Share

Chapter 9 - Kumusta?

"Mukhang malungkot ka yata, Ineng?"

Napalingon siya kay Manang Minda. Nasa palengke na sila kasama ang anak nito.

"Hindi ho, Manang Minda. May iniisip lang po."

"Gano'n ba? Kamo, babalik din sa dati si Audric. Tiwala lang, Ineng."

Ngumiti lang siya. Alam niyang babalik din ang dating si Audric pero sana 'pag bumalik ang dating ito, natutunan na rin siya nitong mahalin. Mayamaya lang ay na-busy na sila sa pamimili ng stocks nang mahagip ng mata ni Ffion ang isang lalaki na nakatayo sa kalayuan. May hawak itong sigarilyo at suot na sumbrero. Nakangisi itong nakatingin sa kaniya habang hinihithit ang sigarilyo sabay buga sa hangin.

Biglang sumikdo ang kaniyang puso. Anong ginagawa niya rito? Nag-unahan sa pagtibok ang kaniyang puso. Kinakabahan siya.

"Ffion ineng?"

"Po?" Napatingin siya sa matandang ginang.

"May gusto ka pa ipabili?"

Mabilis siyang umiling. "W-wala na ho." Muli niyang binalik ang tingin kung saan nakita niya ang lalaki. Wala na ito roon. Mas lalo siyang kinabahan sa isipi
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Anna Fegi Caluttong
hay naku bakit mo pinakawalan Ang alaga ni Ffion
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status