tanong ni Thorne sa kaniya. Kasalukuyan na silang nasa elevator. Nasa isang sulok ito habang siya'y nasa unahan. Talagang umiiwas ito sa kaniya kaya hindi na niya maiwasang matawa. “May naalala lang ako, Sir. Thorne,” pagsisinungaling niya. Imbes na tumugon, umiling lang ito. Hindi nagtagal, bumukas na rin ang elevator kaya lumabas na silang dalawa. Nagsuot muna sila ng PPE bago sila pumasok sa loob ng malaking laboratoryo. Hindi maiwasang mamangha ni Sariyah nang sandaling iyon. Para lang siyang nasa palabas habang pinagmamasdan ang mga equipment na makikita kahit saan tumingin. “This is the IVF Laboratory,” sambit ni Thorne. “Dito namin hinahawakan ang eggs at spērm sa controlled environment para ma-fertilize outside the body,” dagdag pa nito. Napatitig si Sariyah sa mga incubator sa gilid ng silid, kung saan makikita ang parang mga maliliit na glass chambers na may ilaw sa loob. Nang lumapit doon si Thorne, sumunod siya, pero binigyan niya ng distansya ang sarili. “Sa loob ng mga ‘yan.” Itinuro nito ang incubator. “Pinapalaki ang embryos habang mino-monitor namin ang development nila every few hours.” Wala sa sariling napatango si Sariyah. “Ibig-sabihin, dito pala nagsisimula ang lahat?” Tumango si Thorne bago lumapit sa isang lamesa kung saan may nakapatong na microscope. May kung ano itong kinutingting doon bago humarap sa kaniya. “Technically, not everything. But this is where it starts—the possibility. I’ve helped many families, Sariyah. This is what I do.” Marahas itong bumuntong-hininga bago mataman siyang tiningnan sa mga mata. “Kung papayag ka sa alok ko sa iyo, dito rin natin sisimulan ang proseso mo.” Sandali niyang pinagmasdan si Thorne bago lumabas ng laboratoryo. Hinubad niya ang suot niya saka iyon ipinatong sa lamesa. Sumunod naman ang lalaki sa kaniya. “What's wrong, Sariyah?” Mariin siyang lumunok bago pabagsak na umupo sa malapit na upuan. “Ibig-sabihin, ‘yong egg ko ang gagamitin mo para makabuo ng bata?” Tumango si Thorne. “Yeah. It’s called egg retrieval. Kukuha ako ng egg mo mula sa obaryo gamit ang minor procedure. Gagamitin ko naman ang spērm sample ko para i-fertilize ang egg mo sa laboratory. Kapag nabuo na ang embryo, ililipat ko ito sa uterus mo through embryo transfer.” Mariin na naman siyang napalunok. “Kung hindi ako nagkakamali, ‘yong anak mo, magiging anak ko rin? E ‘di mabubuntis ako na vīrgin pa rin ako?” “Yeah, pero magkakaroon tayo ng kasunduan, Sariyah,” sabi ni Thorne, malamig ang boses. “Dadalhin mo lang ang anak ko. Pagkapanganak mo, ibibigay mo siya sa akin.” Tumingin ito nang diretso, walang bahid ng emosyon ang mukha. “Wala kang magiging karapatan bilang magulang. Ikaw ang magdadala, pero ako ang legal na kikilalaning magulang ng bata.” Natigilan si Sariyah sa narinig. Hindi niya alam kung ano ang isasagot. Pakiramdam niya'y nananaginip siya ngayon. Hindi niya maproseso ang mga nangyayari. Napapaisip na rin siya kung may kabuluhan ba ang mga sinasabi ni Thorne sa kaniya. Nahihirapan na siyang paniwalaan ito. “Doktor ka ba, Sir. Thorne?” Mabilis itong tumango. “I'm a reproductive endocrinologist. If you think puro kalokohan lang ang mga sinasabi ko, you're mistaken.” Napailing siya. “Pero… pero bakit ako? Ang daming babae sa mundo, bakit—” “You just have to accept my offer or reject it. I’m easy to deal with, Sariyah. Accept or reject—that’s it.” Malaki ang pangangailangan niya. Malaking halaga ng pera. Kung tutuusin, hindi iyon biro. Hindi rin siya sigurado kung ilang taon niyang pagtatrabahuhan iyon sa lalaki. Naguguluhan na siya kung ano ang magiging pasya niya. Oo o hindi lang naman ang isasagot niya, pero hirap na hirap siya. Kailangan lang niyang dalhin ang anak ni Thorne, iyon lang. Mabubuntis siya na vīrgin pa rin. Sandali pa siyang walang imik bago tumingala kay Thorne. “Kapag tinanggap ko ang alok mo, magkano ang ibibigay mo sa akin? Hindi biro ang gagawin ko, Sir. Thorne. Siyam na buwan kong dadalhin ang anak mo, hindi ‘yon madali.” Ngumisi ito. “₱1 billion. Deal… or no deal.” Sandaling katahimikan ang namayani nang mga oras na iyon bago tumayo si Sariyah sa kinauupuan. “Isang… isang bilyon?” gulat niyang tanong, halos hindi makapaniwala sa narinig.“Yup, isang bilyon…”Paulit-ulit na umuukit sa isipan ni Sariyah ang sinabi ni Thorne. Bagama't napakalaking halaga ng pera ang inaalok nito, hindi pa rin siya makapagdesisyon.Nakabalik na sila sa mansyon nito, ngunit iyon pa rin ang laman ng isip niya—tatanggapin ba niya ang kasunduan o hindi?Kinakabahan siya. Natatakot din.“Ito ang magiging kuwarto mo, Sariyah. Makakasama mo sina Joyce, Bea, at Lorraine,” sambit ni Manang Juliet nang dalhin siya nito sa maid's quarter.Tumango siya bago kumaway sa tatlong babaeng nakaupo sa kanilang kama. Nginitian lang siya ng mga ito. Mukhang mababait naman sila kaya pakiramdam niya'y wala siyang magiging problema sa mga ito.“Simple lang ang tagubilin ko, Sariyah. ‘Wag kang lalapit nang sobra kay Sir. Thorne. At higit sa lahat, ‘wag na ‘wag mo siyang hahawakan. Nagkakaintindihan ba tayo?”Napakunot-noo si Sariyah sa tinuran ng matanda. “Bakit nga po pala, manang? Kasi kanina ko pa pong napapansin na parang iwas na iwas siya sa akin. Pakiramdam
Hindi bumagsak ang panga niya dahil sa gulat—bumagsak iyon sapagkat wala siyang ideya sa tinuran ni Thorne.“IVF? A-Ano ‘yong IVF?” naguguluhan niyang tanong.Ngumisi ang lalaki bago bumalik sa pagkakaupo. “IVF stands for In Vitro Fertilization. In simple terms, it ay paraan ng pagpapabuntis kung saan pinagpapasama ang itlog ng babae at spērm ng lalaki sa laboratoryo imbes na sa loob ng katawan. Kapag nabuo na ang embryo, ililipat ito pabalik sa mātres ng babae para doon mag-develop ang pagbubuntis…” paliwanag nito.“May ganoon pala? Ang galing. Pero teka—a-ako? Seryoso ka ba, Sir. Thorne?”“Mukha ba akong nagbibiro, Sariyah? Look at my face, I'm dead serious. Gusto kong magka-anak, pero ayokong bumūntis ng babae. ‘Yan lang ang naiisip kong paraan ngayon. If you want more details, follow me.”Pagkatayo nito, naglakad na ito palayo. Walang nagawa si Sariyah kundi ang sumunod sa lalaki. Nang makalabas, nakita niyang nakatayo na ito sa tabi ng magara nitong sasakyan.“Kay Manong Oli ka s
“Diyos ko! Ano ba'ng nangyari, Sariyah?” gulat at hindi makapaniwalang tanong ni Manang Juliet sa kaniya.Dahan-dahang ibinababa ni Sariyah ang tingin, at mula sa sahig, nagkalat ang mga bubog ng baso. Nakagat niya ang ibabang labi, hindi alam ang gagawin.Nang iangat niya ang kaniyang mukha, saktong tumayo si Thorne habang isinasabit ang shades nito sa damit.“N-Nadulas, M-Manang Juliet…” nauutal niyang tugon sa matanda dahil magpahanggang ngayon, hindi pa rin siya makapaniwala na ang lalaking muntik nang sumagasa sa kaniya ilang araw na ang nakakalipas ay nakatayo sa mismong harap niya.Oo—ang lalaking iyon at si Thorne, ang amo niya, ay iisa.“Para kang nakakita ng multo, Sariyah,” sambit ni Thorne bago mapaklang tumawa.Teka, bakit parang hindi nito naalala ang nangyari sa pagitan nila? Imposible namang makalimutan nito iyon dahil ilang araw pa lang naman ang nakakalipas. Maiintindihan niya sana kung dekada na.“Nakakahiya kay Sir. Thorne ang ginawa mo, Sariyah. Hindi ka pa nagsis
ONE YEAR LATER...“Sariyah Borromeo?”“Kailangan agad operahan ang nanay mo.”“Sariyah Borromeo?”“A-Ano po'ng mangyayari kapag hindi agad naoperahan si nanay?”“Is Sariyah Borromeo here?”“Maaaring lumala ang kalagayan niya. Kung mangyari ‘yon, b-baka bawian siya ng buhay. Desisyon niyo lang ang kailangan para maoperahan na ang nanay mo. You have to decide immediately, Sariyah. Buhay ng nanay mo ang nakataya rito.”“Sariyah Borromeo!”Mabilis na bumalik si Sariyah sa reyalidad nang marinig ang malakas na pagtawag sa pangalan niya. Sa may pinto, nakasilip ang isang babae.“A-Ako po,” tugon niya bago nagtaas ng kamay.Dismayado itong umiling bago lumapit sa kaniya. “I'm sorry, Sariyah, pero hindi ikaw ang candidate na hinahanap ng CEO. Isa sa mga pangunahing kwalipikasyon para sa posisyong ito ang pagiging college graduate, at base sa iyong resume, senior high school graduate ka lamang. I'm sorry, but we won't be moving forward with your application. You may leave now.”Nang iabot ng
“Thorne Calyx Vermont!” Mabilis na napahinto si Thorne mula sa paglalakad nang marinig niya ang matinis na pagtawag sa buong pangalan niya. Marahas siyang bumuntong-hininga bago ito hinarap. Hindi na siya nagulat kung sino ito—ang ama niya. “What, dad?” inis niyang tanong sa ama. Ngumisi ito bago lumapit sa kaniya saka tila hindi makapaniwala siyang tiningnan mula ulo hanggang paa. “Kailan mo balak mag-asawa?” diretsahang tanong ng ama sa kaniya. Napa-amang si Thorne sa narinig. Ilang segundo siyang walang kibo bago natatawang napailing. “What kind of question is that, dad?” “Just answer my goddāmn question, Thorne! Kasi sa totoo lang, hirap akong kilatisin ka kahit ako ang ama mo. Hindi ko kasi maramdaman sa puso ko na may balak kang mag-asa—” “Right, dad,” he interrupted. “For now, I don’t have any plans. But one thing is certain—I will look for her in the future.” “In the future? Kailan pa ‘yan? Kapag wala na kami ng mom mo? Alam mo kung bakit wala ka pang plano ngayon?







