登入
THE BILLIONAIRE'S TOY
Hindi ko alam kung bakit ako narito sa isang club sa BGC, Metro Manila. Pagmamay-ari ito ng kaibigan kong si Rama—isang kilalang playboy na walang ibang ginagawa sa buhay kundi mambabae. Ilang oras na ako sa aming mesa, dahan-dahang humihigop ng paborito kong luxury whiskey na malapit ko nang maubos. Anyway, money is not my problem. Ako si Maverick Vijay Thalapathy, ang bilyonaryong binata na kilala sa loob at labas ng bansa. Iyan ang dahilan kung bakit lahat ay nahuhumaling sa akin. Masyado akong pinalaki ng aking mga magulang na may kakaibang pagkatao. Isa akong Thalapathy na kinatatakutan sa larangan ng negosyo, kaya siguro nahihirapan ang iba na makibagay sa akin. “Hey, Vijay! Narito ka para mag-enjoy, hindi para mag-isip tungkol sa mga negosyo mo,” puna ni Rama sa akin. Masyado siyang workaholic, anang isipan ni Rama. Sa edad niyang ito, walang babaeng tumatagal sa kanya dahil sa ugali niya. “Don’t mind me, Rama. Mag-enjoy lang kayo ni Piper, parang hindi naman kayo nasanay sa akin,” tugon ko sa kanya. “That’s exactly what I mean! Ganyan ka na talaga kahit noon pa man. Ano bang bago, ‘di ba?” mayabang niyang sagot. “Iyon naman pala, eh. Sige na, mag-enjoy na kayo roon! Hayaan niyo muna akong lasapin itong paborito kong alak.” “Oh, men... Bahala ka nga riyan!” pagsuko ni Rama bago ako tuluyang iniwan. Iyon naman ang gusto ko—ang mapag-isa. Magkaibigan kami pero magkaiba kami ng personalidad, at nirerespeto namin iyon. Inilibot ko ang aking paningin sa loob ng club. Hindi kalayuan, may natanaw akong isang babae na kakaiba ang dating. Ibang-iba siya sa mga tipikal na babaeng narito sa loob. “Hmm, ang ganda niya kahit sa malayo,” bulong ko sa sarili. Isang ideya ang biglang pumasok sa isip ko. Bakit hindi ko subukan? Napangiti ako. Shalavi’s POV Narito ako sa isang club dahil isinama ako ng kaibigan kong si Merry. Kalalabas ko lang mula sa trabaho ko bilang isang saleslady. Hindi ako makatanggi dahil siya lang ang takbuhan ko rito sa Maynila. Lumuwas ako mula sa probinsya para makatulong sa pamilya. Sinikap kong maging matatag, subalit kahit anong pilit kong mag-enjoy ngayon, hindi ko magawa. Tumawag si Nanay kahapon; ang lupa naming nakasangla ay kailangan nang matubos sa madaling panahon dahil nagkasakit si Tatay. Kung hindi namin ito matutubos ngayong taon mula sa kamag-anak naming nasa Amerika, re-rematahan na nila ito. Paano na si Tatay? Alam kong may sentimental value ang lupang iyon sa kanya dahil iyon lang ang naiwan ng kanyang mga magulang. Saan ako kukuha ng ganoon kalaking pera? Umabot na sa 1.8 milyon ang pagkakautang at hindi sapat ang sahod ko. Kahit mangutang ako sa SSS, kulang pa rin. Pagod na pagod na ako, pero hindi ako pwedeng sumuko. Sa edad kong bente-kwatro, wala pa akong nagiging karelasyon dahil sa hirap ng buhay. The Encounter Nagulat ako nang may lumapit sa aking lalaki. Halata sa tindig niya ang pagiging arogante at mayaman. “Yes? Kasi tayo lang namang dalawa rito,” kabadong panimula ko. “Pardon?” wika niya, tila nagtataka sa sagot ko. “Actually, kanina pa kita pinagmamasdan. Mukhang wala ka sa mood para mag-enjoy. Pasensya na,” saad niya na may halong awtoridad. “Wala lang ito, sanay lang ako sa ganito kapag isinasama ako ng kaibigan ko,” mahina kong tugon. “Hmm... I’m not a mind reader, pero nababasa ko sa iyong mga mata na may problema ka. Baka makatulong ako? Anyway, I’m Maverick Vijay Thalapathy,” wika niya sabay lahad ng kanyang kamay. “Shalavi Malasaga. Nice to meet you, Vi,” sagot ko habang tinatanggap ang kamay niya. Bakit ang lambot ng kanyang palad at ang init? Kay sarap hawakan, anang isip ko. “Nice name,” wika ni Vijay sabay lunok ng laway. Ganda ng kanyang mga mata kahit malalim siyang tumingin. Dahil sa suot niyang mamahaling corporate attire, alam kong tinitingala siya sa lipunan. “I know may dinadala kang mabigat na problema. I have a proposal for you,” diretsang sabi niya. “If you don’t mind, 5 million ang offer ko. Pwede mong makuha agad kung papayag ka sa gusto ko.” Napamangha ako. Hindi ko akalain na may pakay siya sa akin. “What do you mean?” “Five million. Kung hindi pa sapat, tell me!” wika niya habang nakatitig sa aking mukha. “Anong kapalit?” mabilis kong tanong. “Be my toy. Ako lang ang nakakaalam kung ano ang plano ko sa iyo. Anim na buwan ang kontrata natin; bukas ko ibibigay ang mga papeles.” Halos hindi ako makahinga. Kapag pumayag ako, matutubos namin ang lupa, maipapaayos ang bahay, at makakaipon pa ako para sa pangarap kong mag-Amerika. “Pwedeng... bigyan mo muna ako ng ilang araw para makapag-isip?” tanong ko nang may pag-aalinlangan. “Okay. But give me your contact number para malaman ko ang sagot mo.” Kinuha ko ang phone ko at ibinigay ang numero ko. Dinial niya ito agad. “That’s my number. Save it para alam mo kung ako ang tumatawag. Got it?” “Ang bossy naman,” bulong ko. Sinave ko ang number niya sa pangalang “My Bossy Vijay.” “Papasok na ako sa loob. Hindi ka ba sasabay?” tanong ko sa kanya. “Mauna ka na, baka may makakita sa atin. Alam kong kilala ka sa lipunan, ayaw kong maging sentro ng usap-usapan,” paliwanag ko. “Subalit kailangan mong masanay, Shalavi... kung papayag ka sa alok ko,” tugon niya. “Ayaw ko ng spotlight, Vijay. Sana maunawaan mo.” Vijay’s POV Shit. Bakit kay sarap pakinggan ang pagtawag niya sa pangalan ko? Napapikit ako at nilunok ang sariling laway. “Okay.” Lumapit ako sa kanya at bigla ko siyang niyakap para mag-beso. Ramdam ko ang init ng kanyang katawan. “Vijay...” mahina niyang tawag sa akin. Nagulat siya pero niyakap niya rin ako pabalik. “Mauna na ako,” wika ko nang may ngisi. Pagbalik ko sa aming mesa, sinalubong ako ng mapanuring tingin ng aking mga kaibigan. “Where have you been?” tanong ni Piper. “I think may nakita siyang chick,” kantiyaw naman ni Ervick. “Kailan pa kayo naging imbestigador? Mind your own business, dudes,” matigas kong tugon. Tumawag ako ng waiter at nag-order ng paborito kong Klage. Habang sinisimsim ko ang alak, nakatingin ako sa table ni Shalavi. Naroon siya, umiinom lang ng pineapple juice. Hindi ko ipinahalata sa mga kasama ko na siya ang tinitingnan ko. Kaya pala hindi ako makatanggi kanina sa aya nila, dahil dito ko pala makikita ang magiging “laruan” ko. Excited na akong makuha siya. Alam kong papayag siya; malaki ang offer ko at halatang kailangan niya ito. Nang mag-yaya nang umuwi si Rama dahil darating ang Daddy niya bukas, agad ko siyang pinadalhan ng mensahe. Nang nasa bahay na ako, habang nakahiga, hinanap ko ang pangalan niya sa social media at agad ko naman itong nahanap. Nakita ko ang mga selfie niya—may mga litratong naka-nguso siya na tila nang-aakit ng halik. I feel weird. Bakit masyado akong nag-iinteres sa kanya? Sana ay tanggapin niya ang alok ko. In six months, hindi na siya lugi; pwede pa siyang mag-demand kung nais niya. Ako ang magiging una sa lahat, kaya masarap siyang maging laruan. Mas maganda kung ang magiging titulo niya ay... ‘THE BILLIONAIRE’S TOY.’ Ngumisi ako habang dahan-dahang ipinipikit ang aking mga mata.RUMER’S POVMatagal nang ipinapahanap ni Lolo ang kanyang nawawalang apo. Kaya may inutusan akong tao para hanapin siya, ngunit hanggang ngayon ay wala pa ring natatagpuan. Ganoon din ang kambal kong si Rama—kahit laging abala sa kanyang pamumuhay, parati lang sa mga bar. Ngunit sa kabila noon, alam kong may mga tao rin siyang ipinapahanap upang hanapin ang aming pinsan, saan man ito naroroon.Ngayong araw ay sobrang abala ako dahil may mga bagong produkto akong ilalabas sa merkado. Sa kalagitnaan ng aming pagpupulong, biglang tumawag ang kambal ko. Agad ko itong sinagot at sinabing, “Ano ang kailangan mo? Busy ako.” Ngunit narinig ko ang kanyang sinabi:“Nakita ko na siya.”Agad akong tumayo. “Pupunta ako. Huwag mo siyang iiwan. Bibigyan kita ng tatlumpung minuto.”Wala na akong pakialam sa kasalukuyang pagpupulong at agad akong lumabas.“Sir!” sigaw ng aking sekretarya.“Ikansela muna,” mariin kong utos kay Gng. Maligaya.Mas mahalaga ang pupuntahan ko. Matagal na naming hinihintay
SHALAVI POV Agad kong sinamantala ang pagkakataong makaalis habang wala pa siya. Bago pa man siya makabalik mula sa kung saan man siya nanggaling, tumakas na ako. Ayaw ko na. Hindi ko na kaya pang manatili sa piling niya. Akala ko… akala ko ay pareho kami ng nararamdaman. Akala ko ang bawat tingin, bawat haplos, at bawat salitang binibitawan niya ay galing sa kanyang puso. Pero mali pala ako. Umasa ako sa wala. Umasa ako na espesyal ako sa kanya, na iba ang tingin niya sa akin kumpara sa iba. Ngunit lahat pala ng iyon ay pagkukunwari lamang. Isa siyang huwad. Isang taong magaling lamang magpanggap na nagmamahal, habang ang totoo ay wala naman akong halaga sa kanya. Wala akong dala kahit ano—walang pera, walang gamit, walang ibang damit. Wala akong pakialam. Bahala na kung saan ako makarating, basta’t malayo sa kanya. Basta’t malayo sa taong ginawa akong masaya at wasak nang sabay. Mabilis ang aking mga hakbang hanggang sa marating ko ang mataas na pader sa likuran ng malawak na ba
SHALAVI’S POV Nakahiga ako sa kama, nakatingin sa kisame habang ang bawat bahagi ng aking katawan ay nananakit. Ang mga salita niya—ang pagbanggit sa "bagong alahas" bilang bayad—ay parang matutulis na karayom na tumutusok sa aking puso. Alahas lang ba talaga ako? Isang bagay na mabibili at mapapalitan kapag pagod na ang may-ari? Hindi ako umiyak. Wala na akong luha. Matagal ko nang naubos ang mga ito simula pa noong una niyang ginusto ako. Ngunit ang sakit ay nananatili—hindi sa balat, kundi sa loob-looban. Narinig ko ang tunog ng pagbukas at pagsara ng pinto. Lumabas siya ng kwarto, at hindi na siya bumalik. Ang tahimik na paligid ay nagpapaalala sa akin na muli akong naiwan. Naiwan kasama ang aking mga sugat, ang aking mga alaala, at ang isang pag-asa na alam kong hindi kailanman matutupad. Kinabukasan, nagising ako sa tunog ng mga tao na nagdadala ng mga kahon sa loob ng bahay. Nang lumabas ako, nakita ko ang isang malaking pakete na nakatayo sa gitna ng sala. Si Manang Ising
SHALAVI’S POV Isang linggo na ang lumipas. Ang mga pasa sa aking hita at braso ay unti-unti nang naglalaho, nagiging kulay dilaw at lunti bago tuluyang mabura sa aking balat. Pero ang paninikip ng aking dibdib ay tila lalong lumalala. Bawat sulok ng mansyong ito ay nagpapaalala sa akin ng presensya ni Maverick—ang kanyang pabango na humahalo sa amoy ng mamahaling alak, ang kanyang malamig na titig, at ang kanyang mga kamay na marunong magparamdam ng langit pero mas pinipiling manakit. “Miss Shalavi, nakahanda na po ang hapunan niyo,” bungad ni Manang Ising, ang head ng mga kasambahay. Ngumiti ako nang pilit. “Salamat po, Manang. Hindi pa po ba uuwi si... si Maverick?” Umiwas ng tingin si Manang Ising, bakas ang awa sa kanyang mga mata. “Wala pa siyang tawag, iha. Alam mo naman ang mga bilyonaryo, abala sa negosyo... o kung saan pa man.” Alam ko kung ano ang ibig niyang sabihin sa “kung saan pa man.” Hindi ako tanga. Alam kong hindi trabaho ang inaatupag ni Maverick sa laba
SHALAVI’S POVPagmulat ng aking mga mata, sinalubong ako ng hapdi at sakit na tila kumakalat sa bawat himmay ng aking katawan. Parang dinurog ang bawat buto ko, at hindi lang iyon—kahit ang aking panga ay manhid at masakit pa rin. Alam ko kung bakit. Masyado niya akong inabuso kagabi. Sa tindi ng kanyang ginawa, para bang wala siyang nakikitang tao sa kanyang harapan, kundi isang bagay na kanyang paglaruan hanggang sa mapagod siya.Wala akong karapatang magreklamo. Dahil sa simula pa lang, malinaw na sa akin ang katotohanan: Ako ay walang iba kundi laruan ng isang bilyonaryo.Sa bawat haplos, halik, at masakit na pagbayo, akala ko ay may pag-asa tayong dalawa. Akala ko, sa likod ng kanyang pagiging malupit, may bahagi siya na natututong magmalasakit o magkaroon man lang ng kahit kaunting damdamin para sa akin. Pero isa lang pala ang lahat ng iyon—isang malaking pagpapanggap. Ang lambing na ipinakita niya ay bahagi lang ng laro, at ako ang tanga na naniwala na may puwang ako sa buhay n
Inipit ko nang mariin ang kanyang utong na kulay rosas na tila hinog na presas. Kahit matagal na kaming magkasama sa ganitong gawain ay hindi pa rin lumalambot ang aking pagkalalaki. Paano naman ito hihina kung sa harapan ko ay ang pinakamasarap na nilalang na tila hindi nauubusan ng katas para lunukin ako? Alam kong sa sandaling ito pa lamang niya nararanasan ang ganitong uri ng kasiyahan at kapusukan. Alam ko... dahil siya ay birhen noong makuha ko siya at siya ay akin lamang."Vi... Ano ang ginagawa mo? Ano ang nilagay mo sa dibdib ko?" pilit na tanong niya sa gitna ng hinihingal na pag-uusap. Gayunman, sa kabila ng kanyang pagtataka ay wala siyang nararamdamang kirot o sakit, kundi matinding init at pagnanasa na tila kumakalat sa buong sistema niya kahit na madilim ang aming kinaroroonan.Tumingin ako sa kanya nang nakangisi. "Wala lang 'yan. Huwag mo nang alamin pa. Masakit ba?" tanong ko nang walang bahid ng pag-aalala sa aking tinig.Umiling siya nang dahan-dahan habang nakapik







