Chapter 7
BINUKSAN ni Jovy ang walk-in cabinet at kinagat ang ibabang labi nang tumama ang mga mata niya sa mga mamahaling gamit sa loob. Kasing-laki ng kuwarto niya ang area na iyon. Laman ang signature dresses na naka-patent mismo sa gumawa, designer bags, footwears, mga alahas at ibang fashion items. Lahat nang mayroon sa kuwartong iyon ay ginto-ginto ang halaga. Ipinaramdam sa kaniya kung ganoon kayaman ang nagmamay-ari ng mansion. Kahit kurtina at simpleng place mat sa coffee table ay pwede yatang mai-sangla dahil sa nakalululang presyo. Pumasada ang mga mata niya sa mga bestidang nakahilera sa gawing kanan at nakasabit sa stand. Pumili siya ng dark green dress, kimono style at may flutter sleeves. Hanggang sa ibaba ng tuhod niya ang haba at malambot ang tela. Kinuha niya iyon mula sa hanger at binalingan ang shoes. Dinampot niya sa rack ang puting high heel, lace up knot at hindi ganoon kahaba ang takong, mga 1¹/² inch lang siguro. Binitbit niya ang mga iyon palabas. Nahinto siya nang makita ang red roses flower bouquet na nasa gitna ng kama. May kasamang stuff toy iyon na pabilog at color yellow. Para bang kahugis ng itlog ng manok. Nilapag niya sa kama ang kinuhang outfits at dinakot ang stuff toy. Tama nga siya, it is an egglet stuff toy. May mata at tuka tapos maliit na mga binti at paa. "An egglet, it's cute isn't it? Nakita ko lang sa stuff shop na nadaanan namin ni Celso kanina, naisip kong iuwi sa iyo." Si Rodjak na pumasok galing ng balcony ng kuwartong iyon. "And the flowers of course." Itinuro nito sa mga mata ang bulaklak at nabasa niya ang kislap ng ngiti roon na hindi niya madalas makita sa labi nito. "Itigil mo na ito. May asawa ako at alam mo ang dahilan kaya pinili kong mag-stay rito. Ginagawa kong hostage ang sarili ko sa tahanan mo kapalit ang kaligtasan ng aking asawa." Nakasimangot niyang lintanya at ibinaba ang stuff toy. Sinusuyo siya ni Rodjak, alam niya iyon. Gusto nitong maniwala siya kung gaano ito ka-seryoso sa hangarin nito sa kaniya. Pero paano niya makita ang malinis na intention sa likod ng mga ginagawa nito kung sinimulan nito iyon sa maruming plano? Isa pa, bakit hindi nito maintindihang hindi na siya malaya? Isang linggo na at araw-araw binibigyan siya nito ng flowers, isa sa umaga paggising niya at sa gabi bago siya matulog. "What made you think I'll harm your husband?" "Huwag ka nang mag-deny, may binabalak ka sa kaniya!" akusa niyang umiirap. "Looks like you have a new main squeeze." Pang-aasar nito. "If someone is putting that into your head then he must be the one who is plotting something bad." "Ayaw ko ng stuff toy na 'to, ang pangit!" Binalibag niya rito ang laruan. "Yeah yeah, knowing you...your way or the highway...take it anyway." Mas lalo lang siya nitong tinudyo. Dinampot niya ang bulaklak at akmang ihahambalos iyon kay Rodjak pero bigla siyang nanghinayang. Ibinigay na lang niya iyon kay Rosela mamaya. "Seriously, ngayong narito ka na sa akin, wala na akong pakialam pa sa asawa mo. I don't have to kill him, really. I just need five good years and your marriage with him will automatically becomes null and void." Naglakad ito patungong pintuan. "Hihintayin kita sa study room, may pupuntahan tayo," pahayag nitong binuksan ang pinto at lumabas. Gigil na napahabol ang tingin niya at tumama sa nakapinid na pinto. Ano'ng pinagsasabi nitong five years at mawawalan na ng bisa ang kasal nila ni Kris! Hindi iyon pwede! Delusional na Rodjak! Pero kahit nabubugnot siya, nagbihis pa rin siya. Nag-ayos sa harap ng dresser na kompleto ang set ng mga pampaganda pero hindi naman lahat ay alam niya kung paano gamitin. Sunblock at foundation lang ang nilagay niya sa mukha, concealer para sa eyebags, manipis na blush on at liptint. Inamoy niya ang sarili. Parang hindi na kailangan ng perfume, may pabango na yata ang mga damit sa loob ng walk-in cabinet. Lumabas siya ng silid at tinunton ang gawin ng hagdanan. Baka bibisita ulit sila sa museleo ng anak ni Rodjak. Lumabas siya ng kuwarto at tinunton ang pasilyo patungong hagdanan. Kombinasyon ng black and white ang zip hoodie na suot ng lalaking naghihintay sa kaniy sa study room. Ang buhok nito ay nakatago sa ilalim ng itim na baseball cap at ilang hibla ang nakatakas pababa sa magaspang na hulma ng panga nito. Tumingin ito sa kaniya. Humagod ang malagkit na titig pababa sa kaniyang katawan at pinatingkad ang pagnanasang sumilip sa ilalim ng lilim ng cap. Nagbigay sa kaniya ng kilabot bawat haplos ng mga mata nito sa kaniya. "Come here," tawag nitong may kinuha mula sa ibabaw ng desk. Lumapit siya. Pumihit ito at ibinigay sa kaniya ang naka-sling na ID. "Ano ito?" tanong niyang nagtataka. "You will pose as my private secretary when we're outside." Binawi nito ang ID na hawak na sana niya at ito na mismo ang nagsuot niyon sa kaniya. "Celso, ready the car, clear the guys and let's move out!" utos nito sa bodyguard na nakaantabay mula sa labas ng pintuan. "Handa na ang sasakyan, Sir!" sagot ni Celso. Dinampot ni Rodjak ang cellphone na nasa desk at dinakma nito ang kamay niya, kinaladkad siya palabas ng study room. Nasa bukana ng porch ang sasakyan, naghihintay. Agad silang pinagbuksan ng pinto ng mga bantay nito. "Saan tayo pupunta?" tanong niya pagkasampa sa loob. "Sa school ni Kylle para makita mo siya. Kung may gusto kang bilhin, sabihin mo lang at nang madaanan natin. Bumili na ako ng ilang pasalubong, nasa trunk. Check it out later." Hindi siya nakasagot at natameme na lang. Pupuntahan nila ang anak niya? Sumikip ang kaniyang dibdib at gumahol ang paghinga. Uminit ang sulok ng mga mata niya. Rodjak kept pushing on forward just to melt her. Panakaw niyang sinulyapan ang lalaking katabi. Nakatuon ang paningin nito sa unahan. Pero napansin nitong nakatingin siya. Gumalaw ang mga mata nito at pa-side eye siyang tinitigan. Kumislap doon ang aliw. "You're welcome," sabi nitong ikinanguso niya. "Hindi naman ako nag-thank you." "It's written in your eyes." Hinawakan nito ang kamay niya at banayad na pinisil. "I love you." Parang dagundong iyon na nag-echo sa kaniyang pandinig. *** "KRIS!" Kasabay ng sigaw ang malakas na pagtulak sa kaniya ng kasamahang technician palayo sa bumabagsak na blade ng grinding machine. Nasadlak si Kris sa steel cabinet na storage ng resin chemical, ang pandikit para sa metal parts ng optic section. "Pare, mag-ingat ka naman! Gusto mo bang mawalan ng mga braso? Parang ipapakain mo na sa grinder iyang sarili mo, ah? Umayos ka, lagi ka na lang tulala!" Bugnot na pinagsabihan siya ni Archie. "Pasensya ka na, Pare, salamat..." sabi lang niyang binalikan ang machine at tiniyak na maayos na iyon. Pinindot niya ang off button. Kahapon pa out of operation ang makina dahil sa electrical trouble pero ngayon lang niya nakumpuni. "Okay ka lang ba, Kris? Lagi kang wala sa sarili, ah! May problema ba? Hindi ba ligtas na ang bunso mong nasa hospital? Pare, ayusin mo iyang sarili mo, baka ikaw naman ang madisgrasya!" Tumango lang siya at hindi nagtangkang magpaliwanag. Nagsulat siya sa logbook at nilagyan ng check mark ang sticker, idinikit iyon sa machine, tanda na pwede na ulit mag-operate ang makina. Baka pwede siyang mag-half day ngayon. Limang machines na ang naayos niya at ngayong linggo ay nakuha nila ang quota mula sa kliyente. Nagtungo siya ng opisina ng section head at nag-file ng undertime. Agad iyon na-aprobahan gawa ng sitwasyon niya dahil kay Karylle. Gusto niyang sumaglit ng Guadarama Hill Compound. Isang linggo na rin siyang tumatambay roon galing sa trabaho, nagbakasaling makita niya ang asawa. Pero hindi pa rin siya pinalad. Pasakay na siya ng motorbike nang tumunog ang cellphone na nakasuksok sa back pocket niya. Hinugot niya iyon. Ang kapatid niya ang tumawag. "Hello?" "Kuya, half day lang ang klase ni Kylle ngayon, hindi ko siya masusundo, pasensya ka na. May practical class pa kasi ako." "Okay lang, ako na ang susundo sa kaniya." "Sige, Kuya, ingat ka. Babalik na ako sa site." Hinulog niya sa pocket ng motor ang cellphone at bumuga ng hangin. Sumabit ang mga mata niya sa suot na singsing. Hinaplos niya iyon, dinala sa bibig at h******n ang wedding ring nila ni Jovy. "Mahal na mahal kita, Jovy. Sana maayos ang araw mo," bulong niyang tumingin sa kawalan, umaasang dadalhin ng hangin papunta sa kaniyang asawa ang panalangin ng puso niya. Umangkas siya sa motorbike, binuhay ang makina at isinuot ang helmet. Mabagal siyang umusad palabas ng gate. Bumilis lang ang takbo nang nasa highway na siya. Hindi gaanong malayo ang central school kung saan pumapasok si Kylle. Sakto lang ang dating niya. Dismissal na ng mga bata. Tanaw niya ang agos ng mga mag-aaral sa covered hallway. Ipinarada niya ang motorbike sa bakanteng spot at bumaba. Tinanggal sa ulo ang suot na helmet at isinabit sa manibela. Alam na ni Kylle kung saan madalas maghihintay ang sundo nito. Maya-maya pa ay natanaw na niya ang anak, masayang tumatakbo. Parang malikot na isdang umiiwas na masagi ang ibang mga batang naglalakad. Napangiti siya. "Papa!" masigla nitong sigaw. Lumapad pa ang ngiti niya at sinalubong ang anak. Dadakmain na sana niya ito para kargahin nang mapansin niya ang sapatos na suot nito. Iyon ang shoes na gusto nitong ipabili sa kaniya. "Papa, nakita ko si Mama kanina, pumunta siya rito!" masayang balita ni Kylle. Para siyang tinadyakan ng kabayo sa dibdib. Humigpit nang humigpit ang puso niya at bumukol ang hangin sa kaniyang lalamunan. Pinipigil ang kaniyang paghinga. "Ang mama mo?" "Opo, at dinalhan niya ako ng pasalubong, itong shoes, oh!" Niyuko nito ang mamahaling sapatos. "Sabi po ni Mama, nagtrabaho raw muna siya kaya hindi pa uuwi sa atin pero lagi raw siyang bibisita para makita kami ni Karylle." "Kailan siya ulit bibisita, Anak, sinabi ba niya?" Tumulis ang nguso ni Kylle. "Sorry po, hindi ko po tinanong. Oo nga pala," aligaga nitong dinukot ang bulsa ng shorts na uniform. "Ito po, pinabibigay ni Mama sa inyo. Love letter daw niya para sa inyo. May kasama raw na kiss iyan, sabi niya. Iyong matunog na matunog na kiss." Isang papel na pang-grade three ang ibinigay sa kaniya ng bata. Love letter mula sa asawa niya? Nginig ang mga daliring kinuha niya ang papel at sabik na binuklat. Hindi na niya napigil ang pagpatak ng mga luhang nagpapahapdi sa kaniyang mga mata. Kris Ingatan mo ang sarili mo. Kumain nang maayos. Huwag magpagod nang husto sa trabaho at huwag magpuyat. Mahal na mahal kita. Mahal na mahal ko kayong tatlo ng mga bata. Jovy Hindi niya mabilang kung ilang ulit pumasada roon ang luhaan niyang mga mata. Bawat salita roon ay nagbabaon ng masakit na tinik sa puso niya pero gustong-gusto niya. "Papa?" Hinatak ni Kylle ang suot niyang jacket, kinukuha ang atensiyon niya. Maingat niyang tinupi ang papel at itinago sa bulsa ng kaniyang pantalon. "May kasama ba ang mama mo kanina?" "Wala po, mag-isa lang po siya. Papa, pumunta rin dito ang congressman, ang pogi pala niya. Namigay po siya ng pagkain at mga laruan!" tuwang-tuwa na kuwento ni Kylle. Nagtagis siya ng mga bagang. Siyempre, hindi hahayaan ng lalaking iyon na lumabas mag-isa si Jovy. "Binigyan ka rin ba ng laruan?" "Opo!" Ibinaba ng bata ang bag nitong nakasabit sa mga balikat at binuksan ang zipper. Kinuha nito sa loob ang karton ng laruang natanggap. Isang high-end drone for kids. Naglalaro ang halaga sa one hundred thousand o higit pa. Limited stocks ang franchise dito sa bansa, malamang direktang binili iyon mula sa mismong pagawaan sa Singapore. "Lahat ba kayo ganitong laruan ang binigay?" "Hindi po, ako lang po ang binigyan ni Sir pogi ng ganyan. Sabi niya alam n'yo raw po paano iyan laruin, magpaturo raw ako sa inyo." Aburidong ibinalik niya sa bag ang karton. Gusto niyang itapon iyon. Ano'ng gustong palabasin ni Rodjak, pagkatapos ng asawa niya, kukunin naman nito ang loob ng kaniyang anak?"PATAWARIN MO ako, Rose! Ayaw kong makulong, pakiusap!" atungal ni Roxanne habang nakaposas na iginiya ng dalawang police patungo sa nakahintong patrol car sa may bakuran. Malamig na tinitigan lamang ni Rosela ang pinsan. Sa dami nang kasinungalingang sinabi nito sa kaniya, hirap na siyang maniwala pa sa salita at pagsisisi nito kahit may kaakibat pang mga luha. Hindi nito obligasyong kilalanin siya at ituring na pamilya kung ayaw nito sa kaniya, pero hindi rin nito kailangang saktan siya at ipahamak. Sobrang kababuyan ang naranasan niya dahil sa kagagawan nito at hanggang ngayon ay hindi pa siya lubusang nakabawi. Kung wala si Celso sa tabi niya at kung sinukuan siya ng lalaki baka tuluyan na lang niyang itatapon ang sarili. Ang hirap ibigay sa ngayon ang kapatawarang hiningi ni Roxanne at kahit pa mapatawad niya ito, kailangan pa rin nitong pagbayaran ang kasalanan. Gusto rin niyang matuto ito kagaya kung paano siya natuto sa kamangmangan niya. Binawi niya ang paningin at ibinali
YUKO ANG ulo at kabadong nakaupo si Rosela sa couch sa loob ng private room kung saan inilipat si Celso. Tulog ang lalaki nang dumating siya. Nag-alangan pa siyang umakyat dito sa ikaapat na palapag kanina pero nakita siya ni Harry doon sa ground floor at isinabay na siya nito sa elevator. Ang bigat ng mga mata niya dahil sa pagpipigil ng mga luha. Hindi siya makatingin sa nanay at mga kapatid ni Celso na nasa kabilang couch. Tuwing napapako naman ang paningin niya sa lalaking natutulog, para siyang nauupos na kandela. Oras na idilat nito ang mga mata, baka gustuhin na lang niyang tumakbo paalis. Takot, matinding hiya, pandidiri ang nagsisisiksikan sa puso niya."Okay ka lang ba?" tanong ni Harry sa kaniya. Wala sa sariling sumulyap siya sa lalaki. Hindi malaman kung tatango o iiling. "Ligtas na siya, huwag ka nang mag-alala. Gumising siya kanina at hinanap ka."Napahikbi siya nang tuluyang sumabog ang sikip sa kaniyang dibdib. Mabilis niyang pinalis ang mga luha at kinagat ang nak
HOW TO MOVE ON?written by PulangTintaGIMBAL NA bumalikwas nang bangon si Rosela matapos idilat ang mga mata at nasumpungan ang hindi pamilyar na kuwarto. Nasaan siya? Piniga niya ang ulo nang humataw ang pumipintig na sakit. Ano'ng nangyari sa kaniya? Wala siyang maalala! Sinipat niya ang sarili. Bathrobe lang ang suot niya! Nasa suite ba siya ng hotel? Lalo siyang natilihan nang isa-isang nagbalik sa utak niya ang nangyari kagabi. Pumunta siya ng bar. Uminom siya at malamang napasobra na naman. Tapos...may lalaki...hindi niya matandaan ang mukha pero sigurado siyang may lalaking umakay sa kaniya paalis ng bar at sa loob ng sasakyan..."M-may nangyari sa amin!" tigagal niyang bulalas at natulala na lang habang bumubukal ang mga luha. Ginawa na naman niya. Nagkasala na naman siya kay Celso. Hindi na niya pwedeng gawing excuse na galit siya at masama ang loob. May choice siya. May pagkakataon siyang umiwas. Pero hinayaan na naman niya ang sarili na talunin ng kahinaan. Paano ba ka
KINSE MINUTOS na lang para mag-ala una ng hapon. Nagmamadaling pumasok ng mansion si Rosela at dumeretso sa study room. Nadatnan niyang abala sa pagpirma sa mga nakabinbin na dokumento si RJ."It's good that you're here, Rose. Pasensya ka na kung pinag-report kita despite your day-off. May urgent lang akong lakad at darating dito ang ilang kasapi ng farmer's association sa lungsod para sa assistance na ipinangako ko sa kanila." Kinuha ng lalaki mula sa safety chest ng desk ang sobre na naglalaman ng pera. "Here's the money, ikaw na muna ang bahala." At ibinigay iyon sa kaniya. "Saan po kayo pupunta, Cong?" tanong niya. "Susunduin ko si Chilson, may seminar ngayon si Jovy. Wala rin si Kris dahil nasa training para sa promotion." Hinubad nito ang suot na eyeglasses at nilapag sa desk. "Mamaya ko na tatapusin ang pagpirma sa mga natitirang papeles.""Sige po, ingat kayo." "Thank you." Hinablot ni RJ ang jacket na nakasampay sa sandalan ng swivel chair at isinuot habang tinutungo ang p
HINDI hinayaan ni Rosela na talunin siya ng pagdududa. Nasa tamang edad na siya para lamunin ng negatibong dikta ng kaniyang utak. Kahit pa may posibilidad na gumaganti lang si Celso, tatanggapin niya ang lahat dahil may kasalanan siya na dapat pagbayaran. Dumaan siya ng palengke at bumili ng mga lulutuin niya para sa hapunan. Pagkauwi ng apartment ay inabala niya agad ang sarili sa paghahanda ng makakain. Pasado alas-sais nang dumating si Celso, sakto lang na tapos na siyang magluto. Masigla niyang sinalubong sa may pintuan ang lalaki. "Nag-grocery ka?" Natuon ang paningin niya sa grocery bags na bitbit nito. "Dumaan na ako." Hinagkan siya nito sa noo. "Namalengke rin ako. May hinatid kasi ako roon sa city hall." Bumuntot siya rito patungong kusina. "Gutom ka na? Maghahain na ako." "Sige, babalik pa ako ng mansion. May inutos si RJ." Nilapag nito sa counter ang grocery bags. Gumana naman agad ang utak niya. Sa mansion kaya ito pupunta o kay Roxanne? Agad niyang inalis sa utak
"NANDIDIRI AKO sa iyo, mag-break na tayo!" Iyon ang huling sinabi niya noon kay Celso. Pagkatapos niyang magkasala at makipagtalik sa ibang lalaki sa mismong apartment nila, siya pa ang may lakas ng loob na sabihin sa binatang nandidiri siya. Siya pa ang matapang na nakipaghiwalay at hindi hinayaan si Celso na sumbatan siya sa ginawa niya. Pero nang makita niya noon ang video scandal, doon niya na-realize kung sino sa kanilang dalawa ni Celso ang totoong nakadidiri. Siya iyon. Hindi ang lalaki.Pinahid ni Rosela ang nanlandas na mga luha. Kung pwede lang niyang ibalik ang oras. Liliwanagin niya ang lahat kay Celso. Magtatanong siya para magkaroon ng linaw ang mga pagdududa niyang wala naman talagang katotohanan at gagawin niya ang lahat para isalba ang pagsasama nila. Pero huli na ang lahat. Dahil sa pride niya naubusan siya ng oras. Dahil pinaiiral niya ang paniniwalang siya ang tama at si Celso ang mali, nawalan siya ng pagkakataong iwasto ang lahat. Araw-araw, unti-unti siyang