Share

Kabanata 22

NAPASINGHAP si Diane ng makita si Chairman Ryder sa harap ng store. Nakapamulsa itong nakasandal sa kanyang sasakyan.

Ilang araw na din silang hindi nagkikita. Miss na niya ito. Pero, dapat niyang pigilan ang nararamdaman para sa binata. Ayaw niyang mayroon siyang masasaktan.

Nagtama ang mga mata nila. Si Diane ang unang nagbawi ng tingin. At umiba ng direksiyon. Lakad-takbo ang ginawa niya para makalayo kaagad sa binata.

Naalarma si Ryder at hinabol si Diane.

"Diane!"

Napahinto si Diane ng marinig na tinawag siya ni Chairman Ryder na Diane. May alam na ba ito? Malalaki ang mga hakbang na muling nagpatuloy sa paglalakad. At hindi niya pinansin ang tawag nito sa kanya.

"Diane..." haklit ni Ryder sa braso niya.

Napahinto si Diane sa paglalakad. Pilit siyang pumipiglas sa hawak ni Chairman sa kanya. Pero, lalong humigpit ang hawak nito sa braso niya. At nagawa pang iharap siya dito.

"I just want to talk to you. Please, Diane. Pakinggan mo lang ako, sandali..." mga pakiusap ni Ryder.

"Bak
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status