Share

TGM 4

"A-Ate? Huwag mo ako iwanan. Ate gumising ka!"

Napabalikwas naman ako dahil sa pag-iyak ng malakas ni Snow.

"Ate ko, buhay ka!"

Bigla kong binatukan si Snow. "Bakit naman ako mamamatay!" Inis na inirapan ko ito.

Napalinga naman ako sa aking paligid. "S-Sino ang nagdala sa akin sa hospital?"

"Hindi ko po alam. Basta tinawagan ako at sinabi sa akin nasa hospital ka. Then, may isang lalaki dito na inabangan ako at binigyan ng maraming pera."

"L-Lalaki? A-Anong itsura?" 

"Parang sanggano, Ate. Ang pangit."

Hindi si Tristan ang nagdala sa akin? 

"Ano po ba nangyari sa'yo, Ate? Sinaktan ka ba nila?"

"H-Hindi. Nabayaran na ba ang bill? Uuwi na tayo," saad ko sa kapatid ko at akmang tatayo nang naramdaman ko ang sakit sa bahaging gitna ng aking hita.

"Okay ka lang po?" Nag-alalang tanong ni Snow.

"Okay lang. Uwi na tayo." 

Sana nga hindi na kami magkikita ulit. Pero magdamag na nasa isip ko si Tristan. Nakalipas ang ilang araw, nagulat ako na tinanggal ako sa trabaho. Gusto ko sana kausapin si Sir Lewis, kaso nasa ibang daw ito. Halos nanlumo ako sa nangyari. Buti na lang may pera na binigay kay Snow galing ito sa sanggano na pangit daw. Iyon muna ang ginastos namin at naghanap ulit ako ng trabaho. Hindi puwede na titigil ako sa pagtatrabaho, nag-aaral pa ang kapatid ko. At nagbabayad din kami sa upa. 

Buti na lang may restaurant na tumanggap sa akin kahit waitress lang. Kakababa ko lang sa traysikel, humahangos naman akong sinalubong ni Snow.

"Ate! Ate!"

"Bakit?" Nag-alalang tanong ko rito.

"Ate pinalayas tayo sa apartment. Nagbayad naman tayo."

"A-Ano! A-Ang mga gamit natin? Nasaan?" Natatarantang tanong ko.

"Nasa labas po ng apartment. Huwag ka mag-alala, Ate. Nakahanap na ako ng lilipatan natin."

Napasapo naman ako sa aking ulo. Una, natanggal ako sa trabaho. Pangalawa, pinalayas kami sa inuupahan namin. Walang gagawa nito, kun'di si Tristan Geller na iyon!

"Snow, dito ka lang. May pupuntahan lang ako." Agad naman ako pumara ng traysikel.

"Ate ko, uwi ka kaagad ha!" Sigaw ni Snow habang papalayo ang sinasakyan kong traysikel. Napabuntong hininga naman ako. Nagpahatid ako kay Manong driver sa mansion ng demonyo na iyon.

Pagbaba ko sa traysikel sa tapat mismo ng mansion ni Tristan, nakilala agad ako ng guwardiya.

"Manong bayad ko po," aniya ko sa driver. Lumapit ako sa isang guwardiya.

"Nandiyan po ba si Tristan?" 

"Yes, Ma'am."

Agad naman ako pumasok sa loob. Napanganga naman ako na nakatingin sa apat na lalaki na kapareho ng kulay ng mga mata ni Tristan. Kahit ang magandang babae na kasama nila ganoon din. Jusko. Tao pa ba sila? Bakit ang gugwapo nila at ang babaeng kaedaran lang yata ni Snow, sobrang ganda niya. 

"Totoo ba ang kulay ng mga mata niyo?" Tanong ko na sa kanila.

"Yes. Magkakapatid kami." Nakangiti na sagot ng lalaking nakangiti ito sa akin. Humarap naman ako kay Tristan.

"Walang hiya ka! Ikaw ba may kagagawan kung bakit ako natanggal sa trabaho! Kung bakit pinaalis kami sa inuupahan namin?!"

Nakangisi lang ito sa akin.

"Ang sama ng ugali! Ang liit naman ng junior mo!" Sigaw ko rito. Narinig kong nagsitawanan ang mga kapatid niyang lalaki.

"What? Maliit ba kamo? Baka gusto mo ulit mawalan ng malay," aniya na kinalas ang kan'yang sinturon. Napaatras naman ako. Parang si Flash ako na sobrang bilis lumabas sa kan'yang mansion. Napahawak pa ako sa aking dibdib. 

Ang manyak talaga! Napapadyak pa ako sa sobrang inis kay Tristan. 

Lumipas ang araw nagulat ako na nasa harap ito ng pinto. 

"Paano mo nalaman ang tinitirhan namin?" Diin na tanong ko rito.

"Hindi mo ba ako papasukin?" Aniya na nakangisi ito.

"Hindi! Hindi mo na ako masisindak! Nang dahil sa'yo nawala ang trabaho ko!"

"Bibigyan kita ng panibagong trabaho," aniya at diretsong pumasok sa loob ng apartment namin. 

"May trabaho na ako. Umalis ka na, Tristan." Seryosong saad ko rito.

Humarap ito sa akin. "Paano kung bayaran ko ang lupang ito? Papaalisin mo pa rin ba ako?"

Napalunok naman ako. "G-Gaano ba kalaki ang kasalanan ko? Bakit sobra-sobra naman yata ang parusa mo sa akin?"

"Okay. Pumunta ako rito, dahil may sasabihin ako sa'yo. Be my wife, kung anong meron ako, pag-aari mo rin. Ako magpapaaral sa kapatid mo."

Nagimbal ako sa sinabi niya. "A-Ano? Alam mo ba ang sinasabi mo?"

"Yes," aniya na komportable itong umupo sa lumang sofa namin.

"A-Ayoko! Sa iba mo na lang i-alok iyan. Masaya kami ni Snow, kahit simpleng buhay lang, at kung ano man mayroon kami."

"Really? Kaya kita ipatanggal sa trabaho mo. Kaya kong bilhin ang apartment na inuupahan niyo."

Galit akong pumunta sa kan'yang harapan. "Bakit mo ginagawa ito? Kinuha mo na ang pagkababae ko! Hindi ka na nakakatuwa!"

"What I want, I get. Isa ka na diyan sa kununin ko."

Blangko ang kaniyang mukha na nakatitig sa akin. 

"H-Hindi mo ako mahal. Hindi ako mayaman. A-At hindi rin ako maganda. Bakit inaalok mo ako ng kasal?"

"Gusto ko magkaanak. May malalang sakit ang Daddy namin. Wala akong tiwala magkaroon ng anak sa ibang babae. Though, pinaimbistigahan ko ang family background mo."

"P-Puwede ba bigyan mo ako ng dalawang araw na mag-isip? Ang kasal hindi ito laro."

"Sure. Babalik ako after two days," aniya na tumayo ito at diretsong lumabas.

Gusto lang niya magkaroon ng anak? Naliito ako. Ano naman kaya ang laro ng lalaking ito. 

"Ate?" 

Napatingin ako kay Snow na kararating lamang.

"Anong nangyari sa'yo, bakit gan'yan ka maglakad?" Paika-ika kasi itong naglalakad. 

"P-Po. Wala po. M-Masakit lang ang paa ko," aniya na umiwas ito ng tingin.

"Sige na magbihis ka na, at maghahanda na ako ng hapunan natin." Tumango ito at tumalikod na pero agad ko itong tinawag ulit. "Snow?"

"P-Po?"

"Huwag mo sana ako biguin. Tapusin mo muna ang pag-aaral mo. Okay? Ayoko matulad ka sa ibang kabataan na maaga nabuntis."

"Y-Yes, Ate." Dali-daling itong tumalikod at pumunta sa kan'yang silid. Napabuntong hininga naman ako. 

Sana nga Snow, ayoko na maging miserable ang buhay mo balang araw. 

Halos hindi ako makatulog kakaisip sa gustong mangyari ni Tristan. Kahit sa trabaho, dala-dala ko pa rin. 

"Kath? Number four na table, pakidala nito," aniya sa akin ng head cook.

"Sige po." 

Panay ang buga ko ng hangin. Madali lang ang trabaho ko dito. Mabait ang mga kasamahan ko at ang manager.

Napatigil ako saglit dahil ang lamesa na hahatiran ko ng pagkain ay walang iba kun'di si Tristan. May mga kasama ito at talaga naman nagsusumigaw ang kaguwapohan nila. Halos sa kanila na ang tingin ng lahat.

Dahan-dahan kong nilapag ang mga pagkain sa lamesa.

"Wow. Parang mas masarap kainin ang waitress kaysa sa menu," aniya ng lalaking kulay asul ang mga mata.

"Fuck you, Bry. She's mine," saad naman ni Dos na nakatitig ito sa akin.

"May order pa po ba kayo mga Sir?" Seryosong tanong ko sa kanila.

"Wala na Miss. Niyaya lang kami ni Dos dito." Sagot naman ng lalaking na parang nakita ko na ito. Siya yata ang lalaking kasa-kasama ni Tristan noong nasampal ko ito.

Dali-daling bumalik na ako sa kusina. 

"Okay ka lang, Kath?" Tanong ng kasamahan kong waitress.

"O-Oo."

Alas kuwatro pa lang ng hapon, pinauwi na kaming lahat. Pagdating ko sa bahay, agad bumungad sa akin si Tristan at kausap ng kapatid ko.

"Ate, kanina pa po naghihintay sa'yo si Kuya green eyes." 

Huminga muna ako ng malalim. "Snow, pumunta ka muna sa silid mo."

"Opo."

Pagkatalikod ng kapatid ko, agad ko naman hinarap si Tristan.

"Hindi kita maintindihan. Kung gusto mo magkaroon ng anak, bakit hindi sa girlfriend mo?" Tanong ko rito.

"Hindi lang anak ang gusto ko. I want to settle down too. So? Two days is enough, yes or no," aniya na tumayo ito at lumapit sa akin.

"N-Natatakot ako. Hindi kita kilala."

Tinaasan lang niya ako ng kilay. "Makilala mo rin ako, once na maging asawa mo na ako."

"A-As in totoo ba na magpapakasal tayo? Iyong totoong mag-asawa talaga?"

"Yes." Hinawakan niya ang mukha ko at hinaplos ng daliri niya ang aking mga labi. "Pero huwag ka magkamali na lokohin ako kapag kasal na tayo. Masama akong magalit. Pumapatay ako." Paos na boses na saad niya.

Panay naman ang lunok ko ng aking laway. Ako pa talaga sasabihan niya na magloloko? 

"H-Huwag ka mag-alala, hindi ko gawain iyon. Oo nga pala, ayoko umalis dito. Kung gusto mo na magsama tayo, ikaw ang titira dito." Matigas na saad ko sa kan'ya

"Okay. Ipapaayos ko ang bahay na ito. Pero, pansamantala lang. Pagbibigyan kita na dito muna tayo," aniya at mariin akong hinalikan sa labi. "Bukas may susundo sa'yo dito." Mahinang saad niya.

"A-Anong meron bukas?"

"It's our wedding."

"A-Ano! Bakit ang bilis naman!" Natatarantang saad ko rito.

"Why not? Kung puwede naman na mas maaga, bakit pa patatagalin? Alis na ako, after ng wedding natin, lilipat na ako dito."

"B-Bahal ka. U-Umuwi ka na. Bukas na lang ulit tayo mag-usap."

"Dito ako matutulog. Bukas maaga akong aalis," aniya at umupo ulit ito sa sofa.

"H-Hindi pa tayo kasal!" Naiinis na sigaw ko rito.

Nakangising nakatitig ito sa akin. "Really, Kath. May nangyari na sa atin. Gan'yan ka pa makapag react?"

"A-Ang bibig mo! Baka marinig ka ng kapatid ko." Inis na tumalikod ako at dumiretso sa kusina. 

Naghanda ako ng lulutuin kong ulam. Hindi ko alam kong kumakain si Tristan ng pinakbet. Mayaman siya, baka pihikan ito sa ulam.

"What is that?" Tanong niya na nasa likuran ko ito.

"Pinakbet. Huwag ka mag-inarte kung ano ang ihain ko. Total ikaw naman mapilit na dito matulog sa bahay."

"It's okay. Basta mamaya, iba ikaw naman kakainin ko," aniya na nakayakap ito sa aking likuran. Nanigas naman ang buong katawan ko. 

Parang nabibingi na ako sa sobrang lakas ng kabog ng aking dibdib. "M-Magluluto ako. Puwede bang umalis ka muna." Mahinang sabi ko rito.

"Natatakot ka ba na mahimatay ulit? Di ba sabi mo, maliit ang junior ko?" Bulong niya sa akin.

"T-Tristan."

"Ginulo mo ang buhay ko, Kath. Hindi ko alam, kung bakit hindi ka na matanggal sa isipan ko. Ibang-iba ka sa mga nakilala kong mga babae," aniya at dahan-dahang pinihit akong paharap.

Ngayon ko lang ito natitigan ng mabuti. Sobrang tingkad ng kulay berde niyang mga mata. Sobrang tangos ng kan'yang ilong. Ang kinis ng mukha. Ang pula ng kan'yang mga labi at ang kapal sobra ng kan'yang mga kilay na iisipin mong ginuhit talaga ito. He's a Greek God. 

"T-Tristan."

"Pinagtatawan ako ng mga kaibigan ko. Binihag mo ako ng walang kahirap-hirap, Kath."

Hindi ko alam kong maniniwala ako. Natatakot ako. Hindi ko rin alam kung bakit pumayag ako sa gusto niya.

"S-Sana iba ka, Tristan. Ibibigay ko ang buong tiwala ko sa'yo."

Agad naman niya akong niyakap. "Thank you, baby."

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Wheng Dugang Peraz
hahaha natatawa ako na kinikilig kainis ka tristan ang sweet mo oy putek yan mukhang sa mental ang bagsak ko nito pag ganyan ka palagi ka sweet kay kath.........
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status