ログインAng Init sa Gitna ng Lamig
Dahil sa pagnanais na mas makilala ang isa’t isa bago tuluyang magsimula ang anim na buwang kontrata, napagkasunduan nina Vijay at Shalavi na mag-date muna. Lingid sa kaalaman ni Vijay, ang ideyang ito ay nakuha lang ni Shalavi sa mga love stories na kanyang pinapanood at binabasa. Sa Baguio nila napiling pumunta dahil ayaw ni Shalavi sa matataong lugar. Ramdam niya ang bigat ng pangalang dala ni Vijay sa lipunan, kaya mas pinili niya ang katahimikan ng North. Naging maganda ang kanilang unang paghaharap sa labas ng club; tila unti-unti nilang natutuklasan na sa kabila ng magkaiba nilang mundo, may mga bagay silang pagkakapareho. Matapos ang isang masarap na hapunan, napagpasyahan nilang maglakad-lakad. Habang binabaybay ang tahimik na kalsada, hindi napigilan ni Vijay na abutin ang kamay ni Shalavi. Ramdam niya ang panginginig nito dahil sa manipis na kasuotang hindi sapat para labanan ang sikat na lamig ng Baguio. Noong una ay tila nahiya pa si Shalavi, subalit nang gumapang ang init mula sa palad ni Vijay patungo sa kanyang balat, hindi na siya pumalag. Doon niya napagtanto na totoo nga ang mga nababasa niya sa social media—iba ang lamig sa Baguio, at mas masarap kapag may humahawak sa iyong kamay. “Bakit ang lambot ng palad niya?” tanong ni Vijay sa kanyang isipan habang dahan-dahang pinipisil ang kamay ng dalaga. Alam niyang batak sa trabaho si Shalavi, ngunit ang kinis at lambot nito ay tila hindi nababagay sa hirap na dinanas nito. Naupo sila sa isang bench na tila sadyang inilaan para sa mga naglalakad na magkapares. Nanatiling magkahawak ang kanilang mga kamay, tila doon sila kumukuha ng lakas para labanan ang mahanging panahon. Sa hindi kalayuan, napansin nila ang isang magkasintahang biglang naglapat ang mga labi. Nagkatinginan ang dalawa. Isang matamis na ngiti ang ibinigay ni Shalavi kay Vijay, ngunit tila bato ang ekspresyon ng bilyonaryo. Dahil likas na clingy, napanguso na lamang si Shalavi sa kawalan ng tugon ng lalaki. Hindi niya alam, lihim na napapangiti si Vijay sa loob. Namamangha siya sa pagiging inosente at diretsang pag-uugali ni Shalavi—isang bagay na nagpapataas ng sensasyon sa kanyang katawan, ngunit pinili niyang manatiling seryoso sa labas. Nang mapansin nilang unti-unti nang naglalaho ang buwan at lumalalim na ang gabi, nagpasya silang bumalik na sa Maynila. Sa gitna ng biyahe, hindi na nakayanan ni Shalavi ang antok at tuluyan nang naidlip. Habang nagmamaneho, paminsan-minsang sumusulyap si Vijay sa katabi. Hanggang sa mapako ang kanyang tingin sa tiyan ni Shalavi; bahagyang tumaas ang blouse nito at lumitaw ang maputi at makinis na balat na tila kumikinang sa dilim. Napalunok si Vijay. “Hindi pa ngayon,” paalala niya sa sarili, sabay balik ng tingin sa kalsada. Ngunit tila nanunubok ang tadhana. Gumalaw si Shalavi at mas lalong tumaas ang suot nito, halos maaninag na ni Vijay ang kurba ng kanyang dibdib na natatakpan lamang ng manipis na pangloob. Hindi na napigilan ni Vijay ang kanyang sarili; dahan-dahan niyang hinaplos ang balat ng dalaga. Halos mapapikit siya sa sarap ng init na dumampi sa kanyang palad. Hinayaan niya lang na nakadampi ang kanyang kamay doon habang ang isa ay nasa manibela. “Hmm...” ungol ni Shalavi. Sa kanyang pagtulog, hinawakan niya ang kamay ni Vijay at inilagay ito sa kanyang pisngi, akala niya ay unan ito. Kinabahan si Vijay pero napangiti na rin habang pinagmamasdan ang tinawag niyang "manok" na mahimbing na natutulog. Para siyang tanga na nakangiti mag-isa. Ang hindi niya alam, simula pa sa Baguio ay may mga matang matyag na nakasunod sa kanila hanggang sa kanilang pag-uwi. Nang makarating sa tapat ng apartment ni Shalavi, hindi niya ito ginising. Inayos niya na lang ang pagkakahiga nito para hindi sumakit ang leeg. Humiga rin si Vijay sa kanyang upuan, hinayaang hawak pa rin ni Shalavi ang kanyang kamay kahit nangangalay na ang kanyang braso. Makalipas ang isang oras, naalimpungatan si Shalavi. Nagulat siya nang marealize na palad ni Vijay ang yakap niya. Sa kanyang pag-aayos ng upo, hindi niya sinasadyang mapalapit nang husto kay Vijay. Sa isang iglap, naglapat ang kanilang mga labi. Nanlaki ang mga mata ni Shalavi. Akala niya ay tulog si Vijay, ngunit naramdaman niyang gumalaw ang mga labi nito. Nanatiling nakapikit si Vijay, kaya inakala ni Shalavi na nanaginip lang ito. Sa bango ng hininga ni Vijay, tila natutunaw ang pagpipigil ni Shalavi. Ito ang kanyang unang halik, at hindi niya akalaing magiging ganito ito kasarap. Ang hindi niya alam, gising na gising si Vijay at nagtutulog-tulugan lang para hindi matakot ang dalaga. Sa loob ni Vijay, halos magsisigaw siya sa saya. First base na agad! At mas masarap dahil alam niyang siya rin ang "una" ni Shalavi. Nang makapasok na si Shalavi sa kanyang apartment, naiwan si Vijay na nakatingin sa kawalan hanggang sa magising siya mula sa malalim na pag-iisip dahil sa isang tawag. Samantala, sa isang dambuhalang mansyon... Halos maputol ang litid ni Don Bosco sa galit habang sinisigawan ang kanyang mga apo. Isang taon na lang ang ibinigay niyang palugit para mahanap ang kanyang nawawalang tagapagmana. “Wala pa rin kayong balita?! Isang taon na lang ang binibigay ko sa inyo!” sigaw ng matanda bago pabalas na umakyat sa kanyang silid. “Tandaan niyo, walang kwento ang mansyong ito kung wala sila!” Napailing na lang si Rama at ang kanyang kambal. Alam ni Rumer na may sarili na siyang tauhan na naghahanap, ngunit mahirap talagang hanapin ang taong ayaw magpahanap. Sa loob ng kanyang kwarto, malungkot na hinaplos ni Don Bosco ang natitirang larawan ni Amelia. Naalala niya kung paano lumayas ang kanyang anak kasama ang lalaking minahal nito dahil sa higpit ng pamilya. Umalis si Amelia na nagdadalang-tao, at hanggang ngayon, wala pa ring balita. “Nasaan ka na, apo?” bulong ni Don Bosco sa hangin, habang nangingilid ang luha. Ngayon niya napatunayan na walang silbi ang yaman at kapangyarihan kung ang puso naman ay nangungulila. Namatay ang kanyang anak at ang asawa nito sa pangungulila, at ang tanging pangakong hindi niya pa natutupad ay ang mahanap ang bunga ng pag-ibig ni Amelia. Shalavi’s POV Pagkapasok ko sa aking silid, tila lumilipad pa rin ang aking isipan. Hinawakan ko ang aking mga labi habang nakaupo sa gilid ng kama. Iyon ang aking unang halik. At kahit akala ko ay tulog siya noon, naramdaman ko ang paggalaw ng kanyang mga labi na tila sinasabing tinatanggap niya rin ako. Ang lamig ng Baguio ay naiwan na sa Baguio, dahil sa tuwing naaalala ko ang pangyayari, tila nagliliyab ang aking buong katawan sa init. "Shalavi, anong ginagawa mo?" tanong ko sa sarili habang tinatapik ang aking pisngi na namumula sa hiya at tuwa. Hindi ko akalain na magiging ganito kabilis ang lahat. Mula sa pagiging simpleng dalagang nagbabasa lamang ng kwentong pag-ibig, bigla akong napasabak sa sarili kong kwento na tila hango sa mga librong gusto ko. Nagbihis ako at humiga, ngunit hindi ako makatulog. Ang imahe ni Vijay—ang kanyang mga mata, ang kanyang hawak, ang kanyang halik—ay paulit-ulit na gumuguhit sa aking isipan. Ngunit sa gitna ng aking kaligayahan, may kakaibang pakiramdam na bumubulong sa akin. Parang may nakatago siyang sikreto. At parang hindi lang ito tungkol sa kanyang pagiging bilyonaryo.RUMER’S POVMatagal nang ipinapahanap ni Lolo ang kanyang nawawalang apo. Kaya may inutusan akong tao para hanapin siya, ngunit hanggang ngayon ay wala pa ring natatagpuan. Ganoon din ang kambal kong si Rama—kahit laging abala sa kanyang pamumuhay, parati lang sa mga bar. Ngunit sa kabila noon, alam kong may mga tao rin siyang ipinapahanap upang hanapin ang aming pinsan, saan man ito naroroon.Ngayong araw ay sobrang abala ako dahil may mga bagong produkto akong ilalabas sa merkado. Sa kalagitnaan ng aming pagpupulong, biglang tumawag ang kambal ko. Agad ko itong sinagot at sinabing, “Ano ang kailangan mo? Busy ako.” Ngunit narinig ko ang kanyang sinabi:“Nakita ko na siya.”Agad akong tumayo. “Pupunta ako. Huwag mo siyang iiwan. Bibigyan kita ng tatlumpung minuto.”Wala na akong pakialam sa kasalukuyang pagpupulong at agad akong lumabas.“Sir!” sigaw ng aking sekretarya.“Ikansela muna,” mariin kong utos kay Gng. Maligaya.Mas mahalaga ang pupuntahan ko. Matagal na naming hinihintay
SHALAVI POV Agad kong sinamantala ang pagkakataong makaalis habang wala pa siya. Bago pa man siya makabalik mula sa kung saan man siya nanggaling, tumakas na ako. Ayaw ko na. Hindi ko na kaya pang manatili sa piling niya. Akala ko… akala ko ay pareho kami ng nararamdaman. Akala ko ang bawat tingin, bawat haplos, at bawat salitang binibitawan niya ay galing sa kanyang puso. Pero mali pala ako. Umasa ako sa wala. Umasa ako na espesyal ako sa kanya, na iba ang tingin niya sa akin kumpara sa iba. Ngunit lahat pala ng iyon ay pagkukunwari lamang. Isa siyang huwad. Isang taong magaling lamang magpanggap na nagmamahal, habang ang totoo ay wala naman akong halaga sa kanya. Wala akong dala kahit ano—walang pera, walang gamit, walang ibang damit. Wala akong pakialam. Bahala na kung saan ako makarating, basta’t malayo sa kanya. Basta’t malayo sa taong ginawa akong masaya at wasak nang sabay. Mabilis ang aking mga hakbang hanggang sa marating ko ang mataas na pader sa likuran ng malawak na ba
SHALAVI’S POV Nakahiga ako sa kama, nakatingin sa kisame habang ang bawat bahagi ng aking katawan ay nananakit. Ang mga salita niya—ang pagbanggit sa "bagong alahas" bilang bayad—ay parang matutulis na karayom na tumutusok sa aking puso. Alahas lang ba talaga ako? Isang bagay na mabibili at mapapalitan kapag pagod na ang may-ari? Hindi ako umiyak. Wala na akong luha. Matagal ko nang naubos ang mga ito simula pa noong una niyang ginusto ako. Ngunit ang sakit ay nananatili—hindi sa balat, kundi sa loob-looban. Narinig ko ang tunog ng pagbukas at pagsara ng pinto. Lumabas siya ng kwarto, at hindi na siya bumalik. Ang tahimik na paligid ay nagpapaalala sa akin na muli akong naiwan. Naiwan kasama ang aking mga sugat, ang aking mga alaala, at ang isang pag-asa na alam kong hindi kailanman matutupad. Kinabukasan, nagising ako sa tunog ng mga tao na nagdadala ng mga kahon sa loob ng bahay. Nang lumabas ako, nakita ko ang isang malaking pakete na nakatayo sa gitna ng sala. Si Manang Ising
SHALAVI’S POV Isang linggo na ang lumipas. Ang mga pasa sa aking hita at braso ay unti-unti nang naglalaho, nagiging kulay dilaw at lunti bago tuluyang mabura sa aking balat. Pero ang paninikip ng aking dibdib ay tila lalong lumalala. Bawat sulok ng mansyong ito ay nagpapaalala sa akin ng presensya ni Maverick—ang kanyang pabango na humahalo sa amoy ng mamahaling alak, ang kanyang malamig na titig, at ang kanyang mga kamay na marunong magparamdam ng langit pero mas pinipiling manakit. “Miss Shalavi, nakahanda na po ang hapunan niyo,” bungad ni Manang Ising, ang head ng mga kasambahay. Ngumiti ako nang pilit. “Salamat po, Manang. Hindi pa po ba uuwi si... si Maverick?” Umiwas ng tingin si Manang Ising, bakas ang awa sa kanyang mga mata. “Wala pa siyang tawag, iha. Alam mo naman ang mga bilyonaryo, abala sa negosyo... o kung saan pa man.” Alam ko kung ano ang ibig niyang sabihin sa “kung saan pa man.” Hindi ako tanga. Alam kong hindi trabaho ang inaatupag ni Maverick sa laba
SHALAVI’S POVPagmulat ng aking mga mata, sinalubong ako ng hapdi at sakit na tila kumakalat sa bawat himmay ng aking katawan. Parang dinurog ang bawat buto ko, at hindi lang iyon—kahit ang aking panga ay manhid at masakit pa rin. Alam ko kung bakit. Masyado niya akong inabuso kagabi. Sa tindi ng kanyang ginawa, para bang wala siyang nakikitang tao sa kanyang harapan, kundi isang bagay na kanyang paglaruan hanggang sa mapagod siya.Wala akong karapatang magreklamo. Dahil sa simula pa lang, malinaw na sa akin ang katotohanan: Ako ay walang iba kundi laruan ng isang bilyonaryo.Sa bawat haplos, halik, at masakit na pagbayo, akala ko ay may pag-asa tayong dalawa. Akala ko, sa likod ng kanyang pagiging malupit, may bahagi siya na natututong magmalasakit o magkaroon man lang ng kahit kaunting damdamin para sa akin. Pero isa lang pala ang lahat ng iyon—isang malaking pagpapanggap. Ang lambing na ipinakita niya ay bahagi lang ng laro, at ako ang tanga na naniwala na may puwang ako sa buhay n
Inipit ko nang mariin ang kanyang utong na kulay rosas na tila hinog na presas. Kahit matagal na kaming magkasama sa ganitong gawain ay hindi pa rin lumalambot ang aking pagkalalaki. Paano naman ito hihina kung sa harapan ko ay ang pinakamasarap na nilalang na tila hindi nauubusan ng katas para lunukin ako? Alam kong sa sandaling ito pa lamang niya nararanasan ang ganitong uri ng kasiyahan at kapusukan. Alam ko... dahil siya ay birhen noong makuha ko siya at siya ay akin lamang."Vi... Ano ang ginagawa mo? Ano ang nilagay mo sa dibdib ko?" pilit na tanong niya sa gitna ng hinihingal na pag-uusap. Gayunman, sa kabila ng kanyang pagtataka ay wala siyang nararamdamang kirot o sakit, kundi matinding init at pagnanasa na tila kumakalat sa buong sistema niya kahit na madilim ang aming kinaroroonan.Tumingin ako sa kanya nang nakangisi. "Wala lang 'yan. Huwag mo nang alamin pa. Masakit ba?" tanong ko nang walang bahid ng pag-aalala sa aking tinig.Umiling siya nang dahan-dahan habang nakapik







