Share

FIVE- THE VIRGIN BRIDE

Penulis: Sweety Elle
last update Terakhir Diperbarui: 2025-09-24 15:39:26

HER POV

Pagkababa ng pagkababa ko ng sasakyan sa harap mismo ng simbahan ay siyang pagtunog ng kampana. Mag- isa lang ako sa sasakyan dahil si Yaya Lulu ay sumama lang raw sa mga nag-ayos sa akin.

Nalula ako sa laki ng simbahan sa harap ko. Mas lalo akong nagpakurap- kurap ng aking mga mata sa sinag ng araw na tumatama sa aking mukha kahit pa may manipis na belo nakatabing sa aking mukha.

Sinalubong ako ng dalawang may edad na babae na sa tingin ko ay mga tagapaglingkod ng simbahan. Inayos nila ang mahabang belo ko at pati na rin ang laylayan ng gown ko sa likod.

“Mam dito po kayo tumayo, hintayin mo lang ang pagbukas ng pinto at dahan- dahan ka ng maglakad papunta sa dulo ng altar,” mahinang turo sa akin ng isang ginang.

Bilib naman talaga ako dito kay Mr. Carlson kahit na pilit at kontrata lang itong kasal na ito ay talagang pinaghandaan niya. Puwede naman sanang sa huwes lang o garden wedding o sa bahay na lang namin. Pero gumasta pa ng ganito ka bongga.

Kaya lang kahit gaano pa ka gara o bongga ang kasal kung wala namang pag-ibig sa isa’t isa ay kulang at hungkag pa rin ang kasayahan sa puso at isipan. Pero sa isang banda, tulad nga ng sabi nina daddy at mommy, maybe, there is a great purpose why I am here.

Siguro napakalungkot ng naging buhay ni Mr.Carlson, mayaman nga ito ngunit salat naman sa pisikal na hitsura at ang mas malala pa may sakit na. Siguro ay sinubsob nito ang sarili ng maige sa pagtratrabaho kaya’t napabayaan nito ang sarili. Marahil din dahil pangit ito kaya’t walang pumapatol rito kaya’t ginamit na lang nito ang kapangyarihan upang makabili ng mapangangasawa.

Ang masaklap pa ay sa dinaramj- rami ng babae sa mundo ay ako pa talaga ang nakatadhanang makatuluyan nito. Kahit tatlong buwan lang iyon ay tila napakatagal na iyon para sa akin. Hindi ko alam kong makakayanan ko bang umarte at magpanggap na si Heleana.

Kahit pa parehong-pareho ang aming wangis ni Heleana ay hindi kami magkatulad ng pag-uugali. Sana naman ay hanggang pangalan lang ang pagkakakilala ni Mr.Carlson kay Heleana kasi kung marami na itong alam tungkol sa ugali at katangian ng kapatid ay talagang magtataka ito kapag ibang Bianca ang makakasama nito.

Okay lang sa akin na alagaan ko si Mr.Carlson pero sana hindi ito tulad ng ibang may sakit na bugnutin at iritable. Ipinagdarasal ko na bigyan ako ng Diyos ng mahabang pasensiya na pakisamahan ang pangit at maysakit kong mapapangasawa.

Bilang pagtanaw ko na rin sa kanya ng malaking utang na loob sa pagsalba sa aming pamilya sa kabagsakan at kasawian. Mabuti pa rin ang Panginoon dahil may isang tulad ni Mr.Carlson. Kung iisipin, it is a win- win situation na pareho silang magbebenipisyo sa forced marriage na ito.

Bumukas na ang malapad na pinto ng simbahan at sumenyas na ang ginang na mag-umpisa na akong humakbang ng dahan-dahan. Nalula ako sa mahaba at malapad na pasilyo papunta sa dulo ng altar.

Nabighani ako sa napakagrandiyosong pagkakaayos ng mga puti at preskong rosas sa magkabilang gilid ng pasilyong daraanan ko. The design is intricately divine and melodramatic. Pati ang palamuti at dekorasyon ng grand entourage ko ay talagang pinagkagastusan ng lubos.

Okay lang naman sa akin ang pinakasimpleng kasal total hindi naman kami nagmamahalan ng groom ko. Hindi na kailangan pa ng ganitong set-up sa loob- loob ko. Pero sa ibang banda, naisip ko hindi nga pala simpleng mahirap ang pakakasalan ko.

Baka naisip ni Mr.Carlson, total mamamatay na rin siya ay lulubos- lubusin na lang niya ang pagasta ng bilyones niya. Bago nga ako nagtungo sa aking silid lagabi ay pinakita at sinabi nga ni daddy na bayad na ang utang nila sa bangko.

Binayaran na nga ni Mr.Carlson ang utang nila sa bangko na nagkakahalaga ng limang milyon. Hindi ito maliit na halaga para sa taong naghihikahos pero sa groom to be ko ay tila bumili lamang ito ng kendi sa tindahan. Ganoon ito magtapon ng salapi.

Kagabi ko rin nakita ang agreement documents na may lagda ng aking mga magulang, Mr.Carlson at ni Heleana. Ang kasulatang kailangan kong gampanan ngayong araw. Maging si Heleana mula ngayon hanggang tatlong buwan ng pagsasama namin ni Mr.Carlson.

Habang dahan- dahan na naglalakad sa pasilyo ay wala ring humpay sa pagkabog at tahip ng aking dibdib. This is really is it. No turning back. Para sa aking mahal na mga magulang at para sa pag-ibig.na ipinaglaban at mas pinili ni Carlson ay gagawin ko ito.

Ilang hakbang palang nga ang nagagawa ko ay parang kay bigat bigat na ng pakiramdam.

As though, I am walking through my death sentence. Ngayon ang aking sentensiya. Pakiramdam ko ay pagbabayaran ko ang pagkakasalang hindi ko naman ginawa.

Hindi ko maggawang ngumiti. Dapat nga parang lumulutang sa alapaap ang dapat kung maramdam tulad ng ibang babaeng kinakasal. Napakasuwerte ko nga dahil pinagpala pa rin akong makasal kahit isa lamang itong pilit at parte ng kontrata.

Lahat ng dalagang kababaihan ay pangarap na mabigyan ng ganitong pagkakataon na engrandeng makasal. Naalala ko ang mga kaklase ko sa high school at college na maagang nakapag-asawa at hindi man lang nakasal ng maayos kung baga kasal na lang agad sa banig.

Naniniwala pa rin kasi ako sa sanctity ng marriage. Kasal muna bago sex. Pero sa mga kaklase ko sa noon, normal na lang sa kanila ang pre- marital sex. Hence, kahit pa we are living in a modern society, hindi pa rin nawala sa sistema ko ang tinuro sa akin ng aking abuela at abuelo na pahalagahan ko ang aking pagkakababae.

I am proud and loud virgin at my age of 22, ni halik o hawak sa kamay ng isang lalake ay hindi ko pa naranasan. Hala! Mali pala, dahil noong isang gabi ay hindi na nga pala ako birhen dahil sa aking panaginip.

Tila kasi totoong- totoo ang pag-angkin sa akin ng lalake sa aking panaginip. Kung siguro iyong estranghero sa aking panaginip ay si Mr.Carlson ay pihadong mauubusan ako ng lakas at katas sa taas ng libido nito sa pakikipagtalik.

Ngunit kabaliktaran ang lahat. Imposibleng may lakas pa si Mr.Carlson na angkinin ako dahil malapit na nga mamatay at malubha na ang sakit. Pihadong papakasalan lang ako nito upang may mag-alaga rito. Iba naman kasi ang pag-aalaga ng asawa kaysa sa katulong.

But I am not the typical wife to be na mahal ang aking magiging asawa. Kakayanin ko bang mag-alaga ng taong may sakit lalo na ang isang unusual groom to be? But for the sake of love of family ay lulunukin ko na ang lahat, bahala na ang Diyos sa akin.

Hindi ko pa natatanaw ang aking mga magulang pati ang mga bisita na dumalo sa kasalang ito. Walang katao- tao akong natatanaw. A romantic wedding song flaunts the air inside the church pero hindi ko ito ramdam ang romantikong kahulugan nito.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • THE BILLIONAIRE’S REPLACED WIFE (SSPG)   FORTY- THREE- TRUE LOVE

    Konti lang ang results na lumabas at karamihan ay maikli lang na statement at general knowledge patungkol sa kanya. Wala din mga larawan na nakapost online. Napagod na ang aking mga mata kakabrowse wala rin akong napala kaya tinigilan ko na lang. Talagang napakapribadong tao pala ang napangasawa ni Bianca. Lalo akong nahihiwagaan sa mysterious type of a man ni Hansel. Hindi na rin naman ako inaantok at malapit ng maghatinggabi. Mukhang tinalaban ako ng kape pati buo kong katawan ay parang nawala rin ang hina at mas gusto pa yatang gumalaw- galaw kaysa mahiga at magpahinga. Hindi na ako pumanhik sa itaas. Naglakad- lakad na lang ako at ginala ang buong sulok ng mansiyon. Lahat ng ilaw sa buong kabahayan ay nakasindi. Napakaliwanag at nakakasilaw sa ubod ng puti ng bawat sulok ng wallings. Walang kalat at walang alikabok akong nakikita. Ano ba iyan wala akong lilinisin dito? Total hindi naman ako makatulog ay mabuti pang mag-ayos at maglinis. Pero sa nakikita ko ay par

  • THE BILLIONAIRE’S REPLACED WIFE (SSPG)   FORTY-TWO- HINDI MAKATULOG

    Inabot ko ang aking telepono sa side table at tiningnan ang oras, mag-aalas diyes na ng gabi pero wala pa rin si Hansel. Ganito ba talaga ang pakiramdam ng lahat ng mga maybahay kapag late na umuuwi ang kanilang mister. Saklap naman pala makapag-asawa ng lalakeng mahilig magliwaliw sa gabi. Sa naisip ko, hindi mapigilang maalala ang sinabi sa akin ni Hansel kahapon na wala siyang mapapala kung didito siya kasama ko dahil hindi ko naman maibigay sa kanya ang gusto niya. Ibig sabihin lang ba niyan ay katawan ko lang ang habol niya? At nang hindi ko maibigay sa kanya ang gusto niya ay kukunin niya iyon sa iba? Kaya ba umalis siya ngayon dahil hindi ko siya masatisfy? Ganoon ba talaga ang mga lalake? Gaano ko ba kakilala si Hansel Carlson para maisip ko ah este ang kapatid ko na pagtaksilan? Oo nga’t pinakasalan niya ako este si Heleana at bumungat siya ng mga salitang pag-ibig pero sapat ba iyon sa ipinapakita niya sa akin ngayon na nilayasan niya ako sa gitna ng aming pu

  • THE BILLIONAIRE’S REPLACED WIFE (SSPG)   FORTY-ONE- FEELING COLD

    Halos babasagin lahat ng kubyertos na kulay puti. Parang alam ko na ang favorite color ni Hansel, white! Napangiti na lang ako. Sabagay nuetral color naman kasi ang puti at malinis tingnan. Naupo na ako at hihintayin ko na lang ang pagdating ni Hansel. Maaga- aga pa naman. Hindi pa naman ako gutom dahil panay tikim ko ng chopsuey at sinigang habang ako ay nagluluto. Halos isang oras na rin akong matiyagang naghihintay kay Hansel at unti- unti na ring lumalamig na ang niluto kong ulam. Mukhang hindi pa uuwi ang isang iyon. Konting tiis pa Hannah. Kahit medyo gutom na rin ako ay naghintay pa rin ako ng ilang minuto bago nagpasyang mauuna na lang kumain. Bakit hindi ko kasi kinuha ang numero niya para matext o matawagan ko siya tuloy para akong tangang timang na mag-aantay sa hindi malamang oras kung kailan siya uuwi. Wait! Para na ring ako nitong maybahay na naghihintay sa kanyang mister na makauwi galing sa trabaho. Eh, ano pa nga ba! Asawa ko na nga si Hansel kahit pa impo

  • THE BILLIONAIRE’S REPLACED WIFE (SSPG)   FORTY- BUTIHING YAYA

    Hinalungkat ko ang laman ng ref at naghanap ng easy to cook meal para sa akin at para na rin sa amin ni Hansel. Baka sakaling umuwi iyon ngayong dinner. Pasado alas kuwatro pa naman ng hapon. Mahaba pa ang oras para makapaghanda ako ng maluluto para sa hapunan. Gumawa muna ako ng lettuce salad with apples and cucumber para malamig mamayang dinner. Ngumuya naman ako ng sandwich with peanut butter habang inihahanda ang mga ingredients para sa lulutuin ko. Plano kong magluto ng chopsuey at sinigang na isda. Bisaha na ako sa pagluluto ng ganitong putahe dahil lage akong tumutulong kay nanay Fely sa pagluluto. Kahit pa alaga at amo ako ni nanay Fely ay hindi ko iyon inisip. Tinuring ko na siyang ikalawang nanay bukod kay mommy. Namiss ko tuloy siya at kanyang pag-aalagang parang tunay niya akong anak. Wala ng pamilya si nanay Fely. Singkwento anyos na rin ito tulad ni mommy. Hiwalay na ito sa kanyang asawa na umapid sa iba. May isa sanang anak si nanay Fely ngunit maaga

  • THE BILLIONAIRE’S REPLACED WIFE (SSPG)   THIRTY- NINE- CHANGE OUTFIT STYLE

    May nakita akong kakaibang switch sa gilid ng bed. Hindi naman ang switch ng ilaw ang hitsura nito. Nacurious ako kaya’t lumapit ako rito at pinindot ko ito at bigla na lang bumukas ang walling sa kaliwang bahagi. Kaya pala napakalapad ng bahaging ito sa gilid ng kama. Akala ko ay pader lang iyon pala ay may secret door na bigla na lang bumubukas. Napakahigh- tech naman pala nitong mansiyon. Kung ang ancestral home namin sa probinsiya ay makaluma. Dito naman ay napakamoderno na kailangan ko talagang sanayin at mag-adjust dahil pansamantala ito muna ang magiging tahanan ko hangga’t hindi pa nakakabalik ang kapatid ko. Sana na lang talaga ay madali akong makabagay dito at unti-unti na ring matutunang mahalin ang magsisilbing tahanan ko. Okay lang na mahalin ko itong mansiyon huwag lang ang may ari nito dahil talagang malalagot ako. Sana ganoon lang kadaling ipagtapat kay Hansel ang lahat. Sana ay magkaroon ako ng lahat ng loob upang aminin sa kanyang impostora lang ako a

  • THE BILLIONAIRE’S REPLACED WIFE (SSPG)   THIRTY- EIGHT- FREE ALONE

    “Oh, my gosh, hija!, he must be really a super billionaire kayang- kaya niyang bumili ng mansiyon ora mismo!,” hiyaw ni mommy. Marami pa kaming napag-usapan ni mommy. Ang ilan ay walang katapusang tagubilin at paalala. Ako na mismo ang nagpaalam sa kanya dahil mukhang walang balak siyang tapusin ang aming pag-uusap. Nang maibaba ko na ang aking telepono ay sinubukan kong e-dial ang numero ni Heleana. Baka sakaling makontak ko siya. Gusto ko na rin kasing matapos agad itong pagpapanggap ko. Ayaw ko ng pahabain pa ang oras na ilalagi ko rito pati ang makasama si Hansel baka sa huli ako lang ang magiging talunan. Pero bigo ako unattended na ang numero ni Heleana baka nga nagpalit na ito ng numero. Paano ako makakalaya sa kamay ni Hansel kung sakaling hindi na bumalik si Heleana. Paano na ang sarili kong buhay? Baka habang-buhay na akong magpapanggap. Huwag naman sana. Napagod na ako na katitipa ng numero ni Heleana kaya’t napagpasyahan ko na lang na magshower upang gumaan naman

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status