Share

ACCEPTANCE

Author: Raindaja323
last update publish date: 2026-04-27 02:48:26

Ang Desisyon at ang Kasunduan

Shalavi’s POV

Namamangha pa rin ako sa lalaking nakausap ko sa club kagabi. Hindi ko akalain na may ganoon talagang tao sa totoong buhay. Akala ko sa mga kuwentong nababasa ko lang o napapanood sa YouTube nangyayari ang ganoon. Pagbabasa at pakikinig ng mga love stories ang tanging libangan ko, kaya naman sa edad kong ito, hindi halata na simula pagkabata ay hindi pa ako nakakaranas magkaroon ng karelasyon.

Subalit, nagdadalawang-isip ako kung tatanggapin ko ang kanyang alok. Parang may mali. Bakit ako pa? Marami namang ibang babae sa loob ng club na mas nakakaakit. Habang malalim ang iniisip sa loob ng aking silid, biglang tumunog ang phone ko. Sabado ngayon kaya wala akong pasok. Nang makita ko kung sino ang tumatawag, agad ko itong sinagot.

“Nanay, kamusta po kayo?” agad kong tanong.

“Anak... pasensya na kung naistorbo ko ang pahinga mo,” wika ni Aling Elma sa kabilang linya.

“Ayos lang po, ‘Nay. Kakagising ko lang din po,” tugon ko.

“Ganito kasi, anak... yung tungkol sa lupa. Minamadali na tayong magbayad dahil kailangan na raw nila ang pera.”

“Hindi ba natin sila pwedeng pakiusapan ulit, ‘Nay?” may halong lungkot kong tanong.

“Ginawa ko na, anak. Pero kailangan daw talaga nila ngayon dahil ang pinsan mo ay may kailangang bayarang malaki sa kumpanyang pinapasukan niya. Hindi ko rin alam ang buong detalye,” buntong-hininga ni Nanay.

“Gagawa po ako ng paraan, ‘Nay. Pakisabi, sa loob ng linggong ito ay mababayaran natin. Siyanga pala, kamusta si Tatay?”

“Iyon... lagi na lang nasa kubo, nakatanaw sa lupain na iniwan ng magulang niya.”

Nahabag ako sa kalagayan ni Tatay. “Pakisabi po sa kanya, huwag na siyang malungkot. Hindi nila marerematahan ang lupa natin. Sa susunod na taniman, makakapagtanim na siya ng palay at sibuyas. Magpapadala ako ng pambili ng binhi.”

Nang matapos ang tawag, doon na bumuhos ang aking mga luha. Ang hirap kapag salat sa buhay. Kahit anong kayod ko, parang walang nangyayari. Pinahid ko ang aking mga mata at lumabas na para mag-ayos ng makakain. Tatanggapin ko na ba ang offer niya? Paano kung sadista pala siya?

“Hindi naman siguro niya ako papatayin,” bulong ko sa hangin.

Matapos kumain, sinubukan ko pang pumunta sa bangko at SSS para mag-loan, ngunit nabigo ako. Masyadong maliit ang kayang ibigay ng mga ito. Nanlumo ako habang naglalakad hanggang sa makarating ako sa harap ng simbahan. Pumasok ako at nanalangin. Paglabas ko, buo na ang desisyon ko. Wala nang iba kundi siya.

Kinuha ko ang business card ni Vijay sa aking sling bag habang nakaupo sa isang waiting shed sa boulevard. Nag-text ako ng simpleng "Hello," at agad naman siyang nag-reply.

“Pwede ba tayong magkita?” tanong ko. Sinend niya agad ang address ng isang café.

Pagkarating ko sa café, nakita ko siyang mag-isa. Mukhang pinasara niya ang buong lugar para sa amin. Lumapit ako sa kanyang mesa.

“Hi... kanina ka pa ba? Sorry kung late ako,” nahihiya kong bati.

“No, it’s okay, Shalavi. Kararating ko lang din. Sit down, please,” tugon niya.

Huminga ako nang malalim. “Vi... tungkol sa offer mo, available pa ba?” tanong ko habang mahigpit na nakakuyom ang aking mga palad.

“Bakit? Tatanggapin mo na ba? Yes, para sa iyo lang naman talaga ang offer na iyon,” sagot niya sa kanyang baritonong boses.

“Tatanggapin ko. Pwede ko na rin bang makuha ang kalahati? May kailangan lang akong bayaran agad,” sabi ko at dahil sa kaba ay bigla kong nilagok ang baso ng tubig sa harap ko. Hindi ko napansin na baso niya iyon at nainuman na niya.

Nanlaki ang mga mata ni Vijay habang pinapanood ako. “S-sarap...” bulong niya na hindi ko maintindihan.

“I mean... sige, isesend ko na ang pera sa bank account mo ngayon din,” wika niya habang tila nahihirapan ding lumunok.

“Salamat. Hindi mo naman ako papatayin, ‘di ba?” diretsahan kong tanong.

Isang mapanganib na ngisi ang gumuhit sa kanyang labi. “Lahat ng gagawin ko sa iyo, magugustuhan mo. Give me your bank account details.”

Ibinigay ko ang detalye ko at mabilis niyang ginawa ang transfer. “Salamat, Vi. Pwede bang sa susunod na linggo na ako mag-umpisa? At kailangan ko rin ang kontratang sinasabi mo.”

“Sure. Ang kontrata ay mababasa mo sa araw ng pag-uumpisa mo. At isa pa, Miss Shalavi... ayaw kong may ibang lalaking kinakausap ka. Iba akong magalit,” babala niya.

Tumango ako at mabilis na naglakad palabas. Ramdam ko ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Salamat, Lord, matatapos na ang problema namin sa lupa.

Agad kong tinawagan si Nanay para ibalita ang magandang balita at nagtungo ako sa Cebuana Lhuillier para magpadala ng pera. Binayaran ko na rin ang pinsan ko, kahit wala man lang itong pasasalamat nang makuha ang pera. Pagbalik sa apartment, bagsak ang katawan ko sa kama. Bukas ko na iisipin ang lahat.

Maverick Vijay’s POV

Habang busy ako sa opisina, nag-pop ang message ni Shalavi. Napangiti ako. Agad kaming nagkita sa café na pagmamay-ari ko rin kaya ipinasara ko muna ito.

Habang nag-uusap kami, hindi ko maalis ang tingin sa kanya. Lalo na nang inumin niya ang tubig mula sa basong ginamit ko. Halos malunok ko ang sarili kong laway sa sensasyong nararamdaman ko. Hindi ko alam kung bakit tila nahinihipnotismo ako ng aura niya.

Pagkaalis niya, bumalik ako sa opisina nang tulala. Kahit ang secretary ko na may gusto sa akin ay binalewala ko. Hindi mawala sa isip ko ang imahe ni Shalavi.

Kumuha ako ng alak at nanood ng isang action movie na may mga maseselang eksena. Sa isip ko, ako ang bidang lalaki at si Shalavi ang babae. Naisip ko ang bawat eksena—kung paano ko siya aangkulin sa ibabaw ng isang marangyang kama.

Naramdaman ko ang pag-init ng aking katawan at ang pagtugon ng aking pagkalalaki. “Relax, buddy. Makakapasok ka rin sa ilalim ng bangin na iyon,” bulong ko sa sarili.

Nang matapos ang pinapanood ko, napansin kong oras na ng uwian. Pinatay ko ang aking laptop at naghanda nang umuwi. Sa bahay ko na lang itutuloy ang aking mga plano. Hindi na ako makapaghintay sa susunod na linggo.

Shalavi’s POV

Hindi ako pumasok sa trabaho nang sumunod na Lunes. Nag-resign na ako sa maliit na pinapasukan kong boutique. Masakit man sa loob na iwan ang mga katrabaho ko, kailangan kong harapin ang mas malaking obligasyon. Sa loob ng ilang araw na lumipas, hindi ako pinatutulog ng kaba. Sino ba naman ang hindi kakabahan? Isang estranghero ang nagbayad ng milyun-milyon para sa akin, at ang tanging kapalit ay isang kontratang hindi ko pa nababasa.

Nakahanda na ang gamit ko. Simple lang ang mga dala ko—isang maleta ng mga damit at ang paborito kong rosaryo. Habang hinihintay ko ang sundo na ipinadala ni Vijay, paulit-ulit kong binabasa ang huling text niya: “My driver is on his way. Be ready, Shalavi. Your new life begins today.”

Eksaktong alas-nuwebe ng umaga nang huminto ang isang itim na SUV sa tapat ng apartment ko. Isang lalaking naka-uniporme ang bumaba at kinuha ang gamit ko. Pagdating sa isang eksklusibong subdivision, halos malaglag ang panga ko sa laki ng mansyong tinigilan namin. Moderno ang disenyo nito, puro salamin, at tila nakadungaw sa buong siyudad.

“Dito po tayo, Ma’am,” giya ng katulong sa akin patungo sa isang malawak na library.

Doon, nakita ko si Vijay. Naka-salamin siya at seryosong may binabasa. Nang mapansin niya ako, dahan-dahan niyang ibinaba ang hawak na papel at tumayo. Ang awra niya ay tila isang leon na nakakita ng biktima—kalmado pero mapanganib.

“You’re here,” bati niya. Inilapag niya ang isang folder sa mesa. “The contract. Read it carefully before you sign.”

Nanginginig ang kamay kong binuksan ang folder. Nakasaad doon ang mga kondisyon: titira ako sa bahay niya, susunod sa lahat ng utos niya, at higit sa lahat... hindi ako pwedeng lumabas nang walang paalam sa kanya.

“Wala ba itong hangganan?” tanong ko, halos pabulong.

Lumapit siya sa akin, sapat na para maamoy ko ang kanyang mamahaling pabango. “Hangga’t hindi ko pa nararamdaman na sulit na ang ibinayad ko, akin ka, Shalavi. Sign it.”

Pikit-mata kong nilagdaan ang papel. Wala na itong balikan.

 

Maverick Vijay’s POV

The ink is dry. She’s officially mine.

Pinanood ko si Shalavi habang binabasa ang bawat letra ng kontrata. Nakikita ko ang takot sa kanyang mga mata, pero naroon din ang determinasyon. Iyan ang nagustuhan ko sa kanya—mukha siyang inosente, pero may apoy sa loob.

Nang pirmahan niya ang huling pahina, nakaramdam ako ng kakaibang tagumpay. Mas masarap pa ito sa pakiramdam kaysa sa pagsasara ng isang billion-peso deal. Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang kanyang baba para patingalain siya sa akin.

“Welcome home, Shalavi,” sabi ko sa mababang boses.

Ramdam ko ang panginginig niya, pero hindi siya umiwas ng tingin. Matapang. Gusto ko ang mga hamon. Gusto ko ang unti-unting pagpapasuko sa mga taong akala nila ay hindi ko makukuha.

“Ipapahatid kita sa kwarto mo. Magpahinga ka na, dahil simula mamayang gabi, mag-uumpisa na ang trabaho mo,” dagdag ko.

“Anong... anong trabaho?” kabadong tanong niya.

Ngumiti lang ako—isang ngiting alam kong mas lalong magpapakaba sa kanya. “Simple lang. You will be my constant companion. Wherever I go, whatever I do... you will be there. Especially in the dark.”

Nang makaalis siya kasama ang katulong, naupo ako sa aking swivel chair at niluwagan ang aking kurbata. Sa wakas, ang matagal ko nang pinagplanuhan ay nagsisimula na. Hindi lang lupa ng mga magulang niya ang nailigtas ko; kinuha ko rin ang pinaka-importanteng pag-aari nila.

At hindi ko siya hahayaang makawala pa.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • THE BILLIONAIRE’S TOY   INIT

    Ang Init sa Gitna ng Pagpipigil Ang gabi sa mansyon ng mga Thalapathy ay tila mas mahaba kaysa sa dati. Pagkatapos ng kanilang pag-uusap sa garden, hindi na mawala sa isip ni Shalavi ang malambot na titig ni Vijay. Isang linggo na ang nakalipas simula nang pumasok siya sa kontrata, pero sa bawat araw na lumilipas, tila unti-unting nagbabago ang anyo ng kanyang "amo." Mula sa isang aroganteng bilyonaryo na nakilala niya sa club, si Vijay ay nagiging isang lalaking puno ng misteryo at hindi inaasahang kabaitan. Kasalukuyang nasa loob ng kanyang silid si Shalavi. Katatapos lang niyang maligo at suot niya ang isa sa mga sutlang pantulog na ipinabili ni Vijay—isang manipis na champagne-colored nightgown na hapit sa kanyang katawan. Habang sinusuklay ang kanyang basang buhok, narinig niya ang marahang pagpihit ng connecting door. Pumasok si Vijay. Hindi ito tulad ng unang gabi na puno ng pananakot. Ngayon, ang kanyang mga mata ay pagod, at ang kanyang polo ay lukot na—tanda ng mahaban

  • THE BILLIONAIRE’S TOY   UNANG DATE

    Ang Init sa Gitna ng Lamig Dahil sa pagnanais na mas makilala ang isa’t isa bago tuluyang magsimula ang anim na buwang kontrata, napagkasunduan nina Vijay at Shalavi na mag-date muna. Lingid sa kaalaman ni Vijay, ang ideyang ito ay nakuha lang ni Shalavi sa mga love stories na kanyang pinapanood at binabasa. Sa Baguio nila napiling pumunta dahil ayaw ni Shalavi sa matataong lugar. Ramdam niya ang bigat ng pangalang dala ni Vijay sa lipunan, kaya mas pinili niya ang katahimikan ng North. Naging maganda ang kanilang unang paghaharap sa labas ng club; tila unti-unti nilang natutuklasan na sa kabila ng magkaiba nilang mundo, may mga bagay silang pagkakapareho. Matapos ang isang masarap na hapunan, napagpasyahan nilang maglakad-lakad. Habang binabaybay ang tahimik na kalsada, hindi napigilan ni Vijay na abutin ang kamay ni Shalavi. Ramdam niya ang panginginig nito dahil sa manipis na kasuotang hindi sapat para labanan ang sikat na lamig ng Baguio. Noong una ay tila nahiya pa si Sh

  • THE BILLIONAIRE’S TOY   ACCEPTANCE

    Ang Desisyon at ang Kasunduan Shalavi’s POV Namamangha pa rin ako sa lalaking nakausap ko sa club kagabi. Hindi ko akalain na may ganoon talagang tao sa totoong buhay. Akala ko sa mga kuwentong nababasa ko lang o napapanood sa YouTube nangyayari ang ganoon. Pagbabasa at pakikinig ng mga love stories ang tanging libangan ko, kaya naman sa edad kong ito, hindi halata na simula pagkabata ay hindi pa ako nakakaranas magkaroon ng karelasyon. Subalit, nagdadalawang-isip ako kung tatanggapin ko ang kanyang alok. Parang may mali. Bakit ako pa? Marami namang ibang babae sa loob ng club na mas nakakaakit. Habang malalim ang iniisip sa loob ng aking silid, biglang tumunog ang phone ko. Sabado ngayon kaya wala akong pasok. Nang makita ko kung sino ang tumatawag, agad ko itong sinagot. “Nanay, kamusta po kayo?” agad kong tanong. “Anak... pasensya na kung naistorbo ko ang pahinga mo,” wika ni Aling Elma sa kabilang linya. “Ayos lang po, ‘Nay. Kakagising ko lang din po,” tugon ko. “Gan

  • THE BILLIONAIRE’S TOY   ENCOUNTER

    THE BILLIONAIRE'S TOY Hindi ko alam kung bakit ako narito sa isang club sa BGC, Metro Manila. Pagmamay-ari ito ng kaibigan kong si Rama—isang kilalang playboy na walang ibang ginagawa sa buhay kundi mambabae. Ilang oras na ako sa aming mesa, dahan-dahang humihigop ng paborito kong luxury whiskey na malapit ko nang maubos. Anyway, money is not my problem. Ako si Maverick Vijay Thalapathy, ang bilyonaryong binata na kilala sa loob at labas ng bansa. Iyan ang dahilan kung bakit lahat ay nahuhumaling sa akin. Masyado akong pinalaki ng aking mga magulang na may kakaibang pagkatao. Isa akong Thalapathy na kinatatakutan sa larangan ng negosyo, kaya siguro nahihirapan ang iba na makibagay sa akin. “Hey, Vijay! Narito ka para mag-enjoy, hindi para mag-isip tungkol sa mga negosyo mo,” puna ni Rama sa akin. Masyado siyang workaholic, anang isipan ni Rama. Sa edad niyang ito, walang babaeng tumatagal sa kanya dahil sa ugali niya. “Don’t mind me, Rama. Mag-enjoy lang kayo ni Piper, parang hi

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status