Compartilhar

Kabanata 5

last update Data de publicação: 2026-06-24 10:37:38

“Yup, isang bilyon…”

Paulit-ulit na umuukit sa isipan ni Sariyah ang sinabi ni Thorne. Bagama't napakalaking halaga ng pera ang inaalok nito, hindi pa rin siya makapagdesisyon.

Nakabalik na sila sa mansyon nito, ngunit iyon pa rin ang laman ng isip niya—tatanggapin ba niya ang kasunduan o hindi?

Kinakabahan siya. Natatakot din.

“Ito ang magiging kuwarto mo, Sariyah. Makakasama mo sina Joyce, Bea, at Lorraine,” sambit ni Manang Juliet nang dalhin siya nito sa maid's quarter.

Tumango siya bago kumaway sa tatlong babaeng nakaupo sa kanilang kama. Nginitian lang siya ng mga ito. Mukhang mababait naman sila kaya pakiramdam niya'y wala siyang magiging problema sa mga ito.

“Simple lang ang tagubilin ko, Sariyah. ‘Wag kang lalapit nang sobra kay Sir. Thorne. At higit sa lahat, ‘wag na ‘wag mo siyang hahawakan. Nagkakaintindihan ba tayo?”

Napakunot-noo si Sariyah sa tinuran ng matanda. “Bakit nga po pala, manang? Kasi kanina ko pa pong napapansin na parang iwas na iwas siya sa akin. Pakiramdam ko tuloy, nababahuan si Sir. Thorne sa akin,” aniya bago bahagyang tumawa.

Tumawa rin ang tatlo, bago tumayo ang isa sa mga ito.

“Hindi nababahuan sa iyo si Sir. Thorne, Sariyah. Sadyang mapili lang siya sa mga babaeng nilalapitan niya. Kahit kaming tatlo, ayaw niyang lumapit sa kaniya. Pero si Manang Juliet, nalalapitan ang amo natin. Ako nga pala si Bea.” At inilahad nito ang kamay sa harap niya.

Nakangiti siyang tumango bago walang pagdadalawang-isip na tinanggap ang kamay ng babae.

“Mapili pala siya,” anas niya.

“Heh! ‘Wag niyo ngang pagtsismisan ang amo natin. Nalalapitan niya ako kasi sanggol pa lang siya, ako na ang nag-aalaga sa kaniya. Eh kayo, mga bago pa lang kayo, lalo ka na, Sariyah,” wika ng matanda bago pumameywang. “Hulong na, magtrabaho na tayo. Kayong tatlo, sumunod na kayo sa akin. Ikaw, Sariyah, magbihis ka na ng uniporme mo, nasa kama mo lang.”

Tumango siya bilang tugon sa matanda. Nang tumalima ito, sumunod naman dito ang tatlo kaya siya na lang ang naiwang mag-isa sa loob ng malaking silid. Natutuwa siya, sapagkat bukod sa malaki na, malamig pa. 

Pero hindi niya maiwasang mahiwagaan. Nang tanungin niya kasi si Manang Juliet kanina, sabi nito, mag-isa lang nakatira si Thorne sa mansyon. Minsan, wala pa raw dahil busy sa trabaho. Hindi rin naman daw mabibigat ang mga trabaho. Pagsisilbihan lang ang lalaki kapag kailangan.

Napailing na lang si Sariyah nang sandaling iyon at nagbihis na ng uniporme niya. Pagkatapos, sumunod na rin siya kina Manang Juliet.

Maayos namang natapos ang araw niya. Magaan lang ang mga naging trabaho niya. Kaya nang humiga siya sa kama niya, hindi siya nakaramdam ng pagod. Imbes, napagod lang ang utak niya kakaisip kung tatanggapin niya ba ang alok ng amo niya sa kaniya.

Magdamag siyang gising, pinag-isipan iyon nang matindi. Nang sumilip na ang haring-araw, tuluyan na siyang nakapagdesisyon—isang desisyong hindi niya tiyak kung saan patutungo.

Sa kabilang panig naman, mabilis na bumangon si Thorne sa kinahihigaan nang makita niyang papalapit ang kaibigan niyang si Warren, na isang medical technologist sa Vermont Medical Center.

“Here's the result, you āsshōle!” At ibinagsak nito sa harap niya ang isang folder.

Natatawa niya iyong binuksan, at tila nabunutan siya ng tinik sa kaniyang dibdib nang makita ang resulta. Negative.

“Thank God, it's negative, again.”

“For Christ’s sake, Thorne, ‘wag ka nang magpa-HIV test. You’ve been doing that for a year, pero pareho lang naman ng resulta. It’s always negative. Hindi ka ba nagsasawa?” turan ng kaibigan sa kaniya.

Umiling siya. “Masisisi mo ba kung bakit hindi pa rin ako nakampante kahit palaging negative ang resulta ng HIV test ko? Bro, I had sēx with an HIV-positive woman. It sucks!”

Tumawa si Warren. “Isang taon na ang nakakalipas, bro. Kung nahawaan ka talaga ng babaeng ‘yon, dapat matagal ka nang nag-positive. Anxiety na ‘yan. Babae lang ang katapat—”

“Hindi ako lalapit o hahawak ng babae hangga’t hindi ako sigurado na safe siya. I don’t want to go through what happened a year ago again. I’ve learned my lesson.”

“If you say so. But bro, you need a woman in your life.”

Pagkasabi niyon ng kaibigan, umalis na rin ito. Napailing na lang siya ng ilang beses. Pero hindi pa man nagtatagal nang umalis si Warren, biglang dumating si Sariyah. 

“Sir. Thorne?” 

Tiniklop niya ang folder sa harap niya bago ito sinulyapan. 

“Have you decided already?” walang emosyon niyang tanong.

Sandaling walang kibo ang babae bago tumango. “Opo, Sir. Thorne, papayag na po ako.”

Ngumiti siya bago tumayo. “We'll start tomorrow.”

Pagkatapos, umalis na siya sa gazebo na may ngiti sa mga labi. 

Kinabukasan, dinala niya si Sariyah sa Vermont Medical Center upang simulan ang unang proseso nang pagbuo ng anak niya.

Nakahiga ito sa hospital bed, bahagyang naka-angat ang damit. Tahimik lang na nakatanaw si Thorne sa babae habang magkakrus ang mga braso sa dibdib. Mamaya pa, inangat na ng nurse ang kamay nitong may hawak na syringe.

“T-Teka, ano'ng gagawin sa akin, Sir. Thorne?” Baling sa kaniya ni Sariyah.

“The nurse will inject you with fertility hormones. Tutulungan nitong mag-mature ang mas maraming itlog sa obaryo mo para mas mataas ang tsansa nating makabuo ng healthy embryo,” paliwanag niya sa babae.

Tumango lang ito kaya’t itinurok na ng nurse ang syringe sa tiyan ni Sariyah. Pagkalipas ng ilang araw ng paulit-ulit na fertility hormone injections, sa wakas ay nakabuo na ang obaryo nito ng sapat na mature na itlog.

Sa tulong ng isang minor procedure, isinagawa ang egg retrieval kung saan maingat na kinuha mula sa obaryo ni Sariyah ang mga itlog. Sa laboratoryo, pinagsama ang itlog nito at ang sēmilya ni Thorne. Makalipas ang ilang araw, nabuo ang mga healthy embryo.

Si Thorne mismo ang naglagay ng embryo sa matris ni Sariyah sa pamamagitan ng embryo transfer procedure. Pagkatapos ng procedure, hindi niya maikaila ang bigat ng hinihintay na resulta, kaya’t ibinuhos niya ang lahat sa tahimik na pagdarasal, umaasang magiging matagumpay ito kahit unang subok pa lamang.

Pagkalipas ng dalawang linggo, oras na para malaman kung nagtagumpay ang procedure. Nakaupo siya sa waiting area, hinihintay ang paglabas ni Warren mula sa laboratoryo.

Mayamaya pa, napatayo siya nang makita ang kaibigan na lumabas. Ngumiti ito bago lumapit sa kaniya.

“Congratulations, bro. Successful ang IVF cycle. Positive ang pregnancy test. Sariyah is pregnant…”

Nanlaki ang mga mata ni Thorne sa narinig. Napatitig siya sa kaibigan, hindi agad makapaniwala. Ilang sandali pa’y napasuntok siya sa hangin—hindi dahil sa galit, kundi dahil sa matinding kasiyahan.

“Fūck… I’m going to be a father!” puno ng emosyon niyang usal habang halos mapahakbang paatras sa labis na tuwa.

Continue a ler este livro gratuitamente
Escaneie o código para baixar o App

Último capítulo

  • THE BILLIONAIRE'S PREGNANT VIRGIN MAID (SPG)   Kabanata 5

    “Yup, isang bilyon…”Paulit-ulit na umuukit sa isipan ni Sariyah ang sinabi ni Thorne. Bagama't napakalaking halaga ng pera ang inaalok nito, hindi pa rin siya makapagdesisyon.Nakabalik na sila sa mansyon nito, ngunit iyon pa rin ang laman ng isip niya—tatanggapin ba niya ang kasunduan o hindi?Kinakabahan siya. Natatakot din.“Ito ang magiging kuwarto mo, Sariyah. Makakasama mo sina Joyce, Bea, at Lorraine,” sambit ni Manang Juliet nang dalhin siya nito sa maid's quarter.Tumango siya bago kumaway sa tatlong babaeng nakaupo sa kanilang kama. Nginitian lang siya ng mga ito. Mukhang mababait naman sila kaya pakiramdam niya'y wala siyang magiging problema sa mga ito.“Simple lang ang tagubilin ko, Sariyah. ‘Wag kang lalapit nang sobra kay Sir. Thorne. At higit sa lahat, ‘wag na ‘wag mo siyang hahawakan. Nagkakaintindihan ba tayo?”Napakunot-noo si Sariyah sa tinuran ng matanda. “Bakit nga po pala, manang? Kasi kanina ko pa pong napapansin na parang iwas na iwas siya sa akin. Pakiramdam

  • THE BILLIONAIRE'S PREGNANT VIRGIN MAID (SPG)   Kabanata 4

    Hindi bumagsak ang panga niya dahil sa gulat—bumagsak iyon sapagkat wala siyang ideya sa tinuran ni Thorne.“IVF? A-Ano ‘yong IVF?” naguguluhan niyang tanong.Ngumisi ang lalaki bago bumalik sa pagkakaupo. “IVF stands for In Vitro Fertilization. In simple terms, it ay paraan ng pagpapabuntis kung saan pinagpapasama ang itlog ng babae at spērm ng lalaki sa laboratoryo imbes na sa loob ng katawan. Kapag nabuo na ang embryo, ililipat ito pabalik sa mātres ng babae para doon mag-develop ang pagbubuntis…” paliwanag nito.“May ganoon pala? Ang galing. Pero teka—a-ako? Seryoso ka ba, Sir. Thorne?”“Mukha ba akong nagbibiro, Sariyah? Look at my face, I'm dead serious. Gusto kong magka-anak, pero ayokong bumūntis ng babae. ‘Yan lang ang naiisip kong paraan ngayon. If you want more details, follow me.”Pagkatayo nito, naglakad na ito palayo. Walang nagawa si Sariyah kundi ang sumunod sa lalaki. Nang makalabas, nakita niyang nakatayo na ito sa tabi ng magara nitong sasakyan.“Kay Manong Oli ka s

  • THE BILLIONAIRE'S PREGNANT VIRGIN MAID (SPG)   Kabanata 3

    “Diyos ko! Ano ba'ng nangyari, Sariyah?” gulat at hindi makapaniwalang tanong ni Manang Juliet sa kaniya.Dahan-dahang ibinababa ni Sariyah ang tingin, at mula sa sahig, nagkalat ang mga bubog ng baso. Nakagat niya ang ibabang labi, hindi alam ang gagawin.Nang iangat niya ang kaniyang mukha, saktong tumayo si Thorne habang isinasabit ang shades nito sa damit.“N-Nadulas, M-Manang Juliet…” nauutal niyang tugon sa matanda dahil magpahanggang ngayon, hindi pa rin siya makapaniwala na ang lalaking muntik nang sumagasa sa kaniya ilang araw na ang nakakalipas ay nakatayo sa mismong harap niya.Oo—ang lalaking iyon at si Thorne, ang amo niya, ay iisa.“Para kang nakakita ng multo, Sariyah,” sambit ni Thorne bago mapaklang tumawa.Teka, bakit parang hindi nito naalala ang nangyari sa pagitan nila? Imposible namang makalimutan nito iyon dahil ilang araw pa lang naman ang nakakalipas. Maiintindihan niya sana kung dekada na.“Nakakahiya kay Sir. Thorne ang ginawa mo, Sariyah. Hindi ka pa nagsis

  • THE BILLIONAIRE'S PREGNANT VIRGIN MAID (SPG)   Kabanata 2

    ONE YEAR LATER...“Sariyah Borromeo?”“Kailangan agad operahan ang nanay mo.”“Sariyah Borromeo?”“A-Ano po'ng mangyayari kapag hindi agad naoperahan si nanay?”“Is Sariyah Borromeo here?”“Maaaring lumala ang kalagayan niya. Kung mangyari ‘yon, b-baka bawian siya ng buhay. Desisyon niyo lang ang kailangan para maoperahan na ang nanay mo. You have to decide immediately, Sariyah. Buhay ng nanay mo ang nakataya rito.”“Sariyah Borromeo!”Mabilis na bumalik si Sariyah sa reyalidad nang marinig ang malakas na pagtawag sa pangalan niya. Sa may pinto, nakasilip ang isang babae.“A-Ako po,” tugon niya bago nagtaas ng kamay.Dismayado itong umiling bago lumapit sa kaniya. “I'm sorry, Sariyah, pero hindi ikaw ang candidate na hinahanap ng CEO. Isa sa mga pangunahing kwalipikasyon para sa posisyong ito ang pagiging college graduate, at base sa iyong resume, senior high school graduate ka lamang. I'm sorry, but we won't be moving forward with your application. You may leave now.”Nang iabot ng

  • THE BILLIONAIRE'S PREGNANT VIRGIN MAID (SPG)   Kabanata 1

    “Thorne Calyx Vermont!” Mabilis na napahinto si Thorne mula sa paglalakad nang marinig niya ang matinis na pagtawag sa buong pangalan niya. Marahas siyang bumuntong-hininga bago ito hinarap. Hindi na siya nagulat kung sino ito—ang ama niya. “What, dad?” inis niyang tanong sa ama. Ngumisi ito bago lumapit sa kaniya saka tila hindi makapaniwala siyang tiningnan mula ulo hanggang paa. “Kailan mo balak mag-asawa?” diretsahang tanong ng ama sa kaniya. Napa-amang si Thorne sa narinig. Ilang segundo siyang walang kibo bago natatawang napailing. “What kind of question is that, dad?” “Just answer my goddāmn question, Thorne! Kasi sa totoo lang, hirap akong kilatisin ka kahit ako ang ama mo. Hindi ko kasi maramdaman sa puso ko na may balak kang mag-asa—” “Right, dad,” he interrupted. “For now, I don’t have any plans. But one thing is certain—I will look for her in the future.” “In the future? Kailan pa ‘yan? Kapag wala na kami ng mom mo? Alam mo kung bakit wala ka pang plano ngayon?

Mais capítulos
Explore e leia bons romances gratuitamente
Acesso gratuito a um vasto número de bons romances no app GoodNovel. Baixe os livros que você gosta e leia em qualquer lugar e a qualquer hora.
Leia livros gratuitamente no app
ESCANEIE O CÓDIGO PARA LER NO APP
DMCA.com Protection Status