Share

Chapter 2

Author: Yara Rolling
last update publish date: 2026-08-11 10:57:35

Narinig kong magbukas ang rehas.

Sa loob ng dalawang taon, paulit-ulit ko ‘yong naririnig tuwing umaga at gabi. 

Noon, ang ibig sabihin lang no’n ay panibagong araw ng pagkakakulong, pero ngayon, hindi ko maintindihan ang kabog sa dibdib ko.

“Valencia.” Napatingin ako sa jail officer na nakatayo sa pintuan.

“It’s your time.”

Hindi ako agad tumayo. Nakatitig lang ako sa maliit na bintanang matagal kong naging koneksyon sa mundo. Doon ko pinanood ang ulan, ang pagsikat ng araw, at ang paglipad ng mga ibon na malayang nakakaalis kung kailan nila gusto.

Ako lang ang hindi.

Marahan kong hinawakan ang manipis na kumot na naging kasama ko sa loob ng dalawang taon. Hindi ko akalaing ma-mi-miss ko ang lugar na ilang beses kong isinumpa. Ayaw ko namang mag-stay dito, pero natatakot akong harapin ang mundong iniwan ko. Wala akong uuwian, wala akong sariling bahay, kinalimutan na rin ni Papa na may anak siyang nakakulong, at higit sa lahat, wala na si Mama.

Mahigpit kong ipinikit ang mga mata ko. Hanggang ngayon, sariwa pa rin sa akin ang araw na ibinalita sa akin ng prison social worker ang kaniyang pagkamatay. Tahimik lang siyang umupo sa harap ko noon.

Hindi na niya kailangang magsalita dahil nakita ko na agad sa mga mata niya ang balitang sisira sa natitira kong pagkatao.

“Althea…”

“Patay na po ba si Mama?”

Hindi ako nakasagot. Para akong binuhusan ng nagyeyelong tubig. Napaiyak ako noon nang walang tunog, ni hindi man lang ako nakapunta sa burol niya, ni hindi ko man lang nahawakan ang kamay niya at ni pagyakap hindi ko nagawa, hindi ko man lang siya naihatid sa huling hantungan.

At iyon ang parusang habang-buhay kong dadalhin. Huminga ako nang malalim bago ko isinukbit ang maliit kong bag sa balikat.

“Handa na po ako.” Mainit ang sikat ng araw sa labas kaya napapikit ako. Nakalimutan ko na kung gaano kasarap maramdaman ang hangin sa balat, kung gaano kabango ang amoy ng mga puno, ngunit hindi pa man ako nakakahinga nang maluwag, bumalik agad ang bigat sa dibdib ko.

“Siya na ‘yan!”

“Lumalabas na!”

“Althea! Dito!” Sunod-sunod ang sigaw. Parang mga alon na sabay-sabay humampas sa akin. Nag-uunahan ang mga reporter, may mga mikroponong halos isubsob sa mukha ko. Sunod-sunod ang pagpitik ng camera.

“May mensahe ka ba sa pamilya ng namatay?”

“Nagsisisi ka ba?”

“Totoo bang hindi ka pinatawad ng sarili mong ama?”

“Anong pakiramdam ng makalaya matapos ang dalawang taon?”

Hindi ako sumagot; sa halip, tahimik akong naglakad habang pilit kong iniiwas ang tingin sa mga kamera.

Sa gilid ng mata ko, may isang matandang babae na nakatingin sa akin.

Hindi siya reporter; hindi rin siya pulis. Tahimik lang niya akong pinagmasdan bago marahang umiling.

Hindi ko alam kung awa ba iyon o panghuhusga, pero pareho iyong masakit.

Maya-maya’y biglang umugong ang malalakas na makina at napalingon ang lahat, kabilang na ako.  Sunod-sunod na pumasok ang apat na itim na SUV.

Sabay-sabay ding tumigil ang mga ito sa harap ng prison gate. Tumahimik ang paligid, pati ang mga reporter ay tila nakalimutang magsalita.

Isa-isang bumaba ang mga bodyguard na nakasuot ng itim.

Mabilis nilang inayos ang paligid bago nila buksan ang p***o ng gitnang sasakyan. Isang pares ng itim na sapatos ang unang makikita, kasunod ang isang matangkad na lalaki.

Simple lang ang kulay-abong suit na suot niya, ngunit hindi maikakaila ang presensiya niya. He doesn’t need to speak for them to feel his authority dahil sa itsura pa lang niya alam mo nang kagalang-galang ito. 

“Governor Montenegro…” Mahinang bulong iyon ng isa sa mga reporter. Biglang nagsigawan ang mga tao.

“Governor!”

“Sir, isang statement lang!”

Hindi siya lumingon sa kanila. Diretso siyang naglakad papunta sa akin. Tumigil siya nang ilang hakbang ang layo sa akin at tahimik akong tiningnan. Ganoon din ako sa kaniya. Hindi ko alam kung bakit, pero pakiramdam ko matagal na niya akong kilala.

Samantalang ako, ngayon ko lang siya nakita nang ganito kalapit. Mas bata pala siyang tingnan kaysa sa nakikita ko sa TV. Ngunit makikita mo sa mga mata niya na parang walang puwang ang awa.

“Miss Althea Valencia.” Malalim ang boses niya. Hindi ito malakas, just enough to silence the surroundings. 

“Ako si Alejandro Montenegro.”

“Kilala ko kayo.” Bahagya siyang tumango.

“Mas mabuti.”

“May kailangan ba kayo sa akin?”

Hindi siya agad sumagot. Sa halip ay bahagya niyang sinulyapan ang mga reporter na patuloy kaming kinukunan ng larawan.

“Hindi dito.” Hindi ako gumalaw.

“Wala akong dahilan para sumama sa inyo.”

Saglit siyang natahimik. Pagkatapos ay nagsalita sa boses na halos kami lang ang nakakarinig.

“Kung wala ako, hindi ka lalabas ng kulungan ngayong araw.”

Nanlaki ang mga mata ko.

“Ano?”

“Tama ang narinig mo.” Naramdaman kong bumilis ang tibok ng puso ko.

“Anong ibig ninyong sabihin?”

“Sumama ka sa akin.”

“Hindi ninyo pa rin po sinasagot ang tanong ko.”

Sa unang pagkakataon, bahagyang nagbago ang ekspresyon niya.

“May mga bagay na hindi dapat pinag-uusapan sa harap ng media.”

Napatingin ako sa paligid. Ay oo nga pala!  Lahat ng kamera ay nakatutok pa rin sa amin. Kung tatanggi ako, panibagong balita na naman ako bukas.

Kung sasama ako naman ako, hindi ko alam kung ano ang naghihintay sa akin.

“Wala na rin naman akong mapupuntahan,” mahina kong sabi.

Parang narinig niya iyon, kaya tahimik siyang tumalikod. Binuksan ng bodyguard ang p***o ng sasakyan. Ilang segundo akong nag-alinlangan bago tuluyang sumakay. Tahimik ang loob ng sasakyan.

Napakalayo nito sa selda na kinalakihan ko sa loob ng dalawang taon.

Malamig ang air-conditioning, amoy mamahaling leather ang bawat upuan.

Sa pagitan namin ay isang maliit na mesa na may bote ng tubig.

Hindi ko iyon ginalaw. Sa bintana, makikita mong  mabilis na lumalayo ang kulungan dahil unti-unti itong lumiit hanggang sa tuluyan nang mawala sa paningin ko.

Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa o matakot.

Tahimik lang si Governor Alejandro. May binabasa siyang ilang dokumento.

Hindi man lang niya ako tinitingnan, kaya ako na ang unang nagsalita.

“Bakit ako?” Hindi siya sumagot.

“Bakit ninyo ako pinalaya?” Ibinaba niya ang hawak niyang folder.

“Nagbabasa ako ng buong kaso mo.”Napakurap ako.

“Lahat, mula sa police report, hanggang sa court transcripts, pati ang psychological evaluation mo.”

Napalunok ako.

“Bakit?”

“Dahil gusto kong malaman kung anong klaseng tao ang makakaharap ko.”

“At ano naman ang nalaman ninyo?” Matagal bago siya sumagot.

“Hindi ikaw ang inaasahan ko.”

Napakunot-noo ako.

“Hindi ko alam kung insulto ba iyon o papuri.”

“Wala sa dalawa.”Tahimik siyang tumingin sa bintana.

“Isa lang ‘yong obserbasyon.”

Hindi ko siya maintindihan. Lalong hindi ko maintindihan kung bakit isang gobernador ang mag-aaksaya ng oras sa isang dating bilanggo.

Makalipas ang ilang minutong katahimikan, muli siyang nagsalita.

“Alam mo ba kung bakit napaaga ang paglaya mo?” Umiling ako.

“Hindi.”

“Ako ang nag-ayos ng lahat.” Parang tumigil ang oras.

“Kayo?”

“Oo.”

“Eh bakit nga?” Nagtagpo ang mga mata namin at sa unang pagkakataon may nakita akong emosyon sa malamig niyang mga mata.

Hindi galit, hindi rin awa, kun’di isang sugat na hindi pa naghihilom.

“May utang ang ama mo.” Napatitig ako sa kaniya.

“At panahon na para singilin ko iyon.” Napahigpit ang hawak ko sa bag.

“Wala na akong relasyon sa tatay ko.”

“Hindi ganoon ang tingin ng mundo.” Tumigil ang sasakyan sa harap ng isang napakalaking gusali. Dahan-dahang bumukas ang p***o at bago siya bumaba, muli niya akong tiningnan.

“Althea.”

“Ito ang huling pagkakataon na makakapili ka.”

“Kasi kapag sinabi ko na ang gusto ko…” Hindi siya ngumiti.

“…wala ka nang babalikan.”

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • THE GOVERNOR'S PRISON BRIDE   Chapter 6

    Parang huminto ang mundo nang marinig ko ang sinabi ng lalaki.Hindi ko alam kung ano ang mas nakakatakot—ang baril na nakatutok sa ulo ni Mama o ang paraan ng pagtitig ni Alejandro sa akin. Ilang segundo kaming walang imik. Ito ang unang pagkakataon mula nang makilala ko siya, nawala ang pagiging kalmado niya. Nakita ko ang galit sa kaniyang mga mata, ngunit higit doon, nakita ko ang takot. Hindi para sa sarili niya. Para sa akin.“Mama!” sigaw ko.“Althea, huwag kang lalapit!” sigaw niya.“Tumahimik ka!” sigaw ng lalaking may hawak sa kaniya. Mas idiniin niya ang baril sa sentido ni Mama. “Isang maling galaw at matatapos ang lahat.”Nanlamig ang mga kamay ko. Gusto kong tumakbo papunta sa kaniya, pero alam kong isang maling hakbang lang ay maaaring maging huling sandali ng buhay niya. Dalawang taon kong iniyakan ang pagkamatay ng nanay ko. Dalawang taon kong pinaniwalaang hindi ko na siya muling makikita. At ngayong nasa harapan ko siya, ayaw ko na siyang mawala ulit.“Bitawan mo si

  • THE GOVERNOR'S PRISON BRIDE   Chapter 5

    Hindi ko maialis ang mga mata ko sa litrato. Si Mama? Buhay? Hindi ako makahinga, hindi ako makagalaw, parang may humawak sa puso ko at marahas itong pinisil. “Althea.” Narinig ko ang boses ni Alejandro, ngunit parang napakalayo nito. Hindi ko siya pinansin, hindi mawala ang tingin ko sa litrato. Si Mama ay nakatayo sa isang madilim na silid. Nakasuot siya ng simpleng damit at mas payat siya kumpara sa huling alaala ko, ngunit walang pagdududa Siya nga 'yon, ang mga mata, ang buhok, ang maliit na peklat sa baba na nakuha niya noong bata pa ako. “Impossible…” Nanginginig ang mga daliri ko habang paulit-ulit kong zino-zoom ang litrato. May petsa ito sa ibaba. August 21, 2026. Ngayon lang 'to, hindi ito kinuha ng dalawang taon na ang nakalipas, hindi ito lumang litrato kun'di ngayon mismo. “Althea, ibigay mo sa akin ang cellphone.” Mabilis akong napalingon kay Alejandro."Ang sabi nila, patay na siya." Nanatiling tahimik si Alejandro. “Sinabi nilang namatay siya noong nakakulon

  • THE GOVERNOR'S PRISON BRIDE   Chapter 4

    Hindi ko alam kung gaano katagal akong nakatitig sa kontratang nasa harapan ko.Ilang pahina lang iyon na may iilang salita at isang pirma. At pagkatapos kong pirmahan ito, magiging asawa na ako ng isang lalaking halos hindi ko kilala.Si Governor Alejandro Montenegro.Ang lalaking nagpalaya sa akin, ang lalaking may galit sa pamilya ko.At marahil ang lalaking may pinakamalaking dahilan para gamitin ako.“Kung hindi mo kayang pirmahan ngayon, puwede kang umalis.”Napatingin ako kay Alejandro. Nakatayo siya sa kabilang bahagi ng mesa, kalmado na parang hindi niya hinihingi sa akin ang buong buhay ko.“At ano ang mangyayari kapag umalis ako?”“Wala.”“Sigurado kayo?”“Oo.”“At hindi ninyo babawiin ang tulong ninyo sa kaso ko?”Hindi siya sumagot agad.Iyon ang dahilan kung bakit alam kong nagsisinungaling siya. “Legal na ang release mo,” sa wakas ay sagot niya. “Hindi kita basta-basta maibabalik sa kulungan.”“Pero?”Bahagya siyang napangiti. “Pero hindi ko sinabi na magiging madali an

  • THE GOVERNOR'S PRISON BRIDE   Chapter 3

    Hindi ako agad bumaba sa sasakyan. Ilang segundo akong nanatiling nakaupo habang nakatitig sa napakalaking gusaling nasa harapan namin. Mataas ang salaming dingding nito at sa bawat palapag ay makikita ang mga taong abala sa kanilang trabaho. Sa labas, may mga security guard na agad na lumapit nang makita ang sasakyan ni Governor Alejandro.Hindi ko alam kung saan niya ako dinala. Ang alam ko lang, mas lalo akong kinakabahan habang tumatagal.“Are you coming?” Napalingon ako sa kaniya. Nakabukas na ang pinto sa kaniyang bahagi. Nakatayo siya sa labas, ang isang kamay ay nakabulsa, habang hinihintay akong bumaba.“Nasaan tayo?”“Sa opisina ko.”“Para saan?”“May pag-uusapan tayo.” Napatingin ako sa kaniya nang matalim.“Kung tungkol ito sa tatay ko, wala akong pakialam sa kaniya.”Hindi siya sumagot. Sa halip, tumingin lamang siya sa akin na para bang sinusubukan niyang basahin ang nasa isip ko.“Alam ko.”“Kung gano’n, bakit mo pa 'ko dinala dito?”“Dahil kahit wala kang pakialam, bah

  • THE GOVERNOR'S PRISON BRIDE   Chapter 2

    Narinig kong magbukas ang rehas.Sa loob ng dalawang taon, paulit-ulit ko ‘yong naririnig tuwing umaga at gabi. Noon, ang ibig sabihin lang no’n ay panibagong araw ng pagkakakulong, pero ngayon, hindi ko maintindihan ang kabog sa dibdib ko.“Valencia.” Napatingin ako sa jail officer na nakatayo sa pintuan.“It’s your time.”Hindi ako agad tumayo. Nakatitig lang ako sa maliit na bintanang matagal kong naging koneksyon sa mundo. Doon ko pinanood ang ulan, ang pagsikat ng araw, at ang paglipad ng mga ibon na malayang nakakaalis kung kailan nila gusto.Ako lang ang hindi.Marahan kong hinawakan ang manipis na kumot na naging kasama ko sa loob ng dalawang taon. Hindi ko akalaing ma-mi-miss ko ang lugar na ilang beses kong isinumpa. Ayaw ko namang mag-stay dito, pero natatakot akong harapin ang mundong iniwan ko. Wala akong uuwian, wala akong sariling bahay, kinalimutan na rin ni Papa na may anak siyang nakakulong, at higit sa lahat, wala na si Mama.Mahigpit kong ipinikit ang mga mata ko.

  • THE GOVERNOR'S PRISON BRIDE   Chapter 1

    Thea's POV“Pinatay ko ang kabit ng tatay ko.”Iyon ang unang lumabas sa bibig ko nang maupo ako sa harap ng dalawang pulis na kanina pa seryosong nakatingin sa akin.Hindi ko alam kung ilang minuto na kaming magkakaharap sa loob ng malamig na interrogation room. Isang bombilya lang ang nagbibigay ng liwanag sa puting kwartong walang ibang laman kundi isang bakal na mesa, tatlong upuan, at isang CCTV camera sa sulok ng kisame.Tahimik ang paligid. Sa sobrang katahimikan, kahit ang mahinang pagpatak ng tubig ng aircon ay umaalingawngaw sa pandinig ko.“Uulitin ko ang tanong,” sabi ng lalaking pulis habang pinipihit ang bolpen sa pagitan ng kaniyang mga daliri. “Ikaw ba ang pumatay kay Veronica Salcedo?”Diretso ko siyang tiningnan.“Wala akong babawiin.” Nagkatinginan silang dalawa.“Inaamin ko ang lahat.” Tumikhim ang babaeng pulis.“Ibig mong sabihin, inaamin mong ikaw ang may gawa?” Paulit-ulit? Tss. Tumango na lang ako.“Oo.” One word is enough para tuluyan na akong makulong. Hin

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status