DISPERATE, bumalik ng hospital si Kris. Sa unang pagkakataon sa buhay niya iginupo siya ng pagkatalo at pagod. Nangmamanhid ang puso niya pero bakit walang tigil ang hagupit ng kirot? Para bang gusto na lang niyang tumigil sa paghinga, kung pwede lang. Kahit ilang minuto lang. Isasara muna niya ang utak at kalimutan ang mundo, kalimutang buhay siya.
Ang daming plano na tumatakbo sa isip niya pero nangangamba siyang gawin. Baka magkamali siya at lalo lang malagay sa alanganin si Jovy. Para itong babasaging bagay na kunti pa ay tuluyan nang madudurog at baka hindi na niya mahawakan. Kaya wala siyang nagawa kanina kundi ang umalis na lang muna. Hindi niya pwedeng ipilit ang gusto niya dahil hindi nagtatagpo ang katwiran nilang dalawa. "Nasaan ang asawa mo? Kanina pa kita tinatanong?" makulit na utas ng kaniyang ina. "Para kang robot diyan na naubusan ng baterya. Nasaan si Jovy?" Blangkong tiningnan niya ang magulang at saglit na sinuyod ang buong kuwarto. Hindi man lang niya napansing narito na pala siya sa private room na dating inuokupa ni Karylle. Bumuga siya ng hangin. Nagbabara ang lalamunan niya at pumipintig ang kirot sa kaniyang ulo. Wala sana siyang balak na sabihin ang totoo sa magulang. Pero malalaman din naman iyon ng pamilya niya at mas gugulo pa kung magmumula sa ibang tao, dagdag-bawas na ang sistema at mas lalong magiging kawawa si Jovy. Sa ganitong krisis, gusto niyang protektahan ang asawa at ang reputasyon nito pero saan ba siya magsisimula? "Kristoff!" apura ng mama niya. "Naroon siya kay Congressman, Ma. Hindi pa siya makauuwi. Hintayin lang natin." Ibinagsak niya ang sarili sa sofa yumukyok sa pagkakaupo, piniga ang ulo. "Ano'ng ginawa niya roon? Namasukan?" Bagot na segunda ni Mrs. Concepcion. Umiling siya at pinukol ng tingin ang bakanteng kama. Kung mailalabas na ng ICU si Karylle, kailangan na siguro niyang mag-suweldo ng yaya na mag-aasikaso sa bata. Hindi siya pwedeng mawala ng matagal sa trabaho at lalong hindi niya hahayaan si Jovy na gawing priso ni Congressman sa poder nito. "Sandali nga, magtapat ka, may ginawa bang katangahan ang asawa mo? Ano? Iniputan ka sa ulo?" Nagpanting ang tainga niya at marahas na bumaling sa ina. "Ma, dahan-dahan naman kayo sa pagsasalita! Nagkamali si Jovy pero may mabigat siyang dahilan!" depensa niya sa asawa. Tumawa ng pagak si Connie. "Tama nga ako! Diyos ko, heto na nga ba ang sinabi ko. At ano'ng dahilan niya? Dati pa ay hindi ko na gusto iyang asawa mo, Kris! Pero ipinipilit mo sa amin! Ngayon, ano na? Pinatunayan na niyang kaladkarin talaga siya!" "Tama na!" bulyaw niyang tumayo. "Kung magsalita kayo parang hindi ninyo nakita ang sakripisyo niya sa pamilya namin. Mabuti siyang asawa sa akin at mabait na ina ng aming mga anak. Hindi ako papayag na basta n'yo na lang siya iinsultuhin! Lagi na lang ang mali niya ang nakikita ninyo mula pa noon. Kung magkuwentahan tayo, ano bang nagawa ninyo para sa kaniya? Pero ang asawa ko, ginagawa niya ang lahat matanggap n'yo lang siya!" Natigilan ang kaniyang ina at sinakop ng poot ang mga mata. "Sinisigawan mo ako? Binulyawan mo ang iyong ina para ipagtanggol ang maharot mong asawa?" "Sino ba ang nagbigay sa kaniya ng ideyang humingi ng tulong sa gagong congressman na iyon? Sino ang nag-utos sa kaniyang pumunta roon?" Saglit na natameme si Mrs. Concepcion at umilap ang mga mata. "Sinabihan ko nga siyang pumunta pero ayuda ang dapat na hiningi niya, hindi ipakamot ang kaniyang kati at magpasawsaw sa ibang lalaki!" Lalong sumirko ang galit sa utak niya. Pero magulang niya ang kaharap, kailangan niyang kontrolin ang sarili. "Inosenteng pumunta roon ang asawa ko, ang lalaking iyon ang mapagsamantala at abusado!" Tama, itutuon niya kay Rodjak ang galit. Walang ibang dapat sisihin kundi ang lalaking iyon. "Bakit sa akin ka nagagalit. Dahil ba nakita mo na kung ano'ng klaseng babae ang inasawa mo? Hiwalayan mo agad iyon! Mag-file ka ng annulment at iuwi mo sa bahay natin ang mga bata pag nakalabas na rito sa hospital ang apo ko. Ayaw ko nang makitang lumalapit pa sa atin ang babaeng iyon! Nanaggigigil ako sa kaniya!" "Hindi ko iyon gagawin! Babalik sa akin si Jovy at hihintayin ko siya, 'wag na kayong makialam sa amin. Ako ang aayos sa problemang 'to. Isa pa, hindi pwedeng hindi siya makita ng mga bata, hahanapin siya ng dalawa." Aburido siyang naglakad palabas ng silid, pero hindi pa man niya nahawakan ang door knob ay bumukas na ang pinto at tumambad sa kaniya ang babaeng limang taon din niyang hindi nakita. "Kris?" bulalas nitong namilog ang mga matang pinatitingkad ng artificial eyelashes at contact lens na kulay blue, kaya nagmukhang asul ang mga mata nito. "Trixia," sambit niyang bahagyang na-sorpresa sa hindi inaasahang pagsulpot ng babae. Pabalya itong yumakap sa kaniya. "Kahapon lang ako dumating, binisita ko ang libing nina dad at mom. Death anniversary nila yesterday." "Trixia? Ikaw ba iyan?" "Hello po, Tita Connie!" masigla nitong bati sa mama niya at sabik na nagbeso ang dalawa. Ito ang gusto ng mga magulang niya noon na mapangasawa niya. Magkaibigan ang pamilya nila at malapit si Trixia sa kaniyang ina, halos anak na ang turing. Madalas kasing ibilin noon sa bahay nila ang dalaga lalo na kung nasa business trip ang mga magulang nito. "Kumusta ka na? Sorry about your daughter, kung nalaman ko lang agad nakapag-abot sana ako ng tulong." "Okay lang, naitawid namin ang surgery at ligtas na si Karylle." Ligtas na ang anak niya pero si Jovy naman ang nasa kritikal na sitwasyon. Kung nalikom lang agad niya ang perang kailangan. "Kumusta ka na, Nak?" Inakay ng mama niya si Trixia patungo sa couch, siya naman ay tumuloy na palabas. Pumunta siya ng chapel at doon ay nagsumbong sa Diyos. *** DALAWANG ORAS din ang virtual meeting na dinaluhan ni Rodjak. Nang balikan niya sa kuwarto si Jovy, nakatulog na ang babae. Mabuti naman at nagawa nitong makapagpahinga kahit papaano. Stressful ang araw na iyon at nag-aalala siyang baka hindi ito kakalma. Pumuslit ang anino ng ngiti sa sulok ng labi niya habang pinagmamasdan nang may pagsuyo ang babae. Kinabig niya ang pinto at maingat na isinara. Naglakad palayo sa kuwarto. "Tapos ko nang kausapin ang team, Sir," abiso ni Celso sa kaniya. Tumango siya. "Dagdagan ang tao. Ayaw kong may makalusot na naman. Si Rosela nasaan? May iuutos ako sa kaniya." "Nasa opisina, ipapatawag ko." Bumaba sila ng study room. He will endure the chaos for a while. Lilipas din ito at magiging komportable si Jovy rito sa mansion. Alam niyang home-body ang babae, sanay sa house chores at pag-aalaga sa bahay. Marami itong pagkakaabalahan dito. Pwede nitong i-make over ang buong mansion ayon sa gusto nito. "Celso, simulan n'yo nang i-regulate ang main gate para sa mga gustong pumasok at humingi ng ayuda. Ayaw kong may gulo na namang mangyayari. Bantayan ninyo na hindi na muling tatapak dito sa compound si Jissel. Ayaw kong makita siya ni Jovy na pumupunta pa rito." "Copy that, Congressman." Ganitong pakiramdam ang bumubuhay sa kaniya. Iyon bang nasasabik siya na kinakabahan, ayaw niyang magkamali sa mata ng babaeng special para sa kaniya. This is something motivating. Checking his moves, polishing his decisions and making everything smooth for her. Now, for Jovy. "Congressman?" Pumasok doon sa study room si Rosela. Umahon siya sa swivel chair at senenyasan si Celso na magbukas ng wine. Agad itong tumalima. "I need you to monitor Jovy's kids starting today, hire job orders if you must. Aalamin mo ang tungkol sa pangangailangan nila. I will provide for them, everything they need." "Paano po si Mr. Concepcion, baka-" "Jovy can't live without her children but she can survive without her husband." "Itumba na ba namin, Congressman?" biro ni Celso, bitbit ang dalawang glass na naglalaman ng wine. Ibinigay nito sa kaniya ang isa. "Hindi iyan nakakatawang biro," sikmat ni Rosela. "Cong, I mean po, baka harangin ni Mr. Concepcion ang ibibigay natin." "Hindi niya tatanggihan iyon kung galing kay Jovy. Para sa mga anak nila ang provisions, hindi para sa kaniya." Tinikman niya ang alak. "At sabihin mo sa mayabang na iyon na kaya siyang ipatanggal ni RJ sa trabaho niya. Masyadong hambog," singit ni Celso. "Normal lang ang ginawa niya, asawa niya si Jovy," malditang sagot ni Rosela. "Akala mo perfect husband, alam ba ni Jovy na nakipag-sex siya sa ibang babae bago sila ikasal?" "Wala tayong pakialam sa private life niya." Ayaw magpatalo ni Rosela. "Tumigil na kayong dalawa," awat niya sa mga ito. "I know, your opinion about this matter is not on my favor, Rose, but do the job, okay? Separate your personal comment. Minsan pumapayag naman akong talakan mo, di ba?" biro niyang kinindatan ang staff. Namula ang mga pisngi ni Rosela at tumirik ang mga mata. Si Celso naman ay humagalpak ng tawa. Childhood friends niya ang dalawang ito. Kasama niya mula pagkabata at pinagkakatiwalaan niya kahit sa pinakamadilim na sekreto. Executive assistant si Rosela at si Celso naman ang head ng kaniyang security. "Cel, mag-set up tayo ng dinner sa may pool." Baling niya sa bodyguard pagkaalis ni Rosela. "Sige, sasabihin ko sa mga kasambahay. Akala ko lalabas kayo mamaya. Pina-check ko na sa mechanic ang sasakyan." "Hindi na muna, hindi komportable si Jovy na makita kami ng ibang tao kaya dito ko na lang siya bibigyan ng dinner date. Will formally start the courtship tonight." Lumagok siya ng wine at naupo sa edge ng desk. "Bakit hindi mo sabihin kay Mrs. Concepcion ang resulta ng background check natin sa asawa niya?" suggests ni Celso. "What for? Mahal na mahal niya ang lalaking iyon, Cel. Nothing in this world can turn her off and unlove him. Pero magbabago ang nararamdaman niya, tiwala ako roon." "Masaya akong makita kang ganyan kasigla, RJ." Nilapag niya ang baso sa desk at inikot ang kaniyang daliri sa bibig ng glass. "Palagay mo hindi alam ni Jovy ang tungkol sa bagay na iyon?" "Hindi siguro. Nangyari iyon during the groom's roast party. Kasal na nila kinabukasan, malamang wala nang time ang bride na alamin kung ano ang ginawa ng groom niya sa party na iyon." "May identity ba ang babaeng nakasama ni Kristoff?" "Alam ko kung sino ang babae." "Can I use that to my advantage? Parang hindi effective iyan, Cel. Just keep that information under wraps." "Ikaw ang bahala." Nagtrabaho siya ng ilang oras doon sa study room habang nakabantay si Celso. *** GUSTO pa niyang matulog pero masakit na ang pantog niya sa pagpipigil ng ihi. Napilitan si Jovy na bumangon. Kinusot ang nanghahapding mga mata at bumaba ng kama. Nagtungo siya ng banyo. Habang umiihi ay napansin niya ang red tulips sa babasaging flower vase sa may lavatory. Parang bagong pitas lang. Umahon siya sa toilet bowl at inangat ang underwear. Inayos ang suot na bestida. Pagkalabas ng banyo ay umagaw sa pansin niya ang red tulips na parang bantay at naka-puwesto sa kada sulok ng silid. Bumalik siya ng kama at naupo roon, blanko ang isip na nilibot ang paningin sa buong kuwarto. Hindi ito 'yong silid kung saan may nangyari sa kanila ni Rodjak. Ibang kuwarto ang kinaroroonan niya. Akala niya pipilitin siya ng lalaking samahan itong matulog sa silid nito. "Oh, you're up, nagugutom ka na ba? Pinapahanda ko pa ang dinner." Lumitaw ang bulto ni Rodjak sa pintuan, matapos bumukas ang pinto. "May ipapakita ako sa iyo." Bitbit nito ang laptop at lumapit sa kaniya. Suminghap siya nang makita ang video footage ni Karylle sa hospital. Nasa loob ng ICU ang bata at inasikaso ng isang nurse. "I have a friend doctor there and she is the one taking the video. I know you missed your kids. May videos din sa panganay mo. We will play it after this one." Gumaspang ang lalamunan niya sa pagpipigil ng luha. Totoo, sobrang miss na niya ang mga anak. Inagaw niya kay Rodjak ang laptop at ipinatong sa kandungan niya. Naiiyak na pinapanood niya ang videos."PATAWARIN MO ako, Rose! Ayaw kong makulong, pakiusap!" atungal ni Roxanne habang nakaposas na iginiya ng dalawang police patungo sa nakahintong patrol car sa may bakuran. Malamig na tinitigan lamang ni Rosela ang pinsan. Sa dami nang kasinungalingang sinabi nito sa kaniya, hirap na siyang maniwala pa sa salita at pagsisisi nito kahit may kaakibat pang mga luha. Hindi nito obligasyong kilalanin siya at ituring na pamilya kung ayaw nito sa kaniya, pero hindi rin nito kailangang saktan siya at ipahamak. Sobrang kababuyan ang naranasan niya dahil sa kagagawan nito at hanggang ngayon ay hindi pa siya lubusang nakabawi. Kung wala si Celso sa tabi niya at kung sinukuan siya ng lalaki baka tuluyan na lang niyang itatapon ang sarili. Ang hirap ibigay sa ngayon ang kapatawarang hiningi ni Roxanne at kahit pa mapatawad niya ito, kailangan pa rin nitong pagbayaran ang kasalanan. Gusto rin niyang matuto ito kagaya kung paano siya natuto sa kamangmangan niya. Binawi niya ang paningin at ibinali
YUKO ANG ulo at kabadong nakaupo si Rosela sa couch sa loob ng private room kung saan inilipat si Celso. Tulog ang lalaki nang dumating siya. Nag-alangan pa siyang umakyat dito sa ikaapat na palapag kanina pero nakita siya ni Harry doon sa ground floor at isinabay na siya nito sa elevator. Ang bigat ng mga mata niya dahil sa pagpipigil ng mga luha. Hindi siya makatingin sa nanay at mga kapatid ni Celso na nasa kabilang couch. Tuwing napapako naman ang paningin niya sa lalaking natutulog, para siyang nauupos na kandela. Oras na idilat nito ang mga mata, baka gustuhin na lang niyang tumakbo paalis. Takot, matinding hiya, pandidiri ang nagsisisiksikan sa puso niya."Okay ka lang ba?" tanong ni Harry sa kaniya. Wala sa sariling sumulyap siya sa lalaki. Hindi malaman kung tatango o iiling. "Ligtas na siya, huwag ka nang mag-alala. Gumising siya kanina at hinanap ka."Napahikbi siya nang tuluyang sumabog ang sikip sa kaniyang dibdib. Mabilis niyang pinalis ang mga luha at kinagat ang nak
HOW TO MOVE ON?written by PulangTintaGIMBAL NA bumalikwas nang bangon si Rosela matapos idilat ang mga mata at nasumpungan ang hindi pamilyar na kuwarto. Nasaan siya? Piniga niya ang ulo nang humataw ang pumipintig na sakit. Ano'ng nangyari sa kaniya? Wala siyang maalala! Sinipat niya ang sarili. Bathrobe lang ang suot niya! Nasa suite ba siya ng hotel? Lalo siyang natilihan nang isa-isang nagbalik sa utak niya ang nangyari kagabi. Pumunta siya ng bar. Uminom siya at malamang napasobra na naman. Tapos...may lalaki...hindi niya matandaan ang mukha pero sigurado siyang may lalaking umakay sa kaniya paalis ng bar at sa loob ng sasakyan..."M-may nangyari sa amin!" tigagal niyang bulalas at natulala na lang habang bumubukal ang mga luha. Ginawa na naman niya. Nagkasala na naman siya kay Celso. Hindi na niya pwedeng gawing excuse na galit siya at masama ang loob. May choice siya. May pagkakataon siyang umiwas. Pero hinayaan na naman niya ang sarili na talunin ng kahinaan. Paano ba ka
KINSE MINUTOS na lang para mag-ala una ng hapon. Nagmamadaling pumasok ng mansion si Rosela at dumeretso sa study room. Nadatnan niyang abala sa pagpirma sa mga nakabinbin na dokumento si RJ."It's good that you're here, Rose. Pasensya ka na kung pinag-report kita despite your day-off. May urgent lang akong lakad at darating dito ang ilang kasapi ng farmer's association sa lungsod para sa assistance na ipinangako ko sa kanila." Kinuha ng lalaki mula sa safety chest ng desk ang sobre na naglalaman ng pera. "Here's the money, ikaw na muna ang bahala." At ibinigay iyon sa kaniya. "Saan po kayo pupunta, Cong?" tanong niya. "Susunduin ko si Chilson, may seminar ngayon si Jovy. Wala rin si Kris dahil nasa training para sa promotion." Hinubad nito ang suot na eyeglasses at nilapag sa desk. "Mamaya ko na tatapusin ang pagpirma sa mga natitirang papeles.""Sige po, ingat kayo." "Thank you." Hinablot ni RJ ang jacket na nakasampay sa sandalan ng swivel chair at isinuot habang tinutungo ang p
HINDI hinayaan ni Rosela na talunin siya ng pagdududa. Nasa tamang edad na siya para lamunin ng negatibong dikta ng kaniyang utak. Kahit pa may posibilidad na gumaganti lang si Celso, tatanggapin niya ang lahat dahil may kasalanan siya na dapat pagbayaran. Dumaan siya ng palengke at bumili ng mga lulutuin niya para sa hapunan. Pagkauwi ng apartment ay inabala niya agad ang sarili sa paghahanda ng makakain. Pasado alas-sais nang dumating si Celso, sakto lang na tapos na siyang magluto. Masigla niyang sinalubong sa may pintuan ang lalaki. "Nag-grocery ka?" Natuon ang paningin niya sa grocery bags na bitbit nito. "Dumaan na ako." Hinagkan siya nito sa noo. "Namalengke rin ako. May hinatid kasi ako roon sa city hall." Bumuntot siya rito patungong kusina. "Gutom ka na? Maghahain na ako." "Sige, babalik pa ako ng mansion. May inutos si RJ." Nilapag nito sa counter ang grocery bags. Gumana naman agad ang utak niya. Sa mansion kaya ito pupunta o kay Roxanne? Agad niyang inalis sa utak
"NANDIDIRI AKO sa iyo, mag-break na tayo!" Iyon ang huling sinabi niya noon kay Celso. Pagkatapos niyang magkasala at makipagtalik sa ibang lalaki sa mismong apartment nila, siya pa ang may lakas ng loob na sabihin sa binatang nandidiri siya. Siya pa ang matapang na nakipaghiwalay at hindi hinayaan si Celso na sumbatan siya sa ginawa niya. Pero nang makita niya noon ang video scandal, doon niya na-realize kung sino sa kanilang dalawa ni Celso ang totoong nakadidiri. Siya iyon. Hindi ang lalaki.Pinahid ni Rosela ang nanlandas na mga luha. Kung pwede lang niyang ibalik ang oras. Liliwanagin niya ang lahat kay Celso. Magtatanong siya para magkaroon ng linaw ang mga pagdududa niyang wala naman talagang katotohanan at gagawin niya ang lahat para isalba ang pagsasama nila. Pero huli na ang lahat. Dahil sa pride niya naubusan siya ng oras. Dahil pinaiiral niya ang paniniwalang siya ang tama at si Celso ang mali, nawalan siya ng pagkakataong iwasto ang lahat. Araw-araw, unti-unti siyang