Share

Chapter 5

Alex's POV

Hindi ko maitago ang biglang pamumutla ng aking mukha sa babaeng kaharap ko na nagsasabing matalik siyang kaibigan ng kakambal ko. Kung totoo nga na best friend ito ni Alexa ay tiyak na mahahalata niya agad na hindi ako ang kaibigan niya dahil siguradong kilalang-kilala niya ang kakambal ko. Kaya walang silbi kung itago ko man sa kanya ang totoo.

"Nasaan ang kaibigan ko? Ano ang ginawa mo sa kanya?" prangkang tanong niya sa akin.

Hindi ko naiwasan ng magpalingon-lingon sa paligid sa takot na baka may ibang tao na nakarinig sa kanyang mga sinabi. Kahit paano ay nakahinga ako ng maluwag nang  makita kong walang bisita na malapit sa amin at lahat ng mga bisita ay busy sa kani-kanilang mga kausap.

"Hindi nga ako si Alexa pero huwag kang mag-alala dahil wala akong ginawang masama sa kanya," sagot ko sa kanya pagkatapos ay agad kong ipinabasa sa kanya ang sulat ni Alexa na natagpuan ko sa aking kamay nang magising ako.

"OMG! Kung ganoon ay totoo talaga na may kakambal siya. Ikaw si Alex, right?" hindi makapaniwalang bulalas ng babae matapos mabasa ang sulat. Dali-dali nitong itinupi ulit ang sulat at ibinalik sa akin bago pa man may ibang makapansin.

"Kilala mo ako?" bsgama't nagtataka ay nakaramdam pa rin ako ng tuwa. Atleast may nakakakilala sa tunay kong pagkatao at hindi ko kailangang magpanggap sa harapan niya bilang si Alexa.

"Nabanggit ka niya sa akin pero hindi ko siya pinaniwalaaan. At nasabi rin niya sa akin ang balak niyang gawin ngunit inisip ko na nagbibiro lamang siya. Ngayon ko lang nabatid na talagang seryoso pala siya sa kanyang mga sinabi," anito habang titig na titig pa rin sa mukha ko. "Magkamukhang-magkamukha nga kayo. By the way, I'm Monic. Kaklase at best friend ng kakambal mo. Kanina pa kita kinakausap pero hindi ko man lang nasabi sa'yo ang pangalan ko."

"Natutuwa akong makilala ka, Monic. May mapagtatanungan na ako tungkol sa mga bagay na may kinalaman kay Alexa."

Lahat ng mga bagay tungkol sa kakambal ko na gusto kong malaman ay itinanong ko kay Monic na matiyaga naman nitong sinagot. Habang kumakain kami ay patuloy kaming kaming nagkuwentuhan na para bang matagal na kaming magkakilala. Madaldal at mabilis kasing makagaanan ito ng loob.

Sa buong durasyon ng kasiyahan ay palagi nasa tabi ko si Monic. Para na ngang ito ang groom ko dahil siya ang lagi kong kasama kaysa kay Uriel na busy sa pakikipag-usap sa mga kakilala nito sa business world. Mabuti na lang at hindi nito ako inayang makisalo sa mesa nila dahil kung nagkataong nangyari iyon ay tiyak na mamatay-matay na ako ngayon sa sobrang pagka-bored.

Pasalamat naman ako na hindi na ulit ako kinausap ng mga plastik na kaibigan ng kakambal ko. Siguro natakot sila dahil kasama ko si Monic na halatadong mataray. Kinausap din ako ng ama ni Alexa, este, ama pala naming dalawa ngunit saglit lang dahil agad na itong hinila ng mga kakilala nitong businessman. Mabuti na lang at hindi lamang siya nagtagal dahil hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung paano ko siya pakikitunguhan at kakausapin. Dahil malaki ang galit ko sa kanya. At hindi mawawala ang galit ko hangga't hindi ko naririnig ang kanyang paliwanag kung bakit niya kami iniwan ni Mama. Ngunit sana ay katanggap-tanggap ang dahilan niya dahil kung hindi ay habam-buhay ko siyang hindi mapapatawad.

Nang lumalim na ang gabi at isa-isa nang nagsisipag-alisan ang mga bisita ay nagpaalam na ako kay Uriel na matutulog na. Idinahilan ko na masyado akong napagod sa pag-eestima sa mga bisita kahit na ang totoo ay si Monic naman ang halos kumakausap sa mga bisita lalo na kung hindi ko kilala.

Pagkapasok ko sa kuwarto ay saglit akong natigilan at napatitig sa malapad na kama. Tila ngayon lang nag-sink sa utak ko ang aking sitwasyon. Mag-asawa na nga pala kami ni Uriel so ibig sabihin ay sa iisng kama lamang kami matutulog at gagawin namin ang ginagawa ng mga mag-asawa. Wala sa loob na  pinag-krus ko ang aking mga braso sa harapan ng aking dibdib. Hindi porke't nakaligtas na ako sa honeymoon dahil narinig ko na sinabi ni Uriel sa mga kausap nito na wala itong balak mag-honeymoon sa ibang bansa dahil marami pa itong nakabinbin na mga trabaho sa kompanya nito ay makakaligtas naman ako sa aming unang gabi bilang mag-asawa.

"Hindi. Hindi ito puwede. Wala akong balak na ibigay sa kanya ang aking sarili kahit na guwapo pa siya at mayaman. Ibibigay ko lamang ang sarili ko sa aking mapapangasawa," parang baliw na kausap ko sa aking sarili. Ngunit bigla akong natigilan nang ma-realized kong asawa ko na nga pala si Uriel. "Sa lalaking mahal ko at siyang tunay kong mapapangasawa at hindi bilang substitute bride," pagtatama ko sa aking sinabi.

Agad akong nag-isip kung paano ko maiiwasan ang makipagtalik sa kanya. Hinanap ko ang aparador na kinalalagyan ng mga damit ngunit wala akong makitang aparador. Puro mga pintuan lamang ang nskikita ko sa loob. Pintuan ng banyo at saka may dalawa pang pintuan na ewan kung papunta saan. Una kong nilapitan ang pintuan na malapit sa akin at binuksan. Napapikit ako nang tumama sa akin ang may kalakasan at medyo malamig na panggabing hangin. Isang maluwang na terrace pala ang kanugnog na pintuan. Agad kong isinarado ang pintuan at naglakad naman palapit sa isang pintuan. Na-amazed ako ng makita kong walk-in closet pala ang panghuling pintuan na binuksan ko. Kaya pala wala akong nakitang aparador sa labas dahil narito pala ang mga magagandang damit at iba't ibang mga personal na gamit ni Uriel. Hinanap ko kung saan ang mga damit ni Alexa. Napangiti ako nang makita kong marami siyang pantulog. Kumuha ako ng lima at pinagpatong-patong ko sa aking katawan matapos kong hubarin ang isinuot kong dress sa party. May ngiti sa aking mga labi nang lumabas ako sa pintuan ngunit agad ding nabura ang aking pagkakangiti nang makita kong nasa loob na ng kuwarto si Uriel at nakasandig sa likuran ng pintuan habang naka-ekis sa dibdib ang mga braso.

"Bakit ganyan ang suot mo?" tanong sa akin ni Uriel habang namamasyal sa aking kabuuan ang naniningkit nitong mga mata. Tila hindi nito nagustuhan ang kanyang nakita. Napalunok ako nang maglakad ito palapit sa akin.

"Ah, eh. G-Ganito lang t-talaga ako kung m-matulog," nauutal na paliwanag ko. Ano ka ba, Alex? Bakit ka ba nauutal? Nasaan na ang katarayan mo?" sermon ko sa aking sarili.

"Really?" mahina ang boses na wika ni Uriel na huminto sa harapan ko at pagkatapos ay walang sabi-sabi na bigla na lamang akong binuhat papunta sa kama.

"A-Ano ang b-binabalak mo? H-Huwag mong ituloy ang binabalak mo kundi sisigaw ako," natatarantang sabi ko sa kanya. Ano ba itong nasuungan ko? Ibibigay ko ba ang katawan ko sa lalaking hindi ko mahal? Ito ba ang magiging kapalit para mailigtas ang buhay ng mama ko?

Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Mernie Lopez Fernandez
interesting story, nice to read.
goodnovel comment avatar
Mernie Lopez Fernandez
very nice story..
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status