Share

CHAPTER 1

Author: TristarNight
last update publish date: 2026-09-19 14:42:11

(Alyssa’s POV)

Ang tunog ng kumukulong gatas galing sa espresso machine at ang malapot, nakakahalinang amoy ng freshly ground Arabica coffee beans ang pumupuno sa buong kwarto ng aming maliit ngunit paboritong negosyo ang Amor & Aroma Café.

Ito ang pangarap naming itinayo ni Mark pagkatapos ng aming kasal, ang maliit naming kaharian kung saan sabay naming itinutaguyod ang aming hinaharap.

"Babe, paki-check naman 'yung inventory sa bodega habang inihahanda ko 'tong mga pastry para sa morning rush," sigaw ko habang abala sa pag-aayos ng mga freshly baked croissants sa display cabinet.

Naramdaman ko ang marahang pagdapo ng dalawang malalaking kamay sa aking baywang, kasunod ng mainit na halik ni Mark sa aking balikat.

Ang presensya ng aking asawa ay laging nagdudulot ng kapanatagan sa akin. Gwapo, matangkad, at may mga matang tila ba laging nakatitig sa akin nang may halong pagsamba, si Mark ang uri ng lalaki na ipinagpapasalamat ko sa Diyos gabi-gabi.

"Nacheck ko na 'yun kaninang maaga, babe," bulong ni Mark habang isinisiksik ang kanyang mukha sa aking leeg. "Masyado ka kasing masipag. Relaks ka lang muna. Ako na ang bahala rito."

Napangiti ako at pinalikpik ang kanyang braso habang tumatawa. "Naku, Mark, kailangan nating magsumikap. Pangarap natin 'to, 'di ba? Tsaka para rin 'to sa future ng pamilya natin."

Habang nagtatawanan kami, biglang tumunog ang bell sa may pintuan ng coffee shop. Iniluwa nito ang isang napakagandang babae na nakasuot ng fitting na pulang corporate dress, naka-high heels, at may hawak na mamahaling designer handbag.

"Well, well, well... Mukhang nakakaabala ako sa sweet moments ng newlyweds," maarteng ngunit nakatutuwang boses ng babae.

Agad na lumaki ang ngiti sa aking mga labi. "Chloe!"

Mabilis kong binitawan ang mga hawak kong tong at patakbong lumapit sa kanya upang yakapin siya nang mahigpit. Si Chloe Sandoval—ang aking kababata, ang aking pinakamatalik na kaibigan, at ang itinuturing kong kapatid sa mundo na wala na akong ibang pamilya.

"Magandang umaga, sis!" halik ni Chloe sa aking pisngi. Tumitig siya sa akin mula ulo hanggang paa habang may nakaguhit na ngiti sa kanyang mga labi. "Lalo kang gumaganda, Alyssa. Mukhang napakalusog ng marriage life ninyo ni Mark, ah?"

Tumingin si Chloe sa dako ni Mark. Ang aking asawa ay mabilis na nag-iwas ng tingin at nagkunwaring busy sa pagpupunas ng counter table.

"Mabuti naman at napadaan ka, Chloe," komento ni Mark nang hindi tumitingin nang diretso sa kanya. "Gusto mo ba ng paborito mong Caramel Macchiato?"

"Of course, Mark. Masarap kaya ang timpla mo," tugon ni Chloe habang may kakaibang lambing sa kanyang boses.

Magkabata kami ni Chloe. Mula noong elementarya sa probinsya hanggang sa makalipat kami ng Maynila para mag-aral ng kolehiyo, hindi na kami naghiwalay.

Si Chloe ang saksi sa lahat ng iyak at tawa ng buhay ko. Nang mamatay ang aking mga magulang at maiwan sa akin ang maliit na ari-arian at pera galing sa insurance, hindi ko kailanman pinaramdam kay Chloe na naiiwan siya sa buhay.

Naalala ko pa noong mga estudyante pa lang kami kapag nakikitang wala siyang pambayad sa tuition f*e, ako ang lihim na nagbabayad sa registrar. Kapag wala siyang pambili ng libro o kahit pangkain sa canteen, agad kong ibinabahagi ang allowance ko.

Hanggang sa makagraduate kami, ako pa rin ang nagpahiram sa kanya ng capital upang makapagsimula siya ng sarili niyang maliit na online boutique business. Para sa akin, ang pera ay gawa lang ng tao, ngunit ang tunay na kaibigan at kapatid na tulad ni Chloe ay walang kapantay na halaga.

"Salamat pala ulit, Alyssa, sa ipinadala mong pera noong isang linggo," seryosong sabi ni Chloe habang nakaupo kami sa isa sa mga boutique table ng café habang humihigop ng kape. "Kung wala ka, baka napalayas na ako ng landlord sa condo ko. Medyo mabagal kasi ang benta ng mga damit ko ngayong buwan."

Hawak ko ang kanyang mga kamay at pinisil ito. "Ano ka ba, Chloe? Ilang beses ko bang sasabihin sa 'yo na huwag ka nang magpapasalamat? Para na kitang tunay na kapatid. Kung ano ang mayroon ako, bukas ang kamay ko para tulungan ka. Hindi kita iiwan sa ere."

Nakatitig lang sa akin si Chloe. May bahagyang panlalabo sa kanyang mga mata, isang ekspresyon na hindi ko agad mabasa.

"Napakabait mo talaga, Alyssa," mahinang sabi ni Chloe habang nakatitig sa mga mata ko. "Napakaswerte mo... may magandang negosyo, may perang panggastos, at may asawang tulad ni Mark na sobrang tapat at nakatutok lang sa 'yo. Minsan, naiisip ko, sana ako na lang ang nasa kinalalagyan mo."

Natawa ako nang bahagya sa kanyang sinabi, inakalang nagbibiro lamang ang aking matalik na kaibigan. "Naku! Makakatagpo ka rin ng lalaking para sa 'yo, Chloe. Yung mas higit pa kay Mark, at tutulungan din kitang umangat sa buhay."

Pumasok muli si Mark mula sa kitchen area hawak ang mga bagong supply ng coffee beans. "Alyssa, babe, kailangan kong lumabas sandali. Bibili lang ako ng mga karagdagang cleaning supplies sa hardware at magpapagasolina na rin ng kotse."

"Sige, babe. Mag-ingat ka sa pagmamaneho, ah?" bilin ko bago ko siya nilapitan at pinalagyan ng isang mabilis na halik sa mga labi.

"I love you, Alyssa," nakangiting sabi ni Mark habang nakatitig sa akin.

"I love you too, Mark."

Nang makalabas si Mark ng shop, nanatili kami ni Chloe na nagkwentuhan tungkol sa mga lumang alaala at sa aking mga plano sa buhay. Sinabi ko sa kanya na patuloy pa rin ang pag-aapply ko sa mga agency para sa narsing sa Europe, bagama't wala pa ring tiyak na tawag.

"Paano kung matuloy ka sa abroad, Alyssa?" biglang tanong ni Chloe habang pinaglalaruan ang straw ng kanyang kape. "Maiiwan si Mark dito mag-isa. Hindi ka ba natatakot na baka makahanap siya ng iba habang malayo ka?"

Bahagya akong nagulat sa kanyang tanong ngunit agad ding napangiti nang may buong pagtitiwala. "Hinding-hindi magagawa sa akin 'yun ni Mark. Kilala ko ang asawa ko, Chloe. At tsaka, alam kong nandiyan ka naman para tingnan at bantayan ang shop at si Mark kung sakaling umalis man ako, 'di ba?"

Isang matamis at misteryosong ngiti ang gumuhit sa mga labi ni Chloe. "Of course, Alyssa. Makakaasa ka. Babanatayan kong mabuti ang asawa mo... hinding-hindi ko hahayaang may ibang makalapit sa kanya."

Pagkalipas ng ilang oras, nagpaalam na rin si Chloe dahil may kakausapin daw siyang supplier. Gabi na nang makabalik si Mark sa shop upang tulungan akong mag-close. Mabilis naming nilinis ang buong lugar, inayos ang mga upuan, at isinara ang mga ilaw.

Pagdating sa aming bahay, ramdam ko ang labis na pagod sa buong araw na pagtatrabaho. Habang nasa banyo si Mark para maligo, napagdesisyunan kong ayusin ang kanyang mga ginamit na damit para ilagay sa laundry basket.

Kinuha ko ang kanyang itim na polo shirt na ginamit niya kaninang umaga nang lumabas siya para mag-grocery at magpagasolina. Habang inililipat ko ang damit, napansin ko ang isang bagay sa may bahagi ng kwelyo at balikat ng shirt.

Kumunot ang aking noo. Dinala ko ang damit sa ilalim ng maliwanag na ilaw ng kwarto.

May maliwanag at kitang-kitang pahid doon isang kulay-pulang pahid ng lipstick na may halong kaunting amoy ng mamahaling floral perfume.

Napatigil ang aking paghinga. Ang kulay ng lipstick... ay ang eksaktong kulay at brand ng lipstick na gamit ni Chloe kaninang umaga. At ang amoy ng pabango ay ang pabangong ako mismo ang nagregalo sa aking matalik na kaibigan noong nakaraang kaarawan nito.

Nanlamig ang aking mga kamay at mabilis na tumibok ang aking dibdib sa matinding pagtataka at kaba. Paanong magkakaroon ng pahid ng lipstick ni Chloe ang kwelyo ng damit ng aking asawa sa lugar na halos dalawang pulgada lang ang layo sa kanyang leeg?

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • THE BROKEN MARRIAGE VOW    CHAPTER 11

    PART IIMARK'S POVInangat ko si Chloe at pinalapag siya nang tuluyan sa ibabaw ng wooden counter table. Iniyakap niya ang kanyang dalawang mahabang binti sa aking baywang, hinihila ako lalong pabaon sa kanyang katawan. Ang tunog ng aming mabigat na paghinga at ang kalansing ng mga kagamitan sa counter na bahagyang nasisanggi ng aming mga galaw ay nagbigay ng kakaibang sigla sa kahalayang aming pinagsasaluhan.Walang pagmamadali ngunit puno ng matinding pagnanasa, inalis ni Chloe ang buckle ng aking sinturon. Narinig ang tunog ng zipper ng aking pantalon habang dahan-dahan niya itong ibinababa kasama ng aking underwear. Ang kanyang mga kamay ay gumapang sa aking balat isang malamig ngunit nakapapasang hawak na nagpalabas ng panibagong ungol mula sa aking lalamunan."Akin ka ngayong gabi, Mark," bulong ni Chloe sa aking tainga habang kinakagat nang marahan ang aking earlobe. "Dito mismo sa mesa ng negosyo ninyo ng asawa mo."Ang salitang iyon ang pahiwatig na ginagawa namin ito sa mism

  • THE BROKEN MARRIAGE VOW    CHAPTER 10

    PART I(Mark’s POV)Gabi na naman. Ang pamilyar na tunog ng ulan na pumapatak sa bubong ng Amor & Aroma Café ay tila ba usad-pagong na sumasabay sa mabigat kong paghinga. Katatapos ko lang baligtarin ang kard sa pinto mula sa Open patungong Closed. Inilock ko ang pinto mula sa loob at pinatay ang kalahati ng mga ilaw sa kainan.Ang plano ko ngayong gabi ay simple lang: magtutuos ng benta, maglilinis ng kagamitan, at uuwi sa bahay nang mag-isa upang makaiwas sa anumang gulo. Buong araw kong iniiwasan si Chloe. Hindi ko sinasagot ang mga tawag niya at hindi ko rin binubuksan ang mga panunuksong text message na ipinapadala niya simula pa kaninang umaga. Ang guilt na naramdaman ko paggising ko sa tabi niya ay patuloy na pumapatay sa akin. Ayoko na. Gusto ko nang tapusin ang kabalbalang ito bago pa tuluyang masira ang buhay ko.Ngunit tila ba nakatala na sa tadhana ang aking pagbagsak.Habang nakatayo ako sa likod ng malaking wooden counter table at pinupunasan ang espresso machine gamit

  • THE BROKEN MARRIAGE VOW    CHAPTER 9

    Mark’s POVAlam ninyo ba ang pakiramdam ng nagising ka sa umaga na parang binagsakan ng sampung libong hollow blocks ang ulo mo, tapos pagdilat mo ng mata mo, ang una mong makikita ay mukha ng isang ahas na natutulog nang mahimbing sa ibabaw ng dibdib mo?Pucha. Muntik na akong mapasigaw nang malakas kaninang alas-siyete ng umaga.Pagdilat ko, nakasandal si Chloe sa balikat ko, hubad habang nakabalot ang manipis na kumot, at ang buhok niya ay nakalatag sa unan yung unan na ginagamit ni Alyssa. At ang mas malala pa? Suot-suot pa rin niya ang puting silk nightgown ng misis ko na punong-puno na ngayon ng pawis at kung ano-ano pang ebidensya ng kalaswaan namin kagabi.Agad kong inalis ang braso ko mula sa ilalim ng ulo niya nang may halong matinding sindak at pandidiri sa sarili ko. Napalundag ako palabas ng kama, muntik pang madapa sa mga damit naming nakakalat sa sahig."Shit... shit... anong ginawa ko?" bulong ko habang sinasabunutan ang sarili ko at pabalik-balik na naglalakad sa har

  • THE BROKEN MARRIAGE VOW    CHAPTER 8

    Mark’s POVAlam ninyo ‘yung puntong parang lumulutang ka na sa ulap dahil sa alak, pero sabay ding nilulunod sa sarili mong katarantaduhan? Heto na naman ako, mga mare. Kung kanina ay nagda-drama pa ako sa sahig ng sala habang yakap-yakap ang bote ng Ginebra, ngayon, heto na naman ako at parang asong sunud-sunuran sa demonyitang si Chloe.Pucha. Kung may award lang sana sa kategoryang “Pinakaputaheng Asawa ng Taon,” siguro nakasabit na ang gintong medalya sa leeg ko ngayon.Pagkatapos naming maghalikan sa sala kanina, biglang bumuhos ang malakas na ulan sa labas. At anong ginawa ng bruha? Ayun, biglang nagpapakandong habang tumatawa ng parang wala nang bukas. "Mark, basang-basa na ako sa pawis at pawis mo! Ewww, magbibihis muna ako ha!" sabi niya pa sabay takbo patungo sa kwarto namin oo, sa aming kwarto ni Alyssa!Napatayo ako mula sa sofa, medyo nayuyugyog ang tuhod dahil sa kalasingan, at hinabol ko siya pataas. "Huy, Chloe! Huwag diyan! Sa guest room ka na lang magbihis!" sigaw ko

  • THE BROKEN MARRIAGE VOW    CHAPTER 7

    (Mark’s POV)Alam mo ‘yung pakiramdam na gusto mo na lang lunukin ng lupa sa sobrang konsensya, pero huli na ang lahat dahil nandoon ka na sa gitna ng putik? Ganoon na ganoon ang nararamdaman ko habang nakaupo sa sahig ng aming sala, hawak-hawak ang baso ng Ginebra habang umiiyak na parang bata.Oo, umiiyak ako. Kasi naman, pucha, sino ba namang hindi madudurog ang utak? Kanina lang, tumawag si Alyssa. Ang tamis ng boses niya, oh. Nagtanong kung kumain na ba ako, kung kumikita ba ang coffee shop, at kung namimiss ko ba siya. Tapos ako? Heto, nakatunganga sa salas, katabi ang isang bote ng alak, habang ang utak ko ay punong-puno ng alaala ng huling halik namin ni Chloe sa hagdanan."Babe, ingat ka diyan sa London ha... mahal na mahal kita," sabi ko pa sa kanya kanina habang nanginginig ang boses ko. Ang galing ko talagang umaktor, ‘di ba? Oscar-winning performance! Parang tanga lang. Pagkababa na pagkababa ko ng tawag, parang gusto kong isuka lahat ng kinain ko dahil sa sobrang guilty.

  • THE BROKEN MARRIAGE VOW    CHAPTER 6

    Sinubukan kong labanan ang tukso. Sinubukan kong isipin ang mukha ng aking asawa habang umiiyak sa airport. Ngunit ang katotohanan ay malayo si Alyssa. Libo-libong milya ang layo niya, samantalang si Chloe ay nandito mismo sa aking tapat, handang magbigay ng init sa malamig kong mga gabi."Chloe... huwag mong sabihin ang mga ganyang bagay," pilit kong pangaral, bagama't ang aking boses ay nanginginig sa kawalan ng paninindigan."Bakit, Mark? Deny mo man, ramdam ko ang titig mo sa akin tuwing tumatalikod ako," bulong ni Chloe. Dahan-dahang dumaan ang kanyang mga daliri sa aking pulso pataas sa aking braso. "Alam kong nalulungkot ka. Alam kong kailangan mo ng kakampi. At nandito ako... hindi lang para pakainin ka, kundi para ibigay ang lahat ng hindi maibigay sa 'yo ni Alyssa ngayong malayo siya."Pagkatapos naming kumain, nagpresinta si Chloe na tulungan akong maghugas ng mga pinagkainan at maglinis ng espresso machine. Sa loob ng maliit na kitchen area ng coffee shop, napakasikip ng e

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status