Pagdating sa condo unit, nasa pinto na niya ang babae. Nakasandal siya sa pader kasabay ang kanyang nakakapang-akit na tingin. Binasa niya ang kanyang labi ngunit iba ang gustong ipahiwatig nito.“Why are you late?” bulong ng babae habang hawak na ang butones ng damit ni Philip. Sinamyo ang bango ng lalaki na lalong nakapagpahina ng kanyang tuhod. Gusto na niyang umpisahan sa labas ang laban.“Bumili pa ako nito.” Itinaas ang kanyang kamay at ipinakita ang bote ng alak na dala niya. Bumulong si Philip sa babae at humagikhik ito na parang nakikiliti. “Early celebration isn’t bad. Matagal na rin akong hindi nakatikim kaya gusto kong lubusin natin ang gabing ito.”“May balak ka ha! But I am looking forward to taste you, Philip.” Walang sinayang na sandali ang dalawa. Kitang-kita ang labis na pananabik sa kanilang mga mata at tila ba uhaw na uhaw sa isa’t isa.“I will do the job for you.” Nagmamadaling tinanggal ni Veronica ang kanyang blouse. Anumang job ang ibig niyang sabihin ay wala n
Napabalikwas si Astrid sa pagkakatulog.“OMG! what time is it? I will be late.” magkahalong kaba ang kanyang naramdaman pero labas niya ng dining room ay ready na ang breakfast.“Good morning, Ma’am.” Sabay-sabay na kaway nina Luisa at Lara pati si Nurse. Isasama sila sa company. Tahimik na umupo ang security personnel at driver para makakain na rin sila.“Nasa bakuran po ang mga bata kasama nina Sir Felix at Ma’am Lynette.”“How about Pancho?” Ngunit walang sumagot sa tanong niya.Walang sinayang na sandali ang lahat. Halos handa na ang lahat. Late lang talagang gumising si Astrid.Pagkaupong-pagkaupo niya sa front seat ay tumunog ang kanyang phone.“Where were you? Bakit hindi mo ako ginising?”“Ginising kita, Honey but you made a weird sound. And I love it,” napakagat-labi si Astrid habang nakikinig sa kabilang linya. “Don’t ever seduced me during a holy hour,” napahagikhik pa ang babae kaya lihim na nagkatingin ang mga kasambahay.“Huwag kang gumawa ng kuwento. Hindi mo lang talag
Mahimbing ang tulog ni Astrid sa tabi ni Pancho. Iminulat ng lalaki ang kanyang mga mata at tinitigan ito sa dilim. Dahan-dahang hinawi ang mahabang buhok sa kanyang mukha na nasisinagan ng konting liwanag mula sa LED light sa ilalim ng kanilang kama.Wala nang makakahadlang sa kanilang magiging kasal. Hindi niya kailangang ipaalam sa lahat. Walang media ang magko-cover nito para lang walang aalalahanin si Pancho. Sa kabila ng pagiging abala niya sa maraming bagay, pinag-iisipan rin niya ang isang desisyon na sa tingin niya ay para sa ikabubuti ng lahat.“I still trust your decision, Iho.” Tinapik siya ng ama sa kanyang balikat. “Tutulungan kita.” Iyon ang sabi ng ama. “Alam kong mahal na mahal mo siya. Panahon na para ipakilala mo ang mga bata. Unti-unti, you will gain back her trust.”“What do you want me to do? Get rid of Castela?” Pero hindi sa paraang puwedeng gawin ni Philip. “Gagawa ako ng paraan para hindi na maging hadlang si Noel. Hangga’t nandiyan siya, Castela will always
Kinabukasan ay maagang darating si Pancho sa mansion upang sabayan sa almusal ang kanyang pamilya. Tahimik si Astrid habang magkatabi sila. Iniiwasan ni Astrid na magkasagutan sila pero wala siyang pinipiling lugar si Pancho kahit nasa dining table sila. Mabilis uminit ang ulo niya ngayon lalo na kung tahimik lang si Astrid.Pabagsak nitong isinara ang pinto ng kuwarto bago siya umalis patungong opisina. Ang mga bata ay nasa mini-library ng mansion.Matamang inikot ni Astrid ang kabuuan ng mansion. Namiss niya ang kanilang bakuran. Hindi niya namalayan ang pagtulo ng kanyang luha habang mag-isa lang sa lanai.“Astrid…” Pinahid niya kaagad ang luha nito.“Mama…” Nilapitan siya nito at niyakap ng mahigpit. “Nami-miss ko sila pero wala na akong magawa para sa kanila.”“Tahimik na siya, Iha. Huwag ka nang mag-alala sa kaniya. Wala kang kasalanan sa nangyari.” At mukhang malabong makamit ang hustisya para sa nangyari sa kanya at kay Marissa. Kung nahihirapan kang magdesisyon ngayon, we can
Dumagsa ang mga bulaklak sa kuwarto at sunud-sunod ang deliveries rito. Hindi nagpahuli ang Staff ng Creative Department na dating katrabaho ni Astrid.Dumating din ang Mama at Papa ni Pancho. Umupo muna sila sa sopa habang may iba pang bisitang kausap ang babae. Maraming kailangang ayusin si Pancho. Nais niyang ilagay sa tama ang lahat lalo pa’t kumpirmadong buhay si Astrid. Seryoso ang usapan nila sa mansion. Hindi na niya papayagang magkalayo pa sila sa pagkakataong iyon. Maging ang mga bata ay ayaw ng umalis sa tabi sa takot na baka siya maglahong parang bula.“Kumusta na, Iha ang pakiramdam mo?”“Okay na po ako, Mama.”“Salamat naman kung gayon.” Mahigpit na hinawakan ni Lynette ang kamay ng babae at tinapunan ng tingin ang anak na titig na titig sa pasyente. “Huwag mo na silang iiwan, Iha. Matanda na ako. Hindi ko maibibigay lahat ang pangangailangan nila. Maraming pagkukulang si Pancho at bigyan mo siya ng pagkakataon upang itama ang kanyang pagkakamali. Sa una pa lang ay alam
Naging successful ang operasyon ni Astird. Hindi na siya makakapagkaila kay Pancho. Wala na siyang alibi na masasabi. Hindi na rin itatago nina Lynette at Felix ang buong katotohanan sa kanilang anak.May mga pulis na nakabantay sa pinto ng pribadong kuwarto ni Astrid. Gugulong pa ang imbestigasyon sa pamamaril sa kanya and Castela was jailed immediately. Mahigpit na tinutulan ni Lynette na magpiyansa si Philip para sa kanyang asawa.“Mama, malala na po ang sakit ni Castela. Hindi ko siya hahayaan sa loob ng kulungan.”“Bring her straight to a mental facility. Ayokong gumawa na naman siya ng gulo kapag nakita niya si Astrid.”“Mama…”“Ang sabi ko ay nasabi ko na, Philip. Kapag gumawa pa ulit ng gulo si Castela, you’ll never know what I can do.” Hindi mawari ni Philip ang pahiwatig ng kanyang ina.Nakaligtas din si Philip sa aksidenteng pagputok ng baril ni Castela ng agawin nito ang baril sa asawa. Tinamaan siya sa hita.Sa roof top, masinsinang nagkausap ang dalawa habang pareho si