Home / Romance / THE BILLIONAIRE'S TRUE WIFE / Kabanata 3: KINABUKASAN-PLANO

Share

Kabanata 3: KINABUKASAN-PLANO

Author: Batino
last update Last Updated: 2024-07-18 12:59:26

KINABUKASAN – PLANO

Maagang gumising si Lejandro. Pasado alas kuwatro pa lang ng madaling araw ay nakahanda na ang mga gamit nito patungong Singapore. Hindi na niya ginising si Elijah dahil alam niyang maiiyak lang si Elijah sa oras na makita niyang aalis ito. Hindi na rin niya ipinaalam sa kanyang asawa kung hanggang kailan siya mananatili roon at hindi alam kung ilang araw, linggo o buwan itong mawawala sa tabi ng kanyang asawa. Kaya minabuti na lang ni Lejandro na 'wag na silang magpaalaman pa sa isa’t isa.

Hinalikan ni Lejandro sa mga labi si Elijah bago ito tuluyang umalis sa kanilang silid.

Patungo sa kuwarto ng kanyang ina para ihabilin ang kanyang asawa.

Knock, knock, knock!

Ang pukaw na katok ni Lejandro sa pakikipag-usap ng kanyang mama sa telepono.

“Tatawagan kita ulit mamaya! Nasa labas ng kuwarto ko ang anak ko, baka marinig niya ang pinag-uusapan natin.”

“Okay, Mama,” ang sagot ng nasa kabilang linya.

“Oh, Lejandro. Narito ka pa? Akala ko ba ay umalis ka na?”

“Aalis pa lang ako, Mama. Gusto ko lang sanang ihabilin ang aking asawa sa inyo. Alam kong kayo lang ang aking maaasahan dito sa bahay at wala nang iba.”

“Of course, my son. Ako na ang bahala sa asawa mo. Huwag mo siyang alalahanin. Magiging okay lang siya rito kaya 'wag kang mag-alala, okay?”

“Maraming salamat sa inyo, Mama. Aalis na ako! Huwag n’yo na rin po akong ihatid dahil magkokotse na lang ako. Isasama ko na lang si Manong Ernes para siya ang magmaneho ng kotse ko pag nasa airport na ako.”

Pagkasabi n’un ay umalis na si Lejandro sa Hacienda Ferman. Iniwan nito ang kanyang asawa sa pangangalaga ng kanyang ina.

Walang kaalam-alam si Lejandro sa mga plano nito sa kanyang asawa na iiwan niya sa mga kamay ng kanyang ina.

Makalipas ang ilang oras, nagising si Elijah na wala na ang kanyang asawa.

Ni sulat sa kanyang desk ay wala na rin. Ang tanging naroon lang sa kanyang silid ay uniporme ng isang katulong.

Pagkabangon na pagkabangon ni Elijah sa kanyang kama, nasaktong bumukas naman ang kanyang silid at bumungad doon ang donya at ang mayordoma sa Hacienda Ferman.

Agad kinuha ng donya ang uniporme na nakapaibabaw sa kanyang desk at mabilisang inihagis ito kay Elijah.

“TANGHALI NA! Narito ka pa rin at nakahilata! Samantalang ang mga kasamahan mo rito sa bahay ay nagtatrabaho na! Hindi ka prinsesa sa bahay na ito! Kaya kung gusto mong manatili rito ay kailangan mong pagtrabahuhan ang bawat kakainin mo rito!” ang bulyaw na sabi ng Donya sa kanya.

“Mama... anong ginagawa n’yo sa akin?” ang nanginginig na tanong ni Elijah.

Isang malakas na sampal lang ang isinagot ng Donya sa kanya.

Sabay sabi:

“'Wag na 'wag mo akong matawag-tawag na Mama! Dahil hindi kita anak!” ang mariing saad ng donya.

“Pero a-asawa ako ng anak n’yo, Mama!”

Ang naiiyak nang sabi ni Elijah.

“Isuot mo na 'yan at sumama ka sa amin! Ituturo sa ‘yo ni Mayordoma Leonora ang mga kailangan mong gawin dito sa pamamahay na ito!”

Ang seryosong sabi ng Donya.

Ngunit hindi kumilos si Elijah sa sinabing iyon ng Donya.

“Hindi! Hindi ko isusuot ang damit na ito! Ako ang asawa ni Lejandro! Hindi ako magiging katulong sa pamamahay na ito!” ang galit na sabi ni Elijah.

Naningas ang mga salitang iyon sa tenga ng Donya dahilan para balikan siya ng Donya.

Phaaaaakk! Phaaakkk... phakkkkk! Phaakkk!

Magkabilaang sampal muli ang ipinatamo ng Donya kay Elijah.

Dahilan para mapaluha na ang kanyang mga mata sa labis na sakit ng kanyang natamong sampal.

“Araaaayyyy! Huhuhuhuhuhu... ano bang ginawa ko sa inyo at kailangang tratuhin n’yo ako ng ganito? Nasaan ang asawa ko?” ang humihikbi niyang sabi.

Agad namang hinawakan ng mahigpit ng Donya ang baba ni Elijah at sinabi ang katagang:

“Hahahahahah! Wala na ang anak ko! Dahil iniwan ka na niya! Hindi ka na niya mahal. Pagkatapos mong isuko ang pagkababae mo sa kanya, iniwan ka na lang niya nang walang pasabi. Whahahahaha! Kaya nga hindi kita anak at lalong hindi ka asawa ng anak ko. Dahil pabigay ka at walang kuwenta! Simula ngayon, magiging katulong ka na lang sa bahay na ito!” ang sigaw na sabi ng Donya.

“Hi-hindi... hindi 'yan totoo. Alam kong babalik siya sa piling ko pagkatapos ng problema sa Singapore,” ang palaban niyang sabi. At may dagdag pa siyang sabi:

“Hindi! Hindi ako makapapayag! Ako pa rin ang nagbigay ng malaking halaga sa Hacienda Ferman kaya hindi n’yo ako pwedeng tratuhin ng ganito!”

“Boba ka ba?! Alam mo na ang sagot diyan! Kaya ka pinakasalan ng anak ko ay dahil sa perang iyon. At ngayong nakapangalan na sa anak ko ang perang iyon simula nung nagpakasal kayo, kaya wala na siyang problema pa! Tsaka isa pa—hindi mo ba alam kaya siya pumunta ng Singapore ay dahil sa isang babae. Magpapakasal siya doon at kakalimutan ka na niya!” ang bulyaw ng Donya. Sabay hila nito sa mahabang buhok ni Elijah.

“Arayyyy! Nasasaktan ako! Bitawan n’yo akooo!” ang sigaw na paulit-ulit ni Elijah sa mga oras na iyon.

Wala siyang magawa dahil napakahigpit ng hawak ng Donya sa buhok ni Elijah.

Habang si Lejandro, na patungo na ngayon sa airport, ay kasalukuyang hinarang ng isang itim na sasakyan.

Napatigil ang sinasakyan ni Lejandro sa mga oras na iyon.

“Anong problema nila?” ang takang tanong ni Lejandro, nang makita niya kung sino ang lulan ng black na van. Nang makita niya kung sino ang lulan ng van ay nawala ang kanyang kaba. Dahil ang laman ng van na iyon ay si Furtiza.

Bumaba naman si Lejandro sa kanyang sasakyan para kausapin si Furtiza.

“Ohh, hi Furtiza! Ikaw pala. Anong ginagawa mo rito?” tanong ni Lejandro.

Ngunit bago sumagot si Furtiza ay may iniabot na in-can juice si Furtiza kay Lejandro.

“Para sa ‘yo. Inumin mo na ‘to, kung hindi para sa akin. Aalis ka na lang kaagad nang walang pasabi! Magtatampo ako sa ‘yo kapag hindi mo ininom ‘yan. Aalis ka na, nang wala man lang pasabi,” ang ulit na saad nito na may halong lungkot sa kanyang mukha.

Ngumiti lang si Lejandro at walang patumpik-tumpik na ininom ang laman ng can na iyon. Ni hindi niya iniisip kung ano ang magiging kalalabasan nito sa kanya.

Habang si Furtiza ay malapad ang kanyang ngiti habang sinasabi sa kanyang sarili ang salitang:

“Sige lang, Lejandro. Ubusin mo 'yan. Dahil sa oras na maubos mo 'yan... Hahaha! Wala ka nang maaalalang Elijah o babalikan bilang asawa sa Hacienda Ferman! Hahahahahaha!”

“So, paano ba ‘yan? Tapos ko nang inumin. Pwede na ba akong umalis? Mahuhuli na kasi ako sa flight ko,” ang nakangiting sabi ni Lejandro.

“Sure! Let’s go,” ang saad pa ni Furtiza, sabay akbay sa mga braso nito na ikinagulat ni Lejandro.

“Anong ginaga—” Ngunit hindi na naituloy ni Lejandro ang sasabihin nang bigla na lang itong nanghina at nahilo hanggang sa mawalan na lang ito ng malay.

Agad namang isinakay ni Furtiza si Lejandro sa kanyang van habang ang sasakyan ni Lejandro ay pinadrive na lang niya sa kanyang tauhan.

“Akin ka na ngayon, Lejandro! Paggising mo, ako na ang kikilalanin mong Mrs. Ferman, ganoon din sa mga magulang mo! Dahil ito naman talaga ang gusto nila! Whahahahahaha!” ang masayang tawa nito habang pinagmamasdan ang guwapong mukha ng lalaki.

Samantala, kaganapan sa Hacienda Ferman

“Oh, Bernard! Anong ginagawa mo rito? Hindi ko inaasahang dadalaw ka rito ng ganito kaaga.”

“Pasensiya ka na, Tita. Naalala ko kasing ngayon ang alis ni Lejandro, kaya naisipan kong dumalaw bago siya makaalis,” ang saad ni Bernard.

“Anong sinasabi mo? Hindi naman aalis si Lejandro. Pumunta lang siya sa Hacienda para mangabayo kasama ang kanyang asawang si Furtiza.”

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (2)
goodnovel comment avatar
Monica matabia
Naiba na ang asawa???
goodnovel comment avatar
Danica Matabia
Ang sakit naman ,kawawa si Elijah!!
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • THE BILLIONAIRE'S TRUE WIFE   197.

    “Sumama na lang po kayo sa amin sa presinto. Pwede kayong kumuha ng abogado para makapag-apela kayo,” malamig ngunit may awtoridad na sabi ng isang pulis kay Furtiza. “Bitawan n’yo ako! Wala akong alam sa mga pinagsasabi ng Erick na ’yan!” galit na sigaw ni Furtiza habang nagpupumiglas. Halos mabali ang braso niya sa pagkakahawak ng pulis, pero hindi siya natinag. Biglang bumukas ang pinto ng silid ni Tiffani. Nataranta siya, nanginginig ang boses habang lumapit sa ina. “Ano pong nangyayari?! Bakit niyo po hinuhuli ang Mama ko?! Anong kasalanan niya?!” Halos paluhod na ang dalaga sa harap ng mga pulis, pero ni hindi siya pinansin. “BOBA KA TALAGA!” sigaw ni Furtiza, halos mawalan ng boses sa sobrang galit at kaba. “Wala akong kasalanan! Tumawag ka ng abogado, Tiffani! NGAYON NA! BAGO PA ’KO TULUYANG LAMUNIN NG SISTEMANG BULOK NA ’TO!” Nanginginig na rin si Tiffani, hindi na alam ang uunahin—ang luha, ang takot, o ang galit sa hindi niya maintindihang pangyayari. Walang nag

  • THE BILLIONAIRE'S TRUE WIFE   196.

    Marahang bumukas ang pinto ng secret base ni Alexander. Tahimik ang paligid, tanging huni ng mga ibon sa labas at mahihinang yabag ng binata ang maririnig. Ngunit sa loob ng base, isang simpleng kilos ang nagbago ng lahat. CLANG! Biglang nabitawan ni Raquel ang hawak-hawak niyang walis. Tumama ito sa sahig, kasabay ng pagbilis ng tibok ng kanyang puso. Hindi siya makagalaw. Nakatitig lang siya sa binatang kakapasok pa lang — hawak nito ang isang lumang bag, suot ang simpleng damit. "Hindi maaaring magkamali," sambit ni Raquel. Napakunot-noo si Alexander sa ingay, sabay ngiti. “Ma’am Raquel... gising na po pala kayo?” aniya, may bahid ng pagkagulat. Napansin niyang nakatayo na ito, tila hindi makahinga, at malinis na ang paligid. “Ang sipag niyo po, ah. Naunahan n’yo pa ako maglinis—” “A-anak...” Boses ni Raquel, nanginginig. Napaatras siya ng bahagya, nangingilid ang luha sa mga mata. “I-ikaw ba ang nawawala kong anak?!” Tahimik. Nagtagpo ang kanilang mga

  • THE BILLIONAIRE'S TRUE WIFE   195.

    “Subukan lang niya akong idamay… hinding-hindi na niya makikita pa ang anak namin!” mariing bulong ni Furtiza, habang mariing nakapikit at nakasandal sa matipunong bisig ng lalaking naging kapiling niya buong magdamag. Ramdam pa rin ng kanyang katawan ang init ng gabi, ngunit mas matindi ang apoy ng galit sa kanyang dibdib. Masuyong humalik sa kanyang balikat ang lalaki, tila ayaw siyang paalisin. Ngunit mabilis na bumangon si Furtiza at nagsuot ng kanyang damit. “Aalis na muna ako… may aasikasuhin akong mahalaga,” malamig ngunit matatag na paalam ni Furtiza, na para bang may bigat ang bawat salitang binitiwan niya. “Okay…” maikling tugon ng lalaki habang walang lingon-lingong bumuga ng makapal na usok palabas sa bintanang bahagyang nakabukas. Sa likod ng kanyang mapanatag na anyo, tila ba may itinatagong pag-aalinlangan. Tahimik ngunit mabigat ang bawat hakbang ni Furtiza palabas ng silid. Samantala, sa himpilan ng pulisya, mariing nakaupo si Erick, hawak ang sariling noo haban

  • THE BILLIONAIRE'S TRUE WIFE   194.

    “Magaling. Mangyaring umalis ka na riyan sa lalong madaling panahon. Papunta na ang mga pulis sa inyong kinaroroonan.”Ang boses sa kabilang linya ay puno ng pag-aalala ngunit may kasamang determinasyon.“Nasigurado mo bang na-lock mo ang pintuan ng restawran bago ka umalis? At hindi ba napansin ni Erick ang anumang kakaiba?”“Huwag po kayong mag-alala,” mahinahong tugon ng kausap, ngunit ramdam ang katiyakan sa kanyang panig. “Hindi po niya napansin ang aming plano.”“Mabuti kung ganoon. Ipapaabot ko na sa iyo ang bayad, kaya pakibigay lamang ang iyong bank account para maipadala ko agad.”May bahid ng seryosong pakikitungo sa kanyang mga salita, na nagpapahiwatig na ang transaksyon ay mahalaga at hindi biro.Naiwang nag-iisa si Erick sa isang maliit na restawran na inookupa ni Drewf. Tahimik at tila abandonado ang lugar—wala ni isang customer, at ang mga ilaw ay bahagyang dim, na nagdadagdag ng anino sa bawat sulok. Ginawa iyon ni Drewf upang masigurong hindi matuklasan ang kanilang

  • THE BILLIONAIRE'S TRUE WIFE   193.

    “Nasaan ang mga kriminal?!” sigaw ni Lejandro, galit na galit, habang mabilis na naglalakad sa gitna ng mga pulis na tila nanahimik sa bigat ng kanyang presensya. Halos umuga ang hangin sa lakas ng kanyang tinig. Nakakunot ang kanyang noo, namumula ang mga mata, at mahigpit ang pagkakakuyom ng kanyang mga kamao. Hindi na niya pinansin ang kanina lamang babaeng nakikipagtitigan sa kanya. Hindi rin niya alintana ang mga nagtatakang tingin ng mga pulis—ang gusto niya lang ay makita ang mga salarin sa pagpapasabog ng sasakyan ng kanyang asawa at malaman kung saan nila dinala ang kanyang asawa. Pagdating niya sa harap ng main officer, muling umalingawngaw ang boses niya, puno ng paninindigan at apoy ng paghihiganti. “Nasaan sila?! Ilabas niyo sa akin ang mga hayop na ’yon!” Sa gilid ng kampo, biglang napaatras at napayuko ang dalawang kriminal. Agad nilang ikinumot sa kanilang mukha ang manipis na telang panakip, para takasan ang pagkakakilanlan. Nanginginig ang kanilang katawan—alam

  • THE BILLIONAIRE'S TRUE WIFE   192.

    "Isang tawag ang pumukaw sa isipan ng lahat sa Mansyon ng Boraque. Tumigil sa kani-kaniyang ginagawa ang bawat isa, ramdam ang bigat ng tensyon sa paligid. Hindi na nag-aksaya ng panahon si Lejandro. Agad itong lumapit sa kinaroroonan ng telepono at sinagot ang tawag nang walang pag-aalinlangan. Buong atensyon niyang tinanggap ang tawag na matagal nang hinihintay ng lahat—tila ba isang tawag na magbibigay-linaw sa mga katanungan, o posibleng magbago ng takbo ng lahat. Habang inilalapit niya ang telepono sa tainga, hindi maikakaila ang pagkabog ng dibdib ng mga naroroon—sabik at takot sa kung anong balita ang kanilang maririnig. “Magandang araw po. Pumunta po kayo ngayon dito sa himpilan ng pulisya. May dalawang lalaki pong sumuko kanina lang, at inamin nila na sila ang may kagagawan ng pagsabog sa sasakyan ni Mrs. Raquel Boraque,” mariing pahayag ng police officer. Hindi maipaliwanag ni Lejandro ang biglang bugso ng damdamin sa kanyang dibdib. Para siyang binuhusan ng malami

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status