Napamulat si Roief dahil nakatapat ang matinding liwanag ng araw sa kanyang mga mata. Iniwas niya ang mukha ngunit tuluyan siyang nagising dahil sa pakiramdam na parang binabarena ang ulo niya.
Saglit siyang tumigil sa paggalaw at huminga ng malalim, hanggang sa humupa ng bahagya ang kirot. Dahan-dahan niyang inikot ang paningin sa silid at natigilan siya nang mapagtantong wala siya sa inuupahang apartment. Nasisiguro niyang wala siya sa silid ni Earl dahil sa pambabaeng tema ng mga kagamitan sa loob ng silid. Isa pa ay walang rehas ang bintana nila Earl. Napahawak na lang siya sa ulo nang maalala ang pagkahilo niya kanina. Malinaw pa sa ala-ala niyang may kausap siya nang may lalaking humatak sa kanya at may malanghap siyang masangsang na amoy.Bumilis ang pagtibok ng puso niya nang mapagtanto ang nangyari sa kanya. Bigla niyang kinapa ang katawan at nang makitang wala naman siyang pasa o anumang senyales na may ginawa sa kanya ay saka pa lang siya nakahinga ng maayos. Naalala niya ang cellphone na bigay ni Earl at naisipang kontakin ang lalaki, 'yun lang at nawawala iyon. Hindi na siya nagsayang pa ng oras at ginalugad ang silid. Hinanap niya ang bag na dala-dala kanina ngunit wala siyang makita rito.Nagtungo siya sa pinto ngunit hindi niya ito mabuksan, kahit anong pilit niyang hila at pagpukpok dito ay nakakandado sa labas. “Palabasin n’yo ‘ko rito!” malakas na sigaw niya kasabay ng pagtadyak niya sa pinto ngunit matibay ito. “Kung sino ka man, kailangan ko nang umuwi, hinahanap na ako ng mga tao sa amin. Malilintikan kayong lahat kapag." Naghintay siya kung may magbubukas ngunit walang dumating.Namaos na siya sa kasisigaw ngunit wala pa ring nagbubukas ng pinto. Wala rin siyang ibang malabasan dahil hinaharangan ng bakal ang mga bintana. Nakusot niya ang buhok at padabog na naglakad pabalik sa kama. Wala siyang ibang maisip na maaaring magpadukot sa kanya kundi ang dalwang kaklaseng nagpatanggal sa kanya sa trabaho– si Wenzel at Wanda. Ang mga ito lang naman ang may galit sa kanya dahil siya palagi ang nilalapitan ni Earl.Ibinagsak niya ang katawan sa kama at tinitigan ang kisame, may planong namumuo na agad sa utak niya. Kailangan niyang makatakas ngayon din. Exam na nila bukas kaya kailangan makaalis siya roon. Inikot niya ang mata sa paligid, naghanap siya ng bagay na maaaring gamiting panira sa pinto hanggang sa makita niya ang isang CCTV camera sa sulok. Maliit lang ito kaya hindi niya agad ito napansin kanina. "Ah pinapanood n'yo pala ako rito. Buksan n'yo 'to kung hindi malilintikan kayo mismo kay Earl. Sisiguruhin kong hindi niya kayo mapapatawad."Naalala niya ang ginawang pag-lock sa kanya ng dalawa sa comfort room noon sa eskwelahan. Posibleng ang dalawa nga ang nagpadukot sa kanya at gusto rin siyang patalsikin ng dalawa para mawalan na siya ng scholarship. “Hoy Wanda at Wenzel pinatanggal n’yo na nga ako sa trabaho ano pa bang gusto n’yo?" sigaw niya habang nakatingin sa camera. Nakikinita na niyang pinapanood siya ng mga ito at pinagtatawanan dahil hindi siya makakapag-exam kinabukasan. Sigurado siyang nirerecord na naman siya ng mga ito. “Hindi pa ba sapat sa inyong wala na ako sa cafe? Kayo ang sisisihin ko kapag nawalan ako ng scholarship. Ipapaalam ko to sa mismong Presidente ng paaralan!” Buong tapang na sigaw niya at saka ibinato ang sapatos sa camera.Nakarinig siya ng tunog ng makina at busina mula sa labas kaya nagtungo siya sa bintana para silipin iyon. Hindi niya alam kung nasa pang-ilang floor siya ng isang bahay ngunit tanaw niya ang malawak na hardin na may mga palm tree at bermuda grass. Kumunot ang noo niya nang makita ang isang makintab na itim na sasakyan na huminto sa tapat, siguro ay papasok ito sa garahe. Higit na mahaba ito kaysa karaniwan, siguro ito ang tinatawag nilang limousine. Parang binundol ng malakas na suntok ang puso niya nang makita ang isang lalaking lumabas doon. Isang matangkad na lalaking nakasuot ng uniform ang naglakad palabas ng garahe dala-dala ang cart na sa tingin niya ay mga groceries. May kasama pa itong nakasuot ng cap na sa tingin niya ay may edad na lalaki.“Maawa na kayo palabasin niyo ‘ko rito, hinahanap na ako ni Earl ngayon,” pagpapatuloy niya. Biglang sumagi naman sa isip niya na baka ibinenta na siya o di naman ay gagawan siya ng scandal nila Wanda, para tuluyan na siyang umalis sa paaralan.Nagpakawala siya ng isang malalim na buntong hininga nang marinig na may mga yabag ng paa na papalapit sa kinaroroonan niya. Mabilis siyang nahiga at nagkunwaring nakatulog. Nagdadalawang isip siya sa gagawin ngunit ipinikit na lang niya ang mata habang nananalangin na sana ay ‘wag siyang saktan ng mga ito. Nang marining ang ingay ng nagkakalampagang metal ay bumilis ang pagtibok ng puso niya, tila lumakas ang pandinig niya at naririnig niya ang bawat pagpitik nito. “Gising na po siya, kanina pa po siya sumisigaw,” sabi ng lalaki at bumukas ang pinto. Nainis siya na mapag-alamang naririnig pala siya ng lalaki ngunit hindi man lang siya nito pinagbubuksan. Dinig niyang may ibinabang gamit ang mga ito. Lalo lang bumilis ang pagtibok ng puso at paninikip ng dibdib niya nang magsalita ito.“Alam kong nagtataka ka kung bakit ka nandito. Gumising ka muna riyan at kumain ka, makakasama ‘yan sa dinadala mo. Alam kong hindi ka pa kumakain, bumaba ka na at may nakahandang hinain ang kasambahay para sa ’yo. Marahil ay marami kang tanong, sasagutin ko lang ‘yun pagkatapos mong kumain,” dinig niyang sabi ng may edad nang lalaki at saka naglakad palabas ng pinto. Base sa yabag ng mga paa ng mga ito ay may dalawa o tatlo pa itong kasama. Nang marinig na wala nang maingay ay muli siyang napabuntong hininga, blanko ang mukhang napaupo siya sa kinahihigaan. Hindi niya alam kung papaano nito nalaman ang pagbubuntis niya ngunit napaisip siya kung ito ba ang ama ng dinadala niya. Kung ganun hindi sila Wanda ang nagpadukot sa kanya. Naguluhan ulit siya. Napalunok siya nang maamoy ang naghalong spices at lamang dagat na niluluto, nakita niyang nakabukas pa rin ang pinto kaya tumayo na siya. Lalo tuloy siyang nakaramdam ng gutom.Dahil maraming tumatakbo sa isipan ay minabuti niyang sundin muna ang sinabi nito nang sa ganun ay masagot lahat ng katanungan niya. Pagbaba niya ng hagdan ay nakita niya ang isang babaeng nakangiti sa kanya. Sa tingin niya ay pupuntahan dapat siya nito. Kulot ang buhok at maganda ang bilugang mga mata at manipis ang labi nito. Nakasuot ito ng uniform ng isang kasambahay na parang pang cosplay kaya napangiti siya.“Halika dito tayo.” Inalalayan siya nito at dinala sa dining area. Nang makaupo na siya ay kinuha nito ang nakaayos na napkin at saka inilagay sa lap niya. Napatingin siya sa mga kubyertos nang hainan siya nito ng sopas dahil hindi naman niya alam kung papaano gamitin lahat ng iyon kaya pinili na lang niya ang kutsara. “Hindi po ‘yan ang dapat gamitin para sa sopas,” dinig niyang sabi ng isang babae na nasa likuran niya. Napakasosyal naman ng mga nakatirang tao sa pamamahay na ito, sa isip-isip niya. Bakit ba kasi kailangan pang maraming kubyertos, sayang sa sabon at dagdag hugasin lang. "Saan ba dapat ang gagamitin dito? Marami masyadong nandito hindi ako sanay sa ganito kutsara at tinidor lang alam kong gamitin." Kinuha nito ang mas maliit at iniabot sa kamay niya. Pagkatapos niyang magsopas ay naglagay naman ang isang babae ng kanin at tatlong putaheng ulam sa harapan niya. May blanched vegetables, may ginisang gulay na may karne at sinabawang lamang dagat na inilapag sa lamesa."Tikman n'yo raw po lahat 'yan kailangan ng baby n'yo po 'yan," dagdag pa nito."Ah so para lahat 'to sa baby? Paano kung hindi ako buntis?" inis na nasabi niya. Sabi na nga ba niya at may kinalaman ito sa ama ng anak niya. Sigurado na siya ngayon na hindi ang pinaghihinalaang kamag-aral ang nagpadukot sa kanya.Kakain na sana siya nang kunin ng babae ang ginamit na bowl at kutsara. Saka nito inabot sa kanya ang isang tinidor at bagong kutsara na hinawakan niya kanina. "Kailangan ba talagang magpapalit-palit ng kubyertos? Hindi ba kayo napapagod maghugas?" Gusto na niyang ibato ang plato sa harapan. Nagtitimpi lang siya dahil wala naman siya sa sariling pamamahay. Hindi niya alam kung bakit iritable at mabilis uminit ang ulo niya ngayon. Maliit lang namang bagay pero gusto niyang magwala.Ngumiti lang ang babae sa kanya at hindi na muling nagsalita ito. Kumain siyang nakataas ang isang paa niya sa upuan. Wala siyang pakialam kung nakatitig ang mga ito sa kanya. Nilingon niya ang babae at tinawag."Sumabay ka na sa akin. Ang hirap kumain mag-isa na may nakatingin." Inayos niya ang pagkakaupo at sinenyasan ang babae na lumapit."Tapos na po kaming kumain. Mas nauuna po kaming kumain bago kayo," sagot naman nito."Umupo ka, mabigat sa loob ko kung nakatayo ka lang diyan habang masarap ang kain ko rito." Inayos niya ang upuan para umupo ito at pinakinggan naman siya nito. "Ano palang pangalan mo?""Sally po," tipid na sagot nito."Roief pala," pagpapakilala niya sa sarili. Ibinigay niya rito ang juice na para dapat sa kanya. Ayaw niya ang amoy nito kaya ibinigay niya ito sa babae. Nang matapos tikman lahat ng putahe at nagpakabusog ay may dumating pang panghimagas. "Sabihin mo nga kakatayin na ba ako mamaya? Bakit walang katapusan yata ang pagpapakain n'yo sa akin?""Pasensya na po ganito po talaga rito, inutos po ni—" hindi nito itinuloy ang dapat saaabihin nang may maalala ito. "Mahalagang tao po kasi kayo sa may-ari ng bahay na ito, kaya ibinilin po sa amin na siguruhing maalagaan po kayo ng husto."Napakunot noo naman siya sa sinabi nito. Wala kasi talaga siyang maalala sa gabing iyon kaya naman naguguluhan pa siya. Habang tinitikman ang minatamis na panghimagas ay naalala niya bigla ang kapatid. Paborito kasi ni Gian ang mga matatamis na pagkain, kumain na kaya ang kuya niya? Marahil ay hinahanap na siya nito kung umuwi man ito.Pagkatapos niyang kumain ay dinala siya ng babae sa sala. Pinaupo siya roon at binuksan ang malaking screen. Narinig niyang paalis na ang sasakyan kaya napatayo siya at lumabas ng pinto."Bakit sila umalis? Teka saan na 'yung kakausap sa akin?" "May ibinilin po ang may-ari ng bahay. May biglaang meeting kasi siya kaya umalis sila. May iniwan siyang video para sa iyo," sabi ng isang nakatatanda sa mga kasambahay at saka itinuro ang screen. "Ako nga pala si Mina, ang pinakamatanda rito. Ito naman si Sheena at kilala mo na siguro si Sally.""Alam niyo na siguro ang pangalan ko, pero kung hindi pa, Roief dela Vega nga pala," pagpapakilala niya. Wala naman siyang nagawa dahil nakita niyang isinara na ang gate kaya hindi niya ito mahahabol. Blanko ang mukhang nagtungo siya sa upuan at pinanood na lang video clip na sinabi ng babae. Napabuntong hininga siya nang matapos niyang panoorin iyon. Hindi siya makapaniwala na hindi man lang nasagot ang mga katanungan sa isip niya. Hanggang ngayon ay palaisipan pa rin sa kanya kung sino ang may pakana ng pagdala sa kanya roon. Ang naiintindihan lang niya ay naroon siya para ipagpatuloy ang pagbubuntis at tiyaking malusog ang bata hanggang sa maisilang niya ito. Malamang ay ito nga siguro ang ama ng dinadala niya ngunit mukhang nagdududa rin ito at bakit kailangan pa ng DNA test?"Anong ginagawa mo rito?" Napalunok si Roief at kamuntikan pa niyang makagat ang sariling dila nang makita si Ren na nakatayo sa labas ng pinto."Sinabi sa akin ni Rosa na nandito ka raw sa library, I just didn't expect Dr. Farrah to be here." Sabi ni Ren habang nakatitig pa rin sa mga mata nya. "You two appear to be familiar with one another," dagdag pa nito na ikinabalaha ng dalawa.Bago pa sumagot ay tinitigan ni Roief ng mariin ang doktora. "Magkakilala na kami noon pa ni dok, ipinakilala siya sakin ng isang kaibigan." "Let's grab a coffee soon. It's good to see you once more Levy," agad namang sabat ng doktora at nagpalitan ng yakap ang dalawa. "Dok." Singit naman ni Ren na nagpaangat sa kilay niya. "Can I have a moment with you?" dugtong pa nito at agad naman itong sinundan ng doktora.Napakagat sa labi si Roief nang makitang bumuka ang bibig ni Ren. Hindi niya marinig ang pinag-uusapan ng dalawa dahil nagbubulungan ang mga ito. Ngayon lang niya napansin na namawis ang palad n
"Doctora Farrah?" hindi makapaniwalang nasambit ni Roief nang makita ang babaeng psychologist na tumingin sa kanya noon."How have you been? I can't believe it's really you. What are you doing here by the way?" Niyakap siya ni Dra. Farrah at hindi maalis sa mukha nito ang pagkamangha. "You've changed so much! Look at you, muntik na kitang hindi mamukhaan.""Ito alive and kicking dok. Ako nga rin dok nagdalawang isip po ako parang mas bumata po kayo," biro niya rito at nagtawanan naman sila. "For now I am living as Levy. Long story dok," sabi niya at mukhang naintindihan naman agad ito ng babae."I see. Would you like to share?" pabulong na tanong nito sa kanya habang nakatakip ang kamay nito sa bibig."M
"You stay with ate Rosa, Mommy will go downstairs for a while," pakiusap ni Roief kay Luigi. Mabuti na lang at pumayag ito kaya mabilis niyang kinuha ang papel na itinago sa bag at bumaba.. "Good morning!" bati sa kanya ni Earl pagkalabas niya pa lang sa gate. "Good morning! Ito pala 'yung sinasabi ko." Itinaas niya ang papel na naglalaman ng buhok ni Luigi at buhok niya. "Pasensya na pumunta ka pa rito. Hindi kasi ako papasok ngayon dahil may sinat 'yung bata kaya hindi ako makalalabas." "Anything for you," nakangiting sagot nito. "Wala kang pasok ngayon? Sinong bata?" nagtatakang tanong nito. Sumandal ito sa harapan ng sasakyan at inilagay sa ziplock ang inabot niyang papel. "May sakit kasi si Luigi,
Nagulat si Roief nang kaumagahan dahil ngayon lang niya ulit nakasabayan si Yvette na mag-agahan. Habang magtitimpla ng kape ay hindi pa rin mawala sa isip ang sinabi sa kanya ni Ren. Hindi niya alam kung seryoso ito sa sinabi o niloloko lang siya nitong kahawig niya ang taong minahal nito. "Hindi pa ba gising ang mag-ama?" tanong ni Nanay Maggie nang ilapag nito ang toast sa tabi ng kape niya. "Napuyat po 'yung isa kagabi. Hinika kasi si Luigi," sagot niya rito. "Nagtatabi na pala kayo ni Ren? Since when?" tanong bigla ni Yvette na ikinabigla nilang dalawa ni Nanay Maggie. "Hindi naman sa ganun, si Luigi kasi nilalagnat. Alam mo naman 'yung
Parang natunaw ang puso ni Roief nang makita si Luigi na umiiyak habang tumatakbo papunta sa kanya. Napakunot noo siya dahil may nakatapal ding cool fever sa noo nito "Kanina pang umaga 'yan may lagnat, ayaw magpaawat. Hintayin ka raw namin kaya hindi pa s'ya natutulog," paliwanag agad ni Ren. Tinitigan lang niya si Ren ngunit mabilis namang niyakap niya si Luigi at naramdaman nga niyang mainit ito. "What took you so long, Mommy? I haven't seen you all day," tanong pa sa kanya nito na parang nagtatampo. Pinakiramdaman niya ang noo nito at mainit pa nga ito. Kinarga naman niya agad ito at naglakad na paakyat ng hagdan. "I'm sorry, I didn't know you're sick," sabi niya rito at hinalikan ang noo nito. Parang ay
Hindi alam ni Roief ang gagawin nang lumapit si Earl sa kanya at makita ito ni Ren. “Hi,” tipid na bati niya sa lalaki nang i-beso siya nito sa harapan ng boss. “May date ka pala?” tanong ni Ren sa kanya habang sinusuri ng mga mata nito ang lalaking lumapit sa kanya. Hindi agad siya nakapagsalita dahil inunahan siya ni Earl. “Hi! I’m Earl,” pagpapakilala ng lalaki sa sarili. Nakangiti nitong inilahad ang kamay kay Ren at inabot naman ng boss niya ang kamay nito. Kita niyang mahigpit na nagkamayan ang mga ito. “Ren,” sagot naman ng boss niya at saka siya binalingan nito. “Hindi ko alam na may lakad ka pala, sana sinabi mo ng mas maaga para nalaman ko.”