"Mukhang malungkot ka yata, Ineng?"Napalingon siya kay Manang Minda. Nasa palengke na sila kasama ang anak nito."Hindi ho, Manang Minda. May iniisip lang po.""Gano'n ba? Kamo, babalik din sa dati si Audric. Tiwala lang, Ineng."Ngumiti lang siya. Alam niyang babalik din ang dating si Audric pero sana 'pag bumalik ang dating ito, natutunan na rin siya nitong mahalin. Mayamaya lang ay na-busy na sila sa pamimili ng stocks nang mahagip ng mata ni Ffion ang isang lalaki na nakatayo sa kalayuan. May hawak itong sigarilyo at suot na sumbrero. Nakangisi itong nakatingin sa kaniya habang hinihithit ang sigarilyo sabay buga sa hangin.Biglang sumikdo ang kaniyang puso. Anong ginagawa niya rito? Nag-unahan sa pagtibok ang kaniyang puso. Kinakabahan siya."Ffion ineng?""Po?" Napatingin siya sa matandang ginang."May gusto ka pa ipabili?"Mabilis siyang umiling. "W-wala na ho." Muli niyang binalik ang tingin kung saan nakita niya ang lalaki. Wala na ito roon. Mas lalo siyang kinabahan sa isipi
"Ffion?" Napasinghap siya nang marinig niya ang boses ni Audric. Nasa sala ito. Ngumisi naman si Lorenzo at sumenyas sa kaniyang aalis na ito. "Hindi ko nagustuhan ang nakikita ko..." Tumawa ito ng walang ingay at matalim siyang tiningnan. Agad itong tumalikod nang nasa bukana ng pintuan ang kaniyang asawa, nakatayo."A-audric!" Nagkukumahog siyang lumapit sa lalaki. Abot-abot ang kaniyang kaba at nagpapasalamat siya ng wala na si Lorenzo at nakaalis na ito. Huwag na sana itong bumalik at magpakita pa sa kaniya. "Sino ang kausap mo?""W-wala. Mga halaman ko lang at... nakawala ang isang alaga kung kuneho." Nakagat niya ang kaniyang labi. Hindi siya sanay magsinungaling sa asawa."Kung nakawala, hayaan mo na ito. Bumili ka na lang ng bago, o kaya naman, bumalik ka na sa Maynila at sa pamilya mo," walang kaemosyon saad ni Audric at agad na tumalikod. Lumabas lang ito para tanungin siya kung sino ang kaniyang kausap."S-sige, bibili ako ng bago." Napahinga siya ng maluwang. Nagpapasala
"Hey bud!"Natigil si Audric sa pagpipinta nang kumatok si Lucas sa pintuan ng silid kung saan siya seryusong nagpipinta na walang nakikita kundi ang kaniyang imahinasyon."Come in."Narinig niyang bumukas at sumara ang pintuan. Pumasok si Lucas napahanga ito. "I didn't know that you are good in painting!""I'm glad you are here."Tumawa lang ito at inakbayan siya. "Same here."Tumango lang si Audric at tumayo. Inayos niya ang mga praint brush at mga kulay na ginamit na hinidi niya nakikita. "Ngayon nandito ka, I have a few things to ask. Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa.""Yeah, about that man who did this to you... wala pa rin akong lead. Pinapahanap ko pa rin sa mga tauhan ni Dad. But don't worry bud, mahahanap at mahahanap ko ang taong gumawa nito sa'yo and I will put him in jail till he rots in hell."Nagkibit lang siya ng balikat at humarap sa kaibigan. Tapos niya ng iligpit ang kaniyang mga gamit. "Hindi iyan ang paksa ko, Lucas.""Hindi?""It's about my wife, Ffion."Ilang se
Hindi sumagot si Audric. Tumayo lang siya at marahan humakbang patungo sa bintana na nasa kanang bahagi niya. Mula roon, naramdaman ni Audric ang malamyos na hangin na sumalubong sa kaniya. Naririnig niya ang mahinang sigok ng babae pero wala siyang ginawa para patigilin ang pag-iyak nito ngayon. Dahil tama si Ffion, kaya niya pinapunta rito si Lucas para ang kaibigan niya na ang bahala sa babae at dalhin ito pauwi pabalik ng Maynila. "Gusto kong mapag-isa, Ffion.""P-pero bakit? B-bakit mo ako kailangan itulak papunta kay Lucas kung alam mo naman na hindi ko siya magagawang mahalin ng mas higit pa sa pagmamahal ko sa'yo."Napailing siya sa narinig. "Naririnig mo ba ang sinasabi mo Ffion? Ilagay mo ang sitwasyon mo sa kinatatayuan ko, hindi rin kita magawang mahalin dahil hindi ikaw ang babaeng tinitibok ng puso ko. Ngayon, ang gusto ko ay mapag-isa rito sa Villa. Sumama ka kay Lucas pabalik ng Maynila.""Ayuko.""At sa tingin mo mamahalin kita sa pagmamatigas mo, Ffion? Hinid. Kaya h
Isang linggo ang dumaan. Walang nagbago sa pakikitungo sa kaniya ni Audric. Hindi rin siya nito napilit na umalis kasama si Lucas. Nagpaalam na rin ang lalaki pero nangako itong babalik agad. May aasikasuhin lang daw itong kaso. Isang attorney si Lucas at may sarili itong firm na pinapatakbo. Hindi rin basta-basta ang pamilyang pinagmulan ng binata, mayaman ang pinagmulan nito at linya ito ng mga attorney at pulis.Isa sa hindi niya nakalimutan na sinabi ni Lucas ay ang hanapin minamadali nitong hanapin ang taong gumawa kay Audric. Ang sabi nito, oras na malaman nito kung sino ang taong nasa likod ng pagkabulag ng kaniyang asawa, paparusahan nito. Dahil hindi raw siya maghihirap din ng ganito kung una-una hindi nabulag ang mata ni Audric.May punto si Lucas. Wala siya sa tabi ng kaniyang asawa ngayon kung hindi ito nabulag. Nasa bisig ito ni Ivony at dapat sana masaya ang dalawa ngayon. Pero dahil sa isang pangyayari, nawala lahat iyon. Nawala para sa lalaki pero para kay Ffion, isa iy
Pinigil niyang huwag mapaiyak sa sakit. Pakiramdam ni Ffion, namaga ang kaniyang mukha lalo na at malakas ang pagkakasampal sa kaniya ng Donya."Magsalita ka Ffion kung ayaw mong masaktan! Saan at bakit hindi mo sinasagot ang mga tawag ko sa bahay na ito?! Hindi mo ba ako kilalang babae ka, ha? Ako si Donya, Vilma Gasis Villanueva. Ang Ina ng lalaking tagapagmana ng Villanueva at ito ang gagawin mo sa'kin, p*****a ka!" Nameywang ang isang kamay nito at ang isang kamay ay pumapaypay sa sarili nito. "Saan ang aircon ng bahay na ito! Ang init. Ang yaman-yaman ng pamilyang meron kami tapos walang aircon sa bahay na ito?" Naglibot ito ng tingin at napaismid. "Ano? Yuyuko-yuko ka lang diyan? Kunan mo ako ng maiinom at kanina pa ako nauuhaw sa byahe, ingrata ka!"Kaagad siyang tumalima nang sabihin ito ng Donya. Hawak-hawak niya ang pisnging sinampal nito at aaminin niya o hindi, masakit ang pagkakasampal ng Donya.Kaagad siyang kumuha ng pitsel sa ref at isang baso. Nagsalin siya roon at sak
"B-bakit ayaw mong magpa-opera?" Parang may kung anong bumikig sa kaniyang lalamunan nang tanungin niya ito. Sa silid nilang mag-asawa sila nagtungong dalawa. Hawak-hawak pa rin nito ang kaniyang kamay at ginigiya siya nto papasok sa loob."Dahil ayuko.""Bakit?""Dahil walang rason, Ffion. Walang rason para makita ang masayang mundo kung ang totoo, hindi ako masaya. Ano ba ang halaga ng paningin kung hindi ko naman nakikita ang babaeng sanay nasa tabi ko ngayon at hindi ikaw."Ouch! Mariin siyang napakagat ng labi para hindi pumiyok na kausap ang lalaki. Ayaw na ayaw ni Audric na umiiyak siya. "Kung gano'n, habang-buhay ka na lang ganito?""Bakit, hindi ba at dahil sa kapansanan kong ito... kaya ka nandito at pinakasalan? Sa tingin mo ba, kung kompleto ang dalawang mata ko, ikaw ang dapat sa katayuan ni Ivony?" Mapakla itong natawa at binitawan ang ang kaniyang kamay. "Anong pinaglalabanan mo ngayon, Ffion? Bakit hindi ka na lang magsaya na kasama mo ako sa Villa na ito? Tutal ayaw mo
PINILIT na ipikit ni Ffion ang kaniyang mata kinagabihan. Wala si Audric, mamaya pa ito papasok sa kanilang silid kapag nasigurado na nitong tulog na siya at kuha niya na ang bagay na iyon. Gano'n ang set-up nila lagi mag-asawa.Masakit na masakit ang kaniyang ulo at para itong mabibiyak. Mainit din ang kaniyang katawan kahit tapos na siyang uminom ng isang pirasong paracetamol. Pero kahit anong pilit niya, hindi siya dinadalaw ng antok. Mailap ito sa kaniya na parang isang hayop. Gusto niya ng magpahinga mula sa nakakabaliw na pangyayari sa araw na ito. Ito yata ang dahilan sa lakas ng pagkakasampal sa kaniya ng Donya o sa takot na nararamdaman niya kay Lorenzo. Alinman sa dalawa, hindi niya na ito pinansin. Hinihiling niya na sana ay makatulog na siya at maaga pa siya bukas para paghandaan ang lalaki.Nagpasya siyang bumangon at kasunod niyon ang pagsigid ng sakit sa ulo niya. Mainit na mainit ang kaniyang balat at para siyang napapaso sa sarili niyang init. Hindi naman siguro siya