LOGINShe's pregnant... but still a virgin. Wala nang mas sasakit pa kay Sariyah Borromeo nang malaman niyang kailangan ng agarang operasyon ang ina niya dahil sa sakit nito sa puso. Dahil sa desperasyong mailigtas ito, naghanap siya ng trabaho—hanggang sa makuha siya bilang kasambahay ng isang bilyonaryong lalaki, si Thorne Calyx Vermont. Ngunit nang makaharap na niya ito, laking gulat na lang niya nang mapagtanto na ito rin ang lalaking nakagirian niya sa kalsada. But when Thorne learned about her situation, he asked a question that changed everything. “Would you be willing to undergo IVF and carry my child?” Tatanggapin ba ni Sariyah ang alok kapalit ng isang bilyong piso? Hanggang saan siya lalaban kung ang kaligtasan ng ina niya ang nakataya? “You just have to accept my offer or reject it. I’m easy to deal with, Sariyah. Accept or reject—that’s it.”
View More“Yup, isang bilyon…”Paulit-ulit na umuukit sa isipan ni Sariyah ang sinabi ni Thorne. Bagama't napakalaking halaga ng pera ang inaalok nito, hindi pa rin siya makapagdesisyon.Nakabalik na sila sa mansyon nito, ngunit iyon pa rin ang laman ng isip niya—tatanggapin ba niya ang kasunduan o hindi?Kinakabahan siya. Natatakot din.“Ito ang magiging kuwarto mo, Sariyah. Makakasama mo sina Joyce, Bea, at Lorraine,” sambit ni Manang Juliet nang dalhin siya nito sa maid's quarter.Tumango siya bago kumaway sa tatlong babaeng nakaupo sa kanilang kama. Nginitian lang siya ng mga ito. Mukhang mababait naman sila kaya pakiramdam niya'y wala siyang magiging problema sa mga ito.“Simple lang ang tagubilin ko, Sariyah. ‘Wag kang lalapit nang sobra kay Sir. Thorne. At higit sa lahat, ‘wag na ‘wag mo siyang hahawakan. Nagkakaintindihan ba tayo?”Napakunot-noo si Sariyah sa tinuran ng matanda. “Bakit nga po pala, manang? Kasi kanina ko pa pong napapansin na parang iwas na iwas siya sa akin. Pakiramdam
Hindi bumagsak ang panga niya dahil sa gulat—bumagsak iyon sapagkat wala siyang ideya sa tinuran ni Thorne.“IVF? A-Ano ‘yong IVF?” naguguluhan niyang tanong.Ngumisi ang lalaki bago bumalik sa pagkakaupo. “IVF stands for In Vitro Fertilization. In simple terms, it ay paraan ng pagpapabuntis kung saan pinagpapasama ang itlog ng babae at spērm ng lalaki sa laboratoryo imbes na sa loob ng katawan. Kapag nabuo na ang embryo, ililipat ito pabalik sa mātres ng babae para doon mag-develop ang pagbubuntis…” paliwanag nito.“May ganoon pala? Ang galing. Pero teka—a-ako? Seryoso ka ba, Sir. Thorne?”“Mukha ba akong nagbibiro, Sariyah? Look at my face, I'm dead serious. Gusto kong magka-anak, pero ayokong bumūntis ng babae. ‘Yan lang ang naiisip kong paraan ngayon. If you want more details, follow me.”Pagkatayo nito, naglakad na ito palayo. Walang nagawa si Sariyah kundi ang sumunod sa lalaki. Nang makalabas, nakita niyang nakatayo na ito sa tabi ng magara nitong sasakyan.“Kay Manong Oli ka s
“Diyos ko! Ano ba'ng nangyari, Sariyah?” gulat at hindi makapaniwalang tanong ni Manang Juliet sa kaniya.Dahan-dahang ibinababa ni Sariyah ang tingin, at mula sa sahig, nagkalat ang mga bubog ng baso. Nakagat niya ang ibabang labi, hindi alam ang gagawin.Nang iangat niya ang kaniyang mukha, saktong tumayo si Thorne habang isinasabit ang shades nito sa damit.“N-Nadulas, M-Manang Juliet…” nauutal niyang tugon sa matanda dahil magpahanggang ngayon, hindi pa rin siya makapaniwala na ang lalaking muntik nang sumagasa sa kaniya ilang araw na ang nakakalipas ay nakatayo sa mismong harap niya.Oo—ang lalaking iyon at si Thorne, ang amo niya, ay iisa.“Para kang nakakita ng multo, Sariyah,” sambit ni Thorne bago mapaklang tumawa.Teka, bakit parang hindi nito naalala ang nangyari sa pagitan nila? Imposible namang makalimutan nito iyon dahil ilang araw pa lang naman ang nakakalipas. Maiintindihan niya sana kung dekada na.“Nakakahiya kay Sir. Thorne ang ginawa mo, Sariyah. Hindi ka pa nagsis
ONE YEAR LATER...“Sariyah Borromeo?”“Kailangan agad operahan ang nanay mo.”“Sariyah Borromeo?”“A-Ano po'ng mangyayari kapag hindi agad naoperahan si nanay?”“Is Sariyah Borromeo here?”“Maaaring lumala ang kalagayan niya. Kung mangyari ‘yon, b-baka bawian siya ng buhay. Desisyon niyo lang ang kailangan para maoperahan na ang nanay mo. You have to decide immediately, Sariyah. Buhay ng nanay mo ang nakataya rito.”“Sariyah Borromeo!”Mabilis na bumalik si Sariyah sa reyalidad nang marinig ang malakas na pagtawag sa pangalan niya. Sa may pinto, nakasilip ang isang babae.“A-Ako po,” tugon niya bago nagtaas ng kamay.Dismayado itong umiling bago lumapit sa kaniya. “I'm sorry, Sariyah, pero hindi ikaw ang candidate na hinahanap ng CEO. Isa sa mga pangunahing kwalipikasyon para sa posisyong ito ang pagiging college graduate, at base sa iyong resume, senior high school graduate ka lamang. I'm sorry, but we won't be moving forward with your application. You may leave now.”Nang iabot ng












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.