แชร์

Kabanata 3

ผู้เขียน: VERZOLAKRAM02
last update วันที่เผยแพร่: 2026-06-23 19:21:55

“Diyos ko! Ano ba'ng nangyari, Sariyah?” gulat at hindi makapaniwalang tanong ni Manang Juliet sa kaniya.

Dahan-dahang ibinababa ni Sariyah ang tingin, at mula sa sahig, nagkalat ang mga bubog ng baso. Nakagat niya ang ibabang labi, hindi alam ang gagawin.

Nang iangat niya ang kaniyang mukha, saktong tumayo si Thorne habang isinasabit ang shades nito sa damit.

“N-Nadulas, M-Manang Juliet…” nauutal niyang tugon sa matanda dahil magpahanggang ngayon, hindi pa rin siya makapaniwala na ang lalaking muntik nang sumagasa sa kaniya ilang araw na ang nakakalipas ay nakatayo sa mismong harap niya.

Oo—ang lalaking iyon at si Thorne, ang amo niya, ay iisa.

“Para kang nakakita ng multo, Sariyah,” sambit ni Thorne bago mapaklang tumawa.

Teka, bakit parang hindi nito naalala ang nangyari sa pagitan nila? Imposible namang makalimutan nito iyon dahil ilang araw pa lang naman ang nakakalipas. Maiintindihan niya sana kung dekada na.

“Nakakahiya kay Sir. Thorne ang ginawa mo, Sariyah. Hindi ka pa nagsisimula, parang matatanggal ka na!” madiing bulong sa kaniya ng matanda.

Lumunok siya. “P-Pasensya na po, Sir. Thorne, h-hindi ko po sinasadyang mahulog ‘yong baso,” anas niya.

“Hayaan mo na. Hindi naman ‘yan kawalan sa akin!” malamig na wika ni Thorne bago naglakad palabas ng gazebo.

Lumapit ito sa kaniya, halos dalawang dangkal ang layo. Pinasadahan siya nito mula ulo hanggang paa, tila sinusuri siya. Nanliit tuloy siya sa sarili. Pero laban lang. Nandito siya para kumita, hindi para panghinaan ng loob.

Pero sa titig ni Thorne sa kaniya, wala siyang nararamdaman na takot. Ibang-iba ito kumpara sa lalaking nakilala niya noong nakaraan. Iyon kasi, matapobre, arogante, at higit sa lahat, baliktad ang utak. Pero itong nasa harap niya, parang hindi makabasag pinggan. Naguguluhan tuloy siya.

“I read your resume, Sariyah, so I already know who you are—your name, age, address, and everything written on that paper. Even so, please introduce yourself.”

Tumango siya bago nag-ipon muna ng maraming lakas saka nagsalita.

“Ako po si Sariyah Borromeo. Bente-sais anyos. Masipag po ako, Sir. Thorne. Marunong po akong magluto, maglaba, at maglinis ng bahay. Lahat po ng ipapagawa niyo, kayang-kaya ko po. Kahit maglinis ng septic tank, kaya ko po.”

Tumawa si Thorne. “You can’t clean a septic tank. One wrong move and you could suffocate to death. Besides, you don’t even know how to do it, do you?”

“T-Tama po kayo, Sir. Thorne. Sa bahay lang po talaga ako,” tugon niya bago napakamot sa ulo dahil sa hiya.

“At isa pa, Sariyah, hindi mo na kailangang magluto dahil may private chef na rito sa mansyon ng ating amo. Gawaing bahay na lang ang puwede mong magawa,” saad naman ni Manang Juliet.

Tumango siya sa sinambit ng matanda.

“Ang gusto kong malaman ay kung bakit ka nagpasyang pumasok bilang kasambahay. As I said, I already know who you are.”

“Kasi—”

“Can you leave us, Manang Juliet?”

“Masusunod po, Sir. Thorne,” tugon dito ng matanda bago tumalikod.

Pinagmasdan niya pa ang papalayo nitong bulto at nang mawala, ibinalik niya ang atensyon kay Thorne, na hindi niya namalayan na nakabalik na pala sa gazebo.

Umiling siya bago sumunod dito. Tahimik siyang umupo sa harap nito saka sunod-sunod na lumunok.

“May sakit po kasi si nanay. Milyon po ang kailangan namin kaya pumasok po ako bilang kasambahay. Wala po kasi akong makitang ibang trabaho, eh, kaya ito na lang po.”

“Sa puso?”

Tumango siya. “O-Opo. Butas po ang puso niya at kailangan na po siyang operahan. Bukas na po siya naka-schedule kaya humihingi po sana ako ng pabor, Sir. Thorne. Baka po puwedeng umutang. ‘Yong sahod ko na lang po ang ibabayad ko. Kahit wala na po akong matanggap, ayos lang po sa akin.”

Sandali siyang pinagmasdan ni Thorne bago natatawang sumandal sa kinauupuan at dumikuwatro.

“Seriously? You’re asking me for a loan? I’ve never met anyone like you. You’re the first person to ask me for money when we barely even know each other. I don’t lend money.” At natatawa itong umiling.

“Naintindihan ko naman po, Sir. Thorne. Hihintayin ko na lang po ang sahod—”

“Pero nagbibigay ako,” putol nito na ikinamulagat niya.

“T-Talaga po?”

Tumango si Thorne. “Yeah… pero may kapalit. Are you willing to do what I want in exchange for money? Kaya kong ibigay sa iyo ang halaga na gusto mo—higit pa sa nais mo.”

Biglang natigilan si Sariyah nang sandaling iyon. Hindi siya makakibo habang nakatitig sa mga mapupungay na mata ni Thorne. Pera kapalit ng gusto nito? Tatanggapin niya iyon, basta't hindi tungkol sa sēx dahil hindi siya handa, lalo na't nangako siya sa sarili niya na iaalay lang niya ang birhen niyang pagkābabae sa lalaking mahal at papakasalan niya.

Mariin siyang lumunok bago marahas na bumuntong-hininga. “Kapalit po ba ng sēx? Pasensya na, Sir. Thorne, pero hindi ko po matatanggap—”

“I don't like sēx!” seryosong singit nito sa kaniya. “Sēx is bvllshīt. Sēx is addictive. Sēx is… destructive.”

“Kung hindi sēx, a-ano po'ng kapalit?” naguguluhan niyang tanong.

Bumuntong-hininga si Thorne bago tumayo. Tinitigan siya nito saka pumamulsa.

“Would you be willing to undergo IVF and carry my child?” tanong nito, na ikinabagsak ng panga niya.

อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป

บทล่าสุด

  • THE BILLIONAIRE'S PREGNANT VIRGIN MAID (SPG)   Kabanata 5

    “Yup, isang bilyon…”Paulit-ulit na umuukit sa isipan ni Sariyah ang sinabi ni Thorne. Bagama't napakalaking halaga ng pera ang inaalok nito, hindi pa rin siya makapagdesisyon.Nakabalik na sila sa mansyon nito, ngunit iyon pa rin ang laman ng isip niya—tatanggapin ba niya ang kasunduan o hindi?Kinakabahan siya. Natatakot din.“Ito ang magiging kuwarto mo, Sariyah. Makakasama mo sina Joyce, Bea, at Lorraine,” sambit ni Manang Juliet nang dalhin siya nito sa maid's quarter.Tumango siya bago kumaway sa tatlong babaeng nakaupo sa kanilang kama. Nginitian lang siya ng mga ito. Mukhang mababait naman sila kaya pakiramdam niya'y wala siyang magiging problema sa mga ito.“Simple lang ang tagubilin ko, Sariyah. ‘Wag kang lalapit nang sobra kay Sir. Thorne. At higit sa lahat, ‘wag na ‘wag mo siyang hahawakan. Nagkakaintindihan ba tayo?”Napakunot-noo si Sariyah sa tinuran ng matanda. “Bakit nga po pala, manang? Kasi kanina ko pa pong napapansin na parang iwas na iwas siya sa akin. Pakiramdam

  • THE BILLIONAIRE'S PREGNANT VIRGIN MAID (SPG)   Kabanata 4

    Hindi bumagsak ang panga niya dahil sa gulat—bumagsak iyon sapagkat wala siyang ideya sa tinuran ni Thorne.“IVF? A-Ano ‘yong IVF?” naguguluhan niyang tanong.Ngumisi ang lalaki bago bumalik sa pagkakaupo. “IVF stands for In Vitro Fertilization. In simple terms, it ay paraan ng pagpapabuntis kung saan pinagpapasama ang itlog ng babae at spērm ng lalaki sa laboratoryo imbes na sa loob ng katawan. Kapag nabuo na ang embryo, ililipat ito pabalik sa mātres ng babae para doon mag-develop ang pagbubuntis…” paliwanag nito.“May ganoon pala? Ang galing. Pero teka—a-ako? Seryoso ka ba, Sir. Thorne?”“Mukha ba akong nagbibiro, Sariyah? Look at my face, I'm dead serious. Gusto kong magka-anak, pero ayokong bumūntis ng babae. ‘Yan lang ang naiisip kong paraan ngayon. If you want more details, follow me.”Pagkatayo nito, naglakad na ito palayo. Walang nagawa si Sariyah kundi ang sumunod sa lalaki. Nang makalabas, nakita niyang nakatayo na ito sa tabi ng magara nitong sasakyan.“Kay Manong Oli ka s

  • THE BILLIONAIRE'S PREGNANT VIRGIN MAID (SPG)   Kabanata 3

    “Diyos ko! Ano ba'ng nangyari, Sariyah?” gulat at hindi makapaniwalang tanong ni Manang Juliet sa kaniya.Dahan-dahang ibinababa ni Sariyah ang tingin, at mula sa sahig, nagkalat ang mga bubog ng baso. Nakagat niya ang ibabang labi, hindi alam ang gagawin.Nang iangat niya ang kaniyang mukha, saktong tumayo si Thorne habang isinasabit ang shades nito sa damit.“N-Nadulas, M-Manang Juliet…” nauutal niyang tugon sa matanda dahil magpahanggang ngayon, hindi pa rin siya makapaniwala na ang lalaking muntik nang sumagasa sa kaniya ilang araw na ang nakakalipas ay nakatayo sa mismong harap niya.Oo—ang lalaking iyon at si Thorne, ang amo niya, ay iisa.“Para kang nakakita ng multo, Sariyah,” sambit ni Thorne bago mapaklang tumawa.Teka, bakit parang hindi nito naalala ang nangyari sa pagitan nila? Imposible namang makalimutan nito iyon dahil ilang araw pa lang naman ang nakakalipas. Maiintindihan niya sana kung dekada na.“Nakakahiya kay Sir. Thorne ang ginawa mo, Sariyah. Hindi ka pa nagsis

  • THE BILLIONAIRE'S PREGNANT VIRGIN MAID (SPG)   Kabanata 2

    ONE YEAR LATER...“Sariyah Borromeo?”“Kailangan agad operahan ang nanay mo.”“Sariyah Borromeo?”“A-Ano po'ng mangyayari kapag hindi agad naoperahan si nanay?”“Is Sariyah Borromeo here?”“Maaaring lumala ang kalagayan niya. Kung mangyari ‘yon, b-baka bawian siya ng buhay. Desisyon niyo lang ang kailangan para maoperahan na ang nanay mo. You have to decide immediately, Sariyah. Buhay ng nanay mo ang nakataya rito.”“Sariyah Borromeo!”Mabilis na bumalik si Sariyah sa reyalidad nang marinig ang malakas na pagtawag sa pangalan niya. Sa may pinto, nakasilip ang isang babae.“A-Ako po,” tugon niya bago nagtaas ng kamay.Dismayado itong umiling bago lumapit sa kaniya. “I'm sorry, Sariyah, pero hindi ikaw ang candidate na hinahanap ng CEO. Isa sa mga pangunahing kwalipikasyon para sa posisyong ito ang pagiging college graduate, at base sa iyong resume, senior high school graduate ka lamang. I'm sorry, but we won't be moving forward with your application. You may leave now.”Nang iabot ng

  • THE BILLIONAIRE'S PREGNANT VIRGIN MAID (SPG)   Kabanata 1

    “Thorne Calyx Vermont!” Mabilis na napahinto si Thorne mula sa paglalakad nang marinig niya ang matinis na pagtawag sa buong pangalan niya. Marahas siyang bumuntong-hininga bago ito hinarap. Hindi na siya nagulat kung sino ito—ang ama niya. “What, dad?” inis niyang tanong sa ama. Ngumisi ito bago lumapit sa kaniya saka tila hindi makapaniwala siyang tiningnan mula ulo hanggang paa. “Kailan mo balak mag-asawa?” diretsahang tanong ng ama sa kaniya. Napa-amang si Thorne sa narinig. Ilang segundo siyang walang kibo bago natatawang napailing. “What kind of question is that, dad?” “Just answer my goddāmn question, Thorne! Kasi sa totoo lang, hirap akong kilatisin ka kahit ako ang ama mo. Hindi ko kasi maramdaman sa puso ko na may balak kang mag-asa—” “Right, dad,” he interrupted. “For now, I don’t have any plans. But one thing is certain—I will look for her in the future.” “In the future? Kailan pa ‘yan? Kapag wala na kami ng mom mo? Alam mo kung bakit wala ka pang plano ngayon?

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status