Share

Venus X

Napatunayan ni Roief ang kasabihang sa una lang masaya ang lahat nang isang araw ay magising siyang matamlay at parang ayaw na niyang mabuhay.

Masaya pa siya noong unang tatlong buwan niya sa villa dahil nakakakain siya ng maayos at hindi siya namomroblema sa pang araw-araw na gastusin. Ngunit tuwing iisipin niya ang lahat ng kapalit ng pamamalagi niya roon ay nanghihinayang siya. Malaking bagay sa kanya ang nawalang scholarship at mga opportunity na dapat sana ay matatamasa niya kung nakapagtapos lang siya.

Labis din ang pag-aalala niya sa kapatid at kay Earl, paniguradong nag-aalala ang mga ito sa pagkawala niya. Kahit gusto niya sanang tawagan si Earl ay hindi niya alam ang numero ng telepono nito. Wala siyang makausap at palagi lang siyang mag-isang nanonood kaya para na siyang mababaliw. Nami-miss na niya ang kaibigan at ang kapatid. Maski na ang pag-aaral.

Gusto na niyang makalabas doon at umuwi. Hindi na niya kaya ang lungkot sa bahay na iyon. Palaging busy ang mga kasambahay sa pag-asikaso sa mga gawain kaya kulang na lang ay kausapin niya ang mga butiki. Ayaw naman siyang palabasin sa gate kaya hanggang sa bakuran lang siya.

Sinisisi niya palagi ang sarili dahil nagpadala siya sa galit kay Earl kaya siya sumama sa paanyaya sa party noong gabing iyon. Kung hindi lang naman siya sumama noon sigurado siyang hindi lahat ito mangyayari.

Naantala lang ang pag-iisip niya nang may kumatok.

"May bisita po kayo, dumating na po si doktora," sabi ni Sally pagkabukas nito ng pinto.

"Patuluyin mo rito," sabi naman niya at inayos ang isang upuan.

"Good afternoon Roief," bati sa kanya ng doktora. Binati rin niya ito at naupo ito sa tabi niya.

Mula nang dumating siya sa villa ay dinadalaw siya nito, minsan sa isang buwan. Gaya ng dati binigyan ulit siya nito ng mga bitamina. Ngunit hindi alam nito na itinigil niya ang pag-inom niyon nang minsan ay sumakit ang ulo niya.

"Dok may tanong pala ako. Tungkol ito sa ininom ng kaibigan ko sa isang party. May juice daw po kasi siyang nainom pagkatapos, kinaumagahan ay hindi na niya matandaan ang lahat ng nangyari sa kanya." Nakamot niya ang leeg nang titigan siya ng doktora.

"Saan ba nagpunta ang kaibigan mo?" Napakunot ang noo nito.

"Sa Isla Bora, pamilyar po siguro kayo sa sikat na islang 'yun?" Napakagat siya sa labi at kinuha ang bola sa lamesa.

"I see, akala ko sa bar o club. Kung sa Bora siya nagpunta hindi uso ang mga date rape drug doon, maaaring Venus X, V-Numb o mga ganung psychedelic drug ang nainom niya. Babae lang naman ang nakaka-avail niyon, may mambership card ang mga bumibili kaya hindi basta-bastang nakabibili ang mga lalaki nun. Para 'yun sa mga babeng naghahangad makasungkit ng mga mayayaman na nanggaling sa casino. Nakapagdudulot kasi ito ng matinding sex drive sa mga kababaihan ngunit magkakaiba rin ang tama nito sa bawat babae," paliwanag ng doktora.

"Kaya siguro hindi maalala ng kaibigan ko 'yung nangyari. May nainom daw kasi siya akala niya simpleng alak lang. Paano niyo po nalaman 'yan dok?" Pinisil-pisil na naman niya ang bola.

"Kawawa naman, napagtripan siguro 'yun o baka naman maling baso ang napulot niya. Alam ko 'yan kasi may business ang tatay ng hipag ko roon. Madalas nilang pagkwentuhan ang mga 'yan. Ang madalas na side effect lang nito kapag nasobrahan ay ang pagkawala ng memorya kinabukasan. Kaya baka Venus X nga ang nainom ng kaibigan mo. Kumusta naman siya ngayon?" tanong nito ngunit hindi agad siya nakasagot.

"Ahh… ano... wala na po kasi akong balita sa kanya," naisagot na lang niya.

"I see, sana okay lang ang kaibigan mo. Sa susunod sabihan mo ang kaibigan mo, kailangang alisto siya. Huwag na h'wag niyang iiwan ang baso o inumin kahit pa saang bar o club siya magpunta. Ang mahalaga bantayan niya ang iniinom niya. H'wag siyang basta tumatanggap ng mga libreng drinks dahil ikapapahamak niya 'yun," payo nito.

"Tatandaan ko po 'yan, sasabihin ko po sa kanya kapag nagkita po ulit kami. Salamat po sa payo." Tumayo na rin siya dahil nagpaalam na rin ang doktora. Inulit na naman nito na 'wag niyang kakaligtaan ang pag-inom ng mga vitamins niya.

Napabuntong hininga na naman siya pagkaalis nito. Wala na naman siyang kausap at balik na naman siya sa paulit-ulit at nakakasawang routine niya.

Pilit man siyang inaliw ng mga kasambahay sa mga sumunod na araw ay hindi pa rin niya makuhang maging masaya. Tila unti-unti siyang kinakain ng konsensya sa tuwing makikitang lumalaki ang tiyan at pinupuri nila ito.

Para sa kanya hindi niya magawang magdiwang dahil nandidiri siya sa sarili tuwing iisipin na iba’t-ibang lalaki ang maaari niyang nakasama nang gabing iyon. Gusto niyang masuka sa tuwing iisipin ang bagay na ‘yun.

Maaari ngang sa kalasingan ay may nag-alok sa kanya o di naman ay may laman ngang Venus-X ang ininom niya. Para sa kanya tama lang na pinaparusahan siya ngayon dahil nagpakatanga siya.

Kaya nga hanggang ngayon ay nahihirapan siyang tanggapin ang naroon sa kanyang sinapupunan. Para sa kanya bunga ito ng isang pagkakamali.

Mataas ang pangarap niya sa buhay at ni hindi sumagi sa isip ang pagkakaroon ng anak. Ang tanging laman lang ng isip niya noon ay ang makapagtapos at matulungan ang kapatid na makapagbayad sa utang para hindi na ito palaging nagtatago at umaasa sa pagsusugal. Nahihirapan siyang iproseso ang katotohanang mayroong buhay sa kanyang sinapupunan at ito ang sumira sa mga pangarap niya.

Inaalala pa rin niya kung anong magiging kinabukasan nila ng bata kung sakali mang hindi tumugma ang DNA nito sa kung sino man ang inaasahan nilang ama nito. Maaaring ipatapon na lang sila o `di kaya’y ipapatay kapag malaman ng lalaki na wala itong kinalaman sa kanila.

“Ay Dios ko po! Ate Mina!” palahaw ng nakababatang kasambahay nang makita si Roief na nakahiga sa kama at may malalalim na sugat sa pulsuhan.

Agad na dumating naman ang dalawa pang kasambahay. Naging maingay ang kwarto at dinig niyang tumatawag si Mina sa cellphone na hawak nito.

Mayamaya lang ay may dumating na dalawang babeng doctor, ang isa ay nakasuot ng puting gown samantalang ang isa ay naka-casual lang.

Agad na ginamot ng doktor ang kamay niya at marami din itong tinanong sa kanya patungkol sa dating record niya.

Ayon sa narinig niya ay ipinadala ang mga ito ng lalaking may-ari ng villa.

“Roief…" Halata sa tinig ng doktor ang pagkayamot ngunit pinipilit pa rin nito na itago iyon upang hindi sumama lalo ang loob niya. "Hindi makabubuti sa’yo ang pagpupuyat at hindi ka na rin muna nila maaaring bigyan ng mga inumin o pagkain na may caffeine dahil makakasama 'yun sa iyo."

Nanatili lang na malayo ang tingin ni Roief, hindi umiimik o pumapalag. "Nabanggit ng isa sa mga kasama mo rito na hindi mo raw iniinom ang mga binigay ng doktor mo sa 'yong vitamins. Kailangan mong i-take ang mga iyon ‘wag mong ipagpaliban dahil kailangan ito ng baby, lalo na ikaw. Hindi mo naman ikapapahamak ang pag-inom nun, nasisiguro kong para sa ikabubuti mo ang mga nirereseta sa ’yo."

Hindi pa rin siya nag-react kaya naman napabuntong-hininga ito. "Mabubungi ka kapag hindi ka uminom ng gatas at uminom ng prenatal vitamins, rurupok din ang mga buto mo at makukuba ka."

Napatingin si Roief dito, may kaunting pag-aalalang bumalatay sa maganda niyang mukha. "Po?"

"Tulad ng sinabi ko sa 'yo dati, kapag hindi ka uminom ng mga kinakailangan mong bitamina, ang mga nutrients sa katawan mo tulad ng calcium ang ia-absorb ng anak mo to compensate for your lack of vitamins. Gusto mo ba iyon? Gusto mo bang mabungi ka at magka-osteoporosis?"

Saglit na nag-isip ang dalaga saka umiling nang sunod-sunod.

Napangiti ng ang duktor saka siya tinapik sa balikat bilang pagpapakita ng suporta.

Pagkalabas ng family doctor sa silid ay pumasok naman ang isang babaeng sa palagay ni Roief ay nasa kuwarenta na ang edad. Nakangiti ito at may hawak itong maliit na bola sa kamay at isang paper bag.

“Hi Roief, ako nga pala si Dra. Farrah. I'm your psychologist," pagapakilala nito. Pagkatapos umupo ay muli itong nagsalita, "how do you feel right now?” Nakatingin naman ito sa nakabenda niyang kamay.

Hindi niya alam kung bakit pero magaan ang loob niya rito. Marahil ay dahil sa maamo nitong mukha at sa malamyos nitong tinig habang kinakausap siya. Hindi ito tunog patronizing tulad ng iba. Straight to the point ito at tapat. “Ayos naman po dok,” sagot niya rito.

“Kung ire-rate mo ang anxiety level mo from 1-10 sa tingin mo aling numero ang makatutukoy sa tindi ng anxiety mo?” Ipinaliwanag nito sa kanya ang nararamdaman niya. Nag-isip muna siya bago sumagot. “Seven po siguro, dok."

“I see." Inilahad nito ang kamay bilang imbitasyon. Matapos ang ilang segundong pag-iisip ay inabot niya ang palad nito. Agad na kinulong ng duktora ang palad niya sa mga daliri nito. "Roief may mga itatanong lang akong ilang bagay sa’yo and I need you to be honest about it. Para alam ko kung papaano kita matutulungan, is that okay with you?”

“S-sige po dok,” sagot naman niya rito.

Pagkatapos ng mahabang usapan at paliwanagan ay may mga sinagutan siyang papel.

May mga itinuro itong ehersisyo at payo sa kanya na gagawin niya araw-araw. Nag-iwan pa ito ng note para hindi niya makalimutan. May iniwan pa ito sa kanyang diary pad kung saan niya isusulat ang mga daily activities at ano mang saloobin niya.

"Para saan po ito?" Hindi niya maiwasang magtaka nang may iabot ito sa kanyang mabigat na malaking paper bag.

"May mga painting materials na pwede mong i-explore at mga yarn na panggantsilyo. Gamitin mo raw lahat 'yan para hindi ka ma-bore. Inabot nito ang usb sa kanya. "Panoorin mo na lang daw at hindi siya makararating."

"Handa na po ang hapunan," sabi ni Sally at sumunod naman sila rito.

Pagkatapos ng hapunan ay nagpaalam na rin ang mga ito. Kahit papaano ay gumaa ng loob niya.

Pinanood niya ang pangalawang video na ibinigay sa kanya, gaya ng dati hindi na naman kita ang mukha nito at naka-auto-tune rin ang boses nito. Natigilan siya nang matapos panoorin ang video. Hindi siya mapakali sa kasunduan na bibigyan siya ng mahabang panahon para magpasya. Kung positive ang DNA test ay maaari niyang pangalanan ang anak. Mas malaki ang makukuha niyang pera at pag-aaralin pa siya sa kilalang Unibersidad sa ibang bansa, ngunit hindi na niya makikita ang pa anak. Hindi rin niya maaaring makita ito kahit kailan.

Kapag hindi naman positibo ang DNA ay susuportahan pa rin siya hanggang sa makapagtapos siya ng pag-aaral ngunit wala siyang makukuhang kahit anong pera mula sa lalaki. Hindi rin siya makakaapak pa sa bansa at wala siyang karapatan na pangalanan ang anak.

Napabuntong hininga siya nang matapos basahin ang kasunduan. Kahit papaano ay nabawasan ang alalahanin niya dahil hindi naman pala siya ipatatapon kahit na mapag-alamang hindi sa lalaki ang dinadala niya.

Napag-isip-isip niyang wala na siyang ibang choice kung di ang tanggapin ang kapalaran at wala rin siyang oras para manisi ng iba. Ang nangyari ay tapus na at ang kasunduan na lang ang tanging mapanghahawakan niyang pag-asa para maibangon muli ang sarili.

Naramdaman niyang sumipa ang bata sa sinapupunan at napahawak siya rito. Tumayo siya at nagtungo sa kama upang isandal ang likod sa headboard. Ngayon pa lang ay nag-iisip na siya kung anong magandang ipapangalan niya sa bata kapag lumabas na ito. Hinaplos niya ang tiyan at saka kinuwentuhan ito gaya ng sabi sa kanya ng therapist niya.

Naiilang man siya sa una ngunut nakasanayan na rin niyang kantahan at kausapin ito. Tila naman naririnig siya nito, nagpa request siya na magpabili ng chessboard at ilang board games. Lagi niyang kinukulit ang gwardiyang nakasuot ng maskara dahil iyon lang ang may alam sa nilalaro niyang game of the generals.

Makalipas ang dalawang buwan ay natapos din niya ang ginagantsilyo at sinunod naman niya lahat ng utos at payo sa kanya ng dalawang doktor. Napansin ng mga kasambahay ang pamumukadkad niya na tila isang halaman. Tinulungan niyang aliwin ang sarili sa pag-aalaga ng mga halaman at pakikipaglaro ng board games sa lalaking nakamaskara.

"May ipinapamigay po para sa 'yo." Inabot ni Sally ang folder sa kanya. Akala niya ay may video ulit siyang papanoorin ngunit papel ang laman niyon at hindi usb.

"Ano 'to?" nagtatakang tanong niya.

"Kontrata siguro," sagot naman ng lalaking kalaro niya. Tinapos nila ang laro nago siya nagpasyang umakyat sa silid.

Napahawak siya sa tiyan. Nabasa na niya ito ng ilang ulit at akala niya ay handa na siya rito ngunit mukhang napamahal na siya sa nasa sinapupunan niya. Habang nanonood siya kanina kung papaano pinapaliguan ng isang ina ang bagong silang nito ay nakaramdam siya ng kakaibang pakiramdam. Tila na-excite siya na makita ang itsura ng batang nasa loob ng tiyan niya.

Napahawak siya rito at saka napabuntong hininga. Alam niyang wala siyang ibang matatakbuhan at isang pirma lang niya ay maipagpapatuloy na niya ang pinapangarap ngunit ano itong nararamdaman niya ngayon?

Ilang araw na lang ang binibilang at isisilang na niya ito ngunit nagdadalawang isip siyang pumirma. Ilang beses siyang nagpalakad-lakad sa kwarto na hindi mapakali.

Napatingin siya sa sa nakamaskarang lalaki na nakatayo sa gate at may namuong plano sa isipan niya.

Stallia Iris

Please add my story to your library or send gems to support my story. That's greatly appreciated! Magandang araw! May mga locked chapters po ang lahat ng nobela sa GN. Para makolekta po ninyo ang coins at diamond magpunta lang po kayo sa Reward section sa "Profile" ninyo mismo. May gift box po kayong makikita at pwede nyo kolektahin 'yun araw-araw para magamit sa pag unlock. Mahalaga rin po at malaking bagay po sa akin kung may maibibigay man po kayong gem. 😊☺😍Maraming salamat po.

| 1
Komen (5)
goodnovel comment avatar
Earl Hari
great story
goodnovel comment avatar
Sa Fora
......... makikilala kaya siya ng babae?
goodnovel comment avatar
Ytser Mariano Antonio
Ang galing!
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status