공유

THE CONGRESSMAN'S MISTRESS
THE CONGRESSMAN'S MISTRESS
작가: Redink

1 - Husband

작가: Redink
last update 최신 업데이트: 2025-04-14 17:00:43

Chapter 1

NARINIG ni Jovy ang rebolusyon ng motorsiklong pumasok sa bakuran ng bahay nila. Iniwan niya ang hugasin sa lababo at nagpunas ng basang kamay sa suot na apron. Inayos muna ang sarili at ang buhok na nakatakas sa pantali at isinabit sa likod ng tainga. Kumaripas siya palabas ng kusina para salubungin ang asawang si Kristoff.

"Kylle, dumating na si Papa!" masaya niyang tawag sa panganay na anak na gumagawa ng assignment sa may study area na kanugnog lang ng sala.

"Opo, Ma!" masiglang sagot ng walong taong gulang na batang lalaki. Humabol ito kaniya palabas ng bahay.

Nadatnan nilang naglalagay si Kris ng trapal sa motor na ilalim ng resting shed na gawa sa native materials. Bitbit nito ang full-faced helmet at ecobag laman ang ilang groceries. Nasa likod nito ang itim na laptop bagpack. Nakangiting tumingin sa kanilang mag-ina ang lalaki matapos ihulog sa bulsa ang susi ng NMAX.

"Papa!" Agad yumapos si Kylle sa ama matapos magmano. "Perfect ako kanina sa test namin sa Math," masayang balita ng bata.

"Patingin ako ng test mo mamaya." Naaaliw na ginulo ni Kristoff ang buhok ni Kylle.

Napahagikgik na lang din siya sa tuwa. Mana sa Papa ang panganay nila, matalino pagdating sa numbers. Mula kinder ay consistent itong kasali sa honors.

"Kumusta ang trabaho?" malambing niyang tanong at kinuha ang ecobag na bitbit nito.

Hinapit siya ng asawa at h******n sa noo. "Ganoon pa rin, laging loaded, sunud-sunod na nagto-trouble ang grinding machines, kailangan ng madaliang repair dahil may quota sa production." Umuklo ito at dinampian din ng halik sa ulo ang anak nila.

"Buti hindi ka pinag-overtime?" Kumapit siya sa braso nito habang papasok sila ng bahay.

"Last week pa ako kinukulit ng section head namin na mag-OT, tinanggihan ko kasi wala kayong kasama rito sa bahay. Kalat ngayon ang balita sa nakawan."

Pati ang night shift schedule ay tinanggihan din nito. Sabagay, sapat pa naman sa kanila ang sahod nito kahit may kaltas sa mga loans nito sa SSS at Pag-ibig.

"Papa, sabi ni Teacher sasali raw ako sa quiz bee.

"Kailan, pwede ba kaming manood ng mama mo?" Bakas sa tono ni Kristoff ang pagmamalaki sa anak at ang excitement.

"Itatanong ko po bukas kay Teacher!" tuwang-tuwa na sagot ng bata.

Itinuloy niya sa kusina ang ecobag at ipinatong lang muna sa hapag-kainan. Binalikan niya ang kaniyang mag-ama sa sala. Dinaluhan niya ang asawa habang hinuhubad nito ang suot na jacket.

"Si Karylle?" tanong nitong pinukol ng sulyap ang silid ng bunsong anak nila.

"Natutulog, katatapos ko lang siya pakainin, napainom ko na rin ng gamot."

Tumango ito. Tatlong araw nang may lagnat ang bunso nila. Pina-check nila noong nakaraang araw sa pedia. Binigyan ng gamot ang bata pero ni-rekomemda ng doctor ang blood test at ultrasound kung hindi pa rin bumaba ang lagnat.

"Kylle, ang tsinelas ni Papa!" utos niya sa anak na abala sa pagkalkal sa loob ng bag.

"Saglit lang po!" Ibinuhos na nito sa study table ang laman ng bag. "Ito po, Papa!" Dinaluhong sila ng bata, bitbit ang test paper nito sa Math.

Itinabi ni Kris ang helmet sa rack na lagayan ng mga sapatos at natatawang kinuha ang papel.

"Very good, ano'ng gusto mong reward?"

"Okay lang po ba kung bagong sapatos? 'Yong umiilaw kapag naglalakad ako." Tumakbo ito sa lagayan ng mga tsinelas at binitbit ang tsinelas ng ama.

"Light-up shoes ba iyon?" baling ni Kris sa kaniya.

"Iyon yata, mayroon siguro sa online, titingnan ko."

Tumango ang asawa. "Bilhan mo siya."

"Slipper n'yo po, Papa." Nilapag ng bata sa sahig ang tsinelas

Naupo sa single set si Kris at naghubad ng sapatos. Itinabi nito iyon at isinuot ang tsinelas.

"Silipin natin si Karylle." Kinarga nito si Kylle na humagikgik at pumulupot sa ama.

Nagtungo silang tatlo sa silid ng bunso nila. Mahimbing ang tulog ng limang taong gulang na batang babae sa bunk bed, yakap nito ang manikang regalo ni Kris noong 4th birthday nito.

Sinalat niya ang leeg at noo ng anak. "May sinat pa rin siya." Tumingala siya sa asawa.

Ibinaba ni Kris si Kylle at umuklo ito, h******n sa noo ang batang babae. "Magpa-file ako ng leave bukas. Ipapa-lab natin siya. Mag-withdraw ka bukas sa ATM."

"Hindi na, may naitago pa naman ako doon sa binigay mo last month."

"Jovy, para sa allowance mo iyon, kung may gusto kang bilhin. Iyon na nga ang reward na maibibigay ko sa iyo, tinitipid mo pa ang sarili mo. May budget tayo para sa mga bata."

"Ayaw ko lang gumastos kung hindi naman necessity."

Umiling ito at inakbayan siya habang nakayapos dito si Kylle. Binibigyan siya nito ng allowance, sampung libo kada buwan, hindi pa kasali roon ang five thousand na ipinapadala nito sa mga magulang niya sa Bohol.

Hindi siya nakatapos ng college dahil nabuntis siya. Nasa first year pa lang siya ng Tourism course niya nang magsimula silang magtalik ni Kris. Nagko-control naman sila pero may time na naging sunud-sunod ang contact nila at nakalimutan ni Kris magsuot ng baluti. Nabuo si Kylle at pinakasalan naman agad siya ng asawa bago pa lumobo ang tiyan niya.

Ilang beses siyang kinumbinsi ni Kris na ituloy ang pag-aaral pero nauubos ang oras niya sa pag-aalaga sa mga anak nila. Mas kampante rin kasi sa pagiging siyang hands-on Mama kaysa i-asa sa ibang tao ang pag-aalaga sa mga bata. Breastfeed si Kylle hanggang two years old. Paghinto nito sa dede ay nabuntis naman siya kay Karylle. Nawalan na siya ng panahong isipin pa ang sarili niyang kinabukasan dahil ang priority niya ang kaniyang pamilya.

Lumabas sila ng silid at sinamahan niya ang asawa sa kuwarto nila para magbihis. Si Kylle ay bumalik sa study area at tinapos ang assignment.

"Ako na ang magluluto ng ulam, ano bang gusto mong kainin?" boluntaryo ni Kris habang naghuhubad ng black shirt na may logo ng kompanya.

"Paksiw na dalagang bukid, nakabili ako ng sariwa kanina sa suki nating naglalako. Hindi ka ba pagod? Ako na lang ang magluluto." Binuksan niya ang closet at kumuha ng bihisang pambahay. Muscle shirt na gray at malamig ang tela saka loose trouser na white. Ibinigay niya ang mga iyon sa asawa at kinuha ang hinubad nitong damit at pantalon. Dinala niya sa laundry basket na nasa sulok.

"Pagod ka rin naman dito sa bahay. Ang dami mong ginagawa, sa ganitong oras lang ako nakatutulong sa gawain mo rito."

Malambing niya itong inirapan. "Nagpapa-good shot ka ba, Mister? May balak ka mamaya, no?"

Tumawa ito at niyakap siya mula sa likod. "Lagi iyon, hindi ako papalya. Energy booster kita, Misis." Bumaon sa leeg niya ang labi nito.

"Doon ako matutulog sa kuwarto ni Karylle."

"Doon tayo matutulog."

"Hindi mo ako mahaharot, magigising si bunso."

"Tingnan natin," pilyo nitong bulong. "Techician ang asawa mo, akala mo hindi ko kayang mag-improvise ng space at position?"

Kinikilig na umikot siya paharap dito at nagtagpo ang mga labi nila. Mapusok at masidhi ang halik. Ang pinakamasarap na pasalubong na lagi niyang inaabangan araw-araw mula sa asawa pagkagaling nito sa trabaho.

"Mahal na mahal kita, Kris..." anas niyang habol ang hininga.

"Mas mahal na mahal kita," sagot nito sa malat at malalim na boses.

***

DINIG ni Kris ang kulitan ng kaniyang mag-ina sa sala habang naghahanda siya ng hapunan. Pati siya natatawa sa nakakikiliting hagikgik ni Jovy. Ang nag-iisang babaeng kayang pabilisin at pahintuin ang tibok ng puso niya. His own oxygen, his air, his food, his life support, his wife.

"Okay ka lang ba diyan? Tulungan na kita." Tumawid ang malamyos nitong boses mula sa pintuan.

Lumingon siya at binigyan ito ng poging kindat. Sumabog ang pula sa mga pisngi nito. Walang pagbabago mula pa noong kasisimula lang nilang mag-date. Pumasok ito, kagat ang ibabang labi at nasa likod ang mga kamay.

"Patikim nga ako ng paksiw," ungot nitong namumungay ang mga mata.

Nag-blend sa rosy nitong mukha ang patak-patak na pink prickles. Nagiging klaro iyon tuwing namumutla ito at nakadagdag sa sexy nitong ganda. Lima silang sabay na lumigaw rito noong nasa grade 10 pa lang ito. Siya ang pinalad. Unang boyfriend siya nito at unang girlfriend niya rin ito. Noong unang may nangyari sa kanila, higit pa siya sa sigurado, higit pa sa handa na maging asawa at katuwang nito habang-buhay.

Inalis niya ang takip ng kawali. Kumulo na ang sabaw ng paksiw at agad sumama sa usok ang aroma na medyo maasim dahil sa organic vinegar at kamyas.

"Nagugutom na tuloy ako," angal nitong ngumuso.

"Ako kanina pa gutom dahil sa iyo," pabulong niyang sabi at kinagat ang earlobe ng asawa.

"Harot mo talaga." Kinurot siya nito.

Nilingon niya ang pintuan, baka kasi sumunod si Kylle. "Ano'ng ginagawa ni Kylle?" pilyo niyang tanong.

"Nanonood ng movie sa desktop, ba-" hindi na nito natapos ang salita dahil sinarhan niya ng halik ang labi nito. Mas matagal at marubdob kaysa kanina roon sa kuwarto nila.

Dahil sa lambingan nila roon ay muntik nang matuyo ang sabaw ng paksiw. Tawanan na lang sila habang magkatulong na hinanda ang hapunan. Sakto lang na nakapaghain siya, nagising din si Karylle kaya isinabay na rin nila.

***

CONG. Rodjak Guadarama, 5th district representative sa lalawigan ng Gallero. Nakapaskil ang pangalan niya sa billboard na nasa bukana ng beam bridge na kasalukuyang under-construction. Isa sa mga proyekto niya ang tulay na iyon na nagdudugtong sa dalawang lungsod at nagbibigay ng mas accessible route para sa mga motorista. Sagot din sa lumalalang problema ng trapiko sa probinsya.

Ibinalya ng lalaki ang bilis ng sasakyan at nag-overtake sa wing van, sa likuran niya at humahabol sa SUV, sakay ang kaniyang back-up. Para siyang nabunutan ng tinik ngayong araw matapos aprobahan ng korte ang annulment niya sa asawang si Jissel. Dalawang taon din nilang inilaban sa husgado ang kaso at nanalo siya.

"Celso," nagsalita siya mula sa suot na earpiece. "Dumaan tayo sa museleo."

Ilang taon na ba? Tatlo? May anak na sana siyang tatlong taong gulang kung hindi lang ipinalaglag ng ex-wife niya ang baby nila. Isa sa mga kilalang national model ang dati niyang asawa. Anim na taon na silang kasal pero ayaw nitong magkaanak dahil mas importante rito ang career at ang kurba ng katawan na posibleng maapektuhan oras na magbuntis ito.

Ngunit nakalusot siya. Nakabuo sila. Limang buwan na ang ipinagbubuntis nito at nasa ibang bansa siya nang mabalitaan niyang nadulas daw ito sa loob ng banyo kaya nalaglag ang bata. After a year nalaman niya ang totoo na sadyang uminom ito ng pampalaglag. Nilason nito ang anak nila sa loob ng sinapupunan nito.

Sinikap niya ito intindihin at sinubukan niyang ayusin pa rin ang pagsasama nila pero hindi na niya naibalik ang dating pagmamahal niya rito hanggang sa lubos nang naglaho iyon. Para bang tinangay ng kaniyang anak sa hukay.

Itinabi niya sa driveway ang sasakyan at bumaba. Nagpulasan palabas ang dalawang back-up na kasama niya. Humimpil na rin ang SUV na sinakyan nina Celso at ng tatlo pa niyang guards.

Naglakad siya papasok ng museleo. Nasa altar ang puti at babasaging urn na kinalalagyan ng abo ng kaniyang anak. Yakap ng dalawang rebulto ng mga batang anghel.

"Walang pasalubong si Daddy, hindi ko alam kung ano'ng pwede kong dalhin. Kung sana nagkaroon ka ng pagkakataong masabi sa akin ang mga laruan na gusto mo, pagkain o kahit ano na kaya kong ibigay. Hanggang ngayon, sabik pa rin akong makita ka. Hanggang ngayon, Anak." Hinaplos niya sa daliri ang urn at bumuntong-hininga nang bumara ang hangin sa kaniyang lalamunan.

"Cong, may balita tungkol kay Madam." Pumasok doon si Celso, bitbit ang cellphone.

Lumingon siya at nahulog ang paningin sa screen ng cellphone kung saan naka-display ang page ng online newsletter.

-Jissel Guadarama, isinugod sa hospital, nag-overdose sa sleeping pill-

Iniwas niya roon ang mga mata at muling ibinaling sa urn ng kaniyang anak.

"Bigyan mo ng instruction ang opisina ko, sila na ang bahalang magpadala ng assistance kay Jissel."

"Sige, Congressman."

"Celso, no more news about her. She's no longer connected to me, this will be the last time I tolerate hearing her name in my property."

"Loud and clear, Sir." Tumalikod ang bodyguard at iniwan siya roon.

이 책을 계속 무료로 읽어보세요.
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요
댓글 (1)
goodnovel comment avatar
Dhei A. Tomines
great story
댓글 모두 보기

최신 챕터

  • THE CONGRESSMAN'S MISTRESS   33 - happy hours

    "PATAWARIN MO ako, Rose! Ayaw kong makulong, pakiusap!" atungal ni Roxanne habang nakaposas na iginiya ng dalawang police patungo sa nakahintong patrol car sa may bakuran. Malamig na tinitigan lamang ni Rosela ang pinsan. Sa dami nang kasinungalingang sinabi nito sa kaniya, hirap na siyang maniwala pa sa salita at pagsisisi nito kahit may kaakibat pang mga luha. Hindi nito obligasyong kilalanin siya at ituring na pamilya kung ayaw nito sa kaniya, pero hindi rin nito kailangang saktan siya at ipahamak. Sobrang kababuyan ang naranasan niya dahil sa kagagawan nito at hanggang ngayon ay hindi pa siya lubusang nakabawi. Kung wala si Celso sa tabi niya at kung sinukuan siya ng lalaki baka tuluyan na lang niyang itatapon ang sarili. Ang hirap ibigay sa ngayon ang kapatawarang hiningi ni Roxanne at kahit pa mapatawad niya ito, kailangan pa rin nitong pagbayaran ang kasalanan. Gusto rin niyang matuto ito kagaya kung paano siya natuto sa kamangmangan niya. Binawi niya ang paningin at ibinali

  • THE CONGRESSMAN'S MISTRESS   32 - healing

    YUKO ANG ulo at kabadong nakaupo si Rosela sa couch sa loob ng private room kung saan inilipat si Celso. Tulog ang lalaki nang dumating siya. Nag-alangan pa siyang umakyat dito sa ikaapat na palapag kanina pero nakita siya ni Harry doon sa ground floor at isinabay na siya nito sa elevator. Ang bigat ng mga mata niya dahil sa pagpipigil ng mga luha. Hindi siya makatingin sa nanay at mga kapatid ni Celso na nasa kabilang couch. Tuwing napapako naman ang paningin niya sa lalaking natutulog, para siyang nauupos na kandela. Oras na idilat nito ang mga mata, baka gustuhin na lang niyang tumakbo paalis. Takot, matinding hiya, pandidiri ang nagsisisiksikan sa puso niya."Okay ka lang ba?" tanong ni Harry sa kaniya. Wala sa sariling sumulyap siya sa lalaki. Hindi malaman kung tatango o iiling. "Ligtas na siya, huwag ka nang mag-alala. Gumising siya kanina at hinanap ka."Napahikbi siya nang tuluyang sumabog ang sikip sa kaniyang dibdib. Mabilis niyang pinalis ang mga luha at kinagat ang nak

  • THE CONGRESSMAN'S MISTRESS   31 - fear

    HOW TO MOVE ON?written by PulangTintaGIMBAL NA bumalikwas nang bangon si Rosela matapos idilat ang mga mata at nasumpungan ang hindi pamilyar na kuwarto. Nasaan siya? Piniga niya ang ulo nang humataw ang pumipintig na sakit. Ano'ng nangyari sa kaniya? Wala siyang maalala! Sinipat niya ang sarili. Bathrobe lang ang suot niya! Nasa suite ba siya ng hotel? Lalo siyang natilihan nang isa-isang nagbalik sa utak niya ang nangyari kagabi. Pumunta siya ng bar. Uminom siya at malamang napasobra na naman. Tapos...may lalaki...hindi niya matandaan ang mukha pero sigurado siyang may lalaking umakay sa kaniya paalis ng bar at sa loob ng sasakyan..."M-may nangyari sa amin!" tigagal niyang bulalas at natulala na lang habang bumubukal ang mga luha. Ginawa na naman niya. Nagkasala na naman siya kay Celso. Hindi na niya pwedeng gawing excuse na galit siya at masama ang loob. May choice siya. May pagkakataon siyang umiwas. Pero hinayaan na naman niya ang sarili na talunin ng kahinaan. Paano ba ka

  • THE CONGRESSMAN'S MISTRESS   30 - conspiracy

    KINSE MINUTOS na lang para mag-ala una ng hapon. Nagmamadaling pumasok ng mansion si Rosela at dumeretso sa study room. Nadatnan niyang abala sa pagpirma sa mga nakabinbin na dokumento si RJ."It's good that you're here, Rose. Pasensya ka na kung pinag-report kita despite your day-off. May urgent lang akong lakad at darating dito ang ilang kasapi ng farmer's association sa lungsod para sa assistance na ipinangako ko sa kanila." Kinuha ng lalaki mula sa safety chest ng desk ang sobre na naglalaman ng pera. "Here's the money, ikaw na muna ang bahala." At ibinigay iyon sa kaniya. "Saan po kayo pupunta, Cong?" tanong niya. "Susunduin ko si Chilson, may seminar ngayon si Jovy. Wala rin si Kris dahil nasa training para sa promotion." Hinubad nito ang suot na eyeglasses at nilapag sa desk. "Mamaya ko na tatapusin ang pagpirma sa mga natitirang papeles.""Sige po, ingat kayo." "Thank you." Hinablot ni RJ ang jacket na nakasampay sa sandalan ng swivel chair at isinuot habang tinutungo ang p

  • THE CONGRESSMAN'S MISTRESS   29 - communication

    HINDI hinayaan ni Rosela na talunin siya ng pagdududa. Nasa tamang edad na siya para lamunin ng negatibong dikta ng kaniyang utak. Kahit pa may posibilidad na gumaganti lang si Celso, tatanggapin niya ang lahat dahil may kasalanan siya na dapat pagbayaran. Dumaan siya ng palengke at bumili ng mga lulutuin niya para sa hapunan. Pagkauwi ng apartment ay inabala niya agad ang sarili sa paghahanda ng makakain. Pasado alas-sais nang dumating si Celso, sakto lang na tapos na siyang magluto. Masigla niyang sinalubong sa may pintuan ang lalaki. "Nag-grocery ka?" Natuon ang paningin niya sa grocery bags na bitbit nito. "Dumaan na ako." Hinagkan siya nito sa noo. "Namalengke rin ako. May hinatid kasi ako roon sa city hall." Bumuntot siya rito patungong kusina. "Gutom ka na? Maghahain na ako." "Sige, babalik pa ako ng mansion. May inutos si RJ." Nilapag nito sa counter ang grocery bags. Gumana naman agad ang utak niya. Sa mansion kaya ito pupunta o kay Roxanne? Agad niyang inalis sa utak

  • THE CONGRESSMAN'S MISTRESS   28 - love and chance

    "NANDIDIRI AKO sa iyo, mag-break na tayo!" Iyon ang huling sinabi niya noon kay Celso. Pagkatapos niyang magkasala at makipagtalik sa ibang lalaki sa mismong apartment nila, siya pa ang may lakas ng loob na sabihin sa binatang nandidiri siya. Siya pa ang matapang na nakipaghiwalay at hindi hinayaan si Celso na sumbatan siya sa ginawa niya. Pero nang makita niya noon ang video scandal, doon niya na-realize kung sino sa kanilang dalawa ni Celso ang totoong nakadidiri. Siya iyon. Hindi ang lalaki.Pinahid ni Rosela ang nanlandas na mga luha. Kung pwede lang niyang ibalik ang oras. Liliwanagin niya ang lahat kay Celso. Magtatanong siya para magkaroon ng linaw ang mga pagdududa niyang wala naman talagang katotohanan at gagawin niya ang lahat para isalba ang pagsasama nila. Pero huli na ang lahat. Dahil sa pride niya naubusan siya ng oras. Dahil pinaiiral niya ang paniniwalang siya ang tama at si Celso ang mali, nawalan siya ng pagkakataong iwasto ang lahat. Araw-araw, unti-unti siyang

  • THE CONGRESSMAN'S MISTRESS   27 - cheat

    NABAWASAN ang agam-agam ni Rosela tungkol sa pagkalalaki ni Celso. Sa mahigit isang buwan nila sa bagong tirahan ay hindi siya ginutom ng binata sa pagkain o sa kama. Pumapalya lang ito tuwing fertile siya at mas magaling pa itong magbilang sa kalendaryo kaysa sa kaniya. At dahil feel na feel na niya ang pagbukod nila, nag-iisip na rin siyang magkaanak. Nawiwili siya sa pagbrowse ng mga infant outfit sa online stores at nai-imagine niyang isa sa mga iyon ay suot ng anak nila ni Celso."Tapos ba ba kayo sa pag-decorate roon sa verandah?" tanong ng head servant sa ilang kasambahay na nasa ibaba ng hagdanan.May malaking ganap bukas kaya abala sila. Tumulong din siya sa paglilinis at marami naman sila kaya madaling natapos. May usapan sila ni Celso ngayon na dumaan sa boutique para makabili siya ng dress para bukas. "Sobra na 'yong motorbike na binigay mo, RJ." "Reward mo iyon dahil sa magandang performance. Ano iyan, protection? Kailangan mo ba talagang magsuot niyan?" Naudlot siya

  • THE CONGRESSMAN'S MISTRESS   26 - honey

    MAHAPDI NA ang sugat sa mga pulso ni Rosela pero may dalawang kumot pa siyang kukusutin. Hindi siya makontento sa linis mula sa washing machine kaya inulit niya ng manual na paglalaba pati ang pillow cases. Maaga kasi niyang natapos kanina sa paglalaba ang mga damit nila ni Celso kaya nilabhan na rin niya ang bed sheets at mga kumot. Ito na lang yata ang ambag niya rito sa bahay bukod sa paglilinis dahil ang pagluluto at paghuhugas ng mga pinggan pagkatapos nila kumain ay nakatuka lagi kina Elma at Eliza. Salitan ang dalawa. Napangiwi siya nang ilusong sa tubig sa planggana ang mga kamay. Halos mangawit ang mga braso niya dahil sa sobrang hapdi ng mga sugat sa kaniyang pulso. "Rose?" Dinaluhong siya ni Celso na kararating lang. Nagsalubong ang mga kilay nito at agad hinango ang mga kamay niya sa tubig. Dumilim ang mukha ng lalaki nang makita ang mga lapnos sa pulso niya. "Okay lang ako, malapit na akong matapos." Binawi niya ang mga kamay."Elma!" sigaw nito. "Elma!" Kumaripas pat

  • THE CONGRESSMAN'S MISTRESS   25 - the other girl

    NAG-ANGAT ng mukha si Rosela mula sa sinusulat na outline para sa parating nilang final exam. Nilingon niya ang gawi ng dalawang kaklaseng babae sa bandang likuran. Nag-uusap ang mga ito at narinig niyang binanggit ni Rutchie ang pangalan ni Celso."Kainis talaga ang lalaking iyon. Magbibigay lang naman ako ng chicken lasagna kay RJ tapos hinarang ako at pinagbawalang lumapit. Ano'ng akala niya, may lason ang pagkaing dala ko?" maktol ng babae."Alam mo nagdududa ako sa lalaking iyan, palagay ko bakla siya. Ayaw kasing umalis sa tabi ni RJ. Sunod nang sunod, parang aso. Naalala mo noong may event sa stadium? Nakita ko siyang yakap si RJ habang palabas sila. Para bang takot na hawakan ng iba 'yong kaibigan niya," pakli ni Barbara."Tingin mo bakla talaga si Celso? May narinig kasi akong usap-usapan na ganoon, taga-ibang school daw ang nagsabi." "Baka totoo.""Nakita mo bang may girlfriend siya? Balita ko pa nga itinataboy niya 'yong mga babaeng gustong makipagkaibigan." "Pero di ba,

좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 책을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 책을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status