Bumalik ako sa kama nang masumpungan ko ang librong binabasa ko, parang nag-iilaw ito. Kinusot-kusot ko naman ang mga mata ko baka kasi na malikmata lang ako. Nang muli ko itong tinignan ay naging normal na, kinuha ko ito at dinala sa kama. Muli ko itong binuksan at pinagpatuloy ang pagbabasa.
As the sun sets on the throne, mountains shine upon the skies. But rays are captivating every land of joy. I'm hiding beneath the shadow of the moon. Still, I am nothing but vain.
***
Hindi ko man masyadong gets ang tulang ‘to pero gusto ko ang pamamaraan niya ng pagsusulat, ‘yong accent niya ang lumanay at halatang mahilig sa kalikasan ang may akda. Ilan oras ang nagdaan ay patuloy pa rin ako sa pagbabasa at hindi ko na namalayan na malapit nang gumabi. Nanlalabo na rin ang mga mata ko sa kababasa. Minabuti kong buksan ang pinto ng aking balkonahe, agad namang pumasok ang malamig na hangin.
“Hmm ang presko!” masaya kong sambit ko.
Pabalik na ‘ko sa kama nang may kumatok sa pinto, agad ko naman binuksan at tumambad sa aking ang nakangiting si Emma.
“Magandang gabi, prinsesa.”
“Oh, Emma bakit?” nakangiti kong tugon.
“Maghahapunan na po, prinsesa.”
“Sige, susunod na ‘ko, Ems…” tugon ko.
Yumuko ito at paatras na lumakad, bumalik naman ako at naghanda nang bumaba. Ilan segundo ay nasa hapag na rin ako, bumati ako kay Mama at umupo na.
Agad na kinamusta ni Mama ang pakiramdam ko, ngumiti ako at sinabing ayos lang naman. Pero hindi ko mapigilan na magtanong kung sino ang mga taong nagpunta rito sa Verona.
“Basta anak… wag mo nang alalahanin ‘yon kailangan mong maghanda para sa darating mong kaarawan,” saad nito. Wala akong magawa kaya iniba ko na lang ang usapan.
“Paano mo sinabi kay Papa, Ma?” Nakangiti kong tanong.
“Na ano, anak?” sagot niya sa akin habang binaba ang diyaryong hawak niya.
“Na isa kang mangkukulam?” nakangiti kong tugon.
“Later after our wedding, I shown him some spells at muntik na siyang magalit,” kwento pa niya.
“Bakit, Ma?” tumawa ako nang mahina.
“Baka raw ginamitan ko siya ng gayuma,” saad nito na parang kinikilig sa alaalang ‘yon. Napangiti naman ako dahil ang sweet nila Mama at Papa.
“But he told me this, ‘I'll be glad to be under your spell, Airah… my love’.
Dagdag pa ni Mama.Tumawa lang ko dahil ang corny ni Papa, na-imagine ko ngayon ang mukha niya habang sinasabi niya iyon kay Mama.
"Hay pag-ibig…" saad ko na parang alam ko ang pakiramdam nang umiibig.
“Sige na, matapos mong kumain ay magpahinga ka na may pasok ka pa bukas, hindi ba?”
“Opo, Ma” pilit kong tugon.
Gusto ko pa sanang makipagchismisan kay Mama tungkol sa love story nila ni Papa, pero parang may gusto lang iwasan si Mama. Matapos namin maghapunan ay kanya-kanya na kaming pahinga. Kinabukasan ay hindi na ‘ko nag-almusal, tinanghali kasi ako ng gising.
"I'll go na, Ma baka ma-late po ako," paalam ko. Habang kumakain ng mansanas. Nasa lanai ito nagkakape.
“You're turning eighteen and you never count your tee shirts and jeans out of your closet?” habol na puna ni Mama sa porma ko.
“I’m comfortable with this, Ma,” rason ko. Iyon naman kasi ang totoo. Komportable ako sa tee shirt at jeans.
“Okay ikaw bahala,” hinalikan ko na siya at umalis na.
Nasa school na ‘ko nang bigla akong napa-isip. Ang School na ‘to ay pag-aari ng lolo, meaning hindi ito school ng mga mangkukulam. Napatingin naman ako sa paligid.
Malaki at mataas na building ang nasa harap ko, kulay berde ito na may sampung palapag. Sa ibang direksyon ay may mga matataas ding mga gusali. Marami ding puno sa paligid at malawak na kapaligiran. Nakakalat din ang mga estudyante sa paligid. Huminga ako nang malalim at nagsalita sa isip,
“Hey! I'm Amaliah Green Ford,
Princess of Ashville and I'm a witch!” napangiti ako sa naisip. Damn! Ang OA ko na kinakausap ko na sarili ko sa isip.“Indeed” may kung sino ang nagsalita sa likod ko, nagtaka ako kasi parang narinig niya ang iniisip ko, lumingon ako para makita ito.
“Miss Tara?” sambit ko sa teacher namin.
“Yes, and for your information, my princess this school is a witch school too,” sambit niya pa sa ‘kin.
“Pa’no mo alam ang inisip ko Miss?” mangha kong tanong sa kanya.
“It's my gift.”
“Gift?” Mahina kong tanong.
“Yes, it's my gift.”
“Darn narinig niya,” tumawa naman ito nang mahina.
“You're a witch too?” mangha kong tanong at hindi ako makapaniwala sa nalalaman ko ngayon, tumingin siya sa ‘kin at ngumiti.
“Oh! Come on Miss Tara,” saad ko. Hindi talaga ako makapaniwala.
“I'm Lady Tamara of Adolfiah, isa sa mga witch teacher ng UTC o Underground Training Center. And my hometown is Verona, your Grandma's Kingdom.” Pakilala niya sa kanyang sarili.
“Aw this is horrible!” sigaw ko.
“Nope it's amazing!”
“By the way Miss, you mention lately, guro ka sa UTC?” tanong ko pa sa kanya.
“Yes! You see, most of the students here are royals and some of them, hindi nila alam na witch sila. But when they turned in the right age, they will be transferred to Underground Training Center,” paliwanag pa ni Miss.
“What? This is really―surprising!” bulalas ko.
“Yes and nasa kabilang campus lang ang witch school or mas kilala ito bilang Verona's Great Hall of Witches. Pero nang nagpakasal ang lolo't lola mo ang dalawang kaharian ay naging isa na. At na transfer ang great hall sa school ng Lolo mo pero secret school ito at iyon ang UTC.”
“And for now, Prince Arman your uncle is taking good care of Verona while your Lola is here in Avalon. But the heart of Verona was given to your Mother as the First Princess of Verona.”
“Heart of Verona, what's that?” tanong ko. Mas marami yata akong makukuhang impormasyon sa guro ko kaysa kay Mama.
“Wala ako sa lugar para sabihin ‘yon sa ‘yo,” tugon nito, akala ko lang pala.
“Okay po, papasok na po ako” paalam ko sa kanya.
“Sige, magkita na lang tayo sa UTC,” ngumiti ako bilang tugon.
“Jezz! Kaka-iba talaga ‘to, biglang nag-iba ang takbo ng buhay ko,” bulalas ko. Nagpatuloy ako sa paglalakad nang may tumawag sa akin.
“Hey Liah!” tawag pansin sa ‘kin ng mga classmates kong maaarte.
“Hi!” bati ko sa kanila nang pilit. Nakakairita ang mga mukha nila.
“We would like to invite you sa pajama party namin, mamayang gabi” maarting saad ni Wilma.
For sure, she will only boast her beautiful closet, her shoes, her dresses and how rich they are. Anak ito ng Duke, pero hindi niya alam na anak ako ng isang makapangyarihan reyna and this school is ours. Ang alam lang nila ay simpleng royal lang ako.
“Aw. Sorry hindi ako pwedeng lumabas mamayang gabi,” palusot ko. Nagkatinginan naman sila at umismid ‘yong isa. Bago pa sila makapagsalita ay nagpaalam na ‘ko.
“Sige una na ako,” sambit ko.
“Wait Liah!” habol pa ng isang babae sa akin.
“What?” sagot ko. Gusto kong ipakita na naiinis ako pero matutuwa lang ang mga ito, kaya napangiti ako nang pilit.
“Wala ka bang magandang dress? I always see you in tee shirts and jeans, parang hindi ka royal.”
Aba, nakakaloka balak lang talaga nilang pagtripan ako, nakaka-badtrip ang mga ‘to ah! Inis na sambit ko sa isip. Tumaas ang kilay ko, pero pinaskil ko ang matatamis kong ngiti sabay sabi nang,
“I love it! Kumportable ako sa suot ko, aanhin ko ang magagandang damit kung hindi naman bagay sa akin,” saad ko. Habang inaayos ang mga gusot-gusot sa tee shirt ko. Nakita ko ang pagtaas ng kilay nila dahil sa sinabi ko.
“Okay, if you say so, sabagay hindi naman bagay sa ‘yo ang magsuot ng magagandang damit,” narinig kong tumawa ang mga kasama niya. Tumalikod na ako, ayoko ko ng gulo at ayaw ko nang makita ang pagmumukha nila.
Damn rich people!
Mayaman naman ako, pero sadyang hindi ako mahilig magsuot ng fancy clothes, I love the way I am.“Tsk! Walang basagan ng trip” inis kong sambit.
Ilan sandali pa ay nagpatuloy ako sa paglalakad nang may napansin na naman akong anino na nakakubli sa likod ng puno. Pero tulad ng nauna kong nakita naglaho ito na parang usok.
“Sino ‘yon?”
Biglang kumabog ang dibdib ko. Nakaramdam ako ng panganib sa paligid, pero hinayaan ko lamang dahil kailangan kong mag-focus sa exams namin. Ilan sandali pa ay nakita ko si Elle, nakangiti ito.
“Liah!”
Sigaw nito mula sa bintana ng room namin. Parang may kakaiba yata sa best friend ko, ah? Nakalugay ang kanyang buhok at tila ba naging diwata ang tingin ko sa kanya ngayon.
“Anong nakain nito?” sambit ko.
Napahinto naman ako nang makadama muli ako ng kakaiba. Tumingin-tingin ako sa paligid at nakita ko na naman ang aninong sumusunod sa akin. Pero nawala ito nang tinawag muli ako ni Elle.
“Hindi na ito maganda.”
***
Witch in the Palace
data-p-id=9947c3f0af76c470ed98febbfcf078b8,style=text-align:left;,Kasalukuyan naglalakad sina Zek at Liah sa malaki at malawak na gubat ng Verona. Napagpasyahan nilang manatili muna sa Venora hanggang sa ipanganak ang anak nila. data-p-id=cce39fd6cdeaf50ecd31cb9bb3260011,” “Mahal, may pangalan ka na bang naiisip?” tanong ni Liah sa kaniyang kabiyak, habang namamasyal sila sa gubat, sariwa ang hangin kaya hindi nila napansin na napapalayo na sila sa kanilang teritoryo. ~~ data-p-id=1dec03f429b502669881f6472c170218,~~*~***~ -Flash back- data-p-id=3cc935aa2090d65dc573dcc81fc4454b, “Mahal na Reyna, wala na ba tayong magagawa para mabuhay si Zek?” tanong ni Tara, sa mahal na reyna na malalim ang iniisip. data-p-id=1e9bfeeeeeb0554818f75cd4fd490b6c,” “Tama, Tara!” bulalas ng reyna. “Mabubuhay ang namatay ―kapag namatay ito dahil sa salamangka o pinatay siya gamit ang salamangka. Pero dapat namatay siya sa pagsasakrapisyo para sa minamahal. Pero kapag ang tao pinatay ng D
Chapter 66 Nanghina nang husto si Zek nang makita ang pagdanak ng dugo, na halos hindi na makita ang lupa sa sobrang pag-apaw ng pulang likido. Kaunti na rin ang nakikita niyang nakatayong sundalo niya. Nawawalan na siya ng pag-asa na mailigtas ang kaniyang kaharian. Habang si Liah ay nakikita niyang lumalapit sa kaniya. Bigla naman kumulo ang kaniyang dugo sa galit, nakita niyang tila nag-iba ang anyo ng mukha nito. Naging maamo at nakikita na niya ang dating ganda ng mga mata nito, at ang inosenteng katauhan nito. Pero hindi niya maipagkakaila ang galit at poot na nararamdaman niya para dito. Nais niya itong patayin at pugutan ng ulo. Pero tila isang hangin na nawala lahat ng galit niya nang marinig nito ang boses ng babaeng mahal niya. Ito ang tunog ng boses niya nang una niyang marinig. “E-ezekiel, M-mahal ko,” saad ng dalaga. Naantig naman ang puso ng binata. “U-umalis ka na, Mahal ko. Pakiusap, umalis ka na,” nagsusumamong wika ng dalaga. Hindi malaman ni Zek kung maniniwala s
Chapter 65Habang patuloy silang naglalakbay, natanaw ng isang sundalo ni Zek na malapit na sila sa kabundukan ng Zeon, nang biglang may nakita silang mga anino sa ‘di kalayuan. Nagsenyas naman siya na tumigil sa paglalakad at sumigaw ito na humanda dahil may paparating. Agad naman na tinignan ng kasama niyang pantas kung ano o sino ang sumasalubong sa kanila. Gano’n na lang ang kaniyang gulat nang napagtanto niya na aswang ang mga ito. Agad na sumigaw ang pantas na ihanda ang mga pana.Kumuha naman ng teleskopyo si Zek para tignan ang nasa unahan. Gano’n na lamang ang kaniyang gulat nang makita ang mga nilalang kasama ang iba’t-ibang mangkukulam at mas lalong siyang nagulat nang makita ang isang pamilyar na babae, ito ang nangunguna sa lahat. Ito ang nag-uutos sa mga kasama na sumugod sa kanilang gawi. Nanlulumo naman niyang binitawan ang gamit niya, hindi niya alam ang gagawin kung kakalabanin niya ba ang babaeng mahal na mahal niya o haharapin ng buong tapang. Pero mas umaapaw ang
Chapter 64Hinanap ni Zek ang dalaga sa buong paligid pero ni anino ni Liah ay hindi niya nakita. Napa-isip siya tuloy kung panaginip lang ba ang nangyari kahapon? Sa sobrang lungkot, dismaya, pagod, pag-aalala at sobrang pangungulila niya sa dalaga ay naisip niyang ilusyon lang ba ang lahat? Napahilamos siya ng kaniyang mukha sa sobrang pagkabalisa. Gano’n pa man ay patuloy pa rin ang paghahanap niya sa buong palasyo. Kung sino-sino na ang kaniyang tinanong pero ni isa ay walang nakakita sa dalaga. Halos mabaliw na siya sa paghahanap.“Siguro ay ilusyon lang lahat ang nangyari,” aniya sa kaniyang sarili. Hindi na niya pinilit pa na makita ang dalaga, kailangan na nilang lumikas bago sumalakay muli ang mga masasamang nilalang. Bilang susunod na hari ay kailangan niyang patatagin ang sarili at malampasan ang lahat ng pagsubok. Tungkulin niyang pangalagaan ang mga tao.~**~
Chapter 63 “Huminahon ka, Atlas. May mga bisita tayo,” awat ng babae sa kaniyang asawa. Natauhan naman ang Alpha at agad na kumalma. Huminga ito nang malamin at kinuyom na lamang mga kamao. Napalunok naman ng laway si Tara, dahil pakiramdam niya ay siya ang may dahilan bakit nalaman ng pinuno ang nangyari sa anak nito. “Pumasok na muna sa iyong silid, Cyenthia,” ani ng ina nito. “Opo, Ina.” Agad siyang humakbang nang nakayuko at tumalikod, bakas ang sakit at hiya sa kaniyang buong mukha. “Humihingi po ako ng kapatawaran sa aking kalapastangan, Mahal na Pinuno,” ani naman ni Tara na hindi mapigilan ang kaba, nakayuko itong humihingi ng tawad sa mag-asawa. “Hindi mo kasalanan ang nangyari, Pantas. Sapagkat ay ikaw ang naging daan para malaman namin ang kaniyang kondisyon, hindi man lang namin na amoy na nagdadalang-tao pala siya
Verona Nasa bukana na sila ng teritoryo ng mga De Arcon, ngunit hindipa rinmapigilan ni Airah ang kabahan. Hinihintay nilang bumalik si Tara, ilan sandali pa ay humihingal na bumalik ang pantas,na pinagtaka ng dalawa, pawis na pawis ito at balisang-balisa. “Tara? Anong nangyayari sa iyo? Bakit ka pawis at nababalisa?” “Hindi ko nakita si Liah, Kamahalan. Pero sa tingin ko may hindi tama sa mga nangyayari.” “Anong ibig mong sabihin, Tamara?” alalang tanong ni Airah. “Sa ngayon hindi ko pa masasagot pero may hinala akong may gumagamit sa katawan ng prinsesa.” “Ano?!” bulalas ng dalawa. “Kailangan na natin humungi ng tulong sa mga De Arcon, dahil hindi ako maaring magkamali, may digmaan na darating.”