Share

THE GOVERNOR'S PRISON BRIDE
THE GOVERNOR'S PRISON BRIDE
Author: Yara Rolling

Chapter 1

Author: Yara Rolling
last update publish date: 2026-08-11 09:48:35

Thea's POV

“Pinatay ko ang kabit ng tatay ko.”

Iyon ang unang lumabas sa bibig ko nang maupo ako sa harap ng dalawang pulis na kanina pa seryosong nakatingin sa akin.

Hindi ko alam kung ilang minuto na kaming magkakaharap sa loob ng malamig na interrogation room. Isang bombilya lang ang nagbibigay ng liwanag sa puting kwartong walang ibang laman kundi isang bakal na mesa, tatlong upuan, at isang CCTV camera sa sulok ng kisame.

Tahimik ang paligid. Sa sobrang katahimikan, kahit ang mahinang pagpatak ng tubig ng aircon ay umaalingawngaw sa pandinig ko.

“Uulitin ko ang tanong,” sabi ng lalaking pulis habang pinipihit ang bolpen sa pagitan ng kaniyang mga daliri. “Ikaw ba ang pumatay kay Veronica Salcedo?”

Diretso ko siyang tiningnan.

“Wala akong babawiin.” Nagkatinginan silang dalawa.

“Inaamin ko ang lahat.”  Tumikhim ang babaeng pulis.

“Ibig mong sabihin, inaamin mong ikaw ang may gawa?” Paulit-ulit? Tss. Tumango na lang ako.

“Oo.” One word is enough para tuluyan na akong makulong. 

Hindi ako umiyak, hindi rin ako nanginig. Wala na akong natitirang emosyon matapos ang nangyari kanina, Ang tanging nasa isip ko ay ang mukha ng mama ko.

Ang mga matang namamaga sa kakaiyak, ang nanginginig niyang mga kamay habang pilit niyang pinupunasan ang dugong tumutulo sa labi niya, at ang mga salitang paulit-ulit niyang sinasabi sa akin sa pagitan ng paghikbi.

“Pasensya ka na, anak…”

“Pasensya ka na…”

Humigpit ang pagkakahawak ko sa kamay kong nakaposas.

Kung may pinagsisisihan man ako… Hindi iyon ang pagkamatay ni Veronica, kundi ang katotohanang bakit hindi ko ito ginawa nang mas maaga? 

Napapikit ako. Mali ’yon. Hindi ko dapat iniisip ang mga gano’n. Walang magandang naidudulot ang galit.

Alam kong mali ang ginawa ko. May namatay dahil sa akin. At kahit gaano kalalim ang rason ko, hindi na mababawi ang buhay na nawala. Pero never ko namang pinagsisihan na kahit papaano, naipagtanggol ko ang mama ko.

“Miss Valencia.” Nagmulat ako.

“Nais mo bang tawagan ang abogado mo?” Napangiti ako nang mapakla.

Abogado? Nagpapatawa ba siya?  Kayang bumili ng tatay ko ng sampung abogado sa loob ng isang oras at alam kong hindi siya magpapadala kahit na isa. 

Mas mahalaga sa kaniya ang sarili niyang pangalan kaysa sa sarili niyang anak. Mas gugustuhin niyang mabulok ako sa kulungan kaysa madungisan ang kaniyang imahe. Ganon siya kabuting ama.

“Hindi na.”

“Sigurado ka?”

“Oo.” Muling natahimik ang silid. Binuklat ng pulis ang ilang papel sa harap niya.

“Base sa mga ebidensya, natagpuan ang bangkay ni Veronica Salcedo sa Valencia Mansion bandang alas-singko ng hapon.”

Tumango ako.

“Nasa lugar ka ng krimen.”

“Oo.”

“Nakita ka ng mga kasambahay.”

“Oo.”

“Nakita rin ang kutsilyong ginamit sa krimen.”

Hindi ako nagsalita.

“Tumugma ang fingerprints mo.”

Tahimik pa rin ako.

“At kusa kang sumuko.”

“Oo.” Wala na silang kailangang imbestigahan pa. Ako na mismo ang sumagot sa lahat ng tanong. Hindi ko na sila pinahirapan pa dahil ayaw ko nang pahabain pa ang usapan,  Pagod na akong magsinungaling.

Labingwalong taon. Labingwalong taon kong pinanood ang mama kong unti-unting mawala dahil pinapatay siya ng sarili niyang asawa emotionally,  lagi siyang nambababae at lagi niyang iniinsulto ang mama ko na para bang hindi niya inanakan. Lumaki akong naririnig ang mga sigawan sa kabilang kwarto, mga basag na plato, mga  salitang hindi dapat sinasabi ng isang lalaking nangakong mamahalin ang kaniyang asawa.

Minsan, pitong taong gulang pa lang ako, nakita kong nakaluhod ang mama ko habang nakayuko sa harap ng tatay ko.

Hindi ko pa noon naiintindihan ang lahat; ang buong akala ko ay nag-aaway lang sila, pero malinaw kong naaalala ang sinabi ng mama ko.

“Ako na lang ang saktan mo… huwag lang ang anak natin.”

Hindi ko maintindihan kung bakit siya nagmamakaawa.

Hanggang sa lumaki ako. Hanggang sa nakita ko mismo kung paano siya sinampal ng tatay ko dahil lang sa hindi niya nagustuhan ang pagkaing inihanda, hanggang sa narinig kong sinabi ng tatay ko na isa lang siyang palamunin sa bahay, na wala siyang silbi, na kahit mamatay siya, kaya niyang magpakasal ulit kinabukasan.

Noong una, umiiyak pa ang mama ko.

Kalaunan, nasanay na lang siya, at iyon ang pinakamasakit. Ang makita ang taong pinakamamahal mo na unti-unting tinatanggap na normal ang pananakit. Maraming beses ko siyang sinabihang umalis na kami, pero palagi siyang tumatanggi.

“Mahal ko pa rin ang papa mo.”

Napakagat ako sa labi. Hindi ko kailanman naintindihan kung paano niya nagawang mahalin ang lalaking sumira sa kaniya.

Hanggang sa dumating si Veronica, kung dati ay palihim lang ang mga babae ng tatay ko… this time ay hindi na.  Si Veronica ang kauna-unahang ipinakilala niya sa buong bahay, na parang siya ang tunay na asawa. At ang mama ko? Isa na lamang kasambahay. Hindi ko malilimutan ang unang gabing umuwi siya sa mansyon. Nakasuot siya ng pulang bestida, may mamahaling alahas.

At ang ngiti niya… akala mo siya ang may-ari ng lahat. Lumapit siya sa mama ko habang hawak ang isang baso ng red wine.

“Mukhang ikaw ang legal wife.” Tumango lang ang mama ko. Ngumisi si Veronica.

“Talaga?” Napakunot-noo ang mama ko.

“Kasi sa itsura mo… akala ko katulong ka dito sa bahay na ’to.” Narinig ko ang mahihinang tawanan ng tatay ko.

Kasabay noon ang pagdurog ng puso ko, Hindi sumagot ang mama ko. Tahimik lang siyang yumuko.

Parang laging ganoon. Parang wala siyang karapatang ipagtanggol ang sarili niya.

Noong gabing iyon, unang beses kong naramdaman ang sobrang galit.

Galit na halos hindi ko makontrol, pero pinigilan ko ang sarili ko.

Dahil ayokong maging katulad ng tatay ko. Akala ko habang tumatagal lilipas din ang galit na ‘yon, ngunit nagkamali ako, mas lumala pa pala ito. 

Halos araw-araw nang nasa bahay si Veronica.

Ginagamit niya ang kwarto ng tatay ko.

Umuupo siya sa puwesto ng mama ko sa hapag-kainan. Inuutusan niya ang mga kasambahay na tawagin siyang “Ma’am.”

At ang pinakamasakit, hinahayaan lang iyon ng tatay ko. Isang gabi, nadatnan kong nakaupo ang mama ko sa madilim na kusina.

May hawak siyang litrato naming tatlo at tahimik siyang umiiyak.

Hindi niya ako narinig na pumasok. Hanggang sa maramdaman niyang niyakap ko siya mula sa likod.

“Mama…” Mabilis niyang pinunasan ang luha niya.

“Anak… bakit gising ka pa?”

“Hindi ka na naman kumain.” Ngumiti siya. Iyong ngiting pilit.

“Iinom na lang ako ng gatas.”

“Mama…”

“Okay lang ako.” Hindi siya okay, Matagal nang hindi. Niyakap ko siya nang mas mahigpit.

“Gusto mo… umalis na lang tayo rito.”

Tahimik siya. Pagkaraan ng ilang segundo, naramdaman kong umiiling siya.

“Wala tayong mapupuntahan.”

“Magtatrabaho ako.”

“Labingwalong taong gulang ka pa lang.”

“Kaya ko, Ma.” Hinaplos niya ang buhok ko.

“Ang gusto ko lang… maging masaya ka.”

Napapikit ako habang bumabalik ang alaalang iyon.

Hindi niya alam na handa akong gawin ang lahat para lang siya ang maging masaya kahit pa ang kapalit niyon ay ang sarili kong kalayaan.

Hindi ko lang alam na sa araw na pipiliin kong protektahan siya, pareho pala kaming mawawalan ng buhay na dati naming kilala. At nagsimula ang lahat noong araw na umuwi si Veronica sa bahay dala ang isang singsing.

Ngiting-ngiti siya habang ipinapakita iyon sa mama ko.

“Wala ka nang dahilan para manatili rito,” sabi niya. Napatingin ang mama ko sa kumikislap na diyamante sa daliri nito.

“Gregorio proposed to me.” Tumigil ang mundo ko. At sa mismong sandaling iyon, hindi ko pa alam na ilang oras na lang ang natitira bago ako maging isang mamamatay-tao.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • THE GOVERNOR'S PRISON BRIDE   Chapter 6

    Parang huminto ang mundo nang marinig ko ang sinabi ng lalaki.Hindi ko alam kung ano ang mas nakakatakot—ang baril na nakatutok sa ulo ni Mama o ang paraan ng pagtitig ni Alejandro sa akin. Ilang segundo kaming walang imik. Ito ang unang pagkakataon mula nang makilala ko siya, nawala ang pagiging kalmado niya. Nakita ko ang galit sa kaniyang mga mata, ngunit higit doon, nakita ko ang takot. Hindi para sa sarili niya. Para sa akin.“Mama!” sigaw ko.“Althea, huwag kang lalapit!” sigaw niya.“Tumahimik ka!” sigaw ng lalaking may hawak sa kaniya. Mas idiniin niya ang baril sa sentido ni Mama. “Isang maling galaw at matatapos ang lahat.”Nanlamig ang mga kamay ko. Gusto kong tumakbo papunta sa kaniya, pero alam kong isang maling hakbang lang ay maaaring maging huling sandali ng buhay niya. Dalawang taon kong iniyakan ang pagkamatay ng nanay ko. Dalawang taon kong pinaniwalaang hindi ko na siya muling makikita. At ngayong nasa harapan ko siya, ayaw ko na siyang mawala ulit.“Bitawan mo si

  • THE GOVERNOR'S PRISON BRIDE   Chapter 5

    Hindi ko maialis ang mga mata ko sa litrato. Si Mama? Buhay? Hindi ako makahinga, hindi ako makagalaw, parang may humawak sa puso ko at marahas itong pinisil. “Althea.” Narinig ko ang boses ni Alejandro, ngunit parang napakalayo nito. Hindi ko siya pinansin, hindi mawala ang tingin ko sa litrato. Si Mama ay nakatayo sa isang madilim na silid. Nakasuot siya ng simpleng damit at mas payat siya kumpara sa huling alaala ko, ngunit walang pagdududa Siya nga 'yon, ang mga mata, ang buhok, ang maliit na peklat sa baba na nakuha niya noong bata pa ako. “Impossible…” Nanginginig ang mga daliri ko habang paulit-ulit kong zino-zoom ang litrato. May petsa ito sa ibaba. August 21, 2026. Ngayon lang 'to, hindi ito kinuha ng dalawang taon na ang nakalipas, hindi ito lumang litrato kun'di ngayon mismo. “Althea, ibigay mo sa akin ang cellphone.” Mabilis akong napalingon kay Alejandro."Ang sabi nila, patay na siya." Nanatiling tahimik si Alejandro. “Sinabi nilang namatay siya noong nakakulon

  • THE GOVERNOR'S PRISON BRIDE   Chapter 4

    Hindi ko alam kung gaano katagal akong nakatitig sa kontratang nasa harapan ko.Ilang pahina lang iyon na may iilang salita at isang pirma. At pagkatapos kong pirmahan ito, magiging asawa na ako ng isang lalaking halos hindi ko kilala.Si Governor Alejandro Montenegro.Ang lalaking nagpalaya sa akin, ang lalaking may galit sa pamilya ko.At marahil ang lalaking may pinakamalaking dahilan para gamitin ako.“Kung hindi mo kayang pirmahan ngayon, puwede kang umalis.”Napatingin ako kay Alejandro. Nakatayo siya sa kabilang bahagi ng mesa, kalmado na parang hindi niya hinihingi sa akin ang buong buhay ko.“At ano ang mangyayari kapag umalis ako?”“Wala.”“Sigurado kayo?”“Oo.”“At hindi ninyo babawiin ang tulong ninyo sa kaso ko?”Hindi siya sumagot agad.Iyon ang dahilan kung bakit alam kong nagsisinungaling siya. “Legal na ang release mo,” sa wakas ay sagot niya. “Hindi kita basta-basta maibabalik sa kulungan.”“Pero?”Bahagya siyang napangiti. “Pero hindi ko sinabi na magiging madali an

  • THE GOVERNOR'S PRISON BRIDE   Chapter 3

    Hindi ako agad bumaba sa sasakyan. Ilang segundo akong nanatiling nakaupo habang nakatitig sa napakalaking gusaling nasa harapan namin. Mataas ang salaming dingding nito at sa bawat palapag ay makikita ang mga taong abala sa kanilang trabaho. Sa labas, may mga security guard na agad na lumapit nang makita ang sasakyan ni Governor Alejandro.Hindi ko alam kung saan niya ako dinala. Ang alam ko lang, mas lalo akong kinakabahan habang tumatagal.“Are you coming?” Napalingon ako sa kaniya. Nakabukas na ang pinto sa kaniyang bahagi. Nakatayo siya sa labas, ang isang kamay ay nakabulsa, habang hinihintay akong bumaba.“Nasaan tayo?”“Sa opisina ko.”“Para saan?”“May pag-uusapan tayo.” Napatingin ako sa kaniya nang matalim.“Kung tungkol ito sa tatay ko, wala akong pakialam sa kaniya.”Hindi siya sumagot. Sa halip, tumingin lamang siya sa akin na para bang sinusubukan niyang basahin ang nasa isip ko.“Alam ko.”“Kung gano’n, bakit mo pa 'ko dinala dito?”“Dahil kahit wala kang pakialam, bah

  • THE GOVERNOR'S PRISON BRIDE   Chapter 2

    Narinig kong magbukas ang rehas.Sa loob ng dalawang taon, paulit-ulit ko ‘yong naririnig tuwing umaga at gabi. Noon, ang ibig sabihin lang no’n ay panibagong araw ng pagkakakulong, pero ngayon, hindi ko maintindihan ang kabog sa dibdib ko.“Valencia.” Napatingin ako sa jail officer na nakatayo sa pintuan.“It’s your time.”Hindi ako agad tumayo. Nakatitig lang ako sa maliit na bintanang matagal kong naging koneksyon sa mundo. Doon ko pinanood ang ulan, ang pagsikat ng araw, at ang paglipad ng mga ibon na malayang nakakaalis kung kailan nila gusto.Ako lang ang hindi.Marahan kong hinawakan ang manipis na kumot na naging kasama ko sa loob ng dalawang taon. Hindi ko akalaing ma-mi-miss ko ang lugar na ilang beses kong isinumpa. Ayaw ko namang mag-stay dito, pero natatakot akong harapin ang mundong iniwan ko. Wala akong uuwian, wala akong sariling bahay, kinalimutan na rin ni Papa na may anak siyang nakakulong, at higit sa lahat, wala na si Mama.Mahigpit kong ipinikit ang mga mata ko.

  • THE GOVERNOR'S PRISON BRIDE   Chapter 1

    Thea's POV“Pinatay ko ang kabit ng tatay ko.”Iyon ang unang lumabas sa bibig ko nang maupo ako sa harap ng dalawang pulis na kanina pa seryosong nakatingin sa akin.Hindi ko alam kung ilang minuto na kaming magkakaharap sa loob ng malamig na interrogation room. Isang bombilya lang ang nagbibigay ng liwanag sa puting kwartong walang ibang laman kundi isang bakal na mesa, tatlong upuan, at isang CCTV camera sa sulok ng kisame.Tahimik ang paligid. Sa sobrang katahimikan, kahit ang mahinang pagpatak ng tubig ng aircon ay umaalingawngaw sa pandinig ko.“Uulitin ko ang tanong,” sabi ng lalaking pulis habang pinipihit ang bolpen sa pagitan ng kaniyang mga daliri. “Ikaw ba ang pumatay kay Veronica Salcedo?”Diretso ko siyang tiningnan.“Wala akong babawiin.” Nagkatinginan silang dalawa.“Inaamin ko ang lahat.” Tumikhim ang babaeng pulis.“Ibig mong sabihin, inaamin mong ikaw ang may gawa?” Paulit-ulit? Tss. Tumango na lang ako.“Oo.” One word is enough para tuluyan na akong makulong. Hin

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status