Share

CHAPTER 3

Author: Crescent
last update publish date: 2026-08-27 10:52:31

HIWALAYAN

Lily nag-away ba kayo ba kayo ni Gino? Bakit may dala-dala kang maleta at namugmugto yang mga mata mo? Dahil ba kay Maggie? tanong ng kaibigan ni Lily na si Sussie.

“Maggie?” kunoot noong tanong ni Lily, “may alam ba si Sussie tungkol sa babae ni Gino?” tanong ng isip niya.

“Yes, kababata ni Gino si Maggie at kababalik lang nito galing ibang bansa at balita ko magkasama sila ni Gino noong isang gabi, Don’t tell me, nagseselos ka kay Maggie?”

"Hiniwalayan ko na siya Sussie, Hindi ko kayang may ibang babae si Gino maliban sa akin.”

“What!”

Napakunot noo si Sussie at hinawakan ang braso niya at kinalakkad siya sa sofa at sapilitang pinaupo doon.

“Bakit naman yata bigla-bigla ang desisyon mo?" Di ba mahal na mahal mo si Gino, mag-usap nga kayo, baka lang may hindi kayo pagkakaintindihan at isa pa baka nagpapadala ka lang sa bugso ng damdamin mo. Kung tungkol ‘to kay Maggie, isa lang siyang kababata ni Gino, at ikaw naman asawa niya. Mahunos dili ka nga girl, huwag ka nga d’yan nagpadala sa selos.” payo ng kaibigan.

Napailing si Lily, naalala niya ang pag-uusap nila ni Gino, hindi lang isang magkababata ang relasyon ng dalawa. Habang iniisip niya ang tungkol sa video at pagtatanggol ni Gino kay Maggie, tama lang na makipaghiwalay siya dito. Ramdam niyang espesyal para kay Gino si Maggie.

Kinuha niya ang kanyang telepono, binuksan ang video, at iniabot ito kay Sussie.

“Tingnan mo at sabihin mo sa akin na magkababata lang sila at wala silang relasyon.”

Napasinghap si Sussie sa nakita, at biglang nag-iba ang ekspresyon ng mukha nito. Tila ba biglang uminit ang ulo nito, namula ang pisngi nito na para bang magkakulay na ang mukha nito sa matingkad at mahaba nitong pulang buhok.

“Ang walang hiyang lalaking yun! The nerve para lokohin ka niya, you have been so good to him at ito ang igaganti niya sayo. Wala siyang konsensya! Wala siyang awa,"kuyom ang kamaong sambit ni Sussie.

Binawi ni Lily ang kanyang telepono sa kamay ni Sussie na parang madudurog na sa higpit ng hawak nito. Masyado itong nanggigil ng makita ang video.

“Why not ilabas natin ang video na yan at ng mapahiya ang dalawang yan sa kabalastugang ginagawa nila,” mungkahi ni Sussie.

Umiling si Lily at bahagyang ipinikit ang nga mata.

“Bakit naman hindi? Wala ka namang dapat ikatakot kung ikaw ang nasa tama, tama lang malaman ng publiko ang panloloko niya sayo.”

"Huwag na, tutal nakapag desisyon na ako na makipaghiwalay, para sa akin ilabas ko man ang video o hindi wala na ring saysay ang lahat, napagtanto ko na wala akong halaga kay Gino, Hindi niya ako minahal Sussie, mapapahiya lang ako.”

Wala rin namang magbabago kahit mabunyag ang pagtataksil ni Gino, makapangyarihan ang pamilya nito, hindi kayang tapatan ng pamilya niya ang pamilya nito. Maaringbakitarin ng mga ito ang katotohanan at siya pa ang magmumukhang masama sa bandang huli. Bukod pa dito alam niyang hindi siya kayang ipaglaban at suportahan ng mga magalang niya laban kay Gino.

Walang nagawa si Sussie kundi ang mapa-buntong hininga, may gusto pa sana siyang sabihin sa kaibigan pero hindi na niya ipinagpatuloy, kitang-kita niya ang desperasyon sa mukha ni Lily.

Nasa loob sila ng apartment ni Sussie sa lungsod, nang tawagan niya ito ay agad itong dumating para sunduin siya. Mayaman ang pamilya ni Sussie, pagkatapos nitong makapagtapos ng kolehiyo ay agad itong binilhan ng pamilya ng apartmernt , at isang studio sa sentro ng lungsod.

“So ano ang plano mo ngayon?” tanong ni Sussie ng matapos niyang mailagay ang mga gamit sa kwarto ng kaibigan

“Pupunta sa abogado bukas para legal na makipaghiwalay kay Gino, at kapag tapos na ang legalities, maghahanap ako ng trabaho para suportahan ang sarili ko.”

Mayroon pa naman siyang naipong pera mula sa kanyang monthly allowance, kahit papano may panggastos pa siya habang maghahanap ng trabaho.

“In that case, maari kitang tulungan, marunong kang mag-piano di ba? Kaalis ng piyanista sa restuarant ng pamilya namin, pwede kitang irekomenda doon.”

Sa pagkakaalam niya, si Sussie ang namamahala sa western restaurant na pagmamay-ari ng pamilya nila kung saan may mga nagtatanghal na piyanista para aliwin ang mga customer. At alam nitong nag-aral siya ng piano mula pa pagkabata at hindi man sa pagmamayabang alam nitong magaling siya na pwedeng ihambing sa mga propesyonal.

“Salamat talaga Sussie, ang gusto ko sana ay magamit ang kaalaman ko sa interior design, mag-submit ng resume sa mga kompanya, para makakuha ng trabaho ayon sa natapos ko. Pero habang wala pa akong nahanap na trabaho ay tatanggapin ko ang alok mo. Ayokong maging pabigat sayo Sussie, kahit papano may panggastos ako sa pagkain at tirahan ko.

Isang libangan lang para sa kanya ang pagpa-piano at hilig naman niya at gustong-gustong gawin ay ang pagdidisenyo. Alam niya sa sarili na magaling siya sa larangang pinili niya.

Bago niya pinakasalan si Gino ay nanalo na siya ng mga parangal sa kanyang matagumpay na proyekto, may magandang kinabukasan na naghihintay sa kanya sa larangan na kanyang pinili, ngunit lahat ng iyon ay ipinagpalit niya sa pagmamahal niya kay Gino. Hindi niya alam kung kaya pa ba niyang ibalik ang mga oras na iyon, Hindi niya alam kung makakasabay pa siya sa bilis ng pagbabago ng modernong panahon.

Habang iniisip niya ito ay nakaramdam siya ng paninikip ng dibdid at sandaling pagkabahala. Bahagya niyang ipinikit ang mga mata at humugot ng isang malalim na buntong hininga.

Habang tinitningnan ni Sussie ang kaibigan ay nahabag ang puso niya, bahagya niya itong tinapik sa balikat at sinabing.

“Alam kung pagod ka, you need some rest, ituring mong sariling bahay ang apartment na ‘to. May trabaho pa ako at hindi kita masasamahan, ikaw na muna ang bahala dito habang wala ako. Kumain ka at magpahinga, basta kung may iba ka pang kailangan na wala dito sa bahay tawagan mo na lang ako, okay?”

Tumango si Lily bilang tugon. Noon pa man ang bait na ni Sussie sa kanya, magkaibigan na sila noong bata pa, magkaklase sila sa mula pa noong kindergarten, nagkahiwlay lang sila noong mag kolehiyo, ngunit nanatiling matatag ang kanilang pagkakaibigan. Kahit pa nalugmok ang pamilya nila ay nanatili pa ring matibay ang pagkakaibigan nila.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • THE COWARD HUSBAND'S SHAME:THE OBEDIENT WIFE HE NEVER VALUED   Chapter 11

    “Aray ko! Mamat*y na yata ako,” malakas na daing ng abuela ni Gino habang nakahawak sa kanyang noo at bahagyang nakasandig sa mahabang sofa sa loob ng ancestral house ng mga Tan.Nakatingin dito si Gino na puno ng pag-alala. Bumisita ito sa matanda ng mabalitaang may dinaramdam ito.“Lola, sabihin mo sa akin, ano ba talaga ang nangyari?” puno ng pag-alalang tanong nito.“Nitong mga nagdaang araw, dinalaw ako ng Lolo mo sa panaginip, kumakaway siya akin, sinusundo na yata ako, alam mo bang hindi na ako nakakain ng maayos sa kakaisip sa Lolo mo, samantalang ikaw ay wala man lang oras para dalawin ako,” alburuto ng matanda sa apo.“Lily,” sambit ng matanda ng mapansin nito si Lily. Nandun siya dahil nag-alala din siya sa kalagayan ng matanda, kahit papano ay magiliw ito sa kanya, kaya kahit galit pa siya kay Gino ay hindi niya matiis ang abuela nito.Napalingon si Gino sa kanya at tinitigan siya ng matagal, hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit nakaramdam siya ng konting hi

  • THE COWARD HUSBAND'S SHAME:THE OBEDIENT WIFE HE NEVER VALUED   CHAPTER 10

    Sa loob ng western restaurant kung saan pansamantalang tumugtog si Lily. Ang buong silid ay nababalot ng nakakasilaw na ibat ibat liwanag. Magkaharap na nakaupo sina Gino at Maggie sa isang square table habang pinagsisilbihan ng waiter. Binuksan ng waiter ang isang bote ng red wine at sinalinan ang decanter, the brownish red liquid refract the light at ang liwanag nito ay tumama eksakto sa maliit na bahagi ng katawan ni Gino. His sharp features reflected the sense of ease and his narrow elongated eyes ay nakatuon sa piano sa di kalayuan na sinundan ng tingin ni Maggie.“Nakapagtataka, bakit walang tumutugtog ng piano ngayon?” sambit ni Maggie, patunay na pamilyar ito sa lugar.Nakasuot si Maggie ng kulay pink na bestida, ang mahaba at kulot nitong buhok ay nakalugay hanggang likod. Kumpara sa suot nitong pang-opisina kanina mukha itong kaayaya at sopistikadang tingnan.Bahagya itinaas ni Gino ang kilay sabay kibit balikat, habang nakatuon pa rin ang mga mata sa piano.“Hindi

  • THE COWARD HUSBAND'S SHAME:THE OBEDIENT WIFE HE NEVER VALUED   CHAPTER 9

    Pagdating ng bahay, sinalubong kaagad si Lily sa kanyang ina. Napatingin siya sa kanyang ina, na gaya ng dati ay nagsasalita sa tonong mapang-asar habang ang mga mata ay puno ng pangungutya.“Tungkol na naman ba ito kay Gino? What are you complaining this time?” tanong ng ina.“Don’t be so naive Lily,” dagdag pa nito, alam niyang sesermonan na naman siya ng inaNoon pa man ganito na ito sa kanya, sanay na siyang palaging pinagsasabihan, sanay na siyang palaging senesermonan.“Ilang beses ko nang sinabi sayo, hindi madali ang trabaho ng asawa mo. Kailangan mong matutong maging mahinahon at maunawain, hindi yung kunting di pagkakaunawaan lang naasar ka na agad, at tapos ano?”Sa nakalipas na dalawang taon, sa tuwing nagrereklamo siya sa malamig na pakikitungo at pambabalewala ni Gino sa kanya ay pare-pareho lang ang sagot sa kanya ng ina. Nagtataka siya kung anak ba talaga ang turing ni Linda Delfin sa kanya. Gayunpaman, sa loob ng dalawang taon ay nagawa niyang magtiis dahil n

  • THE COWARD HUSBAND'S SHAME:THE OBEDIENT WIFE HE NEVER VALUED   CHAPTER 8

    Hindi inasahan ni Lily na mag-krus ang landas nila ni Maggie sa loob ng kompanya. Ng pumasok siya sa CEO’s office wala siyang nadatnang tao sa loob. Wala ang CEO maging ang assistant nitong si Joy. Inilapag niya ng dalang folder sa desk at ang paper bag na may lamang meryenda at naupo sa visitor’s chair habang inililibot ang paningin sa kabuuan ng opisina. Bigla siyang napatuwid ng tayo ng maramdam ang pagbukas ng pinto ng opisina,inasahan niyang si Gino iyon pero bahagya siyang natigilan ng si Maggie ang iniluwa ng pinto.“Oh, I didn't expect that I would see you here Lily, waiting for Gino perhaps at magmamakaawa ng tanggapin ka niya pabalik?” agad na hirit nito ng makita siya.“Anuman ang pakay ko dito wala kana dun.’ pasaring niyang sagot.“Oh, is that so? But you know, Gino trust me more than you know, so since nandito ka sa office niya, pwede mong sabihin sa akin ang pakay mo, after all I'm the vice president of this company.”Sa inis ni Lily sa gustong palabasin ni Maggi

  • THE COWARD HUSBAND'S SHAME:THE OBEDIENT WIFE HE NEVER VALUED   CHAPTER 7

    Nakatingala sI Lily sa harap ng isang matayog na gusali, sa sobrang tayog nito na tila ba ang tuktok nito ay abot na hanggang ulap ay nakaramdam siya ng pangangalay ng leeg habang nakatingin dito. Ito ang unang beses na tumapak siya sa harap ng building ng Tan Group.Alam niyang kung ikukumpara ang katayuan ng pamilya niya sa pamilya ng mga Tan ay wala itong laban. Habang nakatayo sa harap ng gusali at pinagmamasdan ang paglabas- masok ng di mabilang na mga empleyado ng Tan group ay napabuntong hininga si Lily.Noon, hindi niya ugali ang magkumpara ng mga bagay-bagay, lalo na sa estado sa buhay. Pero sa sitwasyon niya ngayon at kasalukuyang katayuan ng pamilya nila na unti-unti ng bumabagsak, ay napagtanto niya na hindi maihahambing ang pamilya Delfin sa pamilya Tan.Pansin niya na maraming empleyadong babae ang Tan group, lahat sila ay nakasuot ng mga prestigious na damit at kapansin-pansin ang ganda ng kanilang mga makeup. Maging ang mga receptionist ay hindi magpapahuli sa ganda

  • THE COWARD HUSBAND'S SHAME:THE OBEDIENT WIFE HE NEVER VALUED   Chapter 6

    Matapos ang ilang araw ng paghihintay, sa wakas ay nakatanggap si Lily ng tawag mula sa mga kompanyang kanyang inaplayan, kahit natingga at hindi niya nagamit ang kanyang talento sa pagdidisenyo sa loob ng dalawang taon bilang mabuting maybahay ni Gino ay hindi pa rin matatawaran ang kanyang galing sa pagdidisenyo base sa mga portfolio na ipinasa niya sa iilang kompanya.“This is it! This is my chance na e-prove sa lahat, lalong-lalo na kay Gino na kaya kong magtagumpay kahit wala siya, I wasted my two years loving him, caring for him pero hindi man lang niya nakita lahat ng yun,” madamdaming sambit ni Lily matapos makatanggap ng tawag.Sa unang pagkakataon, nakaramdam ng sigla ang puso si Lily na tuparin ang naudlot niyang pangarap noon. Pinangako niya sa sarili na gagawin niya ang lahat ng kanyang makakaya para magtagumpay, hindi para kay Gino kundi para sa sarili niya.“Iba ang aura mo ngayon ah, anong meron? “ tanong ni Sussie ng dumating ito galing trabaho at nakita siyang p

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status